Mga Hula sa Bibliya Tungkol kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) (bahagi 1 ng 4): Na Pinatotohanan ng mga Iskolar
Paglalarawanˇ: Ang mga ebidensya mula sa bibliya na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi bulaang propeta. Bahagi 1: Ang mga sagabal na hinaharap sa pagtalakay ng propesiya sa bibliya, at salaysay ng ilan sa mga iskolar na nagpatunay na si Muhammad ( sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay tinukoy sa Bibliya.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Oct 2022
- Nag-print: 7
- Tumingin: 12,487 (araw-araw na pamantayan: 8)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Pangunahing mga Isyu
Ang Bibliya ay banal na kasulatan ng mga Hudaismo at Kristyanismo. Ang Bibliya ng Kristiyano ay binubuo ng Lumang Tipan at Bagong Tipan, at kabilang din ang Romanong Katoliko at Silangang bersyong Orthodox ng Lumang Tipan na bahagyang mas malaki dahil sa kanilang pagtanggap ng mga ilang aklat na hindi tinanggap na banal na kasulatan ng mga Protestante. Ang Bibliya ng mga Hudyo ay naglalakip lamang ng mga aklat na kilala ng mga Kristiyano sa tawag na Lumang Tipan. Bukod dito, ang pag-kakaayos at panuntunan ng mga Hudyo at Kristyano ay malaki ang pagkakaiba. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nahulaan na sa parehong tipan, sa Luma at sa Bagong Tipan.
Si Hesus at ang mga apostol ay pinaniniwalaang nagsasalita ng lenggwaheng Arameo. Ang Aramaeo (Aramaic) ay patuloy na malawakang ginamit hanggang sa AD 650, na kung saan ito ay napalitan ng Arabe. [2] Ang pangkasalukuyang Bibliya gayunpaman ay hindi base sa manuskritong Arameo o Aramaic, kunn hindi sa Greko at Latin na bersyon.Ang pagsipi sa mga propesiya sa Bibliya ay hindi ibig sabihin ng pagtanggap ng mga Muslim sa pangkasalukuyang Bibliya sa kabuuan nito bilang kapahayagan ng Diyos. Para sa Islamikong paniniwala sa mga nakaraang mga banal na aklat, ay pumindot lamang [dito].
Ito ay hindi paunang kondisyon ng pangtanggap na ang isang propeta ay hinulaan ng isang naunang propeta. Si Moises ay propeta na ipinadala kay Paraon kahit na siya ay hindi nahulaan ng sinuman sa mga nauna sa kanya. Si propeta Abraham ay propeta ng Diyos na ipinadala kay Namrod, gayon pa man ay walang nakahula ng kanyang pagdating. Sina Propeta Noah, Lot at iba pa ay totoong mga propeta ng Diyos. Gayon pa man ay hindi sila nahulaan. Ang patunay ng pagiging isang totoong propeta ay hindi limitado sa mga naunang propesiya, kundi kasama nito ang aktuwal na mensahe na dinala niya, mga himala at iba pa.
Ang pagtalakay sa mga propesiya ay isang masilang bagay. Nangangailangan ito ng pagsala mula sa mga bersyon ng Bibliya at pagsasalin, sa bagong tuklas na manuskrito at pagsisiyasat sa Hebrew, Greko at Arameo (Aramaic) na mga salita at pag iimbistiga sa mga ito. Nagiging mas mahirap ang gawain lalo: na "bago ang pag-imprinta (noong ika 15 siglo), lahat ng mga kopya ng mga Bibliya ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng mga teksto." [3] Ito ay hindi madaling paksa para sa ordinaryong mga tao. Sa kadahilanang ito, ang pinaka mainam na testimonya ay mula sa sinauna at makabagong mga bihasa sa mga lugar na tumanggap o kumilala sa propesiya.
Mayroon kaming mga talaan ng mga naunang Hudyo at mga Kristyano, parehong monghe at mga rabbis ( guro ng mga Hudyo), kung saan sila ay nagpatunay na si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay ang katuparan ng mga tiyak na propesiya sa Bibliya. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng mga tao na ito.
Ang Hinihintay na Propeta
Bago ang Islam ang mga Hudyo at Kristyano ng bansang Arabya ay naghihintay ng propeta. Bago pa man ang paglitaw ni propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang bansang Arabya ay tahanan na ng mga Hudyo at Kristyano at mga Paganong Arabo, na kung minsan ay nagdidigmaan sa bawat isa. Ang mga Hudyo at Kristyano ay sasabihin: "Napapanahon na ng paglitaw ng propetang hindi makabasa at makasulat, na siyang magbabalik ng relihiyon ni Abraham. Sasama kami sa kanyang hanay, at magsasagawa kami ng matinding pakikidigma laban sa inyo." Noong si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay lumitaw na, ang ilan sa kanila ay naniwala sa kanya, at ang iba ay tumanggi. Kung kaya't ang Diyos ay nagwika:
"At nang dumating sa kanila ang Aklat (Quran) mula sa Diyos na nagpapatunay sa anumang nasa kanila (Torah at Injeel), bagama't noon ay kanilang ipinapanalangin ang tagumpay laban sa mga hindi naniniwala - subalit [noon], ng may dumating sa kanila na kanilang nakilala (si Muhammad bilang sugo), sila ay hindi naniwala rito; kaya ang sumpa ng Allah ay para sa mga di-naniniwala." (Quran 2:89)
Ang unang nagpatunay sa propesiya kay propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay si Buhaira, isang Kristyanong Monghe, na nakakaalam ng pagiging propeta ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) noong siya ay bata pa lamang ay kanyang sinabihan ang tyuhin ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):
"…Isang malaking swerte ang naka-antabay sa hinaharap para sa iyong pamangkin, kaya iuwi mo na agad siya sa iyong tahanan."[4]
Ang pangalawang nagpatunay ay si Waraqah ibn Nawfal, isang Kristyanong iskolar na namatay pagkaraan ng isang masinsinang pagpupulong kasama si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Si Waraqah ay nagpatunay na si propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay siyang propeta sa kanyang panahon, at nakatanggap ng tiyak na kapahayagan katulad ng kapahayagan kay Moises at Hesus.[5]
Ang mga Hudyo sa Madina ay sabik na sabik sa paghihintay sa pagdating ng propeta. Ang pangatlo at pang-apat na nagpatunay ay ang kanilang dalawang tanyag na Hudyong rabbis, na sina Abdullah ibn Salam at Mukhayriq.[6]
Ang pang-anim at pang-pitong nagpatunay ay pawang mga Hudyong rabbis rin na taga bansang Yemen, sina Wahb ibn Munabbih at Ka'ab Al-Ahbar (d. 656 CE). Natagpuan ni Ka'ab ang mahabang mga sipi ng papuri at ang paglalarawan ng propetang hinulaan ni Moises sa Bibliya.[7]
Ang Quran ay nagwika:
"At hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga pantas mula sa angkan ng Israel ay nakakaalam (na ito ay katotohanan)?"(Quran 26:197)
Mga Talababa:
[1] "Bible." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9079096)
[2] "Aramaic language." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9009190)
[3] "biblical literature." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-73396)
[4] ‘Muhammad: Ang Kanyang Buhay base sa mga Sinaunang Mga Mapagkukunan’ ni Martin Lings, p. 29. ‘Sirat Rasul Allah’ by Ibn Ishaq translated by A. Guillame, p. 79-81. ‘Ang Quran At Ang Mga Ebanghelyo: Isang Paghahambing na Pag-aaral,’ p. 46 by Dr. Muhammad Abu Laylah of Azhar University.
[5] ‘Muhammad: Ang Kanyang Buhay base sa mga Sinaunang Mga Mapagkukunan’ ni Martin Lings, p. 35.
[6] ‘Ang Quran At Ang Mga Ebanghelyo: Isang Paghahambing na Pag-aaral,’ p. 47 ni Dr. Muhammad Abu Laylah of Azhar University.
[7] ‘Ang Quran At Ang Mga Ebanghelyo: Isang Paghahambing na Pag-aaral ,’ p. 47-48 ni Dr. Muhammad Abu Laylah of Azhar University.
Magdagdag ng komento