Ang Pag-aangkin ni Muhammad (pbuh) sa Pagkapropeta (bahagi 3 ng 3): Siya ba ay Baliw, isang Manunula, o isang Salamangkero?

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang katibayan para sa pag-aangkin na si Muhammad (pbuh) ay isang tunay na propeta at hindi isang impostor. 3 bahagi: Isang pagtanaw sa ilang iba pang maling pag-aangkin na ginawa ng mga kritiko.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 24 Jun 2019
  • Nag-print: 9
  • Tumingin: 5,426 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Siya ba ay Baliw?

Sa isang taong nakitungo sa may sakit sa pag-iisip ay Malalaman na ang mga tao ay maaaring makilala sa pamamagitan ng kanilang mga sintomas. Si Muhammad (pbuh) ay hindi nakitaan ng sintomas ng pagkabaliw sa anumang pagkakataon sa kanyang buhay. Walang kaibigan, asawa, o miyembro ng pamilya na pinaghinalaan o iniwan siya dahil sa pagkabaliw. Para naman sa mga epekto ng mga kapahayagan sa Propeta, tulad ng pagpapawis at mga katulad nito, ito ay dahil sa tindi ng Mensahe na kailangan niyang pasanin at hindi dahil sa anumang pagsumpong ng epilepsiya o sintomas ng pagkabaliw...

Sa kabaliktaran o ang katotohanan, si Muhammad (pbuh) ay nangaral ng mahabang panahon at nagdala ng isang Batas na bago o di kilala sa pagiging ganap at pagiging sopistikado nito para sa mga sinaunang Arabo. Kung ang propeta ay baliw, ito ay maaring naging malinaw sa mga nakapaligid sa kanya sa isang punto sa loob ng dalawampu't tatlong taon. Kailan ba sa kasaysayan na ang isang baliw na tao ay ipinangaral ang kanyang mensahe upang sambahin ang Isang Diyos sa loob ng sampung taon, tatlo sa mga taon na ito ay kanilang ginugol kasama ang kanyang mga kasamahan sa pagiging exile o ipinatapon sa ibang lugar, at sa kalaunan ay naging pinuno sa kanyang sariling mga lupain? Sinong baliw na tao ang nakapukaw sa mga puso at isipan ng mga taong nakatagpo sa kanya at nakuha ang pag-galang ng kanyang mga kalaban?

Higit pa rito, ang kanyang pinakamalalapit na mga kasama, sina Abu Bakr at Omar ay kinilala dahil sa kanilang mga kakayahan, kamaharlikahan, kasanayan, at kapinuhan. Sila ay nakahandang ilaan ang anuman para sa relihiyong kanyang dinala. Sa isang pagkakataon, si Abu Bakr ay dinala ang lahat ng kanyang materyal na pag-aari kay Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, at nang tanungin kung ano ang iniwan niya para sa kanyang pamilya, siya ay tumugon, 'Ako ay nag-iwan para sa kanila ng Diyos at ng Kanyang Sugo!'

Si Abu Bakr, isang mangangalakal sa propesyon, matapos na mahalal na tagapamahala ng lahat ng mga Arabo pagkatapos ni Muhammad (pbuh), ay gumugugol lamang ng dalawang dirham para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya!

Si Omar ay naging pinuno ng Arabya pagkatapos ni Abu Bakr at sinakop ang Syria, Ehipto, at nasakop ang Imperyo ng Persia at Roma. Siya ay isang taong kilala sa kanyang makatarungang hustisya. Paanong ang isang tao ay makapagsasabing ang mga taong ito ay sumusunod sa isang sira ang isip na indibidwal?

Ang Diyos ay nagmumungkahi: tumayo sa harapan ng Diyos nang walang pagkiling o mga mapanghinalang paniniwala, at talakayin ito sa ibang tao o pag-isipan mo ito mismo, ang propetang ito ay hindi baliw, siya ay matino sa kasalukuyan tulad ng pagkakilala mo sa kanya sa loob ng apatnapung taon (bago siya naging propeta).

"Ipagbadya sa kanila: 'Ako ay nagpapayo lamang sa inyo ng isang bagay: Maging (laging matatakutin na) manindigan sa harapan ng Diyos, maging kayo ay kasama ng iba o nag-iisa; at pagkaraan, kayo ay mag-isip sa inyong mga sarili (na) walang kabaliwan (sa propetang ito,) inyong kapwa-tao: siya ay isa lamang tagapagbabala para sa inyo sa matinding parusa na darating.'" (Quran 34:46)

Ang mga sinaunang taga-Makkah ay tumanggi sa kanyang panawagan dahil sa maka-tribong pagkiling o kadahilanan, at hindi sila makatotohanan sa kanilang mga paratang sa kanyang pagkabaliw. Kahit sa kasalukuyan, maraming mga tao ang tumatangging tanggapin si Muhammad (pbuh) bilang isang propeta dahil lamang sa siya ay isang Arabo at pinasasaya ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsasabi na siya nga ay nababaliw o nagsisilbi para sa diyablo. Ang kanilang poot sa mga Arabo ay naisalin sa kanilang pagtanggi kay Muhammad (pbuh), kahit na ang Diyos ay nagsabi:

"Ngunit, siya (na tinatawag ninyong baliw na manunula) ay nagdala ng katotohanan; at pinatutunayan ang katotohanan na (anumang itinuro ng mga nauna) tagapagdala ng mensahe ng Diyos (na kanilang itinuro)." (Quran 37:37)

Bagama't ang mga paganong Arabo ay kilalang-kilala rin si Muhammad (pbuh), ipinupukol pa rin nila ang mga paratang ng pagkabaliw sa kanya, sapagkat itinuring nila na ang kanyang relihiyon ay isang kalapastanganan laban sa tradisyon ng kanilang mga ninuno.

"At kapag ang Aming mga talata ay binibigkas sa kanila bilang malilinaw na katibayan, sila ay nagsasabi: 'Ito ay isang tao lamang na naghahangad na kayo ay hadlangan mula sa anupamang dating sinasamba ng inyong mga ninuno.' At sila ay nagsasabi: 'Ito ay isang kinathang kasinungalingan.' At yaong mga di-naniwala ay nagsasabi sa anumang katotohanang dumating sa kanila na: 'Ito ay isang malinaw na salamangka!' At wala Kaming ipinagkaloob sa kanila mula sa mga kasulatan na maaari nilang pag-aralan, at hindi Kami nagpadala sa kanila ng una o bago sa iyo, (O Muhammad), ng isang tagapagbabala. At yaong mga nauna sa kanila ay nagtakwil, at sila (mga mamamayan ng Makkah) ay hindi nakaabot ng kahit ika-sampung bahagi ng anumang Aming ipinagkaloob sa kanila. Ngunit sila (ito ay mga naunang mamamayan) ay nagtakwil sa Aking mga sugo, kaya't pagmasdan kung gaano (katindi) ang Aking kaparusahan." (Quran 34:43-45)

Siya ba ay Isang Manunula?

Ang Diyos ay binanggit ang kanilang paratang sa Quran at tumugon dito:

"O sila baga ay nagsasabi (tungkol sa iyo), na 'Isang makata kung kanino kami ay naghihintay ng isang kapahamakan pagdating ng panahon?' Sabihin, 'Magsipaghintay, sapagkat tunay ngang Ako, ay kasama ninyo, na kabilang sa naghihintay.' O ang kanila bang pag-iisip ang siyang nag-uutos upang (sabihin) ito, o sila ba ay mga taong palasuway? O sila ba ay nagsasabing, 'Siya ang kumatha nito?' Bagkus sila ay hindi naniniwala! (Quran 52:30-33)

Ang Diyos ay inilarawan ang mga manunula sa panahong yaon upang ang Propeta ay maihambing sa kanila:

"At sa mga manunula - (sila, rin, ay mahilig linlangin ang kanilang mga sarili: kung kaya, tanging) silang mga nalihis sa matinding pagkakamali ang magsisisunod sa kanila. Hindi baga ninyo napagmamasdan na sila ay mga litong nagpapaikot-ikot lang sa mga lambak (sa mga salita at mga iniisip)[1], at sila ay (madalas) na nagsasabi ng anumang hindi nila ginagawa (o nadarama)? (karamihan sa kanila ay ganitong uri -) sagipin silang nakamit ang pananampalataya, at gumagawa ng mga gawaing matuwid, at nag-aalaala sa Diyos nang palagian, at ipinagtatanggol ang kanilang mga sarili (lamang) pagkaraang sila ay ginawan ng kamalian, at (nagtititiwala sa pangako ng Diyos na) yaong mga gumagawa ng kamalian pagdating ng panahon ay kanilang mapag-aalaman kung anong uri ng pagbabalik sila ay ibabalik!" (Quran 26:224-227)

Ang mga manunulang Arabyano ay ang pinakamalayo sa katotohanan, kung pag-uusapan ang alak, pagkapalikero, digmaan, at paglilibang, hindi katulad ng Propeta na nag-anyaya sa mabuting asal, naglilingkod sa Diyos, at tumutulong sa mahihirap. Si Muhammad (pbuh) ay sinusunod ang kanyang sariling mga turo bago ang sinuman na hindi katulad ng mga manunula ng nakaraan o mga pilosopo sa kasalukuyan.

Ang Quran na binigkas ng Propeta ay hindi katulad ng anumang tula sa estilo nito. Ang mga Arabo ng panahong yaon ay may mahigpit na mga patakaran patungkol sa ritmo, rimo (rhyme), pantig at pagtatapos sa bawat taludtod ng tula. Ang Quran ay hindi sumunod sa alinman sa mga patakaran na kilala sa panahong yaon, ngunit sa parehong pagkakataon, ito ay nakahihigit sa anumang uri ng teksto na kung saan ang mga Arabo ay hindi pa ito kailanman narinig. Ang ilan sa kanila sa katunayan ay naging mga Muslim matapos na marinig lamang ang ilang mga talata ng Quran, dahil sa kanilang tiyak na kaalaman na ang pinagmulan ng isang bagay na napakaganda ay hindi maaaring maging sa anumang nilikha..

Si Muhammad (pbuh) ay hindi nakilala na umaakda ng isang tula bago ang Islam o pagkatapos ng pagkapropeta. Sa halip, ang Propeta ay may matinding hindi pagkagusto dito. Ang tinipong mga pahayag niya, na tinatawag na Sunna, ay masigasig na napanatili at ganap na naiiba sa nilalamang panitikan kaysa sa Quran. Ang bahay-imbakan ng mga tulang Arabe ay hindi naglalaman ng anumang mga paraedo ni Muhammad (pbuh).

Siya ba ay Isang Salamangkero?

Si Propetang Muhammad (pbuh) ay hindi kailanman natuto o nagsagawa ng salamangka. Sa kabaligtaran, kinondena niya ang pagsasagawa ng salamangka at tinuruan ang kanyang mga tagasunod kung paano humingi ng pagpapakupkop laban dito.

Ang mga salamangkero ay may malakas na ugnayan sa diyablo. Ang kanilang pagsasama ay nagbibigay-daan sa kanila na linlangin ang mga tao. Ang mga diyablo ay nagpapalaganap ng mga kasinungalingan, kasalanan, kalaswaan, imoralidad, kasamaan, at sinisira nila ang mga pamilya. Nilinaw ng Quran kung kanino bumababa ang mga diyablo:

"Nais mo bang ipaalam ko sa iyo kung saan ang mga diyablo bumababa? Sila ay bumababa sa bawat makasalanang sinungaling. Ipinararating nila ang kanilang naririnig at karamihan sa kanila ay mga sinungaling." (Quran 26:221-223)

Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tanyag at kilalang tao na may integridad na totoo sa kanyang salita na hindi pa nakilalang nagsinungaling. Nag-uutos siya ng mabuting ugali at kagandahang asal. Walang salamangkero sa kasaysayan ng mundo ang nakapagdala ng isang banal na kasulatan tulad ng Quran o isang Batas na katulad ng sa kanya.



Mga talababa:

[1]Ang idyomatikong parirala ay ginamit, tulad ng itinuturo ng karamihan sa mga komentarista, upang ilarawan ang isang nalilito o walang layunin - at madalas na sinasalungat ang sarili - sa paglalaro ng mga salita at kaisipan. Sa kontekstong ito nangangahulugan itong bigyang-diin ang pagkakaiba sa pagitan ng katumpakan ng Quran, na malaya mula sa lahat ng mga panloob na pagkakasalungat, at ang kalabuan na madalas na likas o matatagpuan sa tula.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat