Paniniwala sa Buhay Pagkatapos ng Kamatayan
Paglalarawanˇ: Ang kahalagahan ng paniniwala sa kabilang-buhay, gayundin ang isang sulyap sa isang naghihintay sa libangan, sa Araw ng Paghuhukom, at ang Huling Wakas.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 1
- Tumingin: 8,739 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Lahat ng tao ay takot sa kamatayan at tama nga naman. Ang kawalan ng katiyakan sa kung ano ang nasa likod nito ay nakakatakot. Ito’y maaaring sa lahat ng relihiyon, ang Islam lang, ang nagbibigay ng pinaka malinaw na detalye kung anong kasunod matapos ang kamatayan at ang nasa likod nito. Ipinakikita sa Islam na ang kamatayan ay likas na hangganan para sa susunod na yugto ng buhay.
Pinanghahawakan nang doktrina ng Islam na ang buhay ng tao ay patuloy matapos ang kamatayan ng katawang tao sa anyo nang espiritwal at pisikal na pagkabuhay muli. May isang direktang ugnayan sa pagitan ng gawain sa mundo at ang kabilang buhay. Ang kabilang buhay ay isang gantimpala o kaparusahan na kung saan ito ay katumbas sa mga makamundong gawain. Ang Araw ay darating kapag ang Diyos ay binuhay muli at tinipon ang una at ang huling nilikha Niya at hahatulan ang lahat nang makatarungan. Ang mga tao ay papasok sa kanilang panghuling hantungan, sa Impiyerno o Paraiso. Ang paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan ay humihimok sa atin upang gumawa ng tama at upang umiwas tayo sa kasalanan. Sa buhay na ito, minsan ating nakikita na ang mga relihiyoso ay nagdurusa at ang mga hindi relihiyoso ay nagpapakaligaya. Ang lahat ay hahatulan balang araw at ang katarungan ay igagawad.
Ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay isa sa anim na mga pangunahing paniniwala na kinakailangan ng isang Muslim upang makumpleto ang kanyang pananampalataya. Ang pagtanggi nito ay nangangahulugang ang iba pang paniniwala ay walang saysay. Isipin mo ang isang bata na hindi niya inilalagay ang kaniyang kamay sa apoy. Hindi niya ito gagawin sapagka’t siya ay tiyak na ang kaniyang kamay ay mapapaso. Pagdating naman sa gawaing pampaaralan, ang nasabing bata ay maaaring makararamdam ng katamaran dahil hindi niya lubos na nauunawaan kung ano ang halaga na maibibigay sa kaniya nito sa hinaharap. Ngayon, isipin mo ang isang taong hindi naniniwala sa Araw ng Paghuhukom. Maisasaalang-alang niya ba ang paniniwala sa Diyos at sa buhay na hinimok sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos para sa anumang kapalit nito? Para sa kaniya, maaaring ang pagsunod sa Diyos ay may halaga, o di kaya’y ang pagsuway ay may pinsala. Paano, pagkatapos, makapamumuhay ba siya ng may kamalayan sa Diyos sa kaniyang buhay? Ano ang maggaganyak sa kanya para magpakahirap sa mga pagsubok ng buhay nang may pagtitiis at iwasan ang pang-aabuso sa mga makamundong kaligayahan. At kung ang isang tao ay hindi sumusunod sa landas ng Diyos, kung gayon ano ang silbi ng kaniyang paniniwala sa Diyos, kung meron man siya nito? Ang pagtanggap o pagtanggi sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay marahil isang pinakamalaking dahilan sa pagpapasiya ng daan na tatahakin ng isang indibidwal sa kaniyang buhay.
Ang patay ay magkakaroon ng patuloy at may malay na pag-iral na uri sa libangan. Ang mga muslim ay naniniwala na, sa pagkamatay, ang isang tao ay pumapasok sa kalagitnaang yugto ng buhay sa pagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay. Maraming kaganapan ang darating dito sa bagong “mundo”, tulad ng “pagsubok” sa libingan, kung saan lahat ay tatanungin ng mga anghel tungkol sa kanilang relihiyon, propeta, at Panginoon. Ang libingan ay isang hardin ng Paraiso o isang hukay ng Impiyerno; ang mga anghel ng awa ay bibisita sa kaluluwa ng mga mananampalataya at ang mga anghel ng kaparusahan ay darating sa mga di-sumasampalataya.
Ang muling pagkabuhay ay susunod sa pagtatapos ng mundo. Ang Diyos ay mag-uutos sa maringal na anghel upang hipan ang Trumpeta. Sa kanyang unang pag-ihip, lahat ng mga naninirahan sa langit at sa lupa ay matutumba na lang ng hindi namamalayan, maliban na lamang sa mga iniligtas ng Diyos. Ang mundo ay magiging patag, ang mga bundok ay magiging alikabok, ang langit ay magkakalamat, ang mga planeta ay magkakawatak-watak, at ang libingan ay itataob.
Ang mga tao ay muling bubuhayin sa kanilang orihinal na pisikal na anyo sa kanilang mga libingan, sa gayong kalagayan ay susunod na ang pangatlo at huling yugto ng buhay. Ang Trumpeta ay muling hihipan kung saan ang mga tao ay babangon mula sa kanilang mga libingan, sa muling pagkabuhay!
Ang Diyos ay titipunin ang lahat ng sangkatauhan, mga mananampalataya at mga lapastangan, mga engkanto, mga demonyo, pati na rin ang mga mababangis na hayop. Ito ang magiging pangkalahatang pagtitipon. Ang mga anghel ay ihahatid ang lahat ng sangkatuhan na walang saplot, hindi tuli, nakayapak para sa Pinaka Malaking Pagtitipon. Ang mga tao ay nakatayong naghihintay para sa paghuhukom at ang sangkatauhan ay pagpapawisan sa matinding paghihirap. Ang mga matutuwid ay makakasilong sa ilalim ng lilim ng Dakilang Trono ng Diyos.
Kapag ang kondisyon ay hindi na makakayanan, ang mga tao ay hihiling sa mga propeta at mga sugo upang mamagitan sa Diyos para sa kanila upang mailigtas sila mula sa paghihirap.
Ang mga timbangan ay ihahanda at ang mga gawa ng mga tao ay titimbangin. Ang pagsisiwalat sa Talaan ng mga gawain na isinagawa sa buhay na ito ang susunod. Ang sinumang makatatanggap ng kaniyang talaan sa kaniyang kanang kamay ay magkakaroon ng madaling pagsusulit. Siya ay masayang babalik sa kaniyang pamilya. Subali’t ang taong tatanggap ng kaniyang talaan sa kaniyang kaliwang kamay ay nanaisin niyang siya’y patay na lamang habang siya ay itatapon sa Apoy ng Impyerno. Siya ay mapupuno ng pagsisisi at kaniyang idadalangin na sana’y hindi napasakanya ang kaniyang Talaan o sana’y hindi na lamang niya ito nalaman.
Pagkatapos ay hahatulan ng Diyos ang kaniyang mga nilikha. Sa kanila’y ipapaalala at sasabihin ang kanilang mga nagawang kabutihan at kasamaan. Ang mga nanampalataya ay aamin sa kanilang mga pagkakamali at sila’y mapapatawad. Ang mga hindi sumampalataya ay walang kabutihang gawa na maihahayag sapagka’t ang hindi sumasampalataya ay ipinagkakaloob na sa kanila ang gantimpala sa buhay na ito. Ilan sa mga pantas ang nagbigay ng opinyon na ang kaparusahan ng hindi sumasampalataya ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng kaniyang mga mabubuting gawa, maliban na lamang sa kaparusahan para sa matinding kasalanan sa hindi pagsampalataya.
Ang Siraat ay isang tulay na kung saan inilagay sa ibabaw ng impyerno patungo sa Paraiso. Sinuman ang naging matatag sa relihiyon ng kaniyang Diyos sa buhay na ito ay madali niyang magagawa ang pagtawid dito.
Ang Paraiso at Impyerno ay ang huling hantungan para sa mga mananampalataya at mga suwail pagkatapos ng Huling Paghuhukom. Ang mga ito ay totoo at walang hangganan. Ang kaligayahan ng mga tao sa Paraiso ay hindi natatapos at ang mga kaparusahan ng hindi sumampalataya na hinatulan sa Impyerno ay hindi titigil. Hindi tulad ng hindi siguradong sistema sa ibang sistema ng pananampalataya, ang Islamikong pananaw ay mas sopistikado at nagbibigay ng isang mataas na antas sa banal na katarungan. Ito ay makikita sa dalawang paraan. Una, ang ilan sa mga mananampalataya ay maaaring magdusa sa Impiyerno dahil sa walang kapatawaran, at pangunahing mga kasalanan. Pangalawa, ang Paraiso at Impiyerno ay may parehong mga antas.
Ang Paraiso ay walang hanggang hardin ng kaligayahang pisikal at kalugurang pang-espiritwal. Walang magiging pagdurusa at ang masidhing pagnanais ng katawan ay masasapatan. Ang lahat ng kagustuhan ay makakamit. Mga palasyo, mga tagapaglingkod, kayamanan, ilog ng alak, gatas at pulut-pukyutan, kaaya-ayang pabango, mga nakaaantig na boses, mga dalisay na kapareha para sa intimasiya; ang isang tao ay hindi kailanman maiinip o magkakaroon siya ng kakuntentuhan!
Ang pinakamainam na kaligayahan, bagaman, ay ang makita ang kanilang Diyos na kung saan ipinagkait sa mga hindi sumampalataya.
Ang Impiyerno ay isang nakagigimbal na lugar sa kaparusahan para sa mga hindi sumampalataya at para sa paglilinis ng kasalanan ng mga sumampalataya. Kahirapan at kaparusahan para sa mga katawan at kaluluwa, na sinusunog sa pamamagitan ng apoy, tubig na kumukulo upang inumin, nakapapasong pagkain upang kainin, mga kadena, at pumupulupot na mga haligi ng apoy. Ang mga hindi sumampalataya ay magdurusa ng walang hanggan sa Impiyerno, samantala ang mga makasalanang nanampalataya ay sa kalaunan iaahon mula sa Impiyerno at ipapasok sa Paraiso.
Ang Paraiso ay para sa mga taong sumamba sa Nag-iisang Diyos, naniwala at sumunod sa Propeta, at namuhay ng matiwasay ayon sa mga katuruan ng banal na Aklat.
Ang Impiyerno ay ang huling hantungan para sa mga taong itinanggi ang Diyos, sumamba sa ibang nilalang bukod sa Diyos, itinanggi ang mga panawagan ng mga Propeta, at humantong sa pagiging makasalanan, walang pagbabalik-loob sa buhay.
Magdagdag ng komento