Ang mga Himala ni Muhammad (bahagi 3 ng 3)
Paglalarawanˇ: Isang pagbanggit sa iba pang mga himala ng Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya.
- Ni IslamReligion.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 May 2014
- Nag-print: 5
- Tumingin: 5,374 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
May iba pang maraming mga himala ang isinagawa ng Propeta na may kaugnayan sa Sunnah, o pinagsama-samang mga salawikain, mga gawa, mga pagpapahintulot, at mga paglalarawan sa Propeta.
Ang Punungkahoy
Sa Madinah si Muhammad (pbuh) ay naghahatid ng mga sermon na sumasandal sa isang tuod ng puno. Nang nadagdagan ang bilang ng mga mananamba, may nagmungkahi na gumawa ng isang pulpito upang magamit niya ito sa paghahatid ng sermon. Nang maitayo ang pulpito, iniwan niya ang punungkahoy. Si Abdullah ibn Umar, isa sa mga kasamahan, ay nagbigay ng patotoong pagpapahayag sa nangyari. Ang puno ay narinig na umiiyak, ang Propeta ng awa ay nagpunta patungo dito at inalo ito ng kanyang kamay.[1]
Ang kaganapan ay napatunayan din sa pamamagitan ng patotoong pagpapahayag na naihatid sa paglipas ng panahon na may isang walang patid na kawin ng mga maaasahang pantas (hadith mutawatir).[2]
Ang Pag-agos ng Tubig
Mahigit sa isang pagkakataon nang ang mga tao ay talagang nangangailangan ng tubig, ang pagpapala ni Muhammad (pbuh) ay nakapagligtas sa kanila. Nang ika-anim na taon pagkatapos niyang lumikas mula sa Makkah patungong Madinah, si Muhammad (pbuh) ay nagtungo sa Makkah para sa peregrinasyon. Sa mahabang paglalakbay sa disyerto, ang mga tao ay naubusan lahat ng tubig, tanging ang Propeta lamang ang natirahan ng isang sisidlan na kung saan siya nagsagawa ng paghuhugas para sa mga pagdarasal. Inilagay niya ang kanyang kamay sa sisidlan, nagsimulang dumaloy ang tubig mula sa pagitan ng kanyang mga daliri. Si Jabir ibn Abdullah, na nakasaksi ng himala, ay nagsabing sa labinlimang daang lalaki, 'Kami ay uminom nito at nagsagawa ng paghuhugas.'[3] Ang himala ay naihatid sa isang walang patid na kawin ng maasahang mga pantas (hadith mutawatir).[4]
Ang pagbukal ng tubig mula sa mga daliri ng isang tao ay katulad ng himala kay Moises na pagbukal ng tubig mula sa isang bato.
Pagpapala ng Pagkain
Mahigit sa isang pagkakataon, ang Propeta ay pinagpapala ang pagkain sa pamamagitan ng pagdarasal o paghaplos nito upang ang lahat ng naroroon ay mabusog. Ito ay nangyari sa mga oras na ang kakulangan sa pagkain at tubig ay pinagdurusahan ng mga Muslim.[5] Ang mga himalang ito ay naganap sa harapan ng malaking bilang ng mga tao, kaya, hindi maaaring itanggi.
Pagpapagaling sa may Sakit
Si Abdullah ibn Ateek ay nabalian ng kanyang binti at si Muhammad (pbuh) ay pinagaling ito sa pamamagitan ng paghaplos ng kanyang kamay dito. Sinabi ni Abdullah na para bang walang nangyari dito! Ang taong nakasaksi ng himala ay isa pang kasamahan, na si Bara 'ibn Azib (Saheeh Al-Bukhari)
Sa paglalakbay ni Khyber, si Muhammad (pbuh) ay pinagaling ang nananakit na mga mata ni Ali ibn Abi Talib sa harap ng isang buong hukbo. Si Ali, pagkalipas ng maraming taon, ay naging ika-apat na kalipa ng mga Muslim.[6]
Pagpapalayas ng mga Diyablo
Si Muhammad (pbuh) ay nagpalayas ng diyablo mula sa isang batang lalaki na dinala ng kanyang ina para pagalingin siya sa pagsasabi ng, 'Lumabas ka! Ako si Muhammad, ang Sugo ng Diyos! 'Sinabi ng babae,' Sa pamamagitan Niyang nagpadala sa iyo ng katotohanan, hindi na kami nakakita ng anumang masama sa kanya mula noon.’[7]
Tinugong mga Panalangin
(1) Ang ina ni Abu Hurayra, isang malapit na kasamahan ni Muhammad (pbuh), ay nagsasalita ng masasama tungkol sa Islam at sa propeta nito. Isang araw, si Abu Hurayra ay dumating na umiiyak kay Muhammad (pbuh) at hiniling sa kanya na ipanalangin ang kanyang ina na maligtas. Si Muhammad (pbuh) ay nanalangin at nang si Abu Hurayra ay umuwi sa bahay ay natagpuan niya ang kanyang ina na handa nang tanggapin ang Islam. Siya ay nagpatotoo ng pananampalataya sa harap ng kanyang anak at niyakap ang Islam.[8]
(2) Si Jarir ibn Abdullah ay inatasan ng Propeta na alisin ang isang idolo mula sa isang lupain na sinasamba maliban sa Diyos, ngunit dumaing siya na hindi niya makayang sumakay ng kabayo nang maayos! Ang Propeta ay nanalangin para sa kanya, 'O Diyos, gawin siyang isang malakas na mangangabayo at gawin siyang isang naggagabay at ginabayan.' Si Jarir ay pinatotohanang hindi na siya nahulog sa kanyang kabayo pagkatapos ng propeta manalangin para sa kanya.[9]
(3) Ang mga tao ay tinamaan ng taggutom sa panahon ni Muhammad (pbuh). Isang lalaki ang tumindig habang si Muhammad (pbuh) ay naghahatid ng lingguhang sermon ng Biyernes, at sinabing, 'O Sugo ng Diyos, ang aming kayamanan ay nangawasak at ang aming mga anak ay nagugutom. Manalangin ka sa Diyos para sa amin.' Si Muhammad (pbuh) ay itinaas ang kanyang mga kamay sa panalangin.
Ang mga dumalo ay nagpapatotoo na nang sandaling kanyang ibinaba ang kanyang mga kamay pagkatapos manalangin, ang mga ulap ay nagsimulang mabuo na parang mga bundok!
Nang sandaling bumaba siya mula sa kanyang pulpito, ang ulan ay tumatagaktak mula sa kanyang balbas!
Umulan ng buong linggo hanggang sa sumunod na Biyernes!
Ang parehong lalaki ay tumindig muli, na dumaing sa oras na yaon, 'O Sugo ng Diyos, ang aming mga gusali ay nabuwal, at ang aming mga pag-aari ay lumubog, manalangin ka sa Diyos para sa amin!'
Si Muhammad (pbuh) ay itinaas ang kanyang mga kamay at nanalangin, 'O Diyos, (hayaang umulan) sa paligid namin, ngunit hindi sa amin.'
Ang mga dumalo ay nagpapatotoo na ang mga ulap ay umurong sa dakong kanyang itinuro, ang lungsod ng Madinah ay napaligiran ng mga ulap, ngunit walang mga ulap sa ibabaw nito![10]
(4) Narito ang magandang kwento ni Jabir. Pinatototohanan niya na isang beses, ang kamelyong kanyang sinasakyan ay napagod dahil ginagamit ito sa pagdadala ng tubig. Ang kamelyo ay hindi halos makalakad. Si Muhammad (pbuh) ay nagtanong sa kanya, 'Ano ang nangyari sa iyong kamelyo?' Nang malaman kung gaano napagod ang kaawa-awang kamelyo, si Muhammad (pbuh) ay ipinanalangin ang kaawa-awang hayop at mula sa oras na iyon, si Jabir ay nagsabi sa amin, na ang kamelyo ay palaging nauuna sa iba! Si Muhammad (pbuh) ay tinanong si Jabir, 'Papaano mo natagpuan ang iyong kamelyo?' Si Jabir ay sumagot, 'Mabuti na, ang iyong pagpapala ay umabot na!' Si Muhammad (pbuh) ay binili ang kamelyo mula kay Jabir agad-agad para sa isang pirasong ginto, na may kasunduang si Jabir ay sasakyan ito pabalik ng lungsod! Pagdating sa Madinah, si Jabir ay nagsabing kanyang dinala ang kamelyo kay Muhammad (pbuh) kinabukasan. Si Muhammad (pbuh) ay binigyan siya ng isang pirasong ginto at sinabi sa kanya na panatilihin sa kanya ang kamelyo![11]
Hindi kataka-taka kung bakit ang mga nakapaligid sa kanya na nakasaksi ng mga dakilang himala na ginawa sa harap ng mga tao ay nakatitiyak sa kanyang pagkatotoo.
Mga talababa:
[1] Saheeh Al-Bukhari.
[2]Mahigit sa sampung mga kasamahan ng Propeta ay naghatid ng mga ulat sa kanilang pagkadinig sa pag-iyak ng punungkahoy. Tingnan ang the works of hadith masters: ‘Azhar al-Mutanathira fi al-Ahadith al-Mutawatira’ ni al-Suyuti p. 267, ‘Nadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 209 at ‘Shamail’ ng Ibn Kathir p. 239.
[3] Saheeh Al-Bukhari.
[4]Mahigit sa sampung mga kasamahan ng Propeta ay naghatid ng mga ulat sa kanilang pagkadinig sa pag-iyak ng punungkahoy. Tingnan ang ‘Nadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 212, ‘al-Shifa’ ni Qadhi Iyyad, bol 1, p. 405, at ‘al-’Ilaam’ ni al-Qurtubi, p. 352.
[5] Saheeh Al-Bukhari. Tingnan ang ‘Nadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 213 at ‘al-Shifa’ ni Qadhi Iyyad, bol 1, p. 419.
[6] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[7] Musnad ni Imam Ahmad, at Sharh’ al-Sunnah
[8] Saheeh Muslim
[9] Saheeh Muslim
[10]Saheeh Al-Bukhar, Saheeh Muslim
[11] Saheeh Al-Bukhar, Saheeh Muslim
Magdagdag ng komento