Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 4 ng 7): Mga Pagbabago sa mga Kasulatang Kristyano
Paglalarawanˇ: Ang mga Kasulatang Kristiyano ay "itinuwid" ng mga Kristiyanong Orthodox.
- Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 03 Aug 2009
- Nag-print: 8
- Tumingin: 10,276 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Si Victor Tununensis, isang ika-anim na siglong Aprikanong Obispo ay iniulat sa kanyang Salaysay (566 AD) na noong si Messala ay naging isang kasangguni sa Costantinople (506 AD), siya ay "nag-alis at nagwasto" ng Ebanghelyo ng mga Hentil na isinulat ng mga taong itinuturing na mga mangmang ng Emperador na si Anastasius. Ang paliwanag, ay dahil sinadya itong baguhin upang umayon sa ika-anim na siglong Kristiyanismo na naiiba sa Kristiyanismo ng mga nakaraang siglo.[1]
Ang mga "pagwawasto" ay hindi lamang noong mga unang siglo pagkatapos ni Kristo. Sinabi ni Sir Higgins:
“Imposibleng itanggi na ang mga Monghe ng Bendictine ng St. Maur, na kung saan ang wikang Latin at Griyego ay umabot, ay napaka-talino at talentado, pati na rin ang maraming kinatawan ng mga tao. Sa Cleland's 'Life of Lanfranc, ang Arsobispo ng Canterbury', ay ang sumusunod na sinabi: Si 'Lanfranc, na isang Benedictine na Monghe, Arsobispo ng Canterbury, ay natagpuan ang mga Banal na Kasulatan na napinsala ng mga taga-kopya, nagsariling sikap upang iwasto ang mga ito, pati na rin ang mga sinulat ng mga pari, na sang-ayon sa pananampalataya ng orthodox, secundum fidem orthodoxam.”[2]
Sa madaling salita, ang mga banal na kasulatan ay muling isinulat upang sumunod sa mga doktrina ng ika-labing isa at ikalabing dalawang siglo, at maging ang mga sinulat ng mga unang pari ng simbahan ay "iwinasto" upang ang mga pagbabago ay hindi matuklasan. Patuloy na sinabi ni Sir Higgins, "Ang parehong banal na Protestante ay may kahanga-hangang sinabi na ganito: 'Bahagyang tinutukoy nito sa akin ang pag-amin, na ang orthodox sa ilang mga bagay ay binago ang mga Ebanghelyo."
Nagpatuloy ang may-akda upang ipakita kung paano ginawa ang isang napakalaking pagsisikap sa Constantinople, Roma, Canterbury, at ang Kristiyanong mundo sa pangkalahatan upang "iwasto" ang mga Ebanghelyo at sirain ang lahat ng mga manuskrito bago ang panahong ito.
Si Theodore Zahan, inilalarawan ang mga mapait na salungatan sa loob ng itinatag na mga simbahan sa mga Artikulo ng Apostolikong Kredo. Pinupunto niya na inaakusahan ng mga Romano Katoliko ang Simbahang Griyegong Orthodox ng muling pag-babago ng teksto ng mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng mga pagdaragdag at pagtanggal na may kapwa mabuti at pati na rin ang masasamang hangarin. Ang Griyegong Orthodox, sa kabilang banda, ay inakusahan ang mga Romano Katoliko bilang naliligaw sa maraming lugar na napakalayo sa orihinal na teksto. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, pareho silang nagsanib-pwersa upang hatulan ang mga di-sumasang-ayon na mga Kristiyano na lumihis mula sa "tunay na daan" at hinahatulan sila bilang mga erehes. Ang mga erehe ay kinondena ang mga Katoliko sa "pagbabago ng katotohanan na parang mga manghuhuwad." Nagtapos ang may-akda sa "Hindi ba't sinusuportahan ng mga katotohanan ang mga paratang na ito?"
14. “At sa mga tumatawag sa kanilang sarili: na 'Kami ay mga Kristiyano,' Kami ay kumuha ng kanilang Kasunduan, datapuwa’t iniwan nila ang magandang bahagi ng Kapahayagan na ipinadala sa kanila. Kaya’t nagtanim Kami sa lipon nila ng galit at pagkamuhi hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay (nang kanilang ipagwalangbahala ang Aklat ni Allah, sumuway sa mga Tagapagbalita ni Allah at Kanyang kautusan at lumabag sa lahat ng hangganan ng pagsuway), at si Allah ang magpapahayag sa kanila kung ano ang nakahiratihan na nilang ginagawa.
15. O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) na nagpapaliwanag na mabuti sa inyo ng bagay na inyong itinatago mula sa Kasulatan at (ito) ay inyong lubhang dinadaan-daanan lamang (alalaong baga, hinahayaan lamang na walang pagpapaliwanag). Katotohanang dumatal sa inyo mula kay Allah ang isang liwanag (Propeta Muhammad) at isang maliwanag na Aklat (ang Quran).
16. (Dito) si Allah ay namamatnubay sa mga naghahanap ng Kanyang mabuting kaluguran sa mga paraan ng kapayapaan, at sila ay Kanyang iniahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag sa Kanyang nais at Kanyang pinatnubayan sila sa Matuwid na Landas (sa pagiging Tanging Isa ng Diyos sa Islam).
17. Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya (ay sila) na nagsasabi na si Allah ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Ipagbadya (O Muhammad): “Sino kaya baga ang may pinakamaliit na kapangyarihan laban kay Allah, kung Kanyang naisin na wasakin ang Mesiyas, ang anak ni Maria, ang kanyang ina, at lahat ng nasa kalupaan nang magkakasama? At kay Allah ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito. Lumilikha Siya ng Kanyang naisin. At si Allah ay Makakagawa ng lahat ng bagay.
18. At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi: “Kami ang mga anak ni Allah at Kanyang minamahal.” Ipagbadya: “Kung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarusahan sa inyong mga kasalanan?” Hindi, kayo ay mga tao lamang na Kanyang mga nilikha, pinatatawad Niya ang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang Kanyang maibigan. At si Allah ang nag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at sa Kanya ang pagbabalik (ng lahat).
19. O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) na gumagawa (na ang mga bagay) ay maging maliwanag sa inyo, matapos na maantala (ang sunod-sunod) na mga Tagapagbalita, kung hindi, maaari ninyong sabihin: “Walang dumatal sa amin na nagdala ng mabuting balita at walang tagapagbabala.” Datapuwa’t ngayon ay dumatal sa inyo ang isang tagapagdala ng mabuting balita at isang tagapagbabala. At si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay.” (Quran 5:14-19)
Si San Augustine mismo, isang taong kilala at tinitingala ng parehong mga Protestante at mga Katoliko, ay umamin na may mga sikretong doktrina sa relihiyon na Kristiyano at na:
“…maraming bagay na totoo sa relihiyong Kristiyano na hindi madali para malaman ng pangkaraniwan [karaniwang tao], at ang ilang mga bagay ay hindi totoo, ngunit madali para sa pangkaraniwan (pangkaraniwang tao) upang maniwala.”
Inaamin ni Sir Higgins:
“Ito ay hindi pagiging di-makatarungan na ipagpalagay na sa mga tinatagong mga katotohanan ay kabahagi tayo ng modernong Kristanong mga misteryo, at sa aking palagay ay mariing itatanggi ng simbahan, na kung saan ang pinakamataas na awtoridad na humahawak ng nasabing doktrina, ay mag-aalangan na galawin muli ang mga sagradong mga kasulatang ito.”[3]
Kahit ang mga sulat na nauugnay kay Paul ay hindi niya isinulat. Pagkalipas ng mga taon ng pananaliksik, ang mga Katoliko at mga Protestante ay nagkakasundo na sumasang-ayon na sa labintatlo na sulat na iniugnay kay Paul ay pito lamang ang tunay. Ang mga ito ay: Roma, 1, 2 Mga Taga-Corinto, Galacia, Filipos, Philemon, at 1 Tesalonica.
Ang mga sekta ng Kakristyanuhan rin ay hindi nagkakasundo sa eksaktong kahulugan ng isang "inspirasyon" na libro ng Diyos. Itinuro sa mga Protestante na mayroong 66 na tunay na "inspirasyon" na mga libro sa Bibliya, habang ang mga Katoliko ay tinuruan na mayroong 73 na tunay na "inspirasyon" na mga libro, idagdag pa ang maraming iba pang mga sekta at kanilang "mas bago" na mga libro, tulad ng mga Mormon, atbp na makikita natin maya-maya, ang pinakaunang mga Kristiyano, sa maraming henerasyon, ay hindi sumunod sa 66 na mga libro ng mga Protestante, ni ang 73 na mga libro ng mga Katoliko. Kabaligtaran, naniniwala sila sa mga libro na, pagkatapos ng maraming henerasyon, ay "kinilala" na mga huwad at apokriptika ng isang mas naliwanagan na henerasyon kaysa sa mga apostol.
Magdagdag ng komento