Ang Pag-angkin ni Muhammad (pbuh) sa Pagkapropeta (bahagi 1 ng 3) Mga Patunay ng Kanyang Pagkapropeta
Paglalarawanˇ: Ang ilang mga katibayan para sa pag-aangkin na si Muhammad (pbuh) ay isang tunay na propeta at hindi isang huwad. Unang bahagi: Ang ilang mga patunay na humantong sa iba't ibang mga kasamahan na maniwala sa kanyang pagkapropeta.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 9
- Tumingin: 8,316 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang banal na kagaanan ay katumbas sa pangangailangan ng tao. Ang Diyos ay ginagawang mas madali ang pagtatamo habang ang pangangailangan ng mga tao ay tumataas. Ang hangin, tubig, at sikat ng araw ay kinakailangan para sa ikabubuhay ng tao, kaya naman ang Diyos ay ipinagkaloob ang pagtatamo sa lahat ng mga ito nang walang kahirap-hirap. Ang pinakamalaking pangangailangan ng tao ay ang makilala ang Tagapaglikha, dahil dito, pinadali ng Diyos na makilala Siya. Ang katibayan para sa Diyos, gaano man, naiiba sa kalikasan nito. Sa sarili nitong paraan, ang lahat ng nilikha ay katibayan ng Tagapaglikha nito. Ang ilang katibayan ay napakalinaw na ang sinumang karaniwang tao ay maaaring agad na 'makita' ang Tagapaglikha, halimbawa, ang siklo o cycle ng buhay at kamatayan. Ang iba ay 'nakikita' ang gawa ng Tagapaglikha sa kagandahan ng mga teorema sa matematika, mga unibersal na konstante ng pisika, at ang pagkabuo ng embriyo:
"Katotohanan! sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalit-salitan ng gabi at araw, naririto ang mga palatandaan para sa mga taong nagtataglay ang tamang pang-unawa." (Quran 3:190)
Tulad ng pag-iral ng Diyos, ang mga tao ay nangangailangan ng katibayan upang maitatag ang katotohanan ng mga propeta na nagsalita sa Kanyang pangalan. Si Muhammad (pbuh), tulad ng mga propetang nauna sa kanya, ay inangking naging huling propeta ng Diyos para sa sangkatauhan. Karaniwan, ang katibayan para sa kanyang pagkatotoo ay magkakaiba at napakarami. Ang ilan ay malinaw, samantalang ang iba ay mawawari lamang pagkatapos ng malalim na pagmuni-muni.
Ang Diyos ay nagsabi sa Quran:
"...Hindi pa ba sapat (para sa kanila na malaman) na ang iyong Panginoon ang Siyang Saksi hinggil sa lahat ng bagay?" (Quran 41:53)
Ang banal na saksi sa sarili nito ay sapat na nang wala nang ibang katibayan. Ang pagsaksi ng Diyos para kay Muhammad (pbuh) ay nasa:
(a) Nakaraang kapahayagan ng Diyos sa naunang mga propeta na hinulaan ang kaanyuhan ni Muhammad (pbuh).
(b) Mga Pagkilos ng Diyos: ang mga himala at 'mga tanda' na Kanyang ibinigay upang katigan ang pag-aangkin ni Muhammad (pbuh).
Paano nagsimula ang lahat sa mga unang araw ng Islam? Paanong ang mga unang mananampalataya ay napaniwalang siya ay propeta ng Diyos?
Ang unang taong naniwala sa pagkapropeta ni Muhammad (pbuh) ay ang kanyang sariling may bahay, si Khadija. Nang siya ay umuwing nanginginig sa takot matapos matanggap ang banal na kapahayagan, siya ang kanyang kanlungan:
"Hindi kailanman! Sa pangalan ng Diyos, ang Diyos ay hindi ka ipapahamak. Panatilihin mo ang mabuting pakikipag-ugnayan sa iyong mga kamag-anak, tulungan ang mahihirap, silbihan o dulutan ang iyong mga panauhin ng mabuti, at tulungan ang mga nasalanta ng mga kalamidad. (Saheeh Al-Bukhari)
Nakita niya sa kanyang asawa ang isang taong hindi ipapahiya ng Diyos, dahil sa kanyang mga katangian ng katapatan, katarungan, at pagtulong sa mahihirap.
Ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Abu Bakr na nakakakilala sa kanya sa buong buhay niya at halos magkasing gulang, ay naniwala kaagad noong sandaling narinig niya ang mga salitang, 'Ako ang Sugo ng Diyos' nang walang karagdagang pagpapatibay maliban sa bukas na aklat na buhay ng kanyang kaibigan.
Ang isa pang taong tumanggap ng kanyang paanyaya sa pakikinig lamang dito, ay si 'Amr'[1] Siya ay nagsabi:
"Dati kong iniisip bago ang Islam na ang mga tao ay nasa kamalian at sila ay nasa kawalan. Sinasamba nila ang mga idolo o rebulto. Samantala, narinig ko ang isang tao na nangangaral sa Makkah; kaya nagtungo ako sa kanya... Tinanong ko siya: 'Sino ka?' Sinabi niya: 'Ako ay isang Propeta.' Sinabi ko ulit: 'Sino ang isang Propeta?' Sinabi niya: 'Sinugo ako ng Diyos.' Sinabi ko: 'Ano ang ipinadala Niya sa iyo?' Sinabi niya: 'Ako ay ipinadala upang ilapit ang mga ugnayan ng pagkakamag-anak, upang sirain ang mga idolo, at ipahayag ang kaisahan ng Diyos upang walang maiuugnay sa Kanya (sa pagsamba).' Sinabi ko: 'Sino ang kasama mo dito?' Sinabi niya: 'Isang malayang tao at isang alipin (tinutukoy sina Abu Bakr at Bilal, isang alipin, na yumakap sa Islam sa panahong iyon). 'Sinabi ko: 'Balak kong sumunod sa iyo.'"(Saheeh Muslim)
Si Dimad ay isang manggagamot sa disyerto na dalubhasa sa mga sakit sa pag-iisip. Sa kanyang pagdalaw sa Makkah narinig niya ang mga taga-Makkah na nagsasabi na si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay baliw! Tiwala sa kanyang mga kasanayan, sinabi niya sa kanyang sarili, 'Kung makakatagpo ko ang taong ito, maaaring pagalingin siya ng Diyos sa aking kamay.' Nakaharap ni Dimad ang Propeta at sinabi: 'Muhammad, maaari kong pangalagaan (ang isang) naghihirap mula sa sakit sa pag-iisip o sa ilalim ng pangungulam, at pinapagaling ng Diyos ang sinumang naisin Niya sa aking kamay. Nais mo bang gumaling? 'Ang Propeta ng Diyos ay tumugon, na sinimulan sa kanyang karaniwang pagpapakilala sa kanyang mga sermon:
"Katiyakan, ang papuri at pasasalamat ay ukol sa Diyos. Tayo ay nagpupuri sa Kanya at humihingi ng Kanyang tulong. Sinumang gabayan ng Diyos, walang makapagliligaw, at sinumang naligaw ay hindi magagabayan. Ako ay sumasaksi na walang sinumang karapat-dapat sambahin maliban sa Diyos, Siya ay Nag-iisa, walang mga katambal, at si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo."
Si Dimad, na natigilan sa kagandahan ng mga salita, ay hiniling sa kanya na ulitin ito, at sinabi, 'Nakarinig na ako ng mga salita ng mga manghuhula, mga mangkukulam, at mga makata, ngunit hindi ko pa narinig ang mga ganitong salita, naaabot nito ang lalim ng mga karagatan. Ibigay mo sa akin ang iyong kamay upang maipangako ko ang aking katapatan sa iyo sa Islam.’[2]
Matapos dalhin ni Anghel Gabriel ang unang kapahayagan kay Propeta Muhammad (pbuh), si Khadija, ang kanyang may bahay, ay isinama siya upang dalawin ang kanyang matandang pinsan, si Waraqa ibn Nawfal, isang pantas ng Bibliya, upang talakayin ang kaganapan. Si Waraqa ay kinilala si Muhammad (pbuh) mula sa mga propesiya ng Bibliya at pinagtibay:
"Ito ang Tagabantay ng mga Lihim (si Angel Gabriel) na dumating kay Moises." (Saheeh Al-Bukhari)
Ang mukha ay maaaring maging isang bintana ng kaluluwa. Si Abdullah ibn Salam, ang punong rabino ng Madinah sa panahong iyon, ay namalas ang mukha ng Propeta nang siya ay dumating sa Madinah, at nagpahayag:
"Nang sandaling namalas ko ang kanyang mukha, alam kong hindi ito ang mukha ng isang sinungaling!" (Saheeh Al-Bukhari)
Marami sa mga nasa paligid ng Propeta na hindi tumanggap ng Islam ang hindi nag-alinlangan sa kanyang pagkatotoo, ngunit tumangging gawin ito sa iba pang mga kadahilanan. Ang kanyang tiyuhin na si Abu Talib, ay tinulungan siya sa buong buhay niya, na inamin ang pagiging makatotohanan ni Muhammad (pbuh), ngunit tumangging humiwalay sa relihiyon ng kanyang mga ninuno dahil sa kahihiyan at katayuan sa lipunan.
Magdagdag ng komento