Ano ang Sunnah? (bahagi 1 ng 2): Isang Kapahayagang katulad ng Quran

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang maikling artikulo na naglalarawan kung ano ang bumubuo sa Sunnah, at ang ginagampanan nito sa Islamikong Batas. Unang Bahagi: Ang kahulugan ng Sunnah, kung ano ang bumubuo nito, at ang mga uri ng kapahayagan.

  • Ni The Editorial Team of Dr. Abdurrahman al-Muala (translated by islamtoday.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 27 Aug 2020
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 12,701 (araw-araw na pamantayan: 8)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

What_is_the_Sunnah_(part_1_of_2)_001.jpgAng Sunnah, ayon sa mga pantas ng hadeeth, ay ang lahat ng mga nauugnay mula sa Sugo, nawa’y ang Diyos ay purihin siya, ang kanyang mga pahayag, mga kilos, mga pahiwatig na pagsang-ayon, pagkatao, pisikal na paglalarawan, o talambuhay. Hindi mahalaga kung ang impormasyon na nauugnay ay tumutukoy sa isang bagay bago ang simula ng kanyang propetikong misyon, o pagkatapos nito.

Pagpapaliwanag sa kahulugang ito:

Ang mga pahayag ng Propeta ay kinabibilangan ng lahat ng sinabi ng Propeta para sa iba't ibang mga kadahilanan sa iba't ibang mga pangyayari. Halimbawa, sinabi niya:

"Tunay na ang mga gawa ay naaayon sa mga layunin, at bawat tao ay magkakaroon lamang sa anumang kanyang nilayon."

Ang mga pagkilos ng Propeta ay kinabibilangan ng lahat ng ginawa ng Propeta na iniulat sa atin ng kanyang mga Kasamahan. Kabilang dito kung paano niya isinagawa ang kanyang mga paghuhugas, kung paano niya isinagawa ang kanyang mga pagdarasal, at kung paano niya isinagawa ang paglalakbay sa Hajj.

Ang mga pahiwatig na pagsang-ayon ay kinabibilangan ng lahat ng sinabi o ginawa ng kanyang mga Kasamahan na maaaring ipinakita niya ang kanyang pagpayag o kahit man lang ang hindi niya pagtutol ukol dito. Ang anumang bagay na nagkaroon ng pahiwatig ng pagsang-ayon ang Propeta ay may bisa katumbas ng anumang kanyang sinabi o ginawa mismo.

Ang isang halimbawa nito ay ang pagsang-ayon na ibinigay sa mga Kasamahan nang ginamit nila kung ano ang kanilang naunawaan sa pagpapasya kung kailan magdarasal habang nasa Labanan ng Bani Quraydhah. Ang Sugo ng Diyos ay sinabi sa kanila:

“Walang sinuman sa inyo ang dapat magsagawa ng inyong mga pagdarasal sa hapon hanggat makarating kayo sa Bani Quraydhah.”

Ang mga Kasamahan ay nakarating sa Bani Quraydhah ng lubog na ang araw. Ang ilan sa kanila ay literal na kinuha ang mga salita ng Propeta at ipinagpaliban ang pagdarasal sa hapon, na nagsasabing: "Hindi kami magdarasal hangga't di kami makarating kami." Ang iba ay naunawaan na ang Propeta ay nagpapahiwatig lamang sa kanila na dapat silang magmadali sa kanilang paglalakbay, kaya huminto sila at nagdasal ng pagdarasal sa hapon sa takdang oras nito.

Ang Propeta ay nalaman ang napagpasyahan ng dalawang pangkat, ngunit hindi sinita ang alinman sa kanila.

Tungkol naman sa pagkatao ng Propeta, maaaring ibilang dito ang sumusunod na pahayag ni Aishah (nawa’y malugod ang Diyos sa kanya):

“Ang Sugo ng Diyos ay hindi kailanman naging malaswa o mahalay, o siya ay maingay sa pamilihan. Hindi siya kailanman tutugon sa pang-aabuso ng iba ng pang-aabuso din. Sa halip, siya ay magiging mapagparaya at magpatawad.”

Ang pisikal na paglalarawan sa Propeta ay matatagpuan sa mga pahayag tulad ng isang inulat ni Anas (nawa'y malugod ang Diyos sa kanya):

"Ang Sugo ng Diyos ay di masyadong matangkad o di masyadong mababa. Siya ay di masyadong maputi o maitim. Ang kanyang buhok ay di masyadong kulot o tuwid."

Ang Kaugnayan sa pagitan ng Sunnah at Kapahayagan

Ang Sunnah ay kapahayagan mula sa Diyos sa Kanyang Propeta. Ang Diyos ay nagsabi sa Quran:

“…Aming ibinaba sa kanya ang Aklat at ang Karunungan...” (Quran 2:231)

Ang Karunungan ay tumutukoy sa Sunnah. Ang dakilang hukom na si al-Shafi ay nagsabi: "Ang Diyos ay binanggit ang Aklat, na ang Quran. Narinig ko mula sa mga taong itinuturing kong mga awtoridad sa Quran na ang Karunungan ay ang Sunnah ng Sugo ng Diyos." Ang Diyos ay nagsabi:

Katotohanan, ang Diyos ay nagbigay ng isang malaking pabor sa mga mananampalataya nang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo mula sa kanila, na binabasa sa kanila ang Kanyang mga palatandaan at dinadalisay sila at itinuturo sa kanila ang Aklat at ang Karunungan.

Malinaw mula sa mga naunang talata na ang Diyos ay ipinahayag sa Kanyang Propeta ang kapwa Quran at ang Sunnah, at ipinag-utos Niya sa kanya na iparating ang mga ito sa mga tao. Ang Propetikong hadeeth ay nagpapatunay din sa katotohanan na ang Sunnah ay kapahayagan. Ito ay kaugnay mula sa Mak'hool na sinabi ng Sugo ng Diyos:

“Ang Diyos ay ipinagkaloob sa akin ang Quran at anumang katulad nito mula sa karunungan.”

Si Al-Miqdam b. Ma’dee Karab ay isinalaysay na ang Sugo ng Diyos ay nagsabi:

“Ako ay napagkalooban ng Aklat at kasama dito ay bagay na tulad nito.”

Si Hisan b. Atiyyah ay isinalaysay na si anghel Garbriel ay dumadating sa Propeta kasama ang Sunnah katulad ng pagdating sa kanya kasama ang Quran.

Ang isang opinyon mula sa Propeta ay hindi lamang mula sa kanyang sariling mga iniisip o pagwawari sa isang bagay; ito ay mula sa anumang ipinahayag ng Diyos sa kanya. Sa ganitong paraan, ang Propeta ay naiiba sa ibang mga tao. Siya ay kinasihan ng kapahayagan. Kapag ginamit niya ang kanyang sariling pangangatwiran at naging tama, ang Diyos ay pagtitibayin ito, at kung sakaling makagawa siya ng pagkakamali sa kanyang pag-iisip, ang Diyos ay itatama ito at gagabayan siya sa katotohanan.

Sa kadahilanang ito, naisalaysay na ang Kalipang si Omar ay nagsabi mula sa pulpito: "O mga tao! Ang mga opinyon ng Sugo ng Diyos ay tama lamang dahil ang Diyos ay ipinahayag ito sa kanya. Tungkol naman sa ating mga opinyon, ito ay walang iba kundi mga saloobin at haka-haka."

Ang kapahayagang tinanggap ng Propeta ay may dalawang uri:

A. Nagbibigay kaalamang kapahayagan: Ang Diyos ay ipababatid sa kanya ang isang bagay sa pamamagitan ng kapahayagan sa isang anyo o iba pa tulad ng nabanggit sa sumusunod na talata ng Quran:

“At hindi ito para sa sinumang tao na ang Diyos ay mangusap sa kanya maliban na sa pamamagitan ng kapahayagan o mula sa likod ng isang tabing, o sa pagpapadala ng Sugo upang magpahayag, sa Kanyang kapahintulutan sa anumang Kanyang naisin. Katotohanan, Siya ay Kataas-taasan, Tigib ng Karunungan.” (Quran 42:51)

Si Aishah ay isinalaysay na si al-Harith b. Hisham ay tinanong ang Propeta kung papaano dumadating sa kanya ang kapahayagan, at ang Propeta ay tumugon:

“Kung minsan, ang anghel ay darating sa akin tulad ng pagtunog ng kampana, at ito ang pinakamahirap para sa akin. Nakaatang ito sa akin at isinasaulo ko sa isip ang kanyang sinabi. At kung minsan ang anghel ay darating sa akin sa anyo ng isang tao at makikipag-usap sa akin at isinasaulo ko sa isip ang kanyang sinabi.”

Si Aishah ay nagsabi:

“Nakita ko siya nang minsang ang kapahayagan ay dumating sa kanya sa isang napakalamig na panahon. Noong natapos na ito, ang kanyang kilay ay puno ng pamamawis.”

Kung minsan, tatanungin siya tungkol sa isang bagay, ngunit mananatili siyang tahimik hanggang sa dumating sa kanya ang kapahayagan. Halimbawa, ang mga taga-Makkah na pagano ay tinanong siya tungkol sa kaluluwa, ngunit ang Propeta ay nanatiling tahimik hanggang ipahayag ng Diyos ang:

Sila ay nagtatanong sa iyo hinggil sa kaluluwa; Sabihin mo: 'Ang kaluluwa ay nasa kapasyahan ng aking Panginoon, at kayo ay hindi pinagkalooban ng kaalaman maliban sa kaunti lamang’. (Quran 17:85)

Siya ay tinanong din tungkol sa kung paano ang mana ay ibinabahagi, ngunit hindi siya sumagot hanggang sa ang Diyos ay ipahayag ang:

“Ang Diyos ay nagtatagubilin sa inyo hinggil sa inyong mga anak…” (Quran 4:11)

B. Nagpapatibay na kapahayagan: Dito ay kung saan ang Propeta ay ipinatutupad ang kanyang sariling paghatol sa isang bagay. Kung ang kanyang opinyon ay tama, ang kapahayagan ay darating sa kanya na magpapatunay dito, at kung ito ay hindi tama, ang kapahayagan ay darating upang iwasto siya, at ginagawa itong nagbibigay kaalamang kapahayagan. Ang tanging pagkakaiba lamang dito ay ang kapahayagan ay dumating dahil sa isang pagkilos na unang ginawa ng Propeta.

Sa ganitong mga pagkakataon, ang Propeta ay naiiwan upang gamitin ang kanyang sariling pagpapasya sa isang bagay. Kung pinili niya kung ano ang tama, magkagayon ang Diyos ay pagtitibayin ang kanyang pinili sa pamamagitan ng kapahayagan. Kung pinili niya ang mali, ang Diyos ay itatama siya upang pangalagaan ang integridad ng pananampalataya. Ang Diyos ay hindi papayagan ang Kanyang Sugo na maghatid ng isang pagkakamali sa ibang mga tao, sapagkat ito ang magiging sanhi upang ang kanyang mga tagasunod ay mahulog rin sa pagkakamali. Ito ay sasalungat sa karunungan sa likod ng pagpapadala ng mga Sugo, na kung saan ang mga tao kung magkagayun ay walang pakikipagtalo laban sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang Sugo ay ligtas mula sa pagkahulog sa pagkakamali, upang kung sakaling siya ay nagkamali, ang kapahayagan ay darating upang itama siya.

Ang mga Kasamahan ng Propeta ay nalalamang ang pahiwatig na pagsang-ayon ng Propeta sa katunayan ay pagsang-ayon ng Diyos, sapagkat kung sakaling gumawa sila ng isang bagay na salungat sa Islam habang nasa panahon ng Propeta, ang kapahayagan ay bababa na kinokondena ang kanilang ginawa.

Si Jabir ay nagsabi: “Kami ay nagsasanay ng coitus interruptus[1] dati noong ang Sugo ng Diyos ay nabubuhay pa.” Si Sufyan, ang isa sa mga tagasalaysay ng hadeeth na ito, ay nagkomento: “Kung ang bagay na katulad nito ay ipinagbawal, ang Quran ay ipagbabawal ito.”



Mga talababa:

[1] Coitus Interruptus: Paghugot ng ari ng lalaki bago ang paglabas ng semilya habang nakikipagtalik. – IslamReligion.com

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat