Ang Tunay na Kaligayahan at Panloob na Kapayapaan
Paglalarawanˇ: Paano tinukoy ng Islam ang totoong kaligayahan at kapayapaan sa puso.
- Ni islam-guide.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 29 Mar 2011
- Nag-print: 1
- Tumingin: 4,760 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang totoong kaligayahan at kapayapaan ay matatagpuan sa pagtalima sa mga utos ng Lumikha at ng Tagapagbiyaya ng mundong ito. Sinabi ng Diyos sa Quran:
“Katotohanan, sa pag-aala-ala kay Allah, ang mga puso ay nakakasumpong ng kapahingahan. ” (Quran 13:28)
Sa kabilang banda, ang isa na tumalikod sa Quran ay magkakaroon ng paghihirap sa buhay sa mundong ito. Sinabi ng Diyos:
“Datapuwa’t sinumang sumuway sa Aking Paala-ala (alalaong baga, hindi naniniwala sa Qur’an, [1] at hindi sumusunod sa mga pag-uutos nito), katotohanang sasakanya ang buhay ng kahirapan at siya ay bubuhayin Naming muli na bulag sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” (Quran 20:124)
Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga tao ay nagpapakamatay kahit na natatamasa na nila ang kasiyahan sa marteryal na bagay na nabibili ng pera. Halimbawa, tingnan si Cat Stevens (ngayon ay Yusuf Islam), na dating isang sikat na mang-aawit na karaniwang kumikita minsan ng higit sa $150,000 sa isang gabi. Matapos siyang magbalik-loob sa Islam, natagpuan niya ang totoong kaligayahan at kapayapaan, na hindi niya natagpuan sa materyal na tagumpay.[2]
Mga talababa:
[1]ibig sabihin: ni hindi naniniwala sa Quran o kumikilos sa mga kautusan nito.
[2] Ang kasalukuyang tirahan ni Cat Stevens (Yusuf Islam), kung nais mo siyang tanungin tungkol sa kanyang damdamin pagkatapos niyang magbalik loob sa islam, ay: 2 Digswell Street, London N7 8JX, United Kingdom
Magdagdag ng komento