Ang Nagkakaisang Kulay ng Islam (bahagi 1 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang pagkakapantay-pantay ng lahi na itinataguyod ng Islam at mga aktwal na halimbawa mula sa kasaysayan. Ika-1 bahagi: Ang racismo (ang pagmaliit at pagkutya sa ibang lahi) sa tradisyong Hudyo-Kristiyano.
- Ni AbdurRahman Mahdi, www.Quran.nu, (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 01 Jul 2024
- Huling binago noong 01 Jul 2024
- Nag-print: 5
- Tumingin: 5,814 (araw-araw na pamantayan: 73)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 1
“Ang Tagapaglikha ay nagsabi (na ang salin ng kahulugan): ‘Ano ang pumigil sayo (O Satanas) mula sa pagpapatirapa nang ikaw ay Aking pag-utusan?’ Si Iblees (Ang Satanas) ay sumagot: 'Ako ay nakahihigit kaysa sa kanya (kay Adan). Ako ay nilikha mo mula sa apoy, samantalang siya naman ay nilikha mo mula sa putik (lupa).” (Quran 7:12)
At nagsimula ang kasaysayan ng rasismo (ang pagmaliit at pagkutya sa ibang lahi). Si Satanas ay nag-akala na siya ay mas nakatataas kay Adan dahil sa kanyang pinagmulan. Simula ng araw na yaon, si Satanas ay nakapagligaw ng marami sa mga angkan ni Adan sa pagpapaniwala sa kanilang mga sarili na sila ay mas nakahihigit kumpara sa iba, na naging dahilan para sila ay mang-usig at maging mapagsamantala sa kanilang kapwa. Madalas, ginagamit ang relihiyon upang bigyang-katwiran ang pagmaliit sa ibang lahi. Ang Judaismo, bilang halimbawa, sa kabila na ito ay nagmula sa Gitnang-Silangan, ito ay madaling naipasa bilang isang relihiyon sa Kanluran; ngunit ang pagpasok ng mga Hudyo sa lahat ng antas ng lipunan sa Kanluran ay nagkakanulo sa pagiging elitistiko ng Judaismo. Sa isang pagbasa mula sa talata sa bibliya:
“ ...Walang Diyos sa buong daigdig maliban sa Israel.” (2 Mga Hari 5:15)
…ay pagmumungkahi na sa mga panahong iyon ang Diyos, o Diyos, ay hindi sinasamba maliban na lamang ng mga Israelita. Gayunpaman, sa panahon ngayon, ang Judaismo ay nananatiling nakasentro sa pagmamalaki bilang 'napiling-lahi'.
“Sabihin mo [sa kanila O Muhammad] : ‘O kayong mga Hudyo! Kung inyong inaakala na kayo ay mga minamahal ng Allah (Dakilang Tagapaglikha) na namumukod-tangi sa sangkatauhan, kung gayon, naisin ninyo ang kamatayan, kung tunay ngang kayo ay makatotohanan.’” (Salin ng kahulugan ng Quran 62:6)
Sa kabila nito, habang ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi hudyo, si Hesus, bilang panghuli sa mga Propeta ng Israel, ay hindi isinugo liban na lamang sa mga Hudyo.[1]
“At (alalahanin) nang si Hesus, anak ni Maria, ay nagsabi: ‘O angkan ng Israel! Katotohanan, ako ay Sugo ng Allah sa inyo, nagpapatunay sa Torah [na ipinahayag] nang nauna sa akin at nagbibigay ng magandang balita tungkol sa darating na isang Sugo na darating pagkaraan ko, na ang pangalan ay Ahmad[2]...’” (Salin ng kahulugan ng Quran 61:6)
At gayon din ang bawat Propeta ay ipinadala lamang sa kanyang sariling nasyon,[3] bawat isa sa mga Propeta, liban na lamang kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
“Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: ‘O sangkatauhan! Katotohanan, ako ay Sugo ng Allah para sa inyong lahat…’” (Salin ng kahulugan ng Quran 7:158)
Bilang si Muhammad ang panghuling Propeta at Sugo ng Diyos, ang kanyang misyon ay isang pangkalahatan, inilaan hindi lamang para sa kanyang sariling nasyon, ang mga Arabo, kundi para sa lahat ng mga tao sa mundo. Sinabi ng Propeta (na ang salin ng kahulugan):
“Ang ibang naunang propeta ay ipinadala lamang sa kanyang sariling nasyon, subalit ako ay isinugo sa buong sangkatauhan.” (Saheeh Al-Bukhari)
“At hindi ka Namin isinugo (O Muhammad) maliban para sa buong sangkatauhan bilang isang tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala. Ngunit karamihan sa tao ay hindi nakaaalam nito.” (Salin ng kahulugan ng Quran 34:28)
Ang Abyssinian na si Bilal
Isa sa mga naunang tumanggap sa Islam ay ang isang alipin mula sa Abbyssinia na nagngangalang Bilal. Sa Nakagisnan, ang mga Aprikanong itim ay mababang uri ng tao sa mata ng mga Arabo na ang pananaw sa kanila ay hindi maaring pakinabangan liban bilang libangan o alipin. Nang niyakap ni Bilal ang Islam, ang kanyang paganong amo ay malupit na nagparusa sa kanya sa nakakasunog na init ng disyerto hanggang sa si Abu Bakr, ang pinakamalapit na kaibigan ng Propeta ay sinagip siya sa pamamagitan ng pagbili ng kanyang kalayaan mula sa pagiging alipin.
Inatasan ng Propeta si Bilal na tawagin ang mga tao para sa pagdarasal. Ang athan na naririnig mula sa mga minaret sa bawat sulok ng mundo, ay ang mismong mga salita rin na binigkas ni Bilal noon. Sa gayon, ang minsa'y naging mababang alipin ay nagkamit ng natatanging karangalan bilang unang muezzin (tagapagtawag ng athan) sa Islam.
“At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan...” (Salin ng kahulugan ng Quran 17:70)
Ang mga romantiko mula sa Kanluran ay kumikilala sa sinaunang Gresya bilang pinagmulan ng demokrasya.[4] Ang reyalidad ay, bilang mga alipin at kababaihan, ang karamihan sa mga taga-Athena ay tinanggalan ng karapatan na mamili ng kanilang pinuno. Ngunit, ang Islam ay nagtalaga na ang isang alipin ay maaring maging isa sa namumuno. Ang Propeta ay nag-utos (na ang salin ng kanyang sinabi):
“Sundin niyo ang sa inyo ay namumuno maging siya pa ay isang alipin mula sa Abyssynia.” (Ahmad)
Mga talababa:
[1] Ang bibliya ay umaayon. Si Hesus daw ay naiulat na nagsabi: 'Ako'y hindi sinugo maliban sa mga nawawalang tupa ng sambahayan ni Israel' (Mateo 15:24). Samakatuwid, ang bawat isa sa nasabing labing-dalawa na disipolo niya ay Israelitang Hudyo. Ang isang talata sa bibliya kung saan si Hesus daw ay nagsabi sa kanila na: 'Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.' (Mateo 28:19), na kadalasang binabanggit upang subuking patunayan ang misyon ng mga Hentil gayundin ang Trinidad(Tatlong persona), ay hindi matatagpuan sa alinmang mga kasulatan bago ang ika-16 na siglo at itinuturing na 'banal na pandaraya.'
[2] Isa sa mga pangalan ng Propeta Muhammad, ang habag at pagpapala ng Tagapaglikha ay mapasakanya.
[3] At katiyakan, Aming ipinadala sa bawat lipunan ang isang sugo (na nag-aanyayang): ‘Tanging ang Allah (Natatanging Diyos) lamang ang sambahin at iwasan ang pagsamba sa mga huwad na diyos.’ (Salin ng kahulugan ng Quran 16:36)
[4] Ang demokrasya ay isang imbensyon na mula sa taga Gitnang-Silangan, unang nakita sa sibilisasyon ng Ebla noong ikatlong milenyo BC, at pagkatapos ay sa Phenicia at Mesopotamia noong ikalabing-isang siglo BC. Hindi ito lumitaw sa Athens hanggang sa dumating ang ikalabing-limang siglo BC.