Paano Kumilos Kapag Dinatnan ng Sakit (bahagi 1 ng 2): Pagtitiis sa Pagdurusa Gamit ang Pasensya

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Walang karamdaman o pinsala ang dadapo sa isang tao nang walang pahintulot ng Diyos.

  • Ni Aisha Stacey (© 2009 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 02 Dec 2013
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 4,717 (araw-araw na pamantayan: 3)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

How_to_Behave_When_Struck_by_Illness_(part_1_of_2)_001.jpgBago pag-usapan ang tungkol sa kung paano kumilos ang isang mananampalataya kapag may sakit o nasaktan, mahalagang maunawaan kung ano ang itinuturo sa atin ng Islam tungkol sa buhay ng mundong ito. Ang ating pag-iral dito sa mundo ay isang pansamantalang pamamahinga, patungo sa daan sa ating totoong buhay sa Kabilang Buhay. Ang Paraiso o Impiyerno ay ang magiging permanenteng tirahan natin. Ang mundong ito ay isang lugar ng pagsubok at pagsusulit. Nilikha ito ng Diyos para sa atin, para sa ating kasiyahan, ngunit ito ay isang lugar na higit pa sa mga makamundong kasiyahan. Dito kung saan natin natutupad ang ating tunay na layunin; nabubuhay tayo batay sa pagsamba sa Diyos. Tumatawa tayo, naglalaro, umiiyak tayo at nakakaramdam tayo ng pighati ng puso at kalungkutan, ngunit ang bawat kundisyon at bawat emosyon ay mula sa Diyos. Tumutugon tayo nang may pasensya at pasasalamat at umaasa sa walang hanggang gantimpala. Natatakot tayo sa walang hanggang parusa at alam nang may katiyakan na ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng habag at buong kapatawaran.

“Ano ba ang buhay sa mundong ito, maliban sa paglilibang at paglalaro? Datapuwa’t katotohanan, ang Tahanan ng Kabilang Buhay; ito ang tunay na buhay (alalaong baga, ang walang hanggang buhay na hindi magmamaliw), kung kanila lamang nalalaman.” (Quran 29:64)

Hindi tayo nilikha ng Diyos at pagkatapos ay pinabayaan tayo sa mga kasiyahan at pagsubok sa buhay; sa halip ay nagpadala Siya ng mga Sugo at mga Propeta upang turuan tayo at mga Aklat ng paghahayag upang gabayan tayo. Binigyan din Niya tayo ng hindi mabilang na mga pagpapala. Ang bawat pagpapala ay ginagawa ang buhay na kahanga-hanga at kung minsan ay napagtitiisan. Kung titigil tayo sandali at pagninilayan ang ating pag-iiral, ang mga pagpapala ng Diyos ay maliwanag. Pansinin ang pag-ulan na pumapatak sa labas, ramdamin ang hapdi ng sikat ng araw sa iyong walang takip na balat, hawakan ang iyong dibdib at pakiramdaman ang malakas na tibok ng iyong puso. Ito ang mga pagpapala mula sa Diyos at dapat tayong magpasalamat para dito, kasama na ang ating mga tahanan, ating mga anak, at ating kalusugan. Gayunpaman sinabi sa atin ng Diyos, na susubukan tayo, sabi Niya,

“ At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at pagkagutom, ang ilan ay pagkalugi sa hanapbuhay, pagkawala ng buhay at bunga (ng inyong pinaghirapan), datapuwa’t magbigay ng magandang balita sa mga mapagpasensya.” (Quran 2:155)

Pinayuhan tayo ng Diyos na magtiyaga sa ating mga pagsubok at pagdurusa. Gayunpaman, mahirap ito nang walang pag-unawa na ang lahat ng nangyayari sa mundong ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pahintulot ng Diyos. Walang dahon na bumagsak mula sa isang puno nang walang pahintulot ng Diyos. Walang negosyo na nalugi, walang pag-bundol sa kotse, at walang pagsasamang (mag-asawa) na nagtatapos nang walang pahintulot ng Diyos. Walang karamdaman o pinsala ang dadapo sa isang tao nang walang pahintulot ng Diyos. May kapangyarihan Siya sa lahat ng bagay. Ginagawa ng Diyos ang ginagawa Niya para sa mga kadahilanan na minsan ay hindi natin nauunawaan at sa mga kadahilanan na malinaw o hindi maliwanag. Gayunpaman, ang Diyos, sa Kanyang walang hanggan na karunungan at awa ay nais lamang kung ano ang pinakamainam para sa atin. Sa huli, ang pinakamabuti para sa atin ay buhay na walang hanggan sa isang lugar na walang hanggan, ang Paraiso.

“Ang kanilang Panginoon ay nagbibigay sa kanila ng masayang balita ng isang Habag mula sa Kanya, at Siya ay nalulugod (sa kanila), at sasakanila ang Halamanan (Paraiso) na naririto ang walang hanggang ligaya.” (Quran 9:21)

Sa harap ng bawat pagsubok, ang isang mananampalataya ay dapat malaman na ang Diyos ay hindi nagkakaloob sa kanya ng anupaman kung hindi mabuti para sakanya. Ang kabutihan ay maaaring kabilang sa mga kasiyahan sa mundong ito o maaaring ito ay sa kabilang buhay. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay sinabi, “Napakaganda ng mga bagay para sa mananampalataya, sapagkat ang lahat ng kanyang mga gawain ay mabuti. Kung may isang magandang mangyari sa kanya, nagpapasalamat siya rito at ito ay magiging mabuti para sa kanya. Kung may masamang mangyari sa kanya, nagtitiis siya mula rito at ito ay magiging mabuti rin para sa kanya.”[1] Sinusubukan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagdurusa sa buhay, at kung magtitiyaga tayo ay makakakuha tayo ng malaking gantimpala. Sa pamamagitan ng pagbabago ng mga sitwasyon at mga pagsubok sinusubukan ng Diyos ang ating antas ng pananampalataya, pinatataas ang ating kakayahang maging mapagpasensya at matanggal ang ilan sa ating mga kasalanan. Ang Diyos ay mapagmahal at nakakaalam ng lahat at mas kilala tayo kaysa sa ating mga sarili. Hindi natin maaabot ang Paraiso nang wala ang Kanyang awa at ang Kanyang awa ay makikita sa mga pagsusulit at pagsubok sa buhay na ito.

Ang buhay ng mundong ito ay panlilinlang lamang. Ang pinaka-kapaki-pakinabang na bagay sa atin ay ang mga mabubuting gawa na nagawa natin. Ang mga pamilya ay isang pagsubok, sapagkat sinabi ng Diyos na maaaring iligaw nila tayo, ngunit maaari rin silang maging dahilan para makarating sa Paraiso. Ang yaman ay isang pagsubok; ang pag-iimbak nito ay gagawin tayong sakim at kuripot, ngunit ang pamamahagi nito at paggamit nito upang makinabang ang mga nangangailangan ay maaaring magpalapit sa atin sa Diyos. Ang kalusugan ay isang pagsubok din. Ang mabuting kalusugan ay magbibigay sa atin ng pakiramdam na wala na tayong pangangailangan sa Diyos, ngunit ang masamang kalusugan ay isang paraan upang magpakumbaba tayo at pilitin tayong umasa sa Diyos. Kung paano ang reaksyon ng isang mananampalataya sa mga kalagayan ng buhay ay napakahalaga.

Ano ang mangyayari kung ang mga kasiyahan sa buhay na ito ay biglang naging mga pagdurusa? Paano dapat kumilos ang isang tao kapag dinapuan ng sakit o pinsala? Siyempre, tinatanggap natin ang ating kapalaran at sinisikap na pasanin ang sakit, kalungkutan, o pagtitiis nang may pasensya dahil alam natin nang may katiyakan na ito ay kalooban ng Diyos at ito ay magdadala ng labis na kabutihan. Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), “Walang sakuna o sakit na dinaranas ng isang Muslim, walang pagkabalisa o kalungkutan o pinsala o kagipitan- ni kahit isang tinik na tumusok sa kanya - maliban na ang Diyos ay mag-aalis ng ilan sa kanyang mga kasalanan dahil doon.”[2] Gayunpaman, tayo ay hindi perpektong mga tao. Mababasa natin ang mga salitang ito, maiintindihan din natin ang damdamin, ngunit ang pakikitungo nang may pagtanggap ay napakahirap. Mas madali pa ang dumaing at umiyak sa ating sitwasyon, ngunit ang ating Pinakamahabagin na Diyos ay nagbigay sa atin ng malinaw na mga alituntunin at ipinangako sa atin ang dalawang bagay, kung sasamba tayo sa Kanya at susundin ang Kanyang patnubay ay gagantimpalaan tayo ng Paraiso at pagkatapos ng paghihirap ay kaginhawaan.

“Katotohanan! Sa bawat kahirapan ay may kaginhawan.” (Quran 94:5)

Ang isang mananampalataya ay obligadong pangalagaan ang kanyang katawan at isipan, samakatuwid ang pagsisikap na mapanatili ang mabuting kalusugan ay mahalaga. Gayunpaman, kapag dinapuan ng sakit o pinsala, mahalaga na sundin ang patnubay ng Diyos. Ang isang mananampalataya ay dapat humingi ng tulong medikal at gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang malunasan o gumaling, ngunit sa parehong oras dapat siyang humingi ng tulong sa pamamagitan ng panalangin, pag-alaala sa Diyos at mga gawaing pagsamba. Ang Islam ay isang balanse na paraan ng pamumuhay, ang parehong pisikal at espirituwal na kalusugan ay magkasama. Sa ikalawang bahagi, masusuri natin nang mas detalyado ang mga hakbang na dapat gawin kapag dinapuan tayo ng sakit o pinsala.



Mga talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat