Ang Fitrah
Paglalarawanˇ: Ang pagiging likas sa tao na sambahin ang nag-iisang Diyos.
- Ni Dr. Bilal Philips
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 01 Jan 2012
- Nag-print: 1
- Tumingin: 3,492 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Kapag ipinanganak ang isang bata, mayroon itong natural na paniniwala sa Diyos. Ang likas na paniniwala na ito ay tinawag sa Arabik na "Fitrah".[1] Kung ang bata ay maiwan magisa, tatanda sya na may kamalayan sa Diyos (sa Kanyang kaisahan), ngunit ang lahat ng mga bata ay apektado ng mga puwersa ng kanilang kapaligiran maging direkta o hindi direkta. Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nag-ulat na sinabi ng Diyos,
“Nilikha Ko ang Aking mga lingkod sa tamang relihiyon ngunit niligaw sila ng mga demonyo.”[2]
Sinabi rin ng Propeta,
“Ang bawat bata ay ipinanganak sa isang estado ng" Fitrah ", ngunit ang kanyang mga magulang ay ginagawa siyang isang Hudyo o isang Kristiyano. Kapareho sa pamamaraan na ang isang hayop ay manganak ng isang karaniwang supling. May napansin ka bang (batang hayop) na isinilang na kinatay na (sa sinapupunan) bago mo katayin ang mga ito?”[3]
Kaya, sa kung paanong ang katawan ng bata ay nagpapasakop sa mga pisikal na batas na inilagay ng Diyos sa kalikasan, ang kaluluwa nito ay tumatalima din sa katotohanan na ang Diyos ay kanyang Panginoon at Lumikha. Ngunit sinusubukan ng mga magulang nito na ipasunod ang kanilang sariling paraan at ang bata ay walang kakayahan sa mga unang yugto ng buhay nito na labanan o tutulan ang mga magulang nito. Ang relihiyon na sinusunod ng bata sa yugtong ito ay bunga ng mga nakaugalian at kinalakihan at hindi siya pinananagot ng Diyos o parurusahan para sa relihiyong ito. Pero kapag ang bata ay nagbinata at malinaw na ang mga patunay ng kabulaanan ng kanyang relihiyon na pinasunod sa kanya, ang may sapat na gulang ay dapat ng sundin ang relihiyon ng kaalaman at dahilan. "[4] Sa puntong ito susubukan ng mga demonyo ang kanilang makakaya upang hikayatin siyang manatili rito o mas maligaw pa. Ang mga kasamaan ay ginagawang nakalulugod sa kanya at mamumuhay na siya ngayon na pinapagitnaan ng isang pakikibaka sa pagitan ng kanyang Fitrah at ng kanyang mga pagnanasa upang mahanap ang tamang daan. Kung pipiliin niya ang kanyang Fitrah, tutulungan siya ng Diyos na mapagtagumpayan ang kanyang mga pagnanasa kahit pa gumugol siya ng halos buong buhay niya upang takasan ito, maraming tao ang pumapasok sa Islam sa kanilang katandaan bagaman ang karamihan ay mas ginugusto na gawin ito bago pa man siya tumanda.
Dahil sa lahat ng mga makapangyarihang pwersa na nilalabanan ang Fitrah, ang Diyos ay pumili ng ilang mga matutuwid na tao at inihayag sa kanila nang malinaw ang tamang landas sa buhay. Ang mga kalalakihang ito na tinatawag nating mga propeta na ipinadala upang matulungan ang ating Fitrah na talunin ang mga kaaway nito. Ang lahat ng mga katotohanan at mabuting kasanayan na naroroon sa mga lipunan sa buong mundo ngayon ay nagmula sa kanilang mga katuruan, at kung hindi dahil sa kanilang mga katuruan, walang kapayapaan o kaligtasan sa mundo. Halimbawa, ang mga batas ng karamihan sa mga bansa sa Kanluran ay batay sa "Sampung Utos" ni Propeta Moises, tulad ng "Huwag kang magnakaw" at "Huwag kang pumatay" atbp, kahit na sinasabi nilang sila ay "sekular" na pamahalaan, walang kinalaman sa impluwensya ng relihiyon.
Kaya, tungkulin ng tao na sundin ang paraan ng mga propeta dahil ito ang tanging paraan na tunay na naaayon sa kanyang kalikasan. Dapat ding maging maingat siya na gawin ang mga bagay dahil lamang sa ginawa ito ng kanyang mga magulang at kanilang mga magulang, lalo na kung ang kaalaman ay nakaabot sa kanya na ang mga kasanayang ito ay mali. Kung hindi siya susunod sa katotohanan, siya ay mahahalintulad sa mga hindi nagabayan kung saan sinabi ng Diyos sa Quran:
“At nang ito ay ipagbadya sa kanila: “Sundin ninyo kung ano ang ipinahayag ni Allah.” Sila ay nagsasabi: “Hindi! Aming susundin ang paraan ng aming mga ninuno.” Ano! (Gagawin ba nila ito!), kahit na ang kanilang mga ninuno ay hungkag sa karunungan at patnubay?” (Quran 2:170)
Pinagbabawalan tayo ng Diyos na sundin ang ating mga magulang kung ang nais nilang gawin ay labag sa pamamaraan ng mga propeta. Sinabi Niya, sa Quran,
“At Aming ipinagtagubilin sa mga tao na maging mabuti at masunurin sa kanilang magulang, datapuwa’t kung (sinuman sa kanila) ang magsikhay (na pilitin) kayo na mag-akibat sa Akin sa pagsamba (bilang katambal), na alam niyong mali, kung gayon, sila ay huwag ninyong sundin.” (Quran 29:8)
Ipinanganak na Muslim
Yaong mga mapalad na ipanganak sa mga pamilyang Muslim ay dapat magkaroon ng kamalayan na ang lahat ng mga "Muslim" ay hindi awtomatikong pinangakuan ng paraiso, sapagkat binalaan ng Propeta na isang malaking bahagi ng bansang Muslim ang susundan ang mga Hudyo at Kristiyano nang todo na kung sila ay pumasok sa tirahan o butas ng isang butiki, ang mga Muslim ay susunod at aakyat din.[5] Sinabi rin niya na bago ang Huling Araw ang ilang mga tao ay tunay na sasamba sa mga diyus-diyosan.[6] Ngayon, may mga Muslim sa buong mundo na nananalangin sa mga patay, nagtatayo ng mga puntod at masjid sa ibabaw ng mga libingan at sila pa ay nagsasagawa ng mga ritwal ng pagsamba sa paligid nito. Mayroon ding ilan na mga nagsasabing Muslim sila at sumasamba kay Ali bilang Diyos.[7] Ang ilan ay ginawa ang Quran bilang isang anting-anting na kanilang sinasabit sa kanilang mga leeg, sa kanilang mga sasakyan o sa kadena ng kanilang mga susi atbp. Samakatuwid, ang mga ipinanganak sa ganitong mundo ng Muslim na bulag na sumunod sa anumang ginawa o pinaniniwalaan ng kanilang mga magulang, ay kailangang tumigil at isipin kung sila ba ay Muslim lamang dahil sa pagkakataon o isang Muslim dahil sa kagustuhan, kung ang Islam ba ay kung ano ang ginawa o ginagawa ng kanilang mga magulang, tribo, bansa, o ginawa at ginagawa ng nasyon, o di kaya ay kung ano ang itinuro ng Quran at kung ano ang ginawa ng Propeta at kanyang mga kasamahan.
Mga talababa:
[1] Al-’Aqeedah at- Tahaaweeyah, (8th ed.. 1984) p.245.
[2] Saheeh Muslim
[3] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[4] Al-’Aqeedah at-Tahaaweeyah, (5th ed.: 1972). p.273.
[5] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[6] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[7] The Nusayris of Syria and the Druzes of Palestine and Lebanon.
Magdagdag ng komento