Ang Pag-angkin ni Muhammad (pbuh) sa Pagkapropeta (bahagi 1 ng 3) Mga Patunay ng Kanyang Pagkapropeta
Paglalarawanˇ: Ang ilang mga katibayan para sa pag-aangkin na si Muhammad (pbuh) ay isang tunay na propeta at hindi isang huwad. Unang bahagi: Ang ilang mga patunay na humantong sa iba't ibang mga kasamahan na maniwala sa kanyang pagkapropeta.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 9
- Tumingin: 7,696
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang banal na kagaanan ay katumbas sa pangangailangan ng tao. Ang Diyos ay ginagawang mas madali ang pagtatamo habang ang pangangailangan ng mga tao ay tumataas. Ang hangin, tubig, at sikat ng araw ay kinakailangan para sa ikabubuhay ng tao, kaya naman ang Diyos ay ipinagkaloob ang pagtatamo sa lahat ng mga ito nang walang kahirap-hirap. Ang pinakamalaking pangangailangan ng tao ay ang makilala ang Tagapaglikha, dahil dito, pinadali ng Diyos na makilala Siya. Ang katibayan para sa Diyos, gaano man, naiiba sa kalikasan nito. Sa sarili nitong paraan, ang lahat ng nilikha ay katibayan ng Tagapaglikha nito. Ang ilang katibayan ay napakalinaw na ang sinumang karaniwang tao ay maaaring agad na 'makita' ang Tagapaglikha, halimbawa, ang siklo o cycle ng buhay at kamatayan. Ang iba ay 'nakikita' ang gawa ng Tagapaglikha sa kagandahan ng mga teorema sa matematika, mga unibersal na konstante ng pisika, at ang pagkabuo ng embriyo:
"Katotohanan! sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalit-salitan ng gabi at araw, naririto ang mga palatandaan para sa mga taong nagtataglay ang tamang pang-unawa." (Quran 3:190)
Tulad ng pag-iral ng Diyos, ang mga tao ay nangangailangan ng katibayan upang maitatag ang katotohanan ng mga propeta na nagsalita sa Kanyang pangalan. Si Muhammad (pbuh), tulad ng mga propetang nauna sa kanya, ay inangking naging huling propeta ng Diyos para sa sangkatauhan. Karaniwan, ang katibayan para sa kanyang pagkatotoo ay magkakaiba at napakarami. Ang ilan ay malinaw, samantalang ang iba ay mawawari lamang pagkatapos ng malalim na pagmuni-muni.
Ang Diyos ay nagsabi sa Quran:
"...Hindi pa ba sapat (para sa kanila na malaman) na ang iyong Panginoon ang Siyang Saksi hinggil sa lahat ng bagay?" (Quran 41:53)
Ang banal na saksi sa sarili nito ay sapat na nang wala nang ibang katibayan. Ang pagsaksi ng Diyos para kay Muhammad (pbuh) ay nasa:
(a) Nakaraang kapahayagan ng Diyos sa naunang mga propeta na hinulaan ang kaanyuhan ni Muhammad (pbuh).
(b) Mga Pagkilos ng Diyos: ang mga himala at 'mga tanda' na Kanyang ibinigay upang katigan ang pag-aangkin ni Muhammad (pbuh).
Paano nagsimula ang lahat sa mga unang araw ng Islam? Paanong ang mga unang mananampalataya ay napaniwalang siya ay propeta ng Diyos?
Ang unang taong naniwala sa pagkapropeta ni Muhammad (pbuh) ay ang kanyang sariling may bahay, si Khadija. Nang siya ay umuwing nanginginig sa takot matapos matanggap ang banal na kapahayagan, siya ang kanyang kanlungan:
"Hindi kailanman! Sa pangalan ng Diyos, ang Diyos ay hindi ka ipapahamak. Panatilihin mo ang mabuting pakikipag-ugnayan sa iyong mga kamag-anak, tulungan ang mahihirap, silbihan o dulutan ang iyong mga panauhin ng mabuti, at tulungan ang mga nasalanta ng mga kalamidad. (Saheeh Al-Bukhari)
Nakita niya sa kanyang asawa ang isang taong hindi ipapahiya ng Diyos, dahil sa kanyang mga katangian ng katapatan, katarungan, at pagtulong sa mahihirap.
Ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Abu Bakr na nakakakilala sa kanya sa buong buhay niya at halos magkasing gulang, ay naniwala kaagad noong sandaling narinig niya ang mga salitang, 'Ako ang Sugo ng Diyos' nang walang karagdagang pagpapatibay maliban sa bukas na aklat na buhay ng kanyang kaibigan.
Ang isa pang taong tumanggap ng kanyang paanyaya sa pakikinig lamang dito, ay si 'Amr'[1] Siya ay nagsabi:
"Dati kong iniisip bago ang Islam na ang mga tao ay nasa kamalian at sila ay nasa kawalan. Sinasamba nila ang mga idolo o rebulto. Samantala, narinig ko ang isang tao na nangangaral sa Makkah; kaya nagtungo ako sa kanya... Tinanong ko siya: 'Sino ka?' Sinabi niya: 'Ako ay isang Propeta.' Sinabi ko ulit: 'Sino ang isang Propeta?' Sinabi niya: 'Sinugo ako ng Diyos.' Sinabi ko: 'Ano ang ipinadala Niya sa iyo?' Sinabi niya: 'Ako ay ipinadala upang ilapit ang mga ugnayan ng pagkakamag-anak, upang sirain ang mga idolo, at ipahayag ang kaisahan ng Diyos upang walang maiuugnay sa Kanya (sa pagsamba).' Sinabi ko: 'Sino ang kasama mo dito?' Sinabi niya: 'Isang malayang tao at isang alipin (tinutukoy sina Abu Bakr at Bilal, isang alipin, na yumakap sa Islam sa panahong iyon). 'Sinabi ko: 'Balak kong sumunod sa iyo.'"(Saheeh Muslim)
Si Dimad ay isang manggagamot sa disyerto na dalubhasa sa mga sakit sa pag-iisip. Sa kanyang pagdalaw sa Makkah narinig niya ang mga taga-Makkah na nagsasabi na si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay baliw! Tiwala sa kanyang mga kasanayan, sinabi niya sa kanyang sarili, 'Kung makakatagpo ko ang taong ito, maaaring pagalingin siya ng Diyos sa aking kamay.' Nakaharap ni Dimad ang Propeta at sinabi: 'Muhammad, maaari kong pangalagaan (ang isang) naghihirap mula sa sakit sa pag-iisip o sa ilalim ng pangungulam, at pinapagaling ng Diyos ang sinumang naisin Niya sa aking kamay. Nais mo bang gumaling? 'Ang Propeta ng Diyos ay tumugon, na sinimulan sa kanyang karaniwang pagpapakilala sa kanyang mga sermon:
"Katiyakan, ang papuri at pasasalamat ay ukol sa Diyos. Tayo ay nagpupuri sa Kanya at humihingi ng Kanyang tulong. Sinumang gabayan ng Diyos, walang makapagliligaw, at sinumang naligaw ay hindi magagabayan. Ako ay sumasaksi na walang sinumang karapat-dapat sambahin maliban sa Diyos, Siya ay Nag-iisa, walang mga katambal, at si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo."
Si Dimad, na natigilan sa kagandahan ng mga salita, ay hiniling sa kanya na ulitin ito, at sinabi, 'Nakarinig na ako ng mga salita ng mga manghuhula, mga mangkukulam, at mga makata, ngunit hindi ko pa narinig ang mga ganitong salita, naaabot nito ang lalim ng mga karagatan. Ibigay mo sa akin ang iyong kamay upang maipangako ko ang aking katapatan sa iyo sa Islam.’[2]
Matapos dalhin ni Anghel Gabriel ang unang kapahayagan kay Propeta Muhammad (pbuh), si Khadija, ang kanyang may bahay, ay isinama siya upang dalawin ang kanyang matandang pinsan, si Waraqa ibn Nawfal, isang pantas ng Bibliya, upang talakayin ang kaganapan. Si Waraqa ay kinilala si Muhammad (pbuh) mula sa mga propesiya ng Bibliya at pinagtibay:
"Ito ang Tagabantay ng mga Lihim (si Angel Gabriel) na dumating kay Moises." (Saheeh Al-Bukhari)
Ang mukha ay maaaring maging isang bintana ng kaluluwa. Si Abdullah ibn Salam, ang punong rabino ng Madinah sa panahong iyon, ay namalas ang mukha ng Propeta nang siya ay dumating sa Madinah, at nagpahayag:
"Nang sandaling namalas ko ang kanyang mukha, alam kong hindi ito ang mukha ng isang sinungaling!" (Saheeh Al-Bukhari)
Marami sa mga nasa paligid ng Propeta na hindi tumanggap ng Islam ang hindi nag-alinlangan sa kanyang pagkatotoo, ngunit tumangging gawin ito sa iba pang mga kadahilanan. Ang kanyang tiyuhin na si Abu Talib, ay tinulungan siya sa buong buhay niya, na inamin ang pagiging makatotohanan ni Muhammad (pbuh), ngunit tumangging humiwalay sa relihiyon ng kanyang mga ninuno dahil sa kahihiyan at katayuan sa lipunan.
Ang Pag-angkin ni Muhammad (pbuh) sa Pagkapropeta (bahagi 2 ng 3): Siya Ba ay isang Sinungaling?
Paglalarawanˇ: Ang Katibayan para sa pag-aangkin na si Muhammad (pbuh) ay isang tunay na propeta at hindi isang impostor. bahagi 2: Isang pagsusuri sa paratang na si Muhammad (pbuh) ay isang sinungaling.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 9
- Tumingin: 6,592
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Isang Lohikal na Pagsusuri sa Kanyang Pag-angkin
Tulad ng una ng napag-usapan, si Muhammad (pbuh) ay ginawa ang pag-angking, 'Ako ang Sugo ng Diyos.' Maaring siya ay totoo sa kanyang pag-aangkin o hindi. Magsisimula tayo ng pagsasapalagay na hindi at susuriin ang lahat ng mga posibilidad na pinalaganap ng mga nag-alinlangan sa nakaraan at kasalukuyan, tatalakayin din natin ang ilan sa kanilang mga maling akala. Kung ang lahat ng iba pang mga posibilidad ay natalakay na ay maaari na nating makatwirang angkinin na ang tanging posibilidad na naiwan ay totoo siya sa kanyang inaangkin. Titingnan din natin kung ano ang sinasabi ng Qur'an sa bagay na ito.
Siya ba ay Sinungaling?
Posible ba para sa isang sinungaling na umangkin sa loob ng 23 taon na may matibay na patunay na siya ay isang propetang tulad nina Abraham, Moises, at Hesus, na wala nang mga propeta pagkatapos niya, at ang banal na kasulatan na ipinadala sa kanya ay mananatiling kanyang pangmatagalang himala hanggang sa katapusan ng panahon?
Ang sinungaling ay sasablay o magkakamali kung minsan, marahil sa kanyang kaibigan, marahil sa mga miyembro ng kanyang pamilya, sa isang-dako siya ay magkakamali. Ang kanyang mensahe, na ipinadala sa loob ng dalawang dekada, ay sasalungat sa sarili mismo nito minsan. Ngunit ang nakikita natin sa katotohanan ay ang banal na kasulatan na kanyang dinala ay nagpapahayag ng kalayaan mula sa mga panloob na salungatan, ang kanyang mensahe ay nanatiling pareho o may kaisahan sa kanyang buong misyon, at kahit sa gitna ng isang labanan, ay kanyang ipinahayag ang kanyang pagka-propeta![1]
Ang kwento ng kanyang buhay ay isang napangalagaang aklat na bukas para lahat na mabasa. Bago ang Islam, kilala siya sa kanyang sariling mga mamamayan sa pagiging mapagkakatiwalaan at maaasahan, isang matapat na tao, isang taong may integridad, na hindi nagsisinungaling.[2] Dahil sa mga kadahilanang ito kaya pinangalanan nila siyang "Al-Ameen", o "Ang Mapagkakatiwalaan" Siya ay mariing kumokontra sa pagsisinungaling at nagbabala laban dito. Posible ba sa kanya na magsabi ng patuloy na kasinungalingan sa loob ng 23 taon, isang napakalaking kasinungalingan na magdudulot sa kanyang pagkataboy mula sa lipunan, gayung hindi naman siya nakilalang nagsinungaling kahit minsan tungkol sa anumang bagay? Ito ay talagang laban sa sikolohiya ng mga sinungaling.
Kung ang isang tao ay tatanungin kung bakit siya ay mag-aangkin sa pagkapropeta at magsisinungaling, ang kanilang sagot ay maaaring isa sa dalawa:
1) Katanyagan, kaluwalhatian, kayamanan at katayuan.
2) Pagsulong ng moralidad.
Kung sasabihin natin na si Muhammad (pbuh) ay inaangkin ang pagkapropeta para sa katanyagan, kaluwalhatian at katayuan, makikita natin na ang tunay na nangyari ay ang ganap na kabaligtaran. Si Muhammad (pbuh), bago ang kanyang pag-angkin sa Pagkapropeta, ay tinatamasa ang isang mataas na katayuan sa lahat ng mga aspeto. Siya ay kabilang sa pinaka-marangal na mga tribo, kabilang din sa pinaka-marangal na mga pamilya, at kilala sa kanyang pagkamakatotohanan. Matapos ang kanyang pag-angkin, siya ay ipinagtabuyan ng lipunan. Sa loob ng 13 taon sa Makkah, siya at ang kanyang mga tagasunod ay hinarap ang labis na pagpapahirap, na humantong sa pagkamatay ng ilan sa kanyang mga tagasunod, pangungutya, pagpaparusa, at pagtataboy mula sa lipunan.
Maraming iba pang mga paraan na ang isang tao ay maaaring makakuha ng katanyagan sa lipunan sa panahong iyon, una sa pagiging matapang, at tula. Kung si Muhammad (pbuh) ay ginawa ang pag-aangkin na siya mismo ang nag-akda ng Quran, tulad ng ipapaliwanag sa bandang huli, iyon ay maaaring sapat na para sa kanyang pangalan at tula na iukit sa ginto at isabit sa loob ng Ka'bah sa habang panahon, na ang mga tao mula sa buong mundo ay sinasamba siya. Sa halip, ipinahayag niya na hindi siya ang may-akda ng kapahayagang ito, at ito ay mula sa Isa na nasa Kataas-taasan sa ibabaw, na naging dahilan upang siya ay kutyain sa kanyang panahon hanggang sa ating panahon.
Ang Propeta ay asawa ng isang mayamang negosyante, at tinatamasa niya ang kaginhawaan sa buhay na mayroon siya sa kanyang panahon. Ngunit pagkatapos ng kanyang pag-angkin sa pagkapropeta, siya ay naging pinakamahirap sa mga tao. Lumilipas ang mga araw nang walang apoy na nasisindihan sa kanyang lutuan sa bahay, at sa isang pagkakataon, ang pagkagutom ay nagtulak sa kanya sa moske na umaasa sa ilang pagkain. Ang mga pinuno ng Makkah sa kanyang panahon ay nag-alok sa kanya ng kayamanan ng mundo kapalit ng pag-iwan niya sa kanyang mensahe. Bilang tugon sa kanilang alok, binigkas niya ang mga talata sa Quran. Ang sumusunod ay ilan sa mga talata nito:
"(Silang) yaong mga nagsabi: 'Ang aming Panginoon ay ang Diyos,' at, pagkaraan, sila ay nanindigan at nagpakatatag, ang mga anghel ay papanaog sa kanila, na magsasabing: 'Huwag kayong mangamba o huwag kayong malungkot, at tanggapin ang magandang balita ng hardin na sa inyo ay ipinangako. Kami ay inyong mga tagapagbantay sa makamundong buhay na ito at sa kabilang buhay, at magkakaroon kayo doon ng anumang minimithi ng inyong mga sarili, at magkakaroon kayo doon ng anumang inyong kahilingan. Isang maalalahaning gantimpala mula sa Kanya na Laging Nagpapatawad, na Pinakamaawain!' At sino ba ang higit na mabuti sa pananalita kaysa sa isang nag-aanyaya tungo sa Diyos, na gumagawa ng mga gawaing matuwid, at nagsasabing: 'Ako ay kabilang sa mga sumusuko sa Islam?' O ang mabuting gawa at ang masamang gawa ba ay magkapantay. Iwaksi [ang kasamaan] sa pamamagitan ng anumang mas mabuti: Sanhi nito, siya na may kinikimkim na galit sa iyo ay magiging tila isang matalik na kaibigan. At walang gagawaran ng ganitong kabutihan maliban sa yaong matiisin at nagpipigil sa sarili,- walang gagawaran nito maliban sa mga yaong nag-aangkin ng malaking bahagi ng kabutihan." (Quran 41:30-35)
Kung ang isang tao ay sasabihing si Muhammad (pbuh) ay nagsinungaling at inangkin ang pagkapropeta upang magdala ng moral at relihiyosong reporma sa isang lipunang nakaratay sa mga sakit (sakit na panglipunan), ang argumento na ito ay walang saysay sa sarili nito, sapagkat paano makakapagdala ng isang repormang moral sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Kung si Muhammad (pbuh) ay masigasig na pinanindigan at ipinangaral ang tuwid na mga moral at pagsamba sa Isang Diyos, kung magkagayon maaari bang nagsinungaling siya sa kanyang sarili sa paggawa nito? Kung sasabihin natin na hindi ito posible, ang tanging sagot lamang ay na siya ay nagsasabi ng katotohanan. Ang tanging iba pang posibilidad ay na siya ay baliw.
Ang Pag-aangkin ni Muhammad (pbuh) sa Pagkapropeta (bahagi 3 ng 3): Siya ba ay Baliw, isang Manunula, o isang Salamangkero?
Paglalarawanˇ: Ang katibayan para sa pag-aangkin na si Muhammad (pbuh) ay isang tunay na propeta at hindi isang impostor. 3 bahagi: Isang pagtanaw sa ilang iba pang maling pag-aangkin na ginawa ng mga kritiko.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 9
- Tumingin: 5,422
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Siya ba ay Baliw?
Sa isang taong nakitungo sa may sakit sa pag-iisip ay Malalaman na ang mga tao ay maaaring makilala sa pamamagitan ng kanilang mga sintomas. Si Muhammad (pbuh) ay hindi nakitaan ng sintomas ng pagkabaliw sa anumang pagkakataon sa kanyang buhay. Walang kaibigan, asawa, o miyembro ng pamilya na pinaghinalaan o iniwan siya dahil sa pagkabaliw. Para naman sa mga epekto ng mga kapahayagan sa Propeta, tulad ng pagpapawis at mga katulad nito, ito ay dahil sa tindi ng Mensahe na kailangan niyang pasanin at hindi dahil sa anumang pagsumpong ng epilepsiya o sintomas ng pagkabaliw...
Sa kabaliktaran o ang katotohanan, si Muhammad (pbuh) ay nangaral ng mahabang panahon at nagdala ng isang Batas na bago o di kilala sa pagiging ganap at pagiging sopistikado nito para sa mga sinaunang Arabo. Kung ang propeta ay baliw, ito ay maaring naging malinaw sa mga nakapaligid sa kanya sa isang punto sa loob ng dalawampu't tatlong taon. Kailan ba sa kasaysayan na ang isang baliw na tao ay ipinangaral ang kanyang mensahe upang sambahin ang Isang Diyos sa loob ng sampung taon, tatlo sa mga taon na ito ay kanilang ginugol kasama ang kanyang mga kasamahan sa pagiging exile o ipinatapon sa ibang lugar, at sa kalaunan ay naging pinuno sa kanyang sariling mga lupain? Sinong baliw na tao ang nakapukaw sa mga puso at isipan ng mga taong nakatagpo sa kanya at nakuha ang pag-galang ng kanyang mga kalaban?
Higit pa rito, ang kanyang pinakamalalapit na mga kasama, sina Abu Bakr at Omar ay kinilala dahil sa kanilang mga kakayahan, kamaharlikahan, kasanayan, at kapinuhan. Sila ay nakahandang ilaan ang anuman para sa relihiyong kanyang dinala. Sa isang pagkakataon, si Abu Bakr ay dinala ang lahat ng kanyang materyal na pag-aari kay Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, at nang tanungin kung ano ang iniwan niya para sa kanyang pamilya, siya ay tumugon, 'Ako ay nag-iwan para sa kanila ng Diyos at ng Kanyang Sugo!'
Si Abu Bakr, isang mangangalakal sa propesyon, matapos na mahalal na tagapamahala ng lahat ng mga Arabo pagkatapos ni Muhammad (pbuh), ay gumugugol lamang ng dalawang dirham para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya!
Si Omar ay naging pinuno ng Arabya pagkatapos ni Abu Bakr at sinakop ang Syria, Ehipto, at nasakop ang Imperyo ng Persia at Roma. Siya ay isang taong kilala sa kanyang makatarungang hustisya. Paanong ang isang tao ay makapagsasabing ang mga taong ito ay sumusunod sa isang sira ang isip na indibidwal?
Ang Diyos ay nagmumungkahi: tumayo sa harapan ng Diyos nang walang pagkiling o mga mapanghinalang paniniwala, at talakayin ito sa ibang tao o pag-isipan mo ito mismo, ang propetang ito ay hindi baliw, siya ay matino sa kasalukuyan tulad ng pagkakilala mo sa kanya sa loob ng apatnapung taon (bago siya naging propeta).
"Ipagbadya sa kanila: 'Ako ay nagpapayo lamang sa inyo ng isang bagay: Maging (laging matatakutin na) manindigan sa harapan ng Diyos, maging kayo ay kasama ng iba o nag-iisa; at pagkaraan, kayo ay mag-isip sa inyong mga sarili (na) walang kabaliwan (sa propetang ito,) inyong kapwa-tao: siya ay isa lamang tagapagbabala para sa inyo sa matinding parusa na darating.'" (Quran 34:46)
Ang mga sinaunang taga-Makkah ay tumanggi sa kanyang panawagan dahil sa maka-tribong pagkiling o kadahilanan, at hindi sila makatotohanan sa kanilang mga paratang sa kanyang pagkabaliw. Kahit sa kasalukuyan, maraming mga tao ang tumatangging tanggapin si Muhammad (pbuh) bilang isang propeta dahil lamang sa siya ay isang Arabo at pinasasaya ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsasabi na siya nga ay nababaliw o nagsisilbi para sa diyablo. Ang kanilang poot sa mga Arabo ay naisalin sa kanilang pagtanggi kay Muhammad (pbuh), kahit na ang Diyos ay nagsabi:
"Ngunit, siya (na tinatawag ninyong baliw na manunula) ay nagdala ng katotohanan; at pinatutunayan ang katotohanan na (anumang itinuro ng mga nauna) tagapagdala ng mensahe ng Diyos (na kanilang itinuro)." (Quran 37:37)
Bagama't ang mga paganong Arabo ay kilalang-kilala rin si Muhammad (pbuh), ipinupukol pa rin nila ang mga paratang ng pagkabaliw sa kanya, sapagkat itinuring nila na ang kanyang relihiyon ay isang kalapastanganan laban sa tradisyon ng kanilang mga ninuno.
"At kapag ang Aming mga talata ay binibigkas sa kanila bilang malilinaw na katibayan, sila ay nagsasabi: 'Ito ay isang tao lamang na naghahangad na kayo ay hadlangan mula sa anupamang dating sinasamba ng inyong mga ninuno.' At sila ay nagsasabi: 'Ito ay isang kinathang kasinungalingan.' At yaong mga di-naniwala ay nagsasabi sa anumang katotohanang dumating sa kanila na: 'Ito ay isang malinaw na salamangka!' At wala Kaming ipinagkaloob sa kanila mula sa mga kasulatan na maaari nilang pag-aralan, at hindi Kami nagpadala sa kanila ng una o bago sa iyo, (O Muhammad), ng isang tagapagbabala. At yaong mga nauna sa kanila ay nagtakwil, at sila (mga mamamayan ng Makkah) ay hindi nakaabot ng kahit ika-sampung bahagi ng anumang Aming ipinagkaloob sa kanila. Ngunit sila (ito ay mga naunang mamamayan) ay nagtakwil sa Aking mga sugo, kaya't pagmasdan kung gaano (katindi) ang Aking kaparusahan." (Quran 34:43-45)
Siya ba ay Isang Manunula?
Ang Diyos ay binanggit ang kanilang paratang sa Quran at tumugon dito:
"O sila baga ay nagsasabi (tungkol sa iyo), na 'Isang makata kung kanino kami ay naghihintay ng isang kapahamakan pagdating ng panahon?' Sabihin, 'Magsipaghintay, sapagkat tunay ngang Ako, ay kasama ninyo, na kabilang sa naghihintay.' O ang kanila bang pag-iisip ang siyang nag-uutos upang (sabihin) ito, o sila ba ay mga taong palasuway? O sila ba ay nagsasabing, 'Siya ang kumatha nito?' Bagkus sila ay hindi naniniwala! (Quran 52:30-33)
Ang Diyos ay inilarawan ang mga manunula sa panahong yaon upang ang Propeta ay maihambing sa kanila:
"At sa mga manunula - (sila, rin, ay mahilig linlangin ang kanilang mga sarili: kung kaya, tanging) silang mga nalihis sa matinding pagkakamali ang magsisisunod sa kanila. Hindi baga ninyo napagmamasdan na sila ay mga litong nagpapaikot-ikot lang sa mga lambak (sa mga salita at mga iniisip)[1], at sila ay (madalas) na nagsasabi ng anumang hindi nila ginagawa (o nadarama)? (karamihan sa kanila ay ganitong uri -) sagipin silang nakamit ang pananampalataya, at gumagawa ng mga gawaing matuwid, at nag-aalaala sa Diyos nang palagian, at ipinagtatanggol ang kanilang mga sarili (lamang) pagkaraang sila ay ginawan ng kamalian, at (nagtititiwala sa pangako ng Diyos na) yaong mga gumagawa ng kamalian pagdating ng panahon ay kanilang mapag-aalaman kung anong uri ng pagbabalik sila ay ibabalik!" (Quran 26:224-227)
Ang mga manunulang Arabyano ay ang pinakamalayo sa katotohanan, kung pag-uusapan ang alak, pagkapalikero, digmaan, at paglilibang, hindi katulad ng Propeta na nag-anyaya sa mabuting asal, naglilingkod sa Diyos, at tumutulong sa mahihirap. Si Muhammad (pbuh) ay sinusunod ang kanyang sariling mga turo bago ang sinuman na hindi katulad ng mga manunula ng nakaraan o mga pilosopo sa kasalukuyan.
Ang Quran na binigkas ng Propeta ay hindi katulad ng anumang tula sa estilo nito. Ang mga Arabo ng panahong yaon ay may mahigpit na mga patakaran patungkol sa ritmo, rimo (rhyme), pantig at pagtatapos sa bawat taludtod ng tula. Ang Quran ay hindi sumunod sa alinman sa mga patakaran na kilala sa panahong yaon, ngunit sa parehong pagkakataon, ito ay nakahihigit sa anumang uri ng teksto na kung saan ang mga Arabo ay hindi pa ito kailanman narinig. Ang ilan sa kanila sa katunayan ay naging mga Muslim matapos na marinig lamang ang ilang mga talata ng Quran, dahil sa kanilang tiyak na kaalaman na ang pinagmulan ng isang bagay na napakaganda ay hindi maaaring maging sa anumang nilikha..
Si Muhammad (pbuh) ay hindi nakilala na umaakda ng isang tula bago ang Islam o pagkatapos ng pagkapropeta. Sa halip, ang Propeta ay may matinding hindi pagkagusto dito. Ang tinipong mga pahayag niya, na tinatawag na Sunna, ay masigasig na napanatili at ganap na naiiba sa nilalamang panitikan kaysa sa Quran. Ang bahay-imbakan ng mga tulang Arabe ay hindi naglalaman ng anumang mga paraedo ni Muhammad (pbuh).
Siya ba ay Isang Salamangkero?
Si Propetang Muhammad (pbuh) ay hindi kailanman natuto o nagsagawa ng salamangka. Sa kabaligtaran, kinondena niya ang pagsasagawa ng salamangka at tinuruan ang kanyang mga tagasunod kung paano humingi ng pagpapakupkop laban dito.
Ang mga salamangkero ay may malakas na ugnayan sa diyablo. Ang kanilang pagsasama ay nagbibigay-daan sa kanila na linlangin ang mga tao. Ang mga diyablo ay nagpapalaganap ng mga kasinungalingan, kasalanan, kalaswaan, imoralidad, kasamaan, at sinisira nila ang mga pamilya. Nilinaw ng Quran kung kanino bumababa ang mga diyablo:
"Nais mo bang ipaalam ko sa iyo kung saan ang mga diyablo bumababa? Sila ay bumababa sa bawat makasalanang sinungaling. Ipinararating nila ang kanilang naririnig at karamihan sa kanila ay mga sinungaling." (Quran 26:221-223)
Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tanyag at kilalang tao na may integridad na totoo sa kanyang salita na hindi pa nakilalang nagsinungaling. Nag-uutos siya ng mabuting ugali at kagandahang asal. Walang salamangkero sa kasaysayan ng mundo ang nakapagdala ng isang banal na kasulatan tulad ng Quran o isang Batas na katulad ng sa kanya.
Mga talababa:
[1]Ang idyomatikong parirala ay ginamit, tulad ng itinuturo ng karamihan sa mga komentarista, upang ilarawan ang isang nalilito o walang layunin - at madalas na sinasalungat ang sarili - sa paglalaro ng mga salita at kaisipan. Sa kontekstong ito nangangahulugan itong bigyang-diin ang pagkakaiba sa pagitan ng katumpakan ng Quran, na malaya mula sa lahat ng mga panloob na pagkakasalungat, at ang kalabuan na madalas na likas o matatagpuan sa tula.
Magdagdag ng komento