Mga Pag-uusap sa Paraiso at Impiyerno (bahagi 1 ng 3): Pakikipag-usap sa mga Anghel
Paglalarawanˇ: Ano ang sasabihin sa atin ng ating mga kasama habambuhay habang tayo ay papasok sa ating walang hanggan na tirahan.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 29 Aug 2021
- Nag-print: 6
- Tumingin: 8,130 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Magsisimula tayo sa bagong serye ng mga artikulo tungkol sa pag-uusap na magaganap sa Paraiso at Impiyerno. Inaasahan na sa pagpapaalala sa ating mga sarili, kung anuman ang nailarawan sa atin tungkol sa Paraiso at Impiyerno ay kaya nating maranasan at mapagmuni-munihan ang mga kaganapan na mangyayari kapag naharap tayo sa ating tahanan sa Kabilang buhay.
Bakit hinayaan tayo ng Diyos na pakinggan ang mga pag-uusap na ito? Ang Quran ay puno ng hindi lamang paglalarawan sa hardin na Paraiso at Impiyerno, bagkus pag-uusap, diyalogo, diskurso at matalinong pagpapaliwanag din. Kapag ang magkakatulad na mga senaryo ay paulit-ulit, ito ay isang indikasyon na sinasabi ng Diyos, “bigyang pansin!” Samakatuwid ito ay katungkulan natin na gawin ito - bigyan pansin o halaga, na alinman ang umasa tigib ng kaligayahang tirahan na kilala sa tawag na hardin ng Paraiso o hangarin na maprotektahan ang ating mga sarili mula sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno. Ang mga impormasyon ay paulit-ulit upang tayo ay makapag-isip ng husto.
Sa mga sumusunod na mga artikulo ay titingnan natin ang maraming pagkakaiba ng mga kategorya ng pag-uusap. Ang pag-uusap ng mga Anghel at mga tao ng hardin ng Paraiso at mga tao sa Impiyerno, ang pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao sa hardin ng Paraiso at Impiyerno kasama ang kanilang kapamilya, at ang pakikipag-uusap ng Diyos sa mga tao ng hardin ng Paraiso at Impiyerno. Bilang karagdagan ay titingnan natin kung ano ang sinabi ng mga tao ng hardin ng Paraiso at Impiyerno sa kanilang mga sarili at sa bawat isa. Ating umpisahan sa pag-uusap sa pagitan ng mga Anghel at mga tao sa Kabilang buhay.
Pakikipag-usap sa mga Anghel
Ang mga Anghel ay naninirahan sa gitna ng mga tao mula sa ating simula hanggang sa pinakadulo. Sila ay may pananagutan sa paghinga ng mga kaluluwa sa mga fetus, sila ay nagtatala ng ating mabubuti at masasamang gawain at kukunin nila ang mga kaluluwa mula sa ating mga katawan sa oras ng kamatayan. Sa pagpasok sa ating walang hanggang tirahan, pagkatapos ng buhay, sila ay ating kasama, at pwedi tayong makipag-usap sa kanila.
Ang mga tao sa mga Hardin ng Paraiso
Ang walang hanggan na tirahan ng mga namuhay na may pagtitimpi sa pagharap ng kahirapan, at nagsikap na maging matuwid sa mga oras ng kahirapan at kadalian, ay ang walang hanggan, ang Hardin ng Paraiso na kilala sa tawag na Jannah. Kapag ang mga tao na maninirahan sa walang hanggang buhay sa hardin ng Paraiso ay papasok na sa kanilang bagong tahanan, ang mga Anghel ay babatiin sila. Ito ang mga nagbabantay sa Hardin ng Paraiso at kanilang sasabihin, “pumasok kayo dito ng payapa, dahil sa inyong pagtitimpi!” Ang Hardin ng Paraiso ay walang hanggan na katahimikan at ganap na kasiyahan.
At yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon ay dadalhin patungo sa Paraiso ng pangkat-pangkat, hanggang, kapag sila ay makarating dito at ang mga pintuan nito ay magbubukas at ang mga tagapagbantay nito ay magasasabi sa kanila:" Salamun Alaikum (kapayapaan sa inyo)! ''Kayo ay naging dalisay kaya magsipasok kayo rito upang kayo ay manatili rito nang walang hanggan.” (Quran 39:73)
Ang lahat ng pinsala o sakit na kanilang naramdaman ay aalisin sa kanilang mga puso. Sasagot sila sa mga Anghel ng may papuri sa Diyos, at magpapatuloy ang pag-uusap.
“…Ang lahat ng papuri ay sa Allah na Siyang pumatnubay sa amin patungo rito, at kailanman kami ay hindi mapapatnubayan kung kami ay hindi pinatnubayan ng Allah. Katiyakan, ang mga sugo ng Aming Panginoon ay nagsirating na dala ang katotohanan." At sila ay tatawagin: "Ito ang Paraiso na sa inyo ipinamana nang dahil sa anumang kabutihang inyong laging ginagawa.” (Quran 7:43)
Ang mga tao sa Impiyerno
Ang pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao ng Impiyerno at mga Anghel ay magiging kakaiba. Ang mga maninirahan sa Impiyerno ay ibang-iba ang magiging karanasan. Sa halip na maghintay na sabik na pumasok sa kanilang walang hanggang tirahan, ang mga taong nakalaan para sa Impiyerno ay kailangang pagsama-samahin at kaladkarin ng mga Anghel na namamahala sa apoy. At kapag ang mga taong naghihirap ay itatapon na sa Impiyerno, ang Anghel ay magsasabi: , “Wala bang isang tagapagbabala ang dumating sa inyo?”
Ito ay halos sumabog sa tindi ng pagkagalit. Sa tuwing may pangkat na itatapon doon, ang mga tagapagbantay nito ay magtatanong sa kanila: “Wala bang isang tagapagbabala ang dumating sa inyo?” At sila ay magsasabi: “Tunay nga, ang tagapagbabala ay dumating sa amin, nguni't siya ay aming itinakwil at aming sinabi sa kanya: ‘Ang Allah ay walang ibinabang anumang bagay (rebelasyon); at katotohanan, ikaw lamang ang nasa malaking kamalian.’“ At sila ay magsasabi: “Kung kami sana ay nakinig lamang o nag-isip, marahil kami ay hindi magiging kabilang sa mga mananahan sa naglalagablab na Apoy!” (Quran 67:8-10)
Gayunpaman, ito ay hindi unang beses na nangyari sa mga naninirahan sa Impiyerno na makipag-usap sa mga Anghel. Kapag ang Anghel ng kamatayan at ang kanyang mga katulong ay nagtipon upang alisin ang mga kaluluwa ng mga tao ito, sila ay magtatanong ng marahas, nasaan na ang mga sinasamba niyo bukod sa Diyos? Dahil sa yugtong ito ng buhay ng tao ang kanyang mga idolo o sinasamba ay hayagang wala.
…kapag ang aming mga sugo (Anghel ng kamatayan at kanyang katulong) ay dumating sa kanila upang kunin ang kanilang mga kaluluwa, sila (mga Anghel) ay magsasabi: “Nasaan yaong lagi ninyong dinadalanginan bukod sa Allah,” at sila ay magsasabi: “Sila ay naglaho at iniwan kami.” At sila ay sasaksi laban sa kanilang mga sarili, na sila ay mga di-naniniwala. (Quran 7:37)
Pagkatapos ng ilang panahon, ang mga naninirahan sa Impiyerno ay magsisimula nang mawalan ng pag-asa. Nanalangin sila sa Diyos ngunit walang natanggap na tugon, kaya't sila ay nagsimulang makiusap sa mga Anghel, ang mga tagapagbantay. Kanilang sinabi, manalangin kayo sa inyong Panginoon, hingin na pagaanin ang aming parusa. Ang mga Anghel ay tumugon na kung saan ang tugon na iyon ay nagdagdag lamang sa kanilang pagkabigo.
At yaong mga nasa Apoy ay magsasabi sa mga tagapagbantay (na Anghel) ng Impiyerno: “Manalangin kayo sa inyong Panginoon upang pagaanin para sa amin ang isang araw mula sa parusa! ”Sila (mga Angel) ay magsasabi: “Hindi ba dumating sa inyo ang inyong mga Sugo na may dalang mga katibayan?” Sila ay magsasabi: “Tunay nga na may dumating.” Sila (mga Anghel) ay sasagot: “Kung gayon, kayo (sa inyong mga sarili) ang manalangin! … (Quran 40:49-50)
Magdagdag ng komento