Maikling Paglalahad ng mga Kasiyahan sa Paraiso
Paglalarawanˇ: Isang sulyap sa likas na katangian ng Paraiso tulad ng inilarawan sa Quran at kasabihan ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos).
- Ni islam-guide.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 16 Oct 2011
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,873 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang sinabi ng Diyos sa Quran:
“At bigyan mo ng magandang balita (O Muhammad) ang mga naniniwala at gumagawa ng kabutihan, na sa kanila ang halamanan (Paraiso) kung saan may mga ilog na nagsisidaloy....” (Quran 2:25)
Sinabi din ng Diyos:
“Makipagpaligsahan sa isa't isa para sa kapatawaran mula sa iyong Panginoon at para sa Paraiso, na ang lawak ay kasing lapad ng kalangitan at kalupaan, na inihanda para sa mga naniniwala sa Diyos at sa Kanyang mga sugo....” (Quran 57:21)
Ang Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay nagsabi sa amin na ang may pinakamababang ranggo sa mga naninirahan sa Paraiso ay magkakaroon ng sampung beses na katulad ng mundong ito,[1] at magkakaroon siya ng anumang naisin niya na sampung beses tulad nito.[2] Gayundin, sinabi ni Propeta Muhammad sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos: "Na ang isang puwang sa Paraiso na katumbas ng sukat ng isang paa ay mas mainam kaysa sa mundo at kung ano ang napapaloob nito.”[3] Sinabi rin niya: "Sa Paraiso mayroong mga bagay na hindi pa nakita ng mata, hindi pa narinig ng tainga, at hindi pa naisip ng tao.”[4] Sinabi rin niya:" Ang pinaka-kahabag-habag na tao sa mundo na ang hantungan ay Paraiso ay patitikimin ng isang beses sa Paraiso. Pagkatapos ay tatanungin siya, ‘Anak ni Adan, nakaranas ka ba ng anumang kalungkutan? Naranasan mo ba ang anumang paghihirap?’ Kaya sasabihin niya, ‘Hindi, sa ngalan ng Diyos, O aking Panginoon! Hindi ako naharap sa anumang kalungkutan, at hindi ako nakaranas ng anumang paghihirap.’”[5]
Kung pumasok ka sa Paraiso, magkakaroon ka ng isang napakasayang buhay na walang karamdaman, sakit, kalungkutan, o kamatayan; Malulugod sa'yo ang Diyos; at mabubuhay ka roon magpakailanman. Sinabi ng Diyos sa Quran:
“Ngunit sa mga naniniwala at gumagawa ng kabutihan, papasukin Natin sila sa mga halamanan (Paraiso) kung saan ang mga ilog ay dumadaloy, mananatili sa kanila magpakailanman....” (Quran 4:57)
Mga talababa:
[1]Isinalaysay sa Saheeh Muslim, #186, at Saheeh Al-Bukhari, #6571.
[2]Isinalaysay sa Saheeh Muslim, #188, at Mosnad Ahmad, #10832.
[3]Isinalaysay sa Saheeh Al-Bukhari, #6568, at Mosnad Ahmad, #13368.
[4]Isinalaysay sa Saheeh Muslim, #2825, at Mosnad Ahmad, #8609.
[5]Isinalaysay sa Saheeh Muslim, #2807, at Mosnad Ahmad, #12699.
Magdagdag ng komento