Kaligtasan mula sa Impiyerno
Paglalarawanˇ: Ang daan tungo sa kaligtasan mula sa pananaw ng Islam.
- Ni islam-guide.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 29 Mar 2011
- Nag-print: 19
- Tumingin: 3,408 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sinabi ng Diyos sa Quran:
“Yaong mga hindi naniwala at namatay sa kawalan ng paniniwala, ang lupain na puno ng ginto na ihahandog ng isa sa kanila bilang pantubos ay hindi tatanggapin. Magkakaroon sila ng isang masakit na parusa, at walang makakatulong sa kanila.” (Quran 3:91)
Kaya, ang buhay na ito ang ating tanging pagkakataon upang matamo ang Paraiso at makatakas mula sa Impiyerno, sapagkat kung ang isang tao ay namatay ng walang paniniwala, hindi na siya magkakaroon ng isa pang pagkakataong bumalik sa mundong ito upang maniwala. Tulad ng sinabi ng Diyos sa Quran tungkol sa kung ano ang mangyayari sa mga hindi naniniwala sa Araw ng Paghuhukom:
“Kung sila lamang ay iyong makikita kapag sila ay inilagay sa Apoy (Impiyerno) at sabihing, "Sana bumalik kami (sa mundo)! Kung gayon, hindi natin tatanggihan ang mga taludtod ng ating Panginoon, at tayo ay magiging kaisa ng mga mananampalataya!” (Quran 6:27)
Ngunit walang sinuman ang magkakaroon ng pangalawang pagkakataong ito.
Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos, ay nagsabi: "Ang pinakamasayang tao sa mundo na hahatulan sa Apoy (Impiyerno) sa Araw ng Paghuhukom ay ilulublub sa Apoy ng isang beses. Pagkatapos ay tatanungin siya, 'Anak ni Adan, nakakita ka ba ng kahit anung kabutihan? Naranasan mo ba ang anumang pagpapala? 'Kaya sasabihin niya,' Hindi, sa pamamagitan ng Diyos, O Panginoon!’”[1]
Talababa:
[1]Isinalaysay ni Saheeh Muslim, #2807, at Mosnad Ahmad, #12699.
Magdagdag ng komento