Kamatayan sa Konteksto ng Pananampalataya
Paglalarawanˇ: Ang kamatayan ay hindi katapusan ng lahat; ito ay isang himpilan lamang ng isang mahabang paglalakbay. Maaari nating tingnan ito nang positibo at maimpluwensyahan ang ating buhay upang makamit ang higit pa sa mundong ito at makatanggap ng isang magandang hantungan sa Kabilang Buhay.
- Ni islamtoday.net [edited by IslamReligion.com]
- Nailathala noong 23 Nov 2020
- Huling binago noong 23 Nov 2020
- Nag-print: 1
- Tumingin: 5,051 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Noong unang panahon, kung makita ng isang babae sa panaginip ang isang lalaki na nagpapatay ng gasera sa bahay, o kung makita niya na ang isang malaking bahay ay gumuho sa mga pundasyon nito, siya ay sasabihan ng isang nagbibigay kahulugan ng panaginip na ang lalaki sa bahay na iyon ay mamamatay!
May isang tao na nagsabing: "Nakita ko sa panaginip na ako ay naglalakad na may mga saklay sa umaga, at pagkalipas ng isang oras ay may nagbalita sa akin na ang aking ama ay namatay na."
Ang mga Arabo dati ay napag-aakala na ang uwak ay isang masamang tanda. Ang lahat ng ito ay pamahiin na nagmula pa sa mga araw ng kamangmangan bago dumating ang Islam.
Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay nagsabi sa isang sermon: "Binigyan ng Diyos ang kanyang alipin ng kanyang pagpipilian sa alinman mabigyan ng bulaklak ng Mundo o sa inihanda Niya para sa kanya, at kaniyang pinili ang kung anong inihanda Niya para sa kanya." Ang mga tao ay naguluhan, ngunit si Abu Bakr ay nagsimulang umiyak, naunawaan na ang Propeta ay nagsasabi sa mga tao na ang kanyang buhay ay magtatapos na."[1]
Isang batang babae ang tinanong: Ilan kayong anak sa inyong pamilya?"
Siya ay sumagot: "Kami ay pito."
Siya ay nagtanong: "Nasaan sila?"
Siya ay nagsabi: "Ang lima sa amin ay naririto, at ang dalawa sa amin ay nasa ilalim ng puno na naroroon."
Siya ay tumingin sa direksyon na tinuturo niya at kanyang nakita ang dalawang maliliit na bato ng libingan sa ilalim ng puno.
"Kayo ay lima, kung gayon." "Hindi," sagot niya, "Kami ay pito."
Ang kamatayan ay hindi pagkabura o hindi rin ito ang wakas. Ito ay isang paglipat mula sa isang umiiral na estado patungo sa panibago. Ito ay pagiging bagong silang sa panibagong mundo. Kahit na para bang tinanggal mula sa saksakan ang kasangkapang de-koryente, ito ay isang mabilis, na maigsing paglisan na kalagayan. Ating sinasabi sa mga bata na ang namatay ay "napunta na sa kanilang Panginoon". Ito ay isang mabuting paraan upang ilarawan ito. Ito ay isang positibong paraan kung paano ito tingnan at ito ay naaayon sa ating pananampalataya.
Ang Kahulugan ng Buhay
Si Albert Camus, na isang Eksistensiyal na Pilosopong Pranses , ay nagsabi na dahil tayo ay dapat mamatay, walang bagay na may anumang kahulugan.
Kamakailan lamang, sinabi ni al-Khayyam: "Ang baso na ito ay ginawa sa katangi-tanging porma, kaya't bakit ito ay bibigay agad sa pagkasira?"
Ang mga ito ay mapanira, na nihilistikong pag-iisip. Kabaligtaran nito, sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala): "sa mundong ito ay maging isang istranghero o manlalakbay."
Palaging sinasabi ni Ibn Umar: "Kapag ikaw ay matutulog sa gabi, huwag maghintay ng madaling araw, at kapag nagising ka, huwag maghintay na darating ang gabi. Samantalahin ang iyong kalusugan para sa iyong mga oras ng pagkakasakit at samantalahin ang iyong buhay bago dumating ang iyong kamatayan."[2]
Ang buhay ay tulad ng isang paliparan; ito ay paghahanda lamang sa darating na mahabang paglalakbay.
Ang Diyos ay nagsabi: "Siya na lumikha ng kamatayan at buhay upang masubukan Niya kung sino sa inyo ang pinakamahusay sa mga gawa." (Quran 67:2)
Ito ay isang positibong paraan ng pagtingin dito. Sa halip na makita bilang isang pagtigil sa aktibidad, ang hindi maiiwasang kaganapang ito ay nakikita bilang isang pagpapadali sa aktibidad. Kailangan nating magawa ang mga bagay at gawin ang ating nais makuha habang magagawa pa natin.
Kapag pinahahalagahan natin na ang buhay ay maikli, ito ay makakatulong sa atin na maging mas mapagpatawad na mga tao. Magiging handa tayong itabi ang ating mga personal na sama ng loob, dahil nalalaman natin na ang mga oras natin sa iba ay limitado.
Tatlong mahahalagang katanungan na mapipilitan tayong itanong sa ating mga sarili:
1. Pano tayo mamumuhay ng maligaya, at prudoktibong buhay?
2. Ano ang sasabihin ng mga tao pagkatapos nating pumanaw? Anong inspirasyon ang makikita nila sa ating mga kwento sa buhay?
3. Ano ang magiging itsura ng ating mga mabubuting gawa kapag nakalipat na tayo sa Kabilang Buhay?
Ang isa sa mga Naunang Matutuwid ay nagsabi: "Mayroong mga tao na gumagawa ng maraming mabubuting gawa, nalalaman nila na kung sila ay mamatay bukas, ay hindi na nila madaragdagan ang kanilang ginagawa."
Sinabi ni Ali ibn Abi Talib: "Sa bawat paghinga, dumarating ang isang tao sa mas malapit sa kamatayan." Sinabi rin niya: "Gumawa ka sa mundong ito na para bang ikaw ay mabubuhay magpakailanman, ngunit gumawa ka para sa Kabilang Buhay na para bang ikaw ay mamamatay na bukas."
Si Steve Jobs ay nagbigay ng talumpati sa mga nagsipagtapos na kung saan ay inilarawan niya kung paano siya natutulog sa sahig ng mga silid ng kanyang mga kaibigan, kung paano siya lumakad ng milya para makakuha ng libreng pagkain, kung paano ang kanyang batang ina nagpumilit makahanap ng taong aampon sa kanya noong siya ay ipinanganak, kung paano siya kadaling tinanggal sa kumpanya na kanyang itinatag, at kung anong naramdaman niya nang siya ay masuri na may kanser sa lapay. Pagkatapos ay kanyang sinabi: "kung mamumuhay ka sa bawat araw na para bang ito na ang iyong huli, balang araw ay tiyak na magiging tama ka."
Paano Tingnan ang Kamatayan sa Positibong Pananaw
1. Sapat nang isipin ito bilang isang paglalakbay sa isang lugar na walang pang-aapi o kawalang-katarungan. Sa Araw ng Paghuhukom, ito ay sasabihin: "Sa Araw na ito, bawat kaluluwa ay babayaran sa anumang kanyang ginawa. Walang anumang di-makatarungan ang mananaig sa Araw na ito." (Quran 40:17)
2. Ito ay isang muling pagsasama-sama sa ating mga mahal sa buhay na namatay. Bago siya namatay, sinabi ni Muadh ibn Jabal: "Bukas, makikipagtagpo ako sa mga mahal ko, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) at ang kanyang mga Kasamahan."
3. Ito ay paglaya mula sa bilangguan ng materyal na pag-iral. Sinabi ng Propeta: "Ang mundong ito ay bilangguan ng mananampalataya."[3]
4. Ito ay isang awa para sa mga taong ang buhay ay naigugupo na ng lumalalang karamdaman, kawalan ng kakayahan o kapag ang isip ng isang tao ay humihina na nagiging dahilan upang hindi na nila makayanang makihalubilo sa kanilang mga mahal sa buhay.
5. Ang kamatayan ay katulad ng pagtulog. Parehong isang pagbabago sa ating estado ng pag-iral. Ang isa ay isang permanenteng paglipat sa ibang buhay, at ang isa ay pahiwatig nito.
6. Sa pagkakabatid na isang araw tayo ay mamamatay, nakakatulong ito sa atin na panghawakan ang ating mga pinahahalagahan kapag nahaharap sa mga pagdurusa ng buhay, at ginagawang madali para sa atin na gumawa ng mga tamang pagpapasya kapag nahaharap tayo sa mga hindi tama ngunit kaakit-akit na mga pagpipilian.
Magdagdag ng komento