Ang Pag-angkin ni Muhammad (pbuh) sa Pagkapropeta (bahagi 2 ng 3): Siya Ba ay isang Sinungaling?
Paglalarawanˇ: Ang Katibayan para sa pag-aangkin na si Muhammad (pbuh) ay isang tunay na propeta at hindi isang impostor. bahagi 2: Isang pagsusuri sa paratang na si Muhammad (pbuh) ay isang sinungaling.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 9
- Tumingin: 7,183 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Isang Lohikal na Pagsusuri sa Kanyang Pag-angkin
Tulad ng una ng napag-usapan, si Muhammad (pbuh) ay ginawa ang pag-angking, 'Ako ang Sugo ng Diyos.' Maaring siya ay totoo sa kanyang pag-aangkin o hindi. Magsisimula tayo ng pagsasapalagay na hindi at susuriin ang lahat ng mga posibilidad na pinalaganap ng mga nag-alinlangan sa nakaraan at kasalukuyan, tatalakayin din natin ang ilan sa kanilang mga maling akala. Kung ang lahat ng iba pang mga posibilidad ay natalakay na ay maaari na nating makatwirang angkinin na ang tanging posibilidad na naiwan ay totoo siya sa kanyang inaangkin. Titingnan din natin kung ano ang sinasabi ng Qur'an sa bagay na ito.
Siya ba ay Sinungaling?
Posible ba para sa isang sinungaling na umangkin sa loob ng 23 taon na may matibay na patunay na siya ay isang propetang tulad nina Abraham, Moises, at Hesus, na wala nang mga propeta pagkatapos niya, at ang banal na kasulatan na ipinadala sa kanya ay mananatiling kanyang pangmatagalang himala hanggang sa katapusan ng panahon?
Ang sinungaling ay sasablay o magkakamali kung minsan, marahil sa kanyang kaibigan, marahil sa mga miyembro ng kanyang pamilya, sa isang-dako siya ay magkakamali. Ang kanyang mensahe, na ipinadala sa loob ng dalawang dekada, ay sasalungat sa sarili mismo nito minsan. Ngunit ang nakikita natin sa katotohanan ay ang banal na kasulatan na kanyang dinala ay nagpapahayag ng kalayaan mula sa mga panloob na salungatan, ang kanyang mensahe ay nanatiling pareho o may kaisahan sa kanyang buong misyon, at kahit sa gitna ng isang labanan, ay kanyang ipinahayag ang kanyang pagka-propeta![1]
Ang kwento ng kanyang buhay ay isang napangalagaang aklat na bukas para lahat na mabasa. Bago ang Islam, kilala siya sa kanyang sariling mga mamamayan sa pagiging mapagkakatiwalaan at maaasahan, isang matapat na tao, isang taong may integridad, na hindi nagsisinungaling.[2] Dahil sa mga kadahilanang ito kaya pinangalanan nila siyang "Al-Ameen", o "Ang Mapagkakatiwalaan" Siya ay mariing kumokontra sa pagsisinungaling at nagbabala laban dito. Posible ba sa kanya na magsabi ng patuloy na kasinungalingan sa loob ng 23 taon, isang napakalaking kasinungalingan na magdudulot sa kanyang pagkataboy mula sa lipunan, gayung hindi naman siya nakilalang nagsinungaling kahit minsan tungkol sa anumang bagay? Ito ay talagang laban sa sikolohiya ng mga sinungaling.
Kung ang isang tao ay tatanungin kung bakit siya ay mag-aangkin sa pagkapropeta at magsisinungaling, ang kanilang sagot ay maaaring isa sa dalawa:
1) Katanyagan, kaluwalhatian, kayamanan at katayuan.
2) Pagsulong ng moralidad.
Kung sasabihin natin na si Muhammad (pbuh) ay inaangkin ang pagkapropeta para sa katanyagan, kaluwalhatian at katayuan, makikita natin na ang tunay na nangyari ay ang ganap na kabaligtaran. Si Muhammad (pbuh), bago ang kanyang pag-angkin sa Pagkapropeta, ay tinatamasa ang isang mataas na katayuan sa lahat ng mga aspeto. Siya ay kabilang sa pinaka-marangal na mga tribo, kabilang din sa pinaka-marangal na mga pamilya, at kilala sa kanyang pagkamakatotohanan. Matapos ang kanyang pag-angkin, siya ay ipinagtabuyan ng lipunan. Sa loob ng 13 taon sa Makkah, siya at ang kanyang mga tagasunod ay hinarap ang labis na pagpapahirap, na humantong sa pagkamatay ng ilan sa kanyang mga tagasunod, pangungutya, pagpaparusa, at pagtataboy mula sa lipunan.
Maraming iba pang mga paraan na ang isang tao ay maaaring makakuha ng katanyagan sa lipunan sa panahong iyon, una sa pagiging matapang, at tula. Kung si Muhammad (pbuh) ay ginawa ang pag-aangkin na siya mismo ang nag-akda ng Quran, tulad ng ipapaliwanag sa bandang huli, iyon ay maaaring sapat na para sa kanyang pangalan at tula na iukit sa ginto at isabit sa loob ng Ka'bah sa habang panahon, na ang mga tao mula sa buong mundo ay sinasamba siya. Sa halip, ipinahayag niya na hindi siya ang may-akda ng kapahayagang ito, at ito ay mula sa Isa na nasa Kataas-taasan sa ibabaw, na naging dahilan upang siya ay kutyain sa kanyang panahon hanggang sa ating panahon.
Ang Propeta ay asawa ng isang mayamang negosyante, at tinatamasa niya ang kaginhawaan sa buhay na mayroon siya sa kanyang panahon. Ngunit pagkatapos ng kanyang pag-angkin sa pagkapropeta, siya ay naging pinakamahirap sa mga tao. Lumilipas ang mga araw nang walang apoy na nasisindihan sa kanyang lutuan sa bahay, at sa isang pagkakataon, ang pagkagutom ay nagtulak sa kanya sa moske na umaasa sa ilang pagkain. Ang mga pinuno ng Makkah sa kanyang panahon ay nag-alok sa kanya ng kayamanan ng mundo kapalit ng pag-iwan niya sa kanyang mensahe. Bilang tugon sa kanilang alok, binigkas niya ang mga talata sa Quran. Ang sumusunod ay ilan sa mga talata nito:
"(Silang) yaong mga nagsabi: 'Ang aming Panginoon ay ang Diyos,' at, pagkaraan, sila ay nanindigan at nagpakatatag, ang mga anghel ay papanaog sa kanila, na magsasabing: 'Huwag kayong mangamba o huwag kayong malungkot, at tanggapin ang magandang balita ng hardin na sa inyo ay ipinangako. Kami ay inyong mga tagapagbantay sa makamundong buhay na ito at sa kabilang buhay, at magkakaroon kayo doon ng anumang minimithi ng inyong mga sarili, at magkakaroon kayo doon ng anumang inyong kahilingan. Isang maalalahaning gantimpala mula sa Kanya na Laging Nagpapatawad, na Pinakamaawain!' At sino ba ang higit na mabuti sa pananalita kaysa sa isang nag-aanyaya tungo sa Diyos, na gumagawa ng mga gawaing matuwid, at nagsasabing: 'Ako ay kabilang sa mga sumusuko sa Islam?' O ang mabuting gawa at ang masamang gawa ba ay magkapantay. Iwaksi [ang kasamaan] sa pamamagitan ng anumang mas mabuti: Sanhi nito, siya na may kinikimkim na galit sa iyo ay magiging tila isang matalik na kaibigan. At walang gagawaran ng ganitong kabutihan maliban sa yaong matiisin at nagpipigil sa sarili,- walang gagawaran nito maliban sa mga yaong nag-aangkin ng malaking bahagi ng kabutihan." (Quran 41:30-35)
Kung ang isang tao ay sasabihing si Muhammad (pbuh) ay nagsinungaling at inangkin ang pagkapropeta upang magdala ng moral at relihiyosong reporma sa isang lipunang nakaratay sa mga sakit (sakit na panglipunan), ang argumento na ito ay walang saysay sa sarili nito, sapagkat paano makakapagdala ng isang repormang moral sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Kung si Muhammad (pbuh) ay masigasig na pinanindigan at ipinangaral ang tuwid na mga moral at pagsamba sa Isang Diyos, kung magkagayon maaari bang nagsinungaling siya sa kanyang sarili sa paggawa nito? Kung sasabihin natin na hindi ito posible, ang tanging sagot lamang ay na siya ay nagsasabi ng katotohanan. Ang tanging iba pang posibilidad ay na siya ay baliw.
Magdagdag ng komento