Si Dawood Kinney, Dating Katoliko, USA
Paglalarawanˇ: Matapos magpakasawa sa kasiyahan sa pagiging binata, natagpuan ni Dawood ang kanyang pananampalataya sa Islam matapos na tanggihan ng Simbahang Katoliko.
- Ni Dawood Kinney
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 31 Jul 2006
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,410 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa pagkaka-alala ko noong ako ay isang bata lamang, palagi akong namamangha sa sansinukob na ating tinitirhan; kung paano gumagana nang maayos ang lahat. Parati akong nakahiga sa labas pag gabi sa damuhan sa bahay ng aking magulang, nakatitig sa mga bituin, namamangha lamang sa hindi malirip na laki ng mga kalangitan. At dati na rin akong namamangha sa kung paano kumudlit ang katawan ng tao, tumibok ang puso, pagbomba ng baga, na walang tulong mula sa akin. At mula sa maagang panahon na ito, palagi kong alam sa iilang paraan, na nararapat lamang na mayroong nag-iisang Tagapaglikha na may kagagawan ng lahat ng ito.
Ngunit pagkatapos habang nagbibinata na ako, dito ay mas madaling mapasuko sa presyon ng pamilya, at nawalan ako ng gana sa Diyos at sa halip ay itinuon ang aking oras sa alkohol, pakikipagtalik at sa pambatang mga laro ng isang batang lalaki na lumaki sa Amerika. Nang lumaki sa karampatang gulang, ang aking kinahuhumalingan ay naging pera, kapangyarihan, isang mas magandang bahay, isang mas mabilis na sasakyan, at isang mas magandang babae--lahat ng mabababaw na mga hangarin.
Namuhay ako nang ganito sa loob ng maraming taon, dahan-dahang nawalan ng kontrol sa aking buhay, nag-aakalang ako ay naghahangad ng kaligayahan gayong ang lahat ng natatamo ko ay higit na pagkalungkot, higit na pagkalito, at paggawa ng labis-labis na kaguluhan sa aking buhay.
Sa ilang dako, ang aking buhay ay parang bumulusok pababa at nasira. Ang aking agarang tugon ay ang bumaling sa Diyos, at, bilang pinalaki sa Katoliko, sa simbahang iyon ako bumaling. Sa panahong, ako ay diborsyado at muling nagpakasal at napag-alaman na hindi ako gusto ng Simbahang Katoliko. Sakit at galit, subali't napagtanto din ang pangangailangan para sa isang espirituwal na kaayusan sa aking buhay, ako ay bumaling sa Budismo.
Ang sekta ng Budista na pinasukan ko na sumusunod sa isang Tibetang tradisyon, kung saan ang kahalagahan ay inilagay sa pagkakaroon ng mga kapangyarihan, na kung saan ay tunay na mga biyaya mula sa iba't ibang mga Buda. Sa ilang dako napagtanto ko na hindi ko talaga pinagbubuti ang aking sarili, tumatakbo lamang sa paligid kumukuha ng mga kapangyarihan, nagsasagawa ng masalimuot na mga ritwal. Sa isang iglap, napagtanto ko ang isa sa mga huling bagay na sinabi ng Buda bago pumanaw ay hindi upang sambahin siya. Napagtanto ko na ang buong kasanayan na ito ay BATAY sa pagsamba hindi lamang "sa" Buda, kundi pati na rin sa lahat ng iba pang mga Buda na ito. Labis akong pinanghinaan ng loob at bumalik sa dati kong ginagawang pagmamalabis sa alkohol at iba pang ipinagbabawal na mga kagustuhan. At muli, ako ay labis na nalulungkot, subali't sa pagkakataong ito ay may kasamang emosyonal na masamang epekto na nagsimulang magpakita sa labis na nakakatakot at mapanirang pamamaraan.
Noong ako ay binata, napakahilig ko "sa" musika ni Cat Stevens (ngayon ay si Yusuf Islam). Nang marinig kong niyakap niya ang Islam, ako ay nasa U.S. Navy sa oras na iyon at ito ay sa panahon ng "hostage crisis" sa Iran. Kaya't, agad kong ginawan ng konklusyon na si Cat Stevens ay naging isa ng terorista, at pinananatili ko ang paniniwalang iyon sa loob ng maraming taon.
Ilang buwan o higit pa ang nakalipas, narinig kong siya ay makakapanayam sa TV, at nais kong marinig ang tungkol sa taong baliw na ito na iniwan ang isang mainam na buhay upang maging isang terorista. Katunayan, hindi na kailangang sabihin, ako ay napatumba (namangha) sa panayam, sapagka't walang pagdududa siya ay hindi terorista, kundi isang mahinhin, mahusay magsalita, mapayapang tao na nagpapalaganap ng pagmamahal, at pagtitimpi, at katalinuhan. Kinabukasan, nagsimula akong magsaliksik ng Islam sa Internet. Natagpuan ko ang isang sermon sa RealAudio ng isang kapatid na si Khaled Yasin, at mabuti, ang sermon na ito ay talagang nagbigay ng kinakailangan ko upang magtagumpay.
Ang unang bahagi sa pamamagitan ni Br. Khaled ay ang talagang nagpahanga sa akin, subali't ang ibang dalawang bahagi ay sa pamamagitan ni Br. Yusef (Cat Stevens) na talagang nagpahayag para sa amin na mga hindi lumaki sa isang lipunang Muslim. Ito ay nagbigay nang labis na KABULUHAN, ang pag-iiral ng Diyos ay napakadaling maintindihan! Paano nangyaring napakatanga ko sa lahat ng oras na ito???
Katunayan, habang mas dumadami ang nalalaman ko ganun din kahigit na kumbinsido ako na ito ang tunay na landas na aking hinahanap. Naglalaman ito ng disiplina sa--pisikal, pag-iisip, at espirituwal-- na humahantong sa totoong kapayapaan at kaligayahan. Ngunit ang pinakamahalaga, naglalaman ito ng landas patungo sa Diyos. Ang pagbigkas sa aking Shahada ay anupat isang PAGLILINIS na karanasan, at hanggang sa oras na ito, madalas na lamang akong … umiyak ng umiyak ng umiyak!
Nakatanggap ako ng isang mainit na yakap ng pagtanggap mula sa lahat ng mga kapatid na Muslim mula sa buong mundo; Natutuwa ako dito, alam ko na, sa kabila ng anumang paghihirap o dagok, ako ay literal na napapalibutan ng aking pamilyang Muslim na hindi ako pababayaan habang nananatili akong Muslim. Walang ibang pangkat ng mga tao kailanman ang nakitungo sa akin sa ganitong paraan.
Mayroon pa akong isang napakahaba at matarik na landas sa hinaharap. Ang pagtanggap sa katotohanan ng Islam ay ang madaling bahagi, ang paglalakad sa Tuwid na Landas ay ang mahirap na bahagi, lalo na kung ang isang tao ay matatag na naipunla ang kanyang sarili sa isang lipunan ng mga hindi mananampalataya. Ngunit nananalangin ako sa Diyos araw-araw para sa lakas at patnubay, at isinasagawa ko lamang ito ng paisa-isa sa bawat pagkakataon, nagsusumikap na mapabuti sa Islam paunti-unti sa bawat araw.
Magdagdag ng komento