Si Kenneth L. Jenkins, Ministro at Nakatatanda sa Simbahang Pentekostal, Estados Unidos (bahagi 1 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang minsang naligaw sa landas na batang lalaki ay natagpuan ang kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng Simbahang Pentekostal at naging ministro sa edad na 20, hindi naglaon siya ay naging isang Muslim. Bahagi 1.
- Ni Kenneth L. Jenkins
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 31 Jul 2006
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,962 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Paunang Salita
Bilang dating ministro at nakatatanda sa Kristiyanong simbahan, ito ay naging katungkulan sa akin upang maliwanagan ang mga patuloy na lumalakad sa dilim. Matapos kong yakapin ang Islam, naramdaman ko ang malaking pangangailangan na tulungan ang mga hindi pa nabiyayaan na maranasan ang ilaw ng Islam.
Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos, sa pagkakaroon ng habag sa akin, na naging dahilan upang makilala ko ang kagandahan ng Islam na itinuro ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayaan at pagpapala) at ng kanyang mga tamang tagasunod. Sa pamamagitan lamang ng awa ng Diyos na matatanggap natin ang tunay na patnubay at ang kakayahang sundin ang tuwid na landas, na magbibigay tagumpay sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay.
Ang lahat ng papuri ay sa Diyos sa kagandahang ipinakita sa akin ni Sheikh 'Abdullah bin Abdulaziz bin Baz sa aking pagyakap sa Islam. Minahal ko at ipapasa ang kaalamang natamo mula sa bawat pakikipag-usap sa kanya. Marami pang iba na tumulong sa akin sa pamamagitan ng panghihikayat at kaalaman, ngunit sa takot na makaligtaan ilan, pipigilan kong subukang pangalanan sila.Sapat na sabihin na nagpapasalamat ako sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, para sa bawat isang kapatid na pinahintulutan Niya na magkaroon ng papel sa aking paglago at pag-unlad (sa kaalaman) bilang isang Muslim.
Dalangin ko na ang maliit na gawaing ito ay mapakingabangan ng lahat. Hinahangad ko na malaman ng mga Kristiyano na mayroon pa ring pag-asa para sa ligaw na pamamaraan na higit na talamak sa Sangkakristiyanuhan. Ang mga sagot sa mga problema ng mga Kristiyano ay hindi matatagpuan sa mga Kristiyano mismo, sapagkat sila, sa karamihan ng mga pagkakataon, ang ugat ng kanilang sariling mga problema. Sa halip, ang Islam ay ang solusyon sa mga problema na nag-aapoy sa mundo ng Kristiyanismo, pati na rin ang mga problema na kinakaharap sa kabuuan sa mundo ng relihiyon. Nawa'y gabayan tayo ng Diyos at gantimpalaan tayo ayon sa pinakamaganda sa ating mga gawain at hangarin.
Abdullah Muhammad al-Faruque at-Ta’if, Kaharian ng Saudi Arabia.
Ang Simula
Bilang isang bata, ako ay pinalaki na may matinding takot sa Diyos. Ang pagkakaroon ng bahagyang pagpapalaki ng lola ko na isang pundamentalista sa Pentekostal, ang simbahan ay naging isang mahalagang bahagi ng aking buhay sa murang edad.Nang panahon na ako ay umabot ng edad na anim, alam ko na ang lahat ng mga benepisyo na naghihintay sa akin sa Langit para sa pagiging mabuting batang lalaki at parusa na naghihintay sa Impiyerno para sa mga makukulit na batang lalaki. Tinuruan ako ng aking lola na ang lahat ng mga sinungaling ay tinakda na mapunta sa Impyerno, kung saan susunugin sila magpa-kailanman.
Ang aking ina ay nagtatrabaho sa dalawang full-time na trabaho at patuloy akong pinapaalalahanan sa mga aral na ibinigay sa akin ng kanyang ina. Ang aking nakababatang kapatid na lalaki at nakatatandang kapatid na babae ay tila hindi sineseryoso ang mga babala ng aming lola sa Kabilang Buhay tulad ko. Naaalala ko kapag nakikita ko ang buwan kung saan ito ay may mapula-pula na kulay, ako'y iiyak dahil itinuro sa akin na ang isa sa mga palatandaan ng katapusan ng mundo ay ang buwan ay magiging pula tulad ng dugo. Bilang isang walong taong gulang na bata nagkaroon na ako ng ganoong pagkatakot sa mga palatandaan sa kalangitan at ng daigdig ng sa Araw ng Pagkagunaw sa puntong nagkakaroon ako ng mga bangungot kung ano ang mangyayari sa Araw ng Paghuhukom. Ang aming bahay ay malapit sa hanay ng mga ng riles, at ang mga tren ay dumadaan nang madalas. Natatandaan kong nagising ako sa pagtulog dahil sa malakas na kakila-kilabot na tunog ng busina at iniisip na namatay na ako at nabuhay muli matapos marinig ang tunog ng trumpeta. Ang mga turong ito ay nanatili sa aking isipan sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga turong oral at ang pagbabasa ng mga libro na pang bata na kilala bilang mga Kwento ng Bibliya.
Tuwing Linggo ay pupunta kami sa simbahan na nakasuot ng magara. Ang aking lolo ay ang nagdadala sa amin. Ang Simbahan ay tila tumatagal ng ilang oras para saakin. Makakarating kami sa bandang alas-onse sa umaga at hindi kami aalis hanggang kung minsan alas tres ng hapon. Naalala kong nakakatulog ako sa kandungan ng lola ko sa maraming okasyon.Minsan, pinayagan ako at ang aking kapatid na umalis sa simbahan sa sa gitna ng Pag-aaral sa Linggo at simba sa umaga upang umupo kasama ang aming lolo upang manood ng mga dumadaan na tren.Hindi siya palasimba, ngunit sinisigurado niya na ginagawa ito ng aking pamilya tuwing Linggo. Kalaunan, inatake siya ng stroke at siya ay bahagyang naging paralisado, at ang resulta, hindi na kami regular na makapagsimba.Ang panahong ito ay naging isang pinakamahirap na yugto ng aking buhay.
Muling Paghahandog
Nalulugod ako, sa isang banda, na hindi na ako dadalo sa simbahan, ngunit nararamdaman ko sa aking sarili ang udyok na dumalo paminsan-minsan. Sa taong labing-anim na gulang, dumalo ako sa simbahan ng isa kong kaibigan na ang ama ay ang pastor. Ito ay isang maliit na gusali sa harap ng tindahan na kasama ang pamilya lamang ng aking kaibigan, ako, at isa pang kaklase bilang mga miyembro. Nagpatuloy ito sa loob lamang ng ilang buwan bago isinara ang simbahan. Pagkatapos ko ng high school at makapasok sa unibersidad, natuklasan ko muli ang aking sarili sa relihiyon at lubusang nahumaling sa mga turo ng Pentekostal. Nabinyagan ako at "napuno ng Espiritu Santo," tulad ng tawag sa karanasan na ito. Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, ipinagmamalaki ako ng simbahan.Ang bawat tao'y may mataas na pagtingin sa akin, at masaya ako na ako'y muling "nasa daan patungo sa kaligtasan".
Nagsisimba ako sa tuwing magbubukas ang mga pintuan nito. Inaaral ko ang Bibliya araw-araw at linggo ng salitan. Dumalo ako sa mga panayam na ibinigay ng mga Kristiyanong iskolar sa panahon na iyon, at tinanggap ko ang panawagan ng pagiging ministro sa edad na 20. Nagsimula akong magturo at mabilis akong nakilala. masyado akong maka doktrina at naniniwala na walang makakatanggap ng kaligtasan maliban kung sila ay kabilang sa aking pangkat ng simbahan. Hinatulan ko ang bawat isa na hindi nakikilala ang Diyos sa paraang nakilala ko Siya. Tinuruan ako na si Hesukristo (nawa ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya) at ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay iisa at pareho. Tinuruan ako na ang aming simbahan ay hindi naniniwala sa Trinidad, ngunit si Hesus (nawa ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Sinubukan kong unawain iyon kahit na alam ko aking sarili na talagang hindi ko ito lubos na naiintindihan.Sa pag kakaalam ko, ito lamang ang doktrinang may kabuluhan sa akin. Hinahangaan ko ang banal na pananamit ng mga kababaihan at marangal na pag-uugali ng mga kalalakihan.Nasisiyahan akong magsabuhay ng isang doktrina kung saan ang mga kababaihan ay kinakailangang magbihis ng mga kasuotan na natatakpan ang kanilang sarili nang lubusan, hindi kailangang maglagay ng kolorete sa mukha, at dinadala ang kanilang sarili bilang tunay na mga ambasador ni Kristo. Kumbinsido ako sa kabila ng isang pag-aalinlangan na sa wakas ay natagpuan ko ang tunay na landas tungo sa walang hanggang kaligayahan. Makikipagtalo ako sa sinumang mula sa ibang simbahan na may iba't ibang paniniwala at lubos na napapatahimik sila sa aking kaalaman sa Bibliya. Nasaulo ko ang daan-daang mga bersikulo ng Bibliya, at naging tatak ito ng aking pangangaral. Gayunpaman, kahit na tiyak kong nasa tamang landas ako, may isang bahagi pa rin sa akin na naghahanap. Pakiramdam ko ay mayroong mas mataas na katotohanan na dapat kong makamit.
Magdagdag ng komento