Si Kenneth L. Jenkins, Ministro at Nakatatanda sa Simbahang Pentekostal, Estados Unidos (bahagi 3 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang minsang nawala sa landas na batang lalaki ay natagpuan ang kanyang pagkakaligtas mula sa Simbahang Pentekostal at sinagot ang kanyang tawag na maging ministro sa gulang na 20, hindi lumaon ay naging Muslim. Bahagi 3: “Ang pagkasilang mula sa kadiliman patungo sa liwanag.”
- Ni Kenneth L. Jenkins
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 12 Nov 2013
- Nag-print: 4
- Tumingin: 4,666 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Bagong Simula
Hindi nagtagal matapos kong dumating sa Saudi Arabia ay nakita ko ang isang kagyat na pagkakaiba sa pamumuhay ng mga Muslim. Naiiba sila sa mga tagasunod nina Elijah Muhammad at Ministro Louis Farrakhan sila ay mula sa lahat ng nasyonalidad, kulay at wika. Agad akong nagpahayag ng pagnanais na matuto nang higit pa tungkol sa kakaibang uri ng relihiyon. Namangha ako sa buhay ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) at nais kong malaman ang higit pa. Humiling ako ng mga libro mula sa isa sa mga kapatid na aktibo sa pag-aanyaya sa mga tao sa Islam. Ipinagkaloob sa akin ang lahat ng mga libro na maaaring gusto ko. Binasa ko ang bawat isa sa mga ito. Pagkatapos ay binigyan ako ng Banal na Quran at binasa ko ito nang maraming beses sa loob ng apat na buwan. Nagtanong ako ng nagtanong at nakatanggap ng nakalulugod na sagot. Ang nakakatuwa para sa akin ay ang mga kapatid ay hindi masigasig na nagpapabilib sa akin ng kanilang kaalaman. Kung ang isang kapatid ay hindi alam kung paano sasagutin ang isang katanungan, sasabihin niya sa akin na hindi niya alam at kailangang itanong sa isang taong mas nakakaalam. Kinabukasan ay saka niya ako sasagutin. Napansin ko kung paano ginampanan ng pagpapakumbaba ang malaking papel sa buhay ng mga misteryosong taong ito sa Gitnang Silangan.
Namangha ako nang makita ang mga babaeng nagtatakip ng kanilang sarili mula mukha hanggang paa. Wala akong makitang pamumuno ng simbahan ng relihiyon. Walang sinumang nakikipagkumpitensya para sa anumang posisyon sa relihiyon. Lahat ng ito ay kahanga-hanga, ngunit paano ko iisiping iwanan ang isang turo na sumunod sa akin mula pagkabata?Paano naman ang Bibliya? Alam ko na may ilang katotohanan dito kahit na ito ay binago ng binago ng maraming beses. Pagkatapos ay binigyan ako ng isang video cassette ng isang debate sa pagitan ni Sheikh Ahmed Deedat at Reverend Jimmy Swaggart. Pagkatapos kong makita ang debate ay agad akong naging Muslim.
Dinala ako sa tanggapan ni Sheikh Abdullah bin Abdulaziz bin Baz upang opisyal na maipahayag ang aking pagtanggap sa Islam. Doon ako nabigyan ng maayos na payo tungkol sa kung paano ihanda ang aking sarili sa mahabang paglalakbay sa hinaharap. Ito ay tunay na pagsilang mula sa kadiliman patungo sa liwanag. Inisip ko kung ano ang iisipin ng aking mga kasamahan mula sa Simbahan nang marinig nila na niyakap ko ang Islam. Hindi nagtagal bago ko nalaman.Bumalik ako sa Estados Unidos para magbakasyon at malubhang pinuna para sa aking "kawalan ng pananampalataya." Ako ay naselyohan ng maraming mga katawagan - mula sa taksil hanggang sa makasalanan.Ang mga tao ay sinabihan ng tinaguriang mga pinuno ng simbahan na huwag akong isali sa panalangin. Ang kakaiba rito, hindi ako naaapektuhan kahit papaano. Natutuwa ako na ang Makapangyarihang Diyos, ay piniling gabayan ako nang maayos na wala nang iba pang mas mahalaga.
Ngayon nais ko lang na maging isang dedikadong Muslim katulad nang ako ay isang Kristiyano. Siyempre, ang ibig sabihin nito ay mag-aral. Napagtanto ko na ang isang tao ay maaaring lumago hangga't gusto nila sa Islam. Walang monopolyo ng kaalaman - libre ito sa lahat na nagnanais na magamit ang kanilang mga pagkakataong matuto. Binigyan ako ng isang hanay ng Saheeh Muslim bilang isang regalo mula sa aking guro sa Quran. Noon ko napagtanto ang pangangailangan na malaman ang tungkol sa buhay, mga kasabihan at gawi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Nabasa ko at pinag-aralan ang bilang ng mga koleksyon ng hadeeth na nakasalin sa Ingles hangga't maaari. Napagtanto ko na ang aking kaalaman sa Bibliya ay isang bagay na mahalaga na ngayon ay kapaki-pakinabang sa pakikitungo sa mga may Kristiyanong karanasan. Ang buhay para sa akin ay nagkaroon ng buong bagong kahulugan. Ang isa sa mga malalalim na pagbabago ng saloobin ay isang resulta ng pag-alam na ang buhay na ito ay dapat na talagang gugulin sa paghahanda para sa Kabilang Buhay.Ito rin ay isang bagong karanasan na malaman na tayo ay gagantimpalaan kahit para sa ating hangarin. Kung balak mong gumawa ng mabuti, gagantimpalaan ka. Ibang-iba ito sa Simbahan.Ang saloobin ay "ang landas sa Impiyerno ay gawa ng mabuting hangarin." Walang paraan upang manalo. Kung nagkasala ka, kailangan mong ikumpisal sa pastor, lalo na kung ito ay isang malaking kasalanan, tulad ng pangangalunya. Mahigpit kang huhusgahan sa iyong mga gawain.
Ang Kasalukuyan at Hinaharap
Matapos ang isang pakikipanayam ng pahayagan ng Al-Madinah tinanong ako tungkol sa aking mga kasalukuyang aktibidad at plano para sa hinaharap. Sa kasalukuyan, ang hangarin ko ay matuto ng Arabe at magpatuloy sa pag-aaral upang makakuha ng higit na kaalaman tungkol sa Islam. Kasalukuyan akong nakikibahagi sa larangan ng dawah at tinawag akong magbigay ng panayam sa mga di-Muslim na nagmula sa mga Kristiyanong pinanggalingan. Kung ang Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, ay ililigtas ang aking buhay, umaasa akong sumulat ng marami tungkol sa paksa ng paghahambing ng relihiyon.
Tungkulin ng mga Muslim sa buong mundo na magtrabaho upang maikalat ang kaalaman sa Islam. Bilang isang taong gumugol ng mahabang panahon bilang isang guro sa Bibliya, nararamdaman ko ang isang espesyal na pakiramdam ng tungkulin sa pagtuturo sa mga tao tungkol sa mga pagkakamali, pagkakasalungatan at mga gawa ng libro na pinaniniwalaan ng milyun-milyong tao. Ang isa sa pinakadakilang kagalakan ay ang malaman na hindi ko kailangang makisali sa isang mahusay na pakikipagtalo sa mga Kristiyano, dahil ako ay isang guro na nagturo sa karamihan sa mga diskarte sa pakikipagtalo na ginagamit nila. Nalaman ko rin kung paano makipagtalakayan gamit ang Bibliya upang ipagtanggol ang Kristiyanismo. At gayundin na alam ko ang mga kontrobersiyal na argumento para sa bawat argumento na kami, bilang mga ministro, ay pinagbawalan ng aming mga pinuno na talakayin o ibunyag.
Panalangin ko na patawarin tayo ng Diyos sa lahat ng ating kamangmangan at gabayan tayo sa landas patungo sa Paraiso. Lahat ng papuri ay dahil sa Diyos. Nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay mapasahuling sugo, Propeta Muhammad, kanyang pamilya, mga kasama, at mga sumusunod sa tunay na patnubay.
Magdagdag ng komento