Sino ang Nakaimbento ng Trinidad? (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Kung paano ang konsepto ng Trinidad ay ipinakilala sa Kristiyanong doktrina.

  • Ni Aisha Brown (iiie.net)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 29 Nov 2020
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 6,665 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ano ang pinagmulan ng konsepto ng Trinidad ng mga Kristiyano?

Who_Invented_the_Trinity_-_(part_1_of_2)_001.jpgAng tatlong monoteistikong mga relihiyon - Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam - lahat ay nagpapahiwatig upang magbahagi ng isang pangunahing konsepto: paniniwala sa Diyos bilang Kataas-taasang Umiiral, ang Tagapaglikha at Tagatustos ng Sansinukob. Kilala bilang "tawhid" sa Islam, ang konseptong ito ng Kaisahan ng Diyos ay binigyang diin ni Moises sa isang Biblikong sipi na kilala bilang "Shema", o ang Hudyong kredo ng pananampalataya:

"Pakinggan mo, O Israel: Ang Panginoon nating Diyos ay iisang Panginoon." (Deuteronomio 6: 4)

Ito ay inulit salita-bawat-salita ni Hesus pagkatapos nang humigit-kumulang na 1500 taon nang kanyang sinabi:

"...Ang una sa lahat ng mga utos ay, Pakinggan, O Israel; ang Panginoon nating Diyos ay iisang Panginoon." (Marcos 12:29)

Si Muhammad (pbuh) ay dumating nang humigit-kumulang na 600 taon pagkatapos, na dala ang parehong mensahe muli:

"At ang inyong Diyos ay Iisang Diyos: walang ibang Diyos kundi Siya..." (Quran 2: 163)

Ang Kristiyanismo ay lumihis mula sa konsepto ng Kaisahan ng Diyos, gayunpaman, sa isang malabo at misteryosong doktrina na binuo noong ika-apat na siglo. Ang doktrinang ito, na nagpatuloy na maging isang pinagmumulan ng kontrobersya kapwa sa loob at labas ng Kristiyanong relihiyon, ay kilala bilang Doktrina ng Trinidad. Sa madaling sabi, ang Kristiyanong doktrina ng Trinidad ay nagsasaad na ang Diyos ay ang kaisahan ng tatlong banal na mga persona - ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu - sa isang banal na umiiral.

Kung ang konseptong yaon, ay ilalagay sa pangunahing mga pagtalakay, ay tunog nakalilito, ang mabulaklak na pangungusap sa tunay na teksto ng doktrina ay nagbibigay ng higit pang misteryo sa diwa nito:

"...tayo ay sumasamba sa isang Diyos sa Trinidad, at Trinidad sa Kaisahan... sapagkat mayroong isang Persona ng Ama, ang isa pa sa Anak, ang isa pa sa Espiritu Santo ay lahat iisa... hindi sila tatlong mga diyos, ngunit iisang Diyos... ang buong tatlong persona ay magkasing-walang hanggan at magkakapantay... siya samakatuwid na maliligtas ay dapat isipin ang Trinidad..." (mga sipi mula sa Kredo ng Atanasio)

Pagsamahin natin ito sa ibang anyo: isang persona, ang Diyos Ama, kasama ang isang persona, ang Diyos Anak, kasama ang isang persona, ang Diyos Espiritu Santo, ay katumbas ng isang persona, ng Diyos na Ano? Ito ba ay tagalog o ito ba ay tagabilog?

Sinasabi na si Atanasio, ang obispo na bumuo ng doktrinang ito, ay inamin na habang mas marami siyang sinusulat tungkol sa bagay na ito, ay lalong nababawasan ang kanyang kakayahang malinaw na ipahayag ang kanyang mga pananaw tungkol dito.

Papaanong ang ganitong nakalilitong doktrina ay nagkaroon ng simula?

Trinidad sa Bibliya

Ang mga sanggunian sa Bibliya sa isang Trinidad ng banal na umiiral ay malabo, sa kabuuan.

Sa Mateo 28:19, matatagpuan natin na si Hesus ay nagsasabi sa kanyang mga alagad na lumabas at mangaral sa lahat ng mga bansa. Habang ang "Dakilang Komisyon" na ito ay nagawang banggitin ang tatlong persona na kalaunan ay naging bahagi ng Trinidad, ang pariralang "...pagbibinyag sa kanila sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo" ay malinaw na isang karagdagan sa Biblikong teksto - yaon ay, hindi ang tunay na mga salita ni Hesus - na maaaring makita sa dalawang mga kadahilanan:

1) ang binyag sa sinaunang Simbahan, tulad ng tinalakay ni Pablo sa kanyang mga sulat, ay nagawa lamang sa ngalan ni Hesus; at

2) ang "Dakilang Komisyon" ay natagpuan sa unang ebanghelyong sinulat, nang kay Marcos, na hindi nagbanggit tungkol sa Ama, Anak at/o Banal na Espiritu - tingnan ang Marcos 16:15.

Ang tanging iba pang sanggunian sa Bibliya sa Trinidad ay maaaring matagpuan sa Ebanghelyo ng 1 Juan 5: 7. Ang mga Biblikong pantas ng kasalukuyan, gayunpaman, ay inamin na ang pariralang:

"...may tatlong nagpapatotoo sa kalangitan, ang Ama, ang Salita, at ang Banal na Espiritu: at ang tatlong ito ay isa"

…ay nakatitiyak na "huling idinagdag" sa Biblikong teksto, at hindi ito matatagpuan sa alinman sa kasalukuyang mga salin ng Bibliya.

Samakatuwid, maaari, na makitang ang konsepto ng Trinidad ng banal na mga umiiral ay hindi isang ideyang pinagsikapan ibahagi ni Hesus o alinman sa iba pang propeta ng Diyos. Ang doktrinang ito, na ngayon ay sinasang-ayunan ng mga Kristiyano sa buong mundo, ay ganap na mula o gawa ng tao.

Ang Doktrinang Nabuo

Habang si Pablo ng Tarsus, ang taong maaaring makatwirang maituturing na tunay na nagtatag ng Kristiyanismo, ay bumuo ng karamihan sa mga doktrina nito, pero ang Trinidad ay hindi kabilang sa mga ito. Gayunpaman, kanyang pinangunahan ang saligan para sa ganito nang binuo niya ang ideya na si Hesus bilang isang "banal na Anak". Tutal, ang Anak ay nangangailangan ng isang Ama, at ano naman ang magdadala ng mga kapahayagan ng Diyos sa tao? Sa diwa, si Pablo ay pinangalanan ang pangunahing mga tagaganap, ngunit ang mga sumunod na mga tao ng Simbahan ang bumuo sa bagay na ito at pinagsama-sama.

Si Tertuliano, isang abogado at presbitero ng ikatlong siglong Simbahan sa Kartago, ay ang unang gumamit ng salitang "Trinidad" nang kanyang binuo ang teorya na ang Anak at ang Espiritu ay nakikilahok sa pagiging Diyos, ngunit lahat ay iisa sa isang pag-iral na kasama ang Ama.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat