Orihinal na Kasalanan
Paglalarawanˇ: Ang konsepto ng orihinal na kasalanan sa Hudaismo, Kristiyanismo at Islam.
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Feb 2022
- Nag-print: 2
- Tumingin: 3,199 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang konsepto ng orihinal na kasalanan ay ganap na dayuhan sa Hudaismo at Silangang Kristiyanismo, na tinanggap lamang sa Kanlurang Simbahan. Bukod dito, ang Kristiyano at Islamikong mga konsepto ng kasalanan ay talagang magkasalungat patungkol sa ilang mga pagkakaiba. Halimbawa, walang konsepto ng "pagkakasala sa pag-iisip" sa Islam; sa isang Muslim, ang isang masamang pag-iisip ay nagiging isang mabuting gawa kapag ang isang tao ay tumangging isagawa ito. Ang mapagtagumpayan at matanggihan ang masasamang mga isipin habang nabubuhay pa na sumasagi sa ating mga isipan ay itinuturing na karapat-dapat sa gantimpala sa halip na parusa. Sa Islamikong pananaw, ang isang masamang isipin ay nagiging kasalanan lamang kapag isinagawa ito.
Ang pag-iisip ng mabubuting gawa ay higit na salungat sa batayang kalikasan ng tao. Simula ng likhain ang tao, kung hindi lamang nakatali sa panlipunan at relihiyosong mga paghihigpit, makikita sa kasaysayang na ang sangkatauhan ay nagpapakasawa sa buhay nang may kahalayan at pagpapabaya. Ang mga kawalang-habas ng sariling kahinaan na inaalpombrahan ang mga pasilyo ng kasaysayan ay naimpluwensyahan hindi lamang ang mga indibidwal at maliliit na pamayanan, ngunit maging ang mga pangunahing makapangyarihan sa mundo na nagpakasasa sa pagkalihis na umabot sa kalagayang pagkawasak sa sarili. Ang Sodom at Gomora ay maaaring manguna sa mga pinaka-talaan, ngunit ang mga pinakamakapangyarihan ng sinaunang mundo — na kasama ang mga imperyo ng Griyego, Romano at Persiano, pati na rin ang kina Genghis Khan at Alexander the Great — ay tiyak na kasama sa kahiya-hiyang pagbanggit. Ngunit habang ang mga halimbawa ng pampamayanang pagkabulok ay hindi mabilang, ang mga usapin ng indibidwal na katiwalian ay kadalasang mas karaniwan.
Kaya, ang mga mabubuting isipin ay hindi palagi ang unang kalikasan ng sangkatauhan. Kung kaya, ang Islamikong pang-unawa ay, na ang ultimong pag-iisip tungkol sa mabubuting gawa (na may balak gawin talaga) ay karapat-dapat na gantimpalaan, kahit na hindi ito naisagawa. Kapag ang isang tao ay talagang isinagawa ang isang mabuting naisip, ang Diyos ay pinararami ang gantimpala nang higit pa.
Ang konsepto ng orihinal na kasalanan ay tunay na hindi umiiral sa Islam, at hindi kailanman. Para sa mga Kristiyanong mambabasa, ang tanong ay hindi kung ang konsepto ba ng orihinal na kasalanan ay umiiral sa kasalukuyang panahon, kundi ito ay umiiral ba sa panahon pa ng mga naunang mga Kristiyano. Tiyak bang, si Hesus ang nagturo nito?
Tila hindi. Kung sinuman ang nagpasimula ng konsepto, siya ay tiyak na hindi si Hesus, sapagkat naiulat niyang itinuro,
"Hayaang ang mga maliliit na bata ay lumapit sa akin, at huwag silang pagbawalan, sapagkagt nasa kanila ang kaharian ng kalangitan" (Mateo 19:14)
Maaari nating pagtakhan kung paano "para sa ganito" ay maaaring maging "kaharian ng kalangitan" kung ang hindi nabinyagan ay nakatakda sa Impiyerno. Ang mga bata ay alinman, hindi ipinanganak na may orihinal na kasalanan o nakatakda sa kaharian ng kalangitan. Ang simbahan ay hindi ito maaaring parehong angkinin. Sa Ezekiel 18:20 ay nakatala:
"Ang anak ay hindi papasanin ang kasamaan ng ama, o papasanin ng ama ang kasamaan ng anak; Ang katuwiran ng matuwid ay mapapasakanya, at ang kasamaan ng masama ay mapapasakanya."
Sa Deuteronomio 24:16 ay inulit ang punto. Ang pagtutol ay maaaring itaas na ito ay Lumang Tipan, ngunit hindi ito mas nauna kaysa kay Adan! Kung ang orihinal na kasalanan ay nagsimula kina Adan at Eba, ang isang tao ay hindi maaaring matagpuan itong itinatatwa sa anumang banal na kasulatan sa anumang kapanahunan!
Sa Islam ay itinuturo na ang bawat tao ay ipinanganak sa isang kalagayan ng espirituwal na kadalisayan, ngunit ang pagpapalaki at ang mapang-akit na makamundong kasiyahan ay maaaring makapinsala sa atin. Gayunpaman, ang mga kasalanan ay hindi minamana at, para sa bagay na ito, kahit sina Adan at Eba ay hindi parurusahan para sa kanilang mga kasalanan, sapagkat ang Diyos ay pinatawad na sila. At paano ang tao magmamana ng isang bagay na hindi na umiiral? Hindi, sa Islamikong pananaw, lahat tayo ay hahatulan ayon sa ating mga gawa, sapagkat
"…ang tao ay walang makakamtan maliban sa anumang kanyang pinagsisikapan" (Quran 53:39)
…at
"Siyang nakatanggap ng patnubay ay nakatanggap para sa kanyang pakinabang: siyang naligaw ay naligaw para sa kanyang pagkalugi. At walang tagapagpasan ng mga dalahin ang magpapasan ng dalahin ng iba ...” (Quran 17:15)
Ang bawat tao ay magkakaroon ng pananagutan para sa kanyang mga gawa, ngunit walang sanggol na mapupunta sa Impiyerno dahil sa hindi nabinyagan at nagpapasan ng kasalanan bilang karapatan sa pagkapanganak - o dapat nating sabihin na isang kamalian sa pagkapanganak?
Karapatang-sipi © 2008 Laurence B. Brown—ginamit nang may pahintulot.
Ang website ng may akda ay www.leveltruth.com. Siya ang may akda ng dalawang aklat ng paghahambing ng relihiyon na may pamagat na MisGod’ed at God’ed, pati na rin ang panimulang Islamikong aklat na, Bearing True Witness. Ang lahat ng kanyang mga aklat ay makukuha sa Amazon.com.
Magdagdag ng komento