Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 2 ng 7): Mga Halimbawa ng Pagdaragdag ng Salita
Paglalarawanˇ: Ang ilang mga halimbawa ng mga pagdaragdag ng salita sa Bibliya, katulad sa binanggit ng mga Kristiyanong iskolar.
- Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
- Nailathala noong 16 Nov 2020
- Huling binago noong 19 Nov 2020
- Nag-print: 8
- Tumingin: 11,125 (araw-araw na pamantayan: 8)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa Juan 3:16 - AV (KJV) mababasa natin:
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan..”
[…] ang katha na "bugtong na anak" na sa ngayon ay hindi pinapaliwanag ng mga pinakatanyag na rebisador ng Bibliya. Gayunpaman, ang tao ay hindi kailangang maghintay ng 2000 taon para sa kapahayagan na ito.
Sa Surah al-Maryam(19): 88-98 ng marangal na Quran ay mababasa natin:
“At sila ay nagsasabi: “Ang Pinakamahabagin (Allah) ay nagkaanak ng isang lalaki!” Katotohanang kayo ay nakagawa ng isang kakila-kilabot na masamang bagay. Na rito ang kalangitan ay halos mapunit, at ang kalupaan ay mabiyak mula sa ilalim, at ang kabundukan ay gumuho sa matinding pagkawasak. Dahilan sa kanilang iniakibat sa Pinakamahabagin ang isang anak na lalaki. At hindi angkop para sa Kadakilaan ng Pinakamahabagin na Siya ay magkaroon ng isang anak na lalaki. Walang sinuman ang nasa mga kalangitan at kalupaan maliban na siya ay paparoon sa Pinakamahabagin bilang isang alipin. Katotohanan, Kanyang inisa-isa ang mga ito at binilang ang mga ito nang lubusang pagbilang. At lahat sila ay paparoon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na walang anumang katulong, tagapangalaga o tagapagtanggol). Katotohanan, sila na tunay na sumasampalataya at gumagawa ng mga kabutihan, ang Pinakamahabagin ay magkakaloob ng pagmamahal sa kanila. Kaya't ginawa Namin ito [Ang Quran] na magaan sa iyong sariling dila (O Muhammad), upang maibigay mo ang magandang balita sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na mananampalataya) at upang mabigyan ng babala sa pamamagitan nito ang mga pinakapalaaway. At ilan na bang henerasyong nauna sa kanila ang Aming winasak? Mayroon ka pa bang isang matatagpuang kabilang sa kanila, o di kaya ay makakarinig ng kahit na isang bulong (man lamang) sa kanila?” (salin ng kahulugan)
Sa Unang Sulat ni Juan 5: 7 (King James Version) matatagpuan natin:
“Sapagkat may tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo, at ang tatlo ay iisa.”
Tulad ng nakita na natin sa seksyon 1.2.2.5, ang talatang ito ay ang pinakamalapit na pagkakahawig sa tinatawag ng Simbahan na banal na Trinidad. Gayunpaman, tulad ng nakikita sa seksyong ito, ang pundasyong ito ng pananampalatayang Kristiyano ay ibinasura mula sa RSV ng parehong tatlumpu't dalawang Kristiyanong iskolar ng pinakamataas na kasanayan na suportado ng limampung nagtutulungang mga denominasyong Kristiyano, muli ang lahat ay ayon sa "pinaka sinaunang mga manuskrito". At muli, natagpuan natin na ang dakilang Quran ay nagpahayag ng katotohanan na ito higit labing-apat na daang daang taon na ang nakalipas:
“O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng pananampalataya, at huwag din kayong magsabi ng patungkol sa Allah maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ay (hindi hihigit pa) sa isang Tagapagbalita ni Allah at Kanyang Salita (“Mangyari nga!”, at ito ay magaganap) na Kanyang iginawad kay Maria at isang Ruh (espiritu) na Kanyang nilikha (alalaong baga, ang kaluluwa ni Hesus ay nilikha ni Allah, samakatuwid siya ay Kanyang alipin, at si Allah at ang espiritu ay hindi magkapantay o magkatulad); kaya’t manampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Huwag kayong mangusap ng: “Trinidad (o Tatlo)!” Magsitigil! (Ito ay) higit na mainam sa inyo. Sapagkat si Allah (ang tanging) Nag-iisang Diyos, ang Kaluwalhatian ay sa Kanya, (higit Siyang mataas) kaysa (sa lahat) upang magkaroon ng anak. Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ay Lalagi at Sapat na upang maging Tagapamahala ng lahat ng mga pangyayari.” (salin ng kahulugan ng Quran 4:171)
Bago ang 1952 lahat ng mga bersyon ng Bibliya ay nagbanggit sa isa sa mga pinaka-mahimalang kaganapan na may kaugnayan sa propetang si Hesus (sumakanya ang kapayapaan), patungkol sa kanyang pag-akyat sa langit:
“Kaya't ang panginoong Hesus, pagkatapos niyang magsalita sa kanila, ay dinala sa langit, at umupo sa kanang kamay ng Diyos” (Marcos 16:19)
…at muli sa Lucas:
“Habang pinagpapala niya sila, siya ay humiwalay sa kanila, at dinala sa langit. At sinamba nila siya, at bumalik sa Jerusalem nang may malaking kagalakan.” (Lucas 24:51-52)
Sa 1952 RSV ang aklat ng Marcos 16 ay nagtapos sa ika-8 taludtod at ang mga sumunod na natira ay inilagay sa maliit na pagkakaprinta sa isang talababa (marami pang patungkol rito sa susunod). Katulad nito, sa komentaryo sa mga taludtod ng Lucas 24, sinabi sa atin sa talababa ng NRSV Bible "Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay nagkulang at “dinala sa langit’“ at “Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay nagkulang ‘at sumamba sa kanya'”. Kaya makikita natin na ang taludtod sa Lucas sa orihinal nitong anyo ay nagsabi lamang na:
“Habang pinagpapala niya sila, humiwalay siya sa kanila. At sila ay bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan.”
Tumagal ng maraming siglo ng "inspiradong pagwawasto" upang maibigay sa atin ang kasalukuyang anyo ng Lucas 24: 51-52.
Bilang isa pang halimbawa, sa Lucas 24: 1-7 mababasa natin:
“Ngayon sa unang araw ng linggo, nang maaga sa umaga, dumating sila sa libingan, dala ang mga pampalasa na inihanda nila, at ang ilan pa kasama nila. At natagpuan nila ang bato na nailigid sa libingan. At sila ay pumasok, at hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus. At nangyari, nang labis silang naguluhan, narito, may dalawang lalake na nakatayo sa tabi nila na may mga nagliliwanag na kasuutan: At nang sila ay natatakot, at yumukod sa lupa, sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa mga patay? Wala siya rito, ngunit nabuhay muli: alalahanin kung paano siya nagsalita sa inyo noong siya ay nasa Galilea, na sinasabi, Ang Anak ng tao ay dapat ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao, at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling babangon..”
Muli, bilang pagtukoy sa ika-5 na talata, ang mga talababa ay nagsasabi: “Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay walang 'Wala siya rito ngunit nabuhay muli’”
Ang mga halimbawa ay masyadong marami para mailista lahat dito, gayunpaman, ikaw ay hinihikayat namin na kumuha ng isang kopya ng New Revised Standard Version ng Bibliya para sa iyong sarili at suriin ang apat na mga ebanghelyo. Mahihirapan kang makahanap ng kahit dalawang magkakasunod na pahina na hindi naglalaman ng mga salitang ”Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay nagkulang...” o ”Ang ibang mga sinaunang awtoridad ay nagdagdag...” atbp. sa mga talababa.
Magdagdag ng komento