Ang mga Malaking Katanungan (bahagi 1 ng 3): Sino ang Lumikha sa Atin?
Paglalarawanˇ: Ang mga sagot ng Islam sa una sa ilan sa mga "Malalaking Tanong" sa Buhay, na ang lahat ng tao ay hindi maiiwasang itanong, Sino ang Naglikha sa Atin?
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 Jun 2021
- Nag-print: 4
- Tumingin: 7,586 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa ilang punto sa ating buhay, lahat ay nagtatanong ng mga malaking katanungan: “Sino ang lumikha sa atin?,” at “Bakit tayo naririto?”
Kaya sino ang gumawa sa atin? Karamihan sa atin ay pinalaki sa agham kaysa sa relihiyon, at para maniwala sa Big Bang at ebolusyon higit sa Diyos. Ngunit alin dito ang mas makahulugan? At mayroon bang anumang dahilan kung bakit ang mga teorya ng agham at paglikha ay hindi maaaring pagsamahin?
Maaaring ipaliwanag ng Big Bang ang pinagmulan ng daigdig, ngunit hindi nito ipinaliwanag ang pinagmulan ng sinaunang alikabok na ulap. Itong alikabok na ulap (na, ayon sa teorya, ay pinagsama, nabuo at pagkatapos ay sumabog) ay maaaring nagmula sa kung saan. Pagkatapos ng lahat, naglalaman ito ng sapat na bagay upang mabuo hindi lamang ang ating kalawakan, ngunit gayundin sa ilang bilyong kalawakan sa daigdig. Kaya saan nga ba ito nanggaling? Sino, o ano, ang lumikha sa alikabok na ulap noong unang panahon.
Katulad din, na maipapaliwanag ng ebolusyon ang talaan ng fossil, pero kinulang sa paliwanag sa pinakapangunhing diwa ng buhay ng tao - ang kaluluwa. Lahat tayo ay mayroon nito. Nararamdaman natin ang presensya nito, pinag-uusapan natin ang pagkakaroon nito at kung minsan ay nananalangin para sa kaligtasan nito. Ngunit ang relihiyoso lamang ang maaaring magpaliwanag kung saan ito nagmula. Ang teorya ng likas na pagpili ay maaaring ipaliwanag ang marami sa mga materyal na aspeto ng mga bagay na may buhay, ngunit nabigo itong ipaliwanag ang ukol sa kaluluwa ng tao.
Bukod dito, ang sinumang nag-aaral sa pagiging komplikado ng buhay at ng daigdig ay hindi makakatulong kundi saksihan ang lagda ng Lumikha.[1] Kinikilala man o hindi ng mga tao ang mga palatandaang ito ay isa pang bagay—kagaya ng sabi sa dating kasabihan, ang pagtanggi ay hindi lamang isang ilog sa Ehipto. (Nakuha? Denial, binabaybay na “de Nile” … ang ilong Ni … ah, hindi na bale.) Ang punto rito ay kung nakakita ka ng kuwadro, alam natin na may pintor. Kung nakakakita tayo ng isang iskultura, alam natin na mayroong isang eskultor; isang palayok, isang magpapalayok. Kaya kapag tiningnan natin ang paglikha, hindi ba natin alam na may Lumikha?
Ang konsepto ng pagsabog ng daigdig ay nabuo sa balanseng pagiging perpekto sa pamamagitan ng mga piling kaganapan at likas na pagpili ay hindi gaanong naiiba sa mungkahi na, sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bomba sa pinagtatapunan ng basura, sa lalong madaling panahon o sa bandang huli, sasabog ang isa sa kanila at lahat ay mabubuo na isang perpektong Mercedes.
Kung may isang bagay na alam nating tiyak, na pag walang kumukontrol na impluwensya, lahat ng mga sistema ay lumalala sa kaguluhan. Ang teorya ng Big Bang at ang ebolusyon ay nagmumungkahi ng tumpak na kasalungat, gayunpaman—pinagyaman ng kaguluhan ang pagiging perpekto. Hindi pa ba ito sapat na katwiran upang pagtibayin na ang teorya ng Big Bang at ebolusyon ay kontroladong mga kaganapan? Kinokontrol, iyon ay, ng Lumikha?
Sinabi ng Bedouin ng Arabia ang kuwento ng isang nomad na naghahanap ng isang katangi-tanging palasyo sa isang oasis sa gitna ng isang disyerto. Nang kanyang tinanong kung paano ito naipatayo, sinabi sa kanya ng may-ari na ito ay nabuo ng mga puwersa ng kalikasan. Ang hangin ang bumuo sa mga bato at inilipad ito sa gilid ng oasis, at pagkatapos ay bumagsak ang mga ito at naging hugis ng palasyo. Pagkatapos ay bumuga ito ng buhangin at ulan sa mga bitak para ito ay masemento. Sunod ay nagbuga ito ng hibla ng lana ng tupa para maging basahan at tapesirya, kalat na kahoy upang maging muwebles, pintuan, at pasimanu ng bintana, at inilagay ang mga ito sa palasyo sa tamang mga lokasyon. Ang mga kidlat na tumunaw sa mga buhangin na naging piraso ng mga salamin at sumabog na naging kuwadro ng mga bintana, at natunaw na itim na buhangin na naging bakal at hinubog ito sa bakod at tarangkahan na may perpektong pagkakahanay at simetrya. Ang proseso ay umabot ng bilyun-bilyong taon at naganap lamang sa isang lugar na ito sa mundo - sa pamamagitan ng purong pagkakataon.
Pagkatapos nating paikutin ang ating mga mata, makukuha natin ang punto. Malinaw, ang palasyo ay itinayo sa pamamagitan ng disenyo, hindi sa pangyayari. Sa kung ano (o higit pa sa punto, para sa Kanino), Kung gayon, dapat ba nating iugnay ang pinagmulan ng mga tala ng walang hanggang komplikasyon, tulad ng ating daigdig at ating sarili?
Ang isa pang pangangatwiran na tanggalin ang konsepto ng Paglikha ay nakatuon sa kung ano ang nakikita ng mga tao na mga depekto sa paglikha. Ito ay ang “Paano magkakaroon ng Diyos kung ganoon ang nangyari?” na mga argumento. Ang isyu tungkol sa diskusyong ito at ay maaring mula sa isang natural na kalamidad hanggang sa mga depekto sa kapanganakan, mula sa pagpatay sa mga lahi hanggang sa kanser ng lola. Hindi iyan ang punto. Ang punto ay ang pagtanggi sa Diyos batay sa napagtanto nating mga kawalang katarungan sa buhay ay ipinapalagay na ang isang banal na pagkatao ay hindi dinisenyo ang ating buhay upang maging anumang iba pa kaysa sa pagiging perpekto, at magtatag ng katarungan sa Lupa.
Hmm … wala bang ibang pagpipilian?
Maari nating madaling imungkahi na hindi ginawa ng Diyos ang ating buhay sa kalupaan gaya sa paraiso, ngunit sa halip isang pagsubok, ang parusa o gantimpala na kung saan ay dapat na sa susunod na buhay, na kung saan itinatag ng Diyos ang Kanyang tunay na katarungan. Bilang suporta sa konseptong ito maaari nating tanungin nang mabuti kung sino ang nagdusa ng labis dahil sa kawalan ng katarungan sa kanilang makamundong buhay kaysa sa mga paborito ng Diyos, diba ang mga propeta? At sino ang inaasahan nating mapupunta sa pinakamataas na estasyon sa Paraiso, kung hindi yaong nagpapanatili ng tunay na pananampalataya sa harap ng makamundong kahirapan? Kaya ang pagdurusa sa makamundong buhay na ito ay hindi kinakailangang ipakahulugang hindi pagpabor ng Diyos, at ang isang maligayang makamundong buhay ay hindi kinakailangang ipakahulugang kaligayahan sa kabilang buhay.
Ako ay umaasa na, sa ganitong paraan ng pangangatwiran, maaari tayong sumang-ayon sa sagot sa unang "malaking katanungan." Sino ang lumikha sa atin? Maaari ba tayong sumang-ayon na kung tayo ay mga nilikha, ang Diyos ang siyang Tagapaglikha?
Kung hindi tayo sang-ayon sa puntong ito, wala na marahil maraming punto para atin itong ipagpatuloy. Gayunpaman, para sa mga sumasang-ayon, magpatuloy tayo sa pangalawang "malaking katanungan"—bakit tayo naririto? Ano, sa madaling salita, ang layunin ng buhay?
Copyright © 2007 Dr. Laurence B. Brown; ginamit nang may pahintulot
Si Dr. Brown ang sumulat sa The Eighth Scroll, inilarawan ng North Carolina State Senator Larry Shaw bilang, “Indiana Jones meets The Da Vinci Code. Ang Eighth Scroll ay nakamamangha, nakakasabik, hindi maibababa ang kapanapanabik na mga hamon sa mga pananaw ng kanluran sa sangkatauhan, kasaysayan at relihiyon. Bar none, ang pinakamahusay na libro sa lahat ng uri!” Si Dr. Brown ay siya ding may-akda ng tatlong iskolastikong libro sa paghahambing ng mga relihiyon, MisGod’ed, God’ed, at Bearing True Witness (Dar-us-Salam). Ang kanyang mga libro at artikulo ay makikita sa kanyang websites,, www.EighthScroll.com and www.LevelTruth.com, at maaari itong mabili sawww.Amazon.com.
Talababa:
[1]Sa huli, at huwag munang alalahanin ang lahat ng mga hilig sa relihiyon ng may-akda, Taos-puso kong inirerekomenda ang pagbabasaA Short History of Nearly Everything, ni Bill Bryson.
Magdagdag ng komento