Bakit Nilikha ng Diyos ang Sangkatauhan? (bahagi 4 ng 4): Pagsalungat sa Layunin ng Paglikha
Paglalarawanˇ: Ang layunin para sa paglikha ng sangkatauhan ay pagsamba. Bahagi 4: Ang pagsalungat sa layunin ng paglikha ng isang tao ay ang pinakamalaking kasalanan na maaaring gawin ng isang tao.
- Ni Dr. Bilal Philips
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 02 Dec 2007
- Nag-print: 5
- Tumingin: 7,395 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Pinakamabigat na Kasalanan
Ang pagsalungat sa layunin ng isang nilikha ay ang pinakadakilang kasamaan na maaaring gawin ng isang tao. Iniulat ni Abdullaah na tinanong niya ang Sugo ng Diyos (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kung ano ang pinakamabigat na kasalanan sa paningin ng Diyos at siya ay sumagot,
“Ang magtambal sa Diyos, kahit na ikaw ay Kanyang nilikha.” (Saheeh Al-Bukhari)
Ang pagsamba sa iba maliban sa Diyos, na tinawag na shirk sa Arabe, ay ang tanging hindi mapapatawad na kasalanan. Kung ang isang tao ay namatay nang hindi nagsisi mula sa kanyang mga kasalanan, maaaring patawarin ng Diyos ang lahat ng kanilang mga kasalanan, maliban sa shirk. Kaugnay nito, sinabi ng Diyos:
“Katotohanan, na ang Allah ay hindi nagpapatawad sa sinumang nagkasala ng pagtatambal sa Kanya. Subalit Kanyang pinapatawad ang anumang kasalanang bukod dito sa sinumang Kaniyang nais. ” (Quran 4:116)
Ang pagsamba sa iba maliban sa Diyos ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga katangian ng Lumikha sa Kanyang nilikha. Ang bawat sekta o relihiyon ay ginagawa ito sa kanilang sariling partikular na paraan.Ang isang maliit ngunit laging nagbibigay ng opinyon na grupo ng mga tao sa buong panahon ay itinanggi ang pagkakaroon ng Diyos.Upang bigyang-katwiran ang kanilang pagtanggi sa Lumikha, obligado nilang ginawa ang hindi makatuwirang pag-angkin na ang mundong ito ay walang pasimula.Ang kanilang pag-angkin ay hindi makatwiran dahil ang lahat ng napapansin na mga bahagi ng mundo ay may mga pagsisimula sa oras, samakatuwid makatuwiran lamang na asahan ang kabuuan ng mga bahagi ay magkakaroon din ng simula.Makatarungan lamang na isipin na anuman ang naging dahilan upang umiral ang mundo ay hindi maaaring maging bahagi ng mundo at hindi rin ito magkakaroon ng simula tulad ng mundo.Ang paniniwala ng atiesta na ang mundo ay walang pasimula ay nangangahulugan na ang bagay na bumubuo sa uniberso ay walang hanggan.Ito ay isang pahayag ng shirk, kung saan ang katangian ng Diyos na walang pasimula ay ibinigay sa Kaniyang nilikha. Maliit lamang ang bilang ng mga tunay na walang paniniwala (atheist) dahil sa kabila ng kanilang mga pag-aangkin, nararamdaman nila na umiiral ang Diyos. Iyon ay, sa kabila ng mga dekada ng indoktrinasyon ng komunista, ang karamihan ng mga Ruso at Tsino ay patuloy na naniniwala sa Diyos. Binigyang diin ng Makapangyarihang Lumikha ang hindi pangkaraniwang bagay na ito, na sinasabi:
“At kanilang tinanggihan ang mga ito, sanhi ng kamalian at pagmamataas [at katigasan ng loob] samantalang ang [kaibuturan ng] kanilang mga sarili ay umayon dito.” (Quran 27:14)
Para sa mga walang paniniwala (atheist) at mga taong mahilig sa mga makamundong bagay, ang buhay ay walang layunin na lampas sa katuparan ng kanilang nais. Dahil dito, ang kanilang mga hangarin ay nagiging diyos din na kanilang sinusunod at nagpapasakop sa halip na ang Isang Tunay na Diyos. Sa Quran, sinabi ng Diyos:
“Hindi mo ba nakita [O Muhammad] ang isang taong nagtuturing sa Kanyang sariling pagnanasa bilang kanyang diyos?” (Quran 25:43, 45:23)
Ibinigay ng mga Kristiyano kay Propetang Hesukristo ang mga katangian ng Lumikha una inihalintulad siya sa kawalang hanggan ng Diyos, pagkatapos ginawa siyang personalidad ng Diyos na kanilang tinawag na 'Diyos na Anak.' Ang mga Hindu, sa kabilang banda, ay naniniwala na ang Diyos ay naging tao sa maraming edad, sa pamamagitan ng mga pagkakatawang tao na tinawag na mga avata, at pagkatapos ay hinati nila ang mga katangian ng Diyos sa pagitan ng tatlong mga diyos, si Brahma ang tagalikha, si Vishnu ang tagapangalaga at si Shiva na tagawasak.
Pagmamahal ng Diyos
Nagaganap din ang shirk kapag ang mga tao ay nagmamahal, nagtitiwala o natatakot sa nilikha ng higit pa sa Diyos. Sa huling paghahayag, sinabi ng Diyos:
“At kabilang sa sangkatuhan ay yaong mga nagtuturing sa iba bukod sa Allah bilang [Kanyang] mga kapantay. Kanilang minamahal ang mga ito tulad ng kanilang pagmamahal sa Allah. Ngunit, yaong mga [tunay na] naniniwala ay higit na masidhi ang kanilang pagmamahal sa Allah. ” (Quran 2:165)
Kapag ang mga ito at iba pang magkaparehong emosyon ay mas naididirekta nang higit sa nilikha, nagsasanhi ito sa tao na sumuway sa Diyos sa pagsisikap na kalugdan ng ibang tao. Gayunpaman, ang Diyos lamang ang nararapat sa kumpletong pangakong emosyonal mula sa tao, sapagkat Siya lamang ang dapat mahalin at katakutan ng lahat ng nilikha. Isinalaysay ni Anas ibn Maalik na sinabi ng Propeta (sumakanya nawa nag kapayapaan at pagpapala):
Sinumang nagtataglay ng [sumusunod] na tatlong katangian ay natikman ang tamis ng pananampalataya: Siya na higit na nagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo; siya na nagmamahal sa ibang tao para sa Diyos lamang; ay siya na ayaw nang bumalik sa pagiging kawalan ng paniniwala matapos na iligtas siya ng Diyos habang kinamumuhian niyang maihulog sa apoy.” (As-Suyooti)
Ang lahat ng mga kadahilanan kung saan ang mga tao ay nagmamahal sa ibang mga tao o nagmamahal sa iba pang nilalang ay mga dahilan upang mahalin ang Diyos nang higit kaysa sa Kanyang nilikha. Yamang ang Diyos ang pangwakas na mapagkukunan ng buhay at tagumpay, karapat-dapat Siya sa buong pag-ibig at debosyon ng sangkatauhan. Gustung-gusto din ng mga tao ang mga pinakikinabangan nila at tinutulungan sila kapag nangangailangan. Dahil lahat ng pakinabang (7:188) pagtulong (3:126) ay galing sa Diyos, Dapat Siyang mahalin higit sa lahat.
“At kung inyong bibilangin ang mga pagpapala ng Allah, hindi ninyo magagawang isa-isahin ang mga ito.” (Quran 16:18)
Gayunpaman, ang kataas-taasang pag-ibig na dapat maramdaman ng mga tao para sa Diyos ay hindi dapat ibawas sa karaniwang denominasyon ng kanilang emosyonal na pag-ibig sa nilikha. Tulad ng naramdaman ng pag-ibig ng mga tao para sa mga hayop ay hindi dapat katulad ng kung ano ang nararamdaman nila para sa ibang mga tao, ang pag-ibig sa Diyos ay dapat higit sa pagmamahal ng mga tao sa bawat isa. Ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay dapat, sa panimula, isang pagmamahal na nagpapakita ng ganap na pagsunod sa mga batas ng Diyos:
“Kung [tunay ngang] kayo ay nagmamahal sa Allah, magkagayon Ako ay inyong sundin, [at] kayo ay mamahalin ng Allah. (Quran 3:31)
Hindi ito isang konseptong abstract, dahil ang pag-ibig ng tao sa ibang mga tao ay nagpapahiwatig din ng pagsunod. Iyon ay, kung hinihiling ng isang mahal sa buhay na gawin ang isang bagay, susubukan ng mga tao na gawin ito ayon sa antas ng kanilang pagmamahal sa taong iyon.
Ang pag-ibig ng Diyos ay dapat din na ipahayag sa pagmamahal ng mga minamahal ng Diyos. Imposibleng mangyari na ang isang umiibig sa Diyos ay mapopoot sa mga minamahal at mamahalin ang mga kinapopootan Diyos. Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi ayon kay Aboo Umaamah na:
“Ang umiibig sa Diyos at nagagalit para sa Diyos, at nagbibigay para sa Diyos at hindi nagbibigay para sa Diyos [at nag-aasawa para sa Diyos] ay ganap ang pananampalataya .” (As-Suyooti)
Dahil dito, ang mga may tamang pananampalataya ay magmamahal sa lahat ng mga umiibig sa Diyos. Sa Kabanata Maryam, ipinapahiwatig ng Diyos na inilalagay niya ang pag-ibig sa mga puso ng mga mananampalataya para sa mga matuwid.
“Katotohan, igagawad ng Diyos ang pagmamahal [sa puso ng mga mananampalataya] sa yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matuwid.” (Quran 19:96)
Isinalaysay din ni Aboo Hurayrah na sinabi ng Sugo ng Diyos (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) ang sumusunod:
“Kung minamahal ng Diyos ang isang alipin ay sasabihin Niya kay anghel Gabriel na mahal Niya ito- at kaya sinabi sa kanya na mahalin siya, kaya mahal siya ni Gabriel. Pagkatapos ay tatawagin ni Gabriel ang mga naninirahan sa langit: 'Mahal ng Diyos si ganito si ganyan, kaya't ibigin ninyo siya.' Kaya 't minamahal siya nang mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay pagkakalooban siya ng pagmamahal mula sa mga tao sa mundo.” (Saheeh Muslim)
Magdagdag ng komento