Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 1 ng 8): Ang Pambungad

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang pambungad sa konsepto ng pag-iral ng buhay pagkatapos ng kamatayan sa pananaw ng Islam, at kung paano ito nakapagbibigay halaga sa buhay; na mayroong layunin.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 13 Mar 2023
  • Nag-print: 21
  • Tumingin: 12,039
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Pambungad

The_Journey_into_the_Hereafter_(part_1_of_8)_001.jpgSi Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang Propeta ng Islam na pumanaw noong 632, ay nagsalaysay:

"Si Gabriel ay pumarito sa akin at nagsalita, ‘O Muhammad, mamuhay ka ayon sa nais mo, sapagkat ikaw ay mamamatay kalaunan. Mahalin ang sinumang naisin mo, sapagkat sa kalaunan ay lilisan ka. Gawin ang nais mo, sapagkat ikaw ay magbabayad. Unawain mo na ang panalanging pang-gabi[1]ay karangalan ng mananampalataya, at ang kanyang dangal ay malaya sa iba.’" (Silsilah al-Saheehah)

Kung mayroon mang isang bagay na tiyak tungkol sa buhay, ay, ito ay magtatapos. Ang malinaw na katotohanang ito ay kusang nakapagbibigay ng katanungan na sa karamiha'y nakapagpapaligalig nang minsan sa kanilang buhay: Ano ba ang naghihintay sa kabila ng kamatayan?

Sa pisyolohikal na antas, ang paglalakbay ng isang namatay ay lantad upang masaksihan ng lahat. Kung ang sanhi ng pagkamatay ay sa natural na paraan lamang,[2] ang puso ay hihinto sa pagtibok, ang mga baga ay hihinto sa paghinga, at ang mga selula ng katawan ay mawawalan ng dugo at oksihena. Ang paghinto ng daloy ng dugo sa mga paa at kamay sa kalaunan ay magdudulot sa mga ito ng pamumutla. Sa pagkawala ng oksihena, ang mga selula ay bahagyang hihinga ng sandali, na makagagawa ng lactic acid na nagiging sanhi ng rigor mortis – ang paninigas ng mga kalamnan ng bangkay. Pagkatapos, habang nagsisimulang maagnas ang mga selula, ang paninigas ay mawawala, ang dila ay uusli, ang temperatura ay bababa, ang balat ay mawawalan ng kulay, ang laman ay mabubulok, at pagpipyestahan ng mga uod - hangang sa matira na lamang ang natuyong ngipin at buto.

Tungkol naman sa paglalakbay ng kaluluwa pagkatapos ng kamatayan, magkagayon hindi ito isang bagay na maaaring masaksihan, o hindi rin maaaring masuri sa pamamagitan ng pang-agham na pagtatanong. Kahit na sa isang buhay na katawan, ang kamalayan, o kaluluwa ng isang tao ay hindi maaaring mapasailalim sa eksperimentong emperikal. Ito ay hindi abot sa kakayanan lamang ng tao. Kaugnay nito, ang konsepto ng Kabilang Buhay - isang buhay na lampas pa sa kamatayan, muling pagkabuhay, at ang Araw ng Pagsusulit; bukod pa sa pag-iral ng Banal, Makapangyarihan na Tagapaglikha, ang Kanyang mga anghel, tadhana, at iba pa - ay nasa ilalim sa paksa ng paniniwala sa nakalingid. Ang tanging paraan lamang kung saan malalaman ng tao ang anuman sa hindi nakikitang mundo ay sa pamamagitan ng banal na rebelasyon.

"At nasa Diyos ang mga susi ng hindi nakikita, walang sinuman ang nakakaalam sa mga ito maliban sa Kanya. At batid Niya kung anuman ang nasa kalupaan at nasa karagatan; wala ni isa mang dahon ang malalaglag nang hindi Niya batid. Wala ni isa mang butil sa kadiliman ng kalupaan, o anumang bagay na sariwa o tuyo, na hindi nakasulat sa Malinaw na Talaan." (Quran 6:59)

Habang anumang dinala sa atin mula sa Torah, ang Mga Awit, ang Ebanghelyo - ang mga banal na kasulatan na ipinahayag sa mga naunang propeta - lahat ay nagsasalaysay tungkol sa Kabilang Buhay, na sa pamamagitan lamang ng Huling kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan, ang Banal na Quran, na ipinahayag sa Kanyang Huling Propeta, Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), na ating natututunan ang marami patungkol sa kabilang buhay. At ang Quran ay, mananatili magpakailanman, napangalagaan at hindi nabago ng mga kamay ng tao, ang pananaw na ibinibigay nito sa atin tungkol sa nakalingid na mundo ay, para sa mananampalataya, kasing totoo, tunay at tama ng anumang maaaring matutunan sa pamamagitan ng anumang pang-agham na pagsisikap (at walang puwang ang kamalian!).

"…Wala Kaming nakaligtaan sa Aklat; at sa kanilang Panginoon silang lahat ay titipunin." (Quran 6:38)

Kasabay sa tanong kung ano ang mangyayari pagkatapos nating mamatay, ay ang tanong na: Bakit tayo narito? Sapagka't kung talagang walang higit na layunin sa buhay (iyon ay, mas higit kaysa sa simpleng pamumuhay mismo), ang tanong na kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan ay magiging akademiko, di kaya ay walang kahulugan. Ito ay kung tatanggapin muna ng sinuman na ang ating intelihenteng disenyo, ang paglikha sa atin, ay nangangailangan ng katalinuhan at taga-disenyo sa likod nito, isang Tagapaglikha na siyang hahatol sa atin sa mga ginawa natin, na ang buhay sa mundo ay nagdadala ng anumang makabuluhang kahulugan.

"Kayo ba ay nag-aakala na Amin lamang nilikha kayo sa paglalaro at kayo ay hindi muling magbabalik sa Amin? Samakatuwid kadakilaan sa Diyos, ang Tunay na Hari, ang katotohanan; walang ibang diyos maliban sa Kanya, ang Panginoon ng Dakilang Trono." (Quran 23:115-116)

Kung mayroon man, isang taong nakakaunawa ay mapilitang ipagpalagay na ang buhay sa mundo ay puno ng kawalang-katarungan, kalupitan at pang-aapi; na ang batas ng kagubatan, na matira ang matibay, ang mahalaga; na kung ang isa ay hindi mahanap ang kaligayahan sa buhay na ito, maging dahil sa kawalan ng materyal na ginhawa, pisikal na pag-ibig, o iba pang mga masasayang karanasan, kung gayon ang buhay ay walang kwenta. Sa katunayan, ito ay tumpak sapagkat ang isang tao na nawalan ng pag-asa sa mundong ito na may maliit, wala, o di-sakdal na pananampalataya sa kabilang buhay, ay maaari silang magpakamatay. Sa kabila ng lahat, ano pa ba ang mawawala sa hindi maligaya, hindi mahal at hindi kanais-nais; ang nasiraan ng loob, (desperadong) nalulumbay at nawalan ng pag-asa?![3]

"At sino naman ang nawalan ng pag-asa sa Habag ng kanyang Panginoon maliban lamang sa mga naligaw?" (Quran 15:56)

Kaya tatanggapin ba natin na ang ating kamatayan ay limitado lamang sa pisyolohikal na pagtatapos, o ang buhay ay produkto lamang ng bulag, na makasariling ebolusyon? Katiyakan, mayroong higit pa sa kamatayan, at saka sa buhay, kaysa dito.



Mga talababa:

[1] Ang mga pormal na panalangin (mga salah) ay kusang-loob na panalanging isinasagawa sa gabi pagkatapos ng huli (isha) at bago ang una (fajr) ng limang pang-araw araw na panalangin. Ang pinakamainam na oras upang gawin ang panalanging ito ay nasa huling ikatlong bahagi ng gabi.

[2] Bagaman ang puso ay mapapanatiling tumitibok sa artipisyal na paraan, at ang dugo ay artipisyal na dadaloy, kung ang utak naman ay patay, gayundin ang kabuuan nito.

[3]Ayon sa ulat ng United Nations na nagmamarka ng ‘World Suicide Prevention Day’, "Mas marami pang tao ang nagpapakamatay bawat taon kaysa sa pinagsamang bilang ng namamatay mula sa mga digmaan at pagpatay ng kapwa ... Mga 20 milyon hanggang 60 milyon ang sumusubok na kitilin ang kanilang sarili bawat taon, subalit halos isang milyon lamang ang nagtatagumpay sa kanila." (Reuters, Setyembre 8, 2006)

Mahina Pinakamagaling

Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 2 ng 8): Ang Mananampalataya sa Loob ng Libingan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang paglalarawan ng buhay sa libingan sa pagitan ng kamatayan at ng Araw ng Paghuhukom para sa mga tapat na mananampalataya.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 22
  • Tumingin: 10,445
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Mundo ng Libingan

Ngayon ay atin namang tutunghayan sandali ang paglalakbay ng kaluluwa pagkatapos ng kamatayan. Ito ay tunay na kamangha-manghang kwento, higit sa lahat dahil ito ay totoo at isang bagay na lahat tayo ay dapat pag-ukulan. Ang napakalalim na kaalaman natin patungkol sa paglalakbay na ito, ang katumpakan at detalye nito, ay isang palatandaan na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay tunay na Huling Sugo ng Diyos sa sangkatauhan. Ang kapahayagan na natanggap niya at pagkatapos ay ipinabatid sa atin mula sa Kanyang Panginoon ay malinaw sa paglalarawan nito ng kabilang buhay sa kumpleto at malawak nitong saklaw. Ang ating sulyap sa kaalamang ito ay magsisimula sa isang maikling pagsusuri sa paglalakbay ng kaluluwa ng mananampalataya mula sa sandali ng kamatayan hanggang sa huling kapahingahan nito sa Paraiso.

Kapag ang isang mananampalataya ay malapit nang umalis sa mundong ito, ang mga anghel na may mapuputing mukha ay bumababa mula sa langit at nagsasabi:

"O payapang kaluluwa, ika'y lumabas sa kapatawaran mula sa Diyos at sa Kanyang pagkalugod." (Hakim at iba pa)

Ang mananampalataya ay mag-aasam na makatagpo ang kanyang Tagapaglikha, tulad ng ipinaliwanag ng Propeta, ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya nawa:

"…kapag ang oras ng kamatayan ng isang mananampalataya ay papalapit na, kanyang natatanggap ang mabuting balita ng pagkalugod sa kanya ng Diyos at ang Kanyang pagpapala sa kanya, at sa oras na iyon ay wala nang mas mahalaga sa kanya kaysa sa kung ano ang nakalaan para sa kanya. Kaya nga ibig niyang makatagpo ang Diyos, at ang Diyos ay ibig na makatagpo siya." (Saheeh Al-Bukhari)

Ang kaluluwa ay mapayapang lumalabas mula sa kanyang katawan tulad ng patak ng tubig na lumalabas mula sa lalagyan ng tubig na gawa sa balat ng hayop, at ang mga anghel ay hawak ito:

Malumanay na kinukuha ito ng mga anghel, na nagsasabi:

"…Huwag kayong mangamba at huwag malumbay, datapuwa't iyong tanggapin ang magandang balita ng Paraiso na sa iyo ay ipinangako. Kami ang iyong naging mga kapanalig sa buhay sa mundong ito at [gayundin] sa Kabilang Buhay, at dito ay mapapasaiyo ang lahat ng inyong maibigan, at dito ay mapapasaiyo ang lahat ng iyong hihilingin [o minimithi], na isang mabiyayang gantimpala mula sa ang Lagi nang Nagpapatawad at ang Pinakamaawain." (Quran 41:30-32)

Kapag nakuha na mula sa katawan, binabalot ng mga anghel ang kaluluwa sa isang tela na amoy musk at inaakyat sa langit. At pagkabukas ng mga Tarangkahan ng Kalangitan, ang mga anghel ay bumabati rito:

"Isang mabuting kaluluwa ang dumating mula sa lupa, nawa'y pagpalain ka ng Diyos at ang katawan na dati mong tinatahanan."

ipinakikilala siya sa mga pinakamainam na pangalan na itinawag sa kanya sa buhay na ito. Ipinag-uutos ng Diyos ang kanyang "aklat" na maitala, at ang kaluluwa ay ibabalik sa mundo.

Pagkatapos ay mananatili ang kaluluwa pansamantala sa isang lugar ng limbo sa libingan nito, na tinatawag na Barzak, na naghihintay sa Araw ng Paghuhukom. Dalawang nakakatakot, mababagsik na mga anghel na tinawag na Munkar at Nakeer ang bibisita sa kaluluwa upang tanungin siya tungkol sa kanyang relihiyon, sa Diyos, at sa propeta. Ang kaluluwang mananampalataya ay matuwid na uupo sa libingan nito habang binibigyan ito ng Diyos ng lakas upang sagutin ang mga anghel ng buong pananampalataya at katiyakan.[1]

Munkar at Nakeer: "Ano ang iyong relihiyon?"

Kaluluwang Mananampalataya: "Islam."

Munkar at Nakeer: "Sino ang iyong Panginoon?"

Kaluluwang Mananampalataya: "Allah."

Munkar at Nakeer: "Sino ang iyong Propeta?" (o "Ano ang iyong masasabi sa taong ito?")

Kaluluwang Mananampalataya: "Muhammad."

Munkar at Nakeer: "Paano mo nalaman ang mga bagay na ito?"

Kaluluwang Mananampalataya: "Binasa ko ang Aklat ni Allah (ang Quran) at ako ay nanampalataya."

Pagkatapos, kapag ang kaluluwa ay pumasa sa pagsubok, isang tinig mula sa kalangitan ang tatawag:

"Ang Aking alipin ay nagsabi ng katotohanan, bigyan siya ng mga kasangkapang mula sa Paraiso, bihisan siya ng mula sa Paraiso, at magbukas ng isang tarangkahan para sa kanya sa Paraiso."

Ang libingan ng mananampalataya ay gagawing malawak at maluwang at puno ng ilaw. Ipapakita sa kanya kung ano sana ang magiging tahanan niya sa Impiyerno - kung namuhay siya na isang suwail na makasalanan - bago buksan ang lagusan para sa kanya tuwing umaga at gabi na ipinapakita sa kanya ang kanyang tunay na tahanan sa Paraiso. Tuwang-tuwa at puno ng masayang pag-asam, ang mananampalataya ay patuloy na magtatanong: ‘Kailan darating ang Oras (ng Pagkabuhay)?! Kailan darating ang Oras?!’ hanggang sa siya ay sabihang huminahon.[2]



Mga talababa:

[1] Musnah Ahmad

[2] Al-Tirmidhi

Mahina Pinakamagaling

Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 3 ng 8): Ang Mananampalataya sa Araw ng Paghuhukom

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ano ang mararanasan ng mga mananampalataya sa Araw ng Pag-susulit, at ilan sa mga katangian ng matatapat na magpapadali o gaan ng kanilang pagtawid papunta sa mga pintuan ng Paraiso.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 21
  • Tumingin: 10,681
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Araw ng Paghuhukom

“Sa Araw na iyon, ang tao ay tatakas mula sa kanyang sariling kapatid; sa kanyang ina at sa kanyang ama; sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak. Sapagkat sa Araw na iyon, ang bawat tao ay mababahala lamang sa kanyang sarili at hindi makakapagbigay ng pansin sa iba.” (Quran 80:34-7)

The_Journey_into_the_Hereafter_(part_3_of_8)_001.jpgAng Oras ng Pagkabuhay na Mag-uli ay isang kakila-kilabot, at kagila-gilalas na kaganapan. Gayunpaman, sa kabila ng kagimbalan nito, ang mananampalataya ay malulubos ang kasiyahan, tulad ng pagkakahayag ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, mula sa kanyang Panginoon:

Sinabi ng Diyos, “Sa pamamagitan ng Aking Kaluwalhatian at Kamahalan, hindi Ko bibigyan ang Aking alipin ng dalawang mga kapanatagan at dalawang mga pagkatakot. Kung sa pakiramdam niya sa mundo ay ligtas mula sa Akin[1], ilalagay Ko sa kanya ang takot sa Araw na titipunin Ko ng sama-sama ang Aking mga alipin; at kung kinatakutan niya Ako sa mundo, ay ipararamdam Ko sa kanya na ligtas siya sa Araw na titipunin Ko ng sama-sama ang Aking mga alipin.”[2]

"Walang alinlangan, sa mga kapanalig ng Diyos ay walang pangamba na sasapit sa kanila, gayundin sila ay hindi malulumbay: sila na sumasampalataya at may pagkatakot sa Diyos (sa buhay na ito); sasakanila ang Mabuting Balita dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. Walang mababago sa mga salita ng Diyos. Ito ang tunay na dakilang tagumpay." (Quran 10:62-64)

Kapag ang lahat ng tao na nilikha ay tinipon na nakatayong hubad at hindi tuli sa isang napakalawak na kapatagan sa ilalim ng matinding nakakapasong init ng Araw, isang piling pangkat ng mga relihiyosong kalalakihan at kababaihan ay lililiman sa ilalim ng Trono ng Diyos. Hinulaan ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kung sino ang mga magiging mapapalad na mga kaluluwang ito, sa Araw na iyon na walang ibang lilim na makukuha:[3]

·isang makatarungang pinuno na hindi inabuso ang kanyang kapangyarihan, ngunit itinatag ang hustisya na may banal na pahayag sa mga tao

·isang binata na lumaking sumasamba sa kanyang Panginoon at nagtimpi sa kanyang mga pagnanasa upang manatiling malinis

·sila na ang mga puso ay nakakapit sa mga Moske, na nagnanais na bumalik sa tuwing sila ay aalis

·sila na may pagmamahalan sa isa't-isa alang-alang sa Diyos

·silang mga tinukso ng mga mapang-akit na magagandang babae, ngunit ang kanilang takot sa Diyos ay pumigil sa kanila na magkasala

·ang taong gumugol sa kawanggawa nang taimtim para sa kapakanan ng Diyos, na pinapanatiling lihim ang kanilang kawanggawa

·ang taong umiyak sa takot sa Diyos sa kanyang pag-iisa

Ang mga natatanging gawaing pagsamba ay magpapanatili ring ligtas sa mga tao sa araw na iyon, ang mga iyon ay:

·mga pagsisikap sa mundong ito upang maibsan ang mga problema ng nabalisa, tumulong sa mga nangangailangan, at patawarin ang mga pagkakamali ng iba ay makapapawi sa sariling pagkabagabag ng mga tao sa Araw ng Paghuhukom[4]

·pagbibigay-luwag sa mga nagkakautang[5]

·ang makatarungan na patas sa kanilang mga pamilya at mga bagay na ipinagkatiwala sa kanila[6]

·pagtitimpi sa galit[7]

·sinumang nananawagan sa panalangin[8]

·tumatanda habang nasa kalagayan ng Islam[9]

·pagsasagawa ng ritwal na paghuhugas (wudu’) nang palagian at nasa tama[10]

·silang mga nakipaglaban na kaagapay ni Hesus na anak ni Maria laban sa Anti-Kristo at ng kanyang hukbo[11]

·pagkamartir

Dadalhin ng Diyos ang mananampalataya sa malapit sa Kanya, pasisilungin siya, tatakpan, at tatanungin siya tungkol sa kanyang mga kasalanan. Matapos aminin ang kanyang mga kasalanan ay aakalain niyang siya'y mapapahamak, subalit sasabihin ng Diyos:

"Itinago ko ito sa mundo para sa iyo, at pinatawad ko ito para sa iyo sa Araw na ito."

Siya ay pagagalitan dahil sa kanyang mga pagkukulang,[12] ngunit pagkatapos ay ibibigay ang kanyang talaan ng mabubuting gawa sa kanyang kanang kamay.[13]

"At sinuman ang bibigyan ng kanyang talaan sa kanyang kanang kamay, katiyakan na tatanggap siya ng magaan na pagsusulit at siya ay magbabalik sa kanyang pamayanan na lubhang nagagalak." (Quran 84:7-8)

Masaya niyang titingnan ang kanyang talaan, na ipapahayag ang kanyang kagalakan:

"Kaya't sa kanya na ibinigay ang kanyang talaan sa kanyang kanang kamay, siya ay magsasabi, ‘Tingnan ninyo, basahin ang aking talaan! Tunay ngang natitiyak ko na aking kakaharapin ang aking pagsususulit.’ Sa gayon siya ay mapupunta sa magandang buhay–sa mataas na Halamanan, na [ang mga bunga] ay abot-kamay sa pagpitas. [Siya ay sasabihan], ‘Kumain at uminom nang ganap na nasisiyahan bilang gantimpala sa iyong ginawa sa mga panahong nagdaan.’" (Quran 69:19-24)

Ang talaan ng mabubuting gawa ay literal na titimbangin, upang matukoy kung hihigit ba ito sa talaan ng masasamang nagawa ng isang tao, at ng sa gayon ang gantimpala o parusa ay maigawad nang naaayon.

"At itatatag Namin ang timbangan ng katarungan sa Araw ng Pagkabuha, kaya't walang sinuman ang tuturingan ng walang katarungan sa lahat ng bagay. At kung mayroon [mang gawa] na katulad ng bigat ng isang buto ng mustasa, ito ay Aming itatambad. At Kami ay sapat na bilang Tagapagsulit." (Quran 21:47)

"Kaya't sinumang gumawa ng mabuting gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo ay makakamalas nito (ang mga mabuting bunga ng kanyang ginawa)." (Quran 99:7)

"Ang pinakamabigat na bagay na ilalagay sa Timbangan ng isang tao sa Araw ng Pagkabuhay [pagkatapos ng patotoo ng Pananampalataya] ay mga mabubuting asal, at kinamumuhian ng Diyos ang malaswang imoral na tao." (Al-Tirmidhi)

Ang mga mananampalataya ay papawiin ang kanilang uhaw mula sa isang espesyal na imbakan ng tubig na nakalaankay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Sinumang uminom mula dito ay hindi na muling makakaranas ng pagkauhaw. Ang kagandahan nito, lawak nito, tamis, at masarap na lasa ay inilarawan nang detalyado ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).

Ang mga mananampalataya sa Islam – kapwa ang makasalanan sa kanila at ang matuwid – pati na rin ang mga mapagkunwari ay maiiwan sa napakalawak na kapatagan pagkatapos na dalhin ang mga hindi mananampalataya sa Impiyerno. Isang mahabang tulay na bumabagtas sa Impiyernong apoy at nababalot ng kadiliman ay naghihiwalay sa kanila mula sa Paraiso.[14]Ang matatapat ay kukuha ng lakas at aliw sa kanilang mabilis na pagtawid sa mga nag-aalab na apoy ng Impiyerno at sa 'ilaw' na ilalagay ng Diyos sa kanilang harapan, na pinapatnubayan sila sa kanilang walang hanggang tahanan:

"Sa Araw na iyong mapagmamasdan ang mga nananampalatayang lalaki at mga nananampalatayang babae, kung paano ang kanilang liwanag ay gumagalaw sa kanilang harapan at sa kanilang kanang kamay, [ito ay sasabihin], ‘Magandang balita sa inyo sa araw na ito! Mga halaman na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, upang kayo ay manirahan dito magpakailanman.’ Katotohanang ito ang pinakadakilang tagumpay." (Quran 57:12)

Panghuli, pagkatapos tumawid sa tulay, ang mga matatapat ay lilinisin bago sila ipasok sa Paraiso. Ang lahat ng mga marka sa pagitan ng mga mananampalataya ay aayusin upang walang sinuman ang magtatanim ng sama ng loob laban sa isa't-isa.[15]



Mga talababa:

[1] Sa kahulugan na hindi siya natatakot sa parusa ng Diyos at sa gayon ay nakagawa ng mga kasalanan.

[2]Silsila Al-Saheehah.

[3]Saheeh Al-Bukhari.

[4]Saheeh Al-Bukhari.

[5]Mishkat.

[6]Saheeh Muslim.

[7]Musnad.

[8]Saheeh Muslim.

[9]Jami al-Sagheer.

[10]Saheeh Al-Bukhari.

[11]Ibn Majah.

[12]Mishkat.

[13]Saheeh Al-Bukhari. Isang palatandaan na sila ay mula sa mga naninirahan sa Paraiso, na taliwas sa mga bibigyan ng kanilang talaan ng mga gawa sa kanilang kaliwang kamay o sa likuran.

[14] Saheeh Muslim.

[15]Saheeh Al-Bukhari

Mahina Pinakamagaling

Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 4 ng 8): Ang Mananampalataya at ang Paraiso

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Paano silang mga nagkamit ng tagumpay ng Paraiso para sa kanilang pananampalataya ay tinanggap dito.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 21
  • Tumingin: 10,044
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Paraiso

Ang mga mananampalataya ay dadalhin patungo sa naglalakihang walong pintuan ng Paraiso. Doon, sila ay tatanggapin ng masayang pagsalubong ng mga anghel at ng pagbati sa mapayapa nilang pagdating at pagkakaligtas mula sa Impiyerno.

"Ngunit sila na may pagkatakot sa kanilang Panginoon ay aakayin sa Paraiso sa mga pangkat, hanggang kanilang sapitin at mamasdan ito, ang mga tarangkahan nito ay ibubukas at ang mga bantay ay magsasabi, ‘Ang kapayapaan ay sumainyo; kayo ay naging dalisay na; kaya't inyong pasukin ito upang kayo ay manahan dito nang walang hanggan." (Quran 39:73)

(Sa matuwid na mananampalataya ay ipagbabadya): "O (ikaw na) mapayapang kaluluwa! Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod at kinalulugdan Niya! Pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin. Pumasok ka sa Aking Paraiso!" (Quran 89:27-30)

Ang pinakamahusay sa mga Muslim ay ang unang papasok sa Paraiso. Ang pinaka matuwid sa kanila ay aakyat sa pinakamataas na mga antas.[1]

"At sinumang makarating sa Diyos na isang mananampalataya (sa Kanyang Kaisahan, at iba pa) at nagsigawa ng mga kabutihan; sasakanila ang matataas na Antas (sa Kabilang Buhay)." (Quran 20:75)

"At ang nangunguna (sa pananampalataya) ay mangunguna (sa Kabilang Buhay); Sila ang magiging pinakamalapit sa Diyos sa Halamanan ng Kaligayahan; papasok sila sa isang ranggo na may maliwanag na mukha." (Quran 56:10-12)

Ang paglalarawan ng Quran sa Paraiso ay nagbibigay sa atin ng isang pananaw kung ano ang kamangha-manghang lugar na ito. Isang walang hanggang tahanan na matutupad ang lahat ng ating mabubuting naisin, mapang-akit sa lahat ng ating mga pandama, na ipagkakaloob sa atin ang lahat ng maaari nating hangarin at marami pang iba. Inilarawan ng Diyos ang Kanyang Paraiso bilang isang mundo na yari sa pinong pulbos na musk,[2] lupa na sapron,[3] mga laryo na ginto at pilak, at maliliit na batong mga perlas at rubi. Sa ilalim ng mga hardin ng Paraiso ay mga batis na dumadaloy na nagniningning ang tubig, matamis na gatas, malinaw na pulot, at alak na hindi nakalalasing. Ang mga tolda sa kanilang mga pampang ay mga simboryo na perlas na may guwang.[4]Ang lahat ng lugar ay napupuno ng kumikinang na liwanag, kaaya-ayang mala-amoy na mga halaman at mga humahalimuyak na bango na maaaring maamoy mula sa malayo.[5]Mayroong mga matatayog na palasyo, malalaking mansyon, mga ubasan, mga palmera ng datiles, mga puno ng granada,[6] lotus at mga puno ng akasya na ang mga katawan nito ay yari sa ginto.[7]Hinog, masasaganang prutas ng lahat ng uri: mga beri, sitrus, sirwelas, ubas, melon, pome (halimbawa nito at mansanas); lahat ng uri ng prutas, tropikal at eksotiko; anumang bagay na maaaring naisin ng mga matapat!

"…At naroroong lahat ang anumang naisin ng bawat kaluluwa at anumang makapagpapaligaya sa paningin..." (Quran 43:71)

Ang bawat mananampalataya ay magkakaroon ng isang pinakamaganda, banal at dalisay na asawa, may suot na napakagandang damit; At marami pang iba sa isang bagong mundo ng walang hanggan, na nagniningning na kasiyahan.

"At walang kaluluwa na nakakaalam kung ano ang kaginhawahan ng mga mata na inililingid sa kanila, bilang gantimpala sa mga bagay na kanilang ginawa." (Quran 32:17)

Pati na rin ang pisikal na kasiyahan, ang Paraiso ay magbibigay din ng pagkakaroon ng emosyonal at sikolohikal na kaligayahan sa mga maninirahan dito, tulad ng sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):

"Sinumang papasok sa Paraiso ay pinagpala ng isang buhay ng kagalakan; hindi siya makakaramdam ng kapighatian, ang kanyang mga kasuotan ay hindi maluluma, at ang kanyang kabataan ay hindi kukupas. Maririnig ng mga tao ang isang banal na tawag: 'Ipinagkakaloob ko sa iyo na ikaw ay magiging malusog at hindi kailanman magkakasakit, mabubuhay ka at hindi mamamatay, ikaw ay babata at hindi kailanman tatanda, magagalak ka at hindi makakaramdam ng kapighatian.’" (Saheeh Muslim)

At ang pinakahuli, ang bagay na higit sa lahat na kalugod-lugod sa mga mata ay ang mismong Mukha ng Diyos. Para sa tunay na mananampalataya, ang makita ang mapagpalang larawan na ito ng Diyos ay ang pinakadakilang gantimpalang nakamit.

"Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan, na nagmamalas sa kanilang Panginoon." (Quran 75:22-23)

Ito ang Paraiso, ang walang hanggang tahanan at panghuling patutunguhan ng matuwid na mananampalataya. Nawa'y ang Diyos, na Kataas-taasan, ay gawin tayong karapat-dapat dito.



Mga talababa:

[1]Sahih al-Jami.

[2]Saheeh Muslim

[3]Mishkat

[4]Saheeh Al-Bukhari

[5]Sahih al-Jami

[6]Quran 56:27-32

[7]Sahih al-Jami

Mahina Pinakamagaling

Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bilang 5 ng 8): Ang Di-mananampalataya sa Loob ng Libingan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang paglalarawan ng buhay sa libingan sa pagitan ng kamatayan at Araw ng Paghuhukom para sa nagtatakwil na hindi mananampalataya.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 21
  • Tumingin: 9,897
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Journey_into_the_Hereafter_(part_5_of_8)_001.jpgHabang papalapit ang kamatayan sa suwail na hindi mananampalataya, siya ay ginawaran na maramdaman ang bagay na mainit sa Impiyernong Apoy. Ang malasap itong bagay na darating ay nagiging dahilan upang siya ay humingi ng pangalawang pagkakataon sa mundo upang gawin ang kabutihang alam niya na dapat niyang ginawa. Naku! Ang kanyang pakiusap ay mauuwi sa walang kabuluhan.

“Hanggang ang kamatayan ay sumapit sa isa sa kanila, siya ay magsasabi: ‘O aking Panginoon. Ako ay muli ninyong ibalik (sa mundo) upang ako ay makagawa ng kabutihan sa mga bagay na aking napabayaan.’ Hindi! Ito ay isa lamang salita na kanyang ipinangungusap. At sa harapan nila ay may hadlang (na pinipigilan silang bumalik: ang buhay ng libingan) hanggang sa Araw (ng Pagkabuhay) na sila ay muling ibabangon.” (Quran 23:99-100)

Ang banal na poot at kaparusahan ay ipinapahayag sa suwail na kaluluwa sa pamamagitan ng ubod ng pangit, maiitim na mga anghel na nakaupo sa malayo mula rito:

"Tanggapin ang masayang balita ng kumukulong tubig, katas ng sugat, at marami pa, na magkakaparehong pagdurusa ." (Ibn Majah, Ibn Katheer)

Ang kaluluwang hindi nanampalataya ay hindi naghahangad na makaharap niya ang kanyang Panginoong Diyos, tulad ng ipinaliwanag ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):

"Kapag ang oras ng kamatayan ay papalapit na sa hindi mananampalataya, ay kanyang natatanggap ang mga masasamang balita ng parusa ng Diyos at ang Kanyang Ganti, na kung saan ay walang higit na kasuklam-suklam sa kanya maliban sa kung ano ang kinakaharap niya. Samakatuwid, kinamumuhian niya ang pakikipagtagpo sa Diyos, at gayundin ang Diyos, kinamumuhian ang pakikipagtagpo sa kanya." (Saheeh Al-Bukhari)

Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi rin:

"Ang sinumang ibig makatagpo ang Diyos, ang Diyos ay ibig makatagpo siya, at sinumang namumuhing makatagpo ang Diyos, ang Diyos ay namumuhing makatagpo siya." (Saheeh Al-Bukhari)

Ang Anghel ng Kamatayan ay nakaupo sa ulo ng hindi mananampalataya sa kanyang libingan at nagsasabi: "Suwail na kaluluwa, lumabas ka sa hindi pagkalugod ni Allah" habang hinahablot niya ang kaluluwa sa katawan.

"At kung iyo lamang mamamasdan na kung ang mga suwail ay nasa kasakit-sakit na daing ng kamatayan habang ang mga anghel ay humahatak sa kanilang mga kamay, na nagsasabi, ‘Iligtas ninyo ang inyong mga sarili! Sa araw na ito, kayo ay babayaran ng kaparusahan ng matinding pagkaaba dahilan sa inyong sinasambit hinggil kay Allah na taliwas sa katotohanan, at kayo ay nahirati sa pagtatakwil sa kanyang kapahayagan na walang paggalang." (Quran 6:93)

"At kung inyo lamang mapagmamasdan kung ang mga anghel ay kumukuha ng kaluluwa ng mga hindi sumasampalataya … humahampas sa kanilang mukha at likuran at sinasabing, ‘Lasapin ninyo ang kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy.’" (Quran 8:50)

Ang masamang kaluluwa ay umaalis sa katawan nang may kahirapan, hinuhugot ng mga anghel na para bang ang pinagdikit-dikit na pantuhog na bakal ay kinaladkad sa basang lana[1] Susunggaban ng Anghel ng Kamatayan ang kaluluwa at ilalagay sa isang sako na hinabi sa buhok na may masangsang na amoy, na mabaho at nakakasulasok na tulad ng pinakamabahong amoy ng nabubulok na bangkay na matatagpuan sa mundo. Pagkatapos ay dadalhin ng mga anghel ang kaluluwa sa ibang pangkat ng mga anghel na magtatanong: "Sino ang masamang kaluluwa na ito?" kung saan sila ay tutugon: "Si ganito at ganoon, na anak ni ganito at ganoon?" - gamit ang pinakamasamang pangalan ng mga pangalan na siya ay tinawag sa kanyang panahon sa mundo. Kung magkagayon, kapag dinala na siya sa pinakamababang langit, isang kahilingan ang gagawin na ang pintuan nito ay buksan para sa kanya, ngunit ang kahilingan ay tatanggihan. Habang ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay naglalarawan ng mga kaganapang ito, nang maabot niya ang puntong ito, ay kanyang binigkas:

"Ang mga tarangkahan ng langit ay hindi bubuksan para sa kanila at sila ay hindi makakapasok ng paraiso hanggang ang kamelyo ay makapasok sa butas ng karayom." (Quran 7:40)

Sasabihin ng Diyos: "Itala ang kanyang aklat sa Sijjeen sa pinakamababang mundo."

at ang kanyang kaluluwa ay ibinaba. Sa oras na ito, ang Propeta, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi:

"Siya na magtalaga ng katambal kay Allah ay wari ba na siya ay nahulog mula sa himpapawid at ang mga ibon ay umaagaw sa kanya, o ang hangin ay nagtatapon sa kanya sa isang malayong lugar." (Quran 22:31)

Ang masamang kaluluwa ay ibabalik sa kanyang katawan at ang dalawang nakakatakot at mga mababagsik na anghel, sina Munkar at Nakeer, ay lalapit para sa mga katanungan nito. Matapos siyang paupuin, sila ay magtatanong:

Munkar at Nakeer: "Sino ang iyong Panginoon?"

Kaluluwang Hindi Mananampalataya: "Naku, naku, hindi ko alam."

Munkar at Nakeer: "Ano ang iyong relihiyon?"

Kaluluwang Hindi Mananampalataya: "Naku, naku, hindi ko alam."

Munkar at Nakeer: "Ano ang iyong masasabi sa tao na ito (Muhammad) na isinugo sa iyo?"

Kaluluwang Hindi Mananampalataya: "Naku, naku, hindi ko alam."

Pagkaraan na mabigo sa mga katanungan, ang ulo ng hindi mananampalataya ay pupukpukin ng martilyong bakal na may lakas na marahas na magpapaguho sa isang bundok. Ang pagsigaw ay maririnig mula sa langit: "Siya ay nagsinungaling, kaya't ilatag ang karpet ng Impiyerno para sa kanya, at buksan para sa kanya ang lagusan patungong Impiyerno."[2] Kaya't ang sahig ng kanyang libingan ay pinagningas ng ilang nakatutupok na apoy ng Impiyerno, at ang kanyang libingan ay ginawang makitid at masikip na ang kanyang mga tadyang ay napilipit habang nadudurog ang kanyang katawan.[3]Pagkatapos, ay isang ubod ng pangit na nilalang, na may pangit na kasuotan at naglalabas ng napakabaho at nakakasulasok na amoy ang lalapit sa hindi nananampalatayang kaluluwa at magsasabi: "Tumangis ka sa kung ano ang hindi kasiya-siya sa iyo, sapagkat ito ang iyong araw na ipinangako sa iyo." Ang hindi mananampalataya ay magtatanong: "Sino ka, na may ubod ng pangit na mukha at may dalang kasamaan?" Ang pangit na iyon ay sasagot: "Ako ang iyong masasamang gawa" Pagkatapos ay pinangyari na malasap ng hindi mananampalataya ang mapait na pagsisisi dahil sa ipapakita sa kanya kung ano sana ang kanyang magiging tirahan sa Paraiso- kung namuhay lamang siya ng matuwid na pamumuhay - bago binuksan ang lagusan para sa kanya tuwing umaga at gabi na ipinapakita sa kanya ang kanyang tunay na tahanan sa Impiyerno.[4]Binanggit ni Allah sa Kanyang Aklat kung paano ang mga suwail na tao ni Paraon, na sa sandaling ito, ay nagdurusa mula sa gayong pagkakalantad sa Impiyerno mula sa loob ng kanilang mga libingan:

"Sa Apoy: sila ay nakalantad dito, sa umaga at sa hapon, at sa Araw na ang Takdang Oras ay lilitaw (ang mga anghel ay pagsasabihan): ‘(Ngayon) hayaan na ang pamayanan ni Paraon ay pumasok sa pinakamatinding kaparusahan!’" (Quran 40:46)

Dahil pinangibabawan ng takot at pagkapoot, pagkabalisa at kawalan ng pag-asa, ang hindi mananampalataya sa kanyang libingan, ay patuloy na magsusumamo: "Panginoon ko, huwag mong dalhin ang huling oras. Huwag mong dalhin ang huling oras."

Ang Kasamahan, na si Zaid b. Thabit, ay nagsalaysay kung paano, nang si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) at ang kanyang mga Kasamahan ay minsang napadaan sa ilang mga libingan ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan, ang kabayo ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay kumaripas at halos mawala siya sa pagkakaupo. Ang Propeta, nawa ang awa at pagpapala ng Diyos sa sumakanya, pagkatapos ay nagsabi:

"Ang mga taong ito ay pinahihirapan sa kanilang mga libingan, at kung hindi dahil sa ititigil ninyo ang paglilibing sa inyong mga patay (dahil sa kagimbal-gimbal na mga maririnig sa libingan), ay aking hihilingin sa Diyos na mapakinggan ninyo ang kaparusahan sa libingan na naririnig ko (at ng kabayong ito)." (Saheeh Muslim)



Mga talababa:

[1] Al-Hakim, Abu Dawood, at iba pa.

[2] Musnad Ahmad.

[3] Musnad Ahmad.

[4] Ibn Hibban.

Mahina Pinakamagaling

Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 6 ng 8): Ang Di-mananampalataya sa Araw ng Paghuhukom

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang ilan sa mga pagsubok na haharapin ng di-mananampalataya sa Araw ng Paghuhukom.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 21
  • Tumingin: 10,581
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Isang kahindik-hindik na takot ang sasapit sa binuhay na muli sa dakilang Araw ng Pagkabuhay:

"…Kanyang binibigyan sila ng palugit hanggang sa Araw na ang mga mata ay tititig (sa pagkagimbal)." (Quran 14:42)

Ang di-mananampalataya ay bubuhaying muli mula sa kanyang 'libingan' tulad ng inilarawan ng Diyos:

"Sa Araw na sila ay magsisilabas sa kanilang libingan na nagmamadali, na katulad ng pag-uunahan na marating ang punong pananda. Na ang kanilang mga mata ay nakatungo sa lupa sa pangamba at pagka-aba, ang kahihiyan ang lulukob sa kanila. Ito ang Araw na sa kanila ay ipinangako." (Quran 70:43)

Ang puso ay manginginig, nalilito tungkol sa kung anong masamang kaparusahan ang nakahanda para dito:

"At ang (ibang) mga mukha, sa Araw na iyon, ay may bahid ng alikabok. Kadiliman ang lalambong sa kanila. Sila ay ang mga di-mananampalataya, ang mga mapag-gawa ng katampalasan." (Quran 80:40-42)

"At huwag ninyong akalain na ang Diyos ay hindi nakababatid ng mga ginagawa ng mga mapag-gawa ng kamalian. Datapuwa't Kanyang binibigyan sila ng palugit (sa kanilang kabayaran) hanggang sa Araw na ang mga mata ay tititig (sa pagkagimbal). Sila ay humahangos sa unahan, na ang kanilang mga ulo ay nakatuon sa itaas, ang kanilang tingin ay hindi bumabalik tungo sa kanila, at ang kanilang mga puso ay walang laman." (Quran 14:42-43)

Ang mga di-mananampalataya ay titipunin na tulad nang sila'y isinilang - mga hubad at hindi tuli – sa isang malawak na kapatagan, isinusubasob ang mga mukha, mga bulag, bingi, at pipi:

"Aming titipunin sila sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na nakasubasob) sa kanilang mukha – bulag, pipi, at bingi. Ang kanilang pananahanan ay Impiyerno; sa tuwing ito ay humuhupa, Aming daragdagan para sa kanila ang paglalagablab ng apoy." (Quran 17:97)

"At sinumang sumuway sa Aking paala-ala – katotohanan, sasakanya ang buhay ng kahirapan, at siya ay bubuhayin Naming muli na bulag sa Araw ng Muling Pagkabuhay." (Quran 20:124)

Sila ay tatlong ulit na "haharap" sa Diyos. Sa unang pagkakataon ay susubukan nilang ipagtanggol ang kanilang sarili sa walang saysay na pagtatalo laban sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na nagsasabi ng mga bagay na tulad ng: "Ang mga propeta ay hindi nakarating sa amin!" Bagaman ay ipinahayag ni Allah sa Kanyang Aklat:

"…At kailanman ay hindi Kami magpaparusa malibang Kami ay magpadala muna ng sugo ." (Quran 17:15)

"…kaya huwag ninyong sabihing: ‘Walang dumating sa amin na nagdala ng mabuting balita at tagapababala….’" (Quran 5:19)

Sa ikalawang pagkakataon, ilalahad nila ang kanilang mga dahilan habang inaamin ang kanilang pagkakasala. Maging ang mga demonyo ay susubukang mangatwiran sa kanilang mga ginawang kasamaan na humantong sa pagkaligaw ng mga tao:

"Ang kanyang (tao) personal na demonyo ay magsasalita: ‘Aming Panginoon! Hindi ko siya itinulak na sumuway. Sa halip, siya mismo ay nasa kamalian, na malayong pagkaligaw.’" (Quran 50:27)

Ngunit ang Diyos, na Kataas-taasan at Makatarungan, ay hindi malilinlang. Kanyang sasabihin:

"Huwag kayong magtalo sa Aking harapan. Ako ay nagparating na sa inyo ng babala noon pa mang una. Ang salita na nanggaling sa Akin ay hindi magbabago. At Ako ay hindi nag-gagawad ng di-makatarungan (ni katiting man) sa mga alipin." (Quran 50:28-29)

Sa ikatlong pagkakataon, haharap ang masamang kaluluwa sa kanyang Lumikha upang tanggapin ang kanyang Aklat ng mga Gawa[1], isang talaan na walang nabawas.

"At ang talaan [ng mga gawa] ay ilalagay [na bukas], at inyong mamamasdan ang mga masasama na natatakot sa anumang nakapaloob dito, at kanilang sasabihin: ‘O, kasawian sa amin! Anong uri na aklat ito na hindi nakaligta ng anuman maging maliit man o malaking bagay, datapuwa't nagtala ito sa maraming bilang?’ At kanilang matatagpuan ang lahat ng kanilang ginawa na inilantad [sa kanilang harapan]. At ang inyong Panginoon ay hindi nakikitungo sa sinuman ng walang katarungan." (Quran 18:49)

Sa oras na matanggap nila ang kanilang mga talaan, ang mga masasama ay pagagalitan sa harap ng buong sangkatauhan.

"At sila ay itatambad sa harapan ng inyong Panginoon sa mga hanay, (at Siya ay magpapahayag), ‘Katotohanang kayo ay dumating sa Amin, na katulad ng paglikha Namin sa inyo noong una.’ Datapuwa't inyong inangkin na Kami ay hindi nagtakda ng pakikipagharap sa inyo!" (Quran 18:48)

Ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi: "Ito ang mga taong hindi nanampalataya sa Diyos!"[2] At sa mga ito itatanong ng Diyos ang patungkol sa mga biyayang kanilang ipinag-walang bahala. Bawat isa ay tatanungin: ‘Inisip ba ninyo na Tayo ay maghaharap?’ At habang ang bawat isa ay sumasagot: ‘Hindi!’ Sasabihin sa kanya ng Diyos: ‘Kalilimutan kita tulad ng paglimot mo sa Akin!’[3] At habang ang hindi mananampalataya ay tatangkaing magsinungaling sa kanyang pangangatwiran upang makalusot, ay tatakpan ng Diyos ang kanyang bibig, at sa halip ay ang mga bahagi ng kanyang katawan ang sasaksi laban sa kanya.

"Sa Araw na ito, Aming tatakpan ang kanilang mga bibig, at ang kanilang mga kamay ay mangungusap sa Amin, at ang kanilang mga paa ay magbibigay-saksi patungkol sa kanilang ginawa." (Quran 36:65)

Maliban sa sarili niyang mga kasalanan, ang di-mananampalataya ay magpapasan din ng mga kasalanan ng kanyang mga nailigaw.

"At noong ito ay sinabi sa kanila: ‘Ano baga ang ipinarating ng inyong Panginoon?’ Sila ay nagsasabi: ‘Mga kathang kuwento lamang ng mga tao ng sinaunang panahon,’ nang sa gayon ay kanilang dalhin nang lubos ang kanilang mga pasanin (kasalanan) sa Araw ng Muling Pagkabuhay at gayundin ang mga pasanin ng iba na kanilang iniligaw na walang kaalaman. Katiyakan, kasamaan ang kanilang tatamasahin." (Quran 16:24-25)

Ang sikolohikal na sakit ng pangungulila, kalungkutan at pag-abandona ay nasa pisikal na pagpapahirap lahat.

"…at ang Diyos ay hindi mangungusap sa kanila o titingin sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, gayundin ay hindi Niya dadalisayin sila; at sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan." (Quran 3:77)

Habang ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay mamamagitan para sa lahat ng mananampalataya, walang tagapamagitan na mahahanap ang hindi mananampalataya; siya na sumamba sa mga maling diyos maliban sa Nag-iisa, na Tunay na Diyos.[4]

"…At ang mga mapag-gawa ng katampalasan ay walang magiging tagapangalaga o katulong." (Quran 42:8)

Ang kanilang mga santo at espiritwal na tagapayo ay maglalayuan sa kanila, at ang hindi mananampalataya ay nanaising makabalik sa buhay na ito at gawin din ang ginawa sa mga taong kinakaila siya ngayon:

"(At dapat nilang isaalang-alang na) kung sila na kanilang sinunod ay ilalayo ang kanilang sarili sa mga sumunod (sa kanila), at kanilang mamasdan [lahat] ang kaparusahan, ang lahat ng kanilang pinagsamahan ay mapuputol. At ang mga sumunod ay magsasabi, ‘Kung mayroon man lamang kami kahit na isang pagkakataon na makabalik [sa makamundong buhay] ay aming itatatwa sila kung paano kami ay kanilang itinatwa.’ Sa ganyang paraan ay ipakikita ng Diyos ang bunga ng kanilang mga gawa na sila ay nagdadalamhati. At sila ay hindi makakaalis mula sa Apoy." (Quran 2:166-167)

Ang kalungkutan ng kaluluwang kinubabawan ng kasalanan ay napakatindi na talagang mananalangin siya: ‘O Diyos, maawa ka sa akin at huwag mo akong ilagay sa Apoy.’[5] Siya ay tatanungin: ‘Ninanais mo bang magkaroon ng isang buong mundo na puno ng ginto upang ipambayad mo, nang sa gayon ay mapalaya ang iyong sarili?’ Sa gayon, siya ay sasagot: ‘Oo.’ Kung saan siya ay sasabihan: ‘Ikaw ay hiningan para sa isang bagay na mas madali pa kaysa doon - ang sambahin ang Diyos lamang.’[6]

"At sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na kanilang sambahin si Allah (na nag-iisa), na may katapatan sa matuwid na relihiyon (na Islam)…." (Quran 98:5)

"At sa mga hindi mananampalataya – ang kanilang mga gawa ay tulad ng mirahe (huwad na tubigan) sa disyerto na ang isang nauuhaw ay nag-aakala na ito ay tubig, hanggang ito ay kanyang narating, at dito ay wala siyang natagpuang tubig, datapuwa't nasumpungan niya ang Diyos sa kanyang harapan, na Siyang magbabayad nang ganap ng sa kanya ay nakalaan; at ang Diyos ay maagap sa pagsusulit." (Quran 24:39)

"At itatambad Namin sa kanila ang anumang kanilang ginawa, at gagawin Namin ang mga gawaing iyon na tulad ng alikabok na kumalat." (Quran 25:23)

Ang kaluluwang hindi nanampalataya ay ibibigay sa kanyang kaliwang kamay at mula sa kanyang likuran, ang kanyang nakasulat na talaan na pinangalagaan ng mga anghel na nagtala sa bawat gawa ng kanyang buhay sa lupa.

"At siya na pagkakalooban ng kanyang talaan sa kanyang kaliwang kamay, siya ay magsasabi: ‘O, sana'y hindi na ako pinagkalooban ng aking talaan, at hindi ko na sana nalaman kung ano ang nasa aking pagsusulit.’" (Quran 69:25-26)

"Datapuwa't siya na bibigyan ng kanyang talaan sa kanyang likuran, siya ay tatangis ng malakas sa kanyang pagkawasak." (Quran 84:10-11)

At sa huli, siya ay ipapasok na sa Impiyerno:

"At ang mga hindi nanampalataya ay itataboy sa Impiyerno sa mga pangkat, hanggang sa kanilang marating ito, ang mga tarangkahan nito ay biglang bubukas at ang mga tagapagbantay nito ay magsasabi: ‘Hindi ba dumating sa inyo ang mga sugo mula sa lipon ninyo, na dumadalit sa inyo ng mga talata ng inyong Panginoon at nagbabala sa inyo ng inyong pakikipag-harap sa Araw na ito?’ Sila ay magsasabi ‘Oo, datapuwa't ang salita ng kaparusahan ay ginawang makatarungan laban sa mga hindi nanampalataya.’" (Quran 39:71)

Ang unang papasok sa Impiyerno ay ang mga pagano, kasunod ay ang mga Hudyo at Kristiyano na sumira sa totoong relihiyon ng kanilang mga propeta.[7] Ang ilan ay kakaladkarin sa Impiyerno, ang iba ay mahuhulog dito, na hinablot ng mga kawit.[8] Sa pagkakataong iyon, ang hindi nanampalataya ay nanaisin na kung maari ay maging isa na lamang siyang alikabok, sa halip na umani ng mga mapait na bunga ng kanyang masasamang gawa.

"Katotohanan, Kami ay nagbabala sa inyo ng nalalapit na kaparusahan sa Araw na ang tao ay makapagmamalas (sa gawa) ng kanyang mga kamay kung saan siya inihantong at ang hindi nananampalataya ay magsasabi: ‘O, sana ay naging alikabok na lamang ako!’" (Quran 78:40)



Mga talababa:

[1] Ibn Majah, Musnad, at Al-Tirmidhi.

[2] Saheeh Muslim.

[3] Saheeh Muslim.

[4]Saheeh Al-Bukhari.

[5] Tabarani.

[6] Saheeh Al-Bukhari.

[7] Saheeh Al-Bukhari.

[8] Al-Tirmidhi.

Mahina Pinakamagaling

Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 7 ng 8): Ang Di-Mananampalataya at ang Impiyerno

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Paano tatanggapin ng Impiyernong apoy ang mga di-mananampalataya.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 21
  • Tumingin: 9,884
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang mga walang pananampalataya ay tatanggapin ng Impiyerno na may pagngangalit at dagundong:

"…at Kami ay naghanda para sa mga nagtatakwil sa Oras, ng nag-aalimpuyong Apoy. Na kung ito [Impiyernong-apoy] ay nakikita sila mula sa kalayuan, ay kanilang maririnig ang pagngangalit at dagundong nito." (Quran 25:11-12)

Kapag malapit na sila rito, aantabayanan nila ang kanilang mga gapos na bakal at ang kanilang kapalaran bilang panggatong:

"Katotohanan, Kami ay naghanda para sa mga hindi mananampalataya ng mga kadena at mga gapos na bakal at naglalagablab na apoy." (Quran 76:4)

"Katotohanan, nasa Amin ang mga panggapos na bakal at naglalagablab na apoy." (Quran 73:12)

Ang mga anghel ay magmamadali sa utos ng Diyos na sakmalin at gapusin siya:

"Sakmalin siya at igapos." (Quran 69:30)

"…at Kami ay maglalagay ng mga panggapos na bakal sa mga leeg ng mga hindi sumampalataya." (Quran 34:33)

Nakagapos sa mga kadena…

"...kadena na ang haba nito ay pitumpong kubiko." (Quran 69:32)

…siya ay kakaladkarin:

"Kung ang mga kuwelyong bakal ay ipupulupot na sa kanilang mga leeg, at ang mga kadena, sila ay hahataking kasama nito." (Quran 40:71)

Habang sila ay nakatali, nakakadena, at kinakaladkad upang itapon sa Impiyerno, ay kanilang maririnig ang matinding poot nito:

"At sa mga hindi nanampalataya sa kanilang Panginoon, ay sasakanila ang kaparusahan ng Impiyerno, at pagkasama-sama ang gayong patutunguhan. Kung sila ay ihulog na rito, kanilang mapapakinggan ang [kalagim-lagim] na pagngangalit habang ito ay kumukulo. Na halos sumabog na sa pagkagalit...." (Quran 67:6-8)

Dahil sa sila ay itataboy mula sa malaking kapatagan ng pagtitipon, na hubad at gutom, magmamakaawa silang hihingi ng tubig sa mga naninirahan sa Paraiso:

"At ang mga nagsisipanirahan sa Apoy ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Paraiso: ‘Buhusan ninyo kami ng kaunting tubig, o anumang bagay na ipinagkaloob sa inyo ng Diyos.’ Sila ay magsasabi: ‘Katotohanan ang mga ito ay kapwa ipinagbawal ng Diyos sa mga hindi mananampalataya.’" (Quran 7:50)

Kasabay nito'y ang matatapat sa Paraiso ay tatanggapin ng may karangalan, ginawaran ng kaginhawaan, at paghahandaan ng masarap na mga piging, ang hindi mananampalataya ay kakain sa Impiyerno:

"Kung magkagayon, katotohanang kayo, na mga naligaw, na mga nagtatatwa, ay kakain sa mga puno ng zaqqoom at inyong pupunuin ang inyong sikmura ng mga ito." (Quran 56:51-53)

Ang Zaqqoom: ay isang puno na ang mga ugat ay nasa ilalim ng Impiyerno at ang mga sanga nito ay nasa iba't ibang palapag; ang bunga nito ay hawig sa mga ulo ng mga demonyo:

"Iyon ba (na Paraiso) ay higit na mainam na tirahan o ang puno ng zaqqoom? Katotohanan, Aming ginawa ito na parusa sa mga makasalanan. Katotohanan, ito ay isang puno na tumutubo sa kailaliman ng Impiyernong-apoy, na ang sumusulpot nitong bunga ay wari bang mga ulo ng mga demonyo. At katotohanang, sila ay kakain nito at ang kanilang tiyan ay mapupuno ng mga ito." (Quran 37:62-66)

Ang masasama ay magkakaroon ng iba pang pagkain na kakainin, ang iba ay nakakapagpabara ng lalamunan,[1] at ang ilan ay tulad ng tuyo, na matinik na mga halaman.[2]

"At wala siyang anumang pagkain maliban sa mabahong nana mula sa pinaghugasan ng mga sugat; walang ibang magsisikain nito maliban sa mga makasalanan." (Quran 69:36-37)

At upang malulon ang kanilang mga pagkaing mapanglaw, isang napakalamig na may kahalong sarili nilang nana, dugo, pawis at katas ng sugat[3] pati na rin ang kumukulo, na nakatutupok na tubig na tumutunaw ng kanilang bituka:

"…at bibigyan dito ng maiinom ng nakababanling tubig na humihiwa sa kanilang mga bituka." (Quran 47:15)

Ang kasuotan ng mga naninirahan sa Impiyerno ay gawa sa apoy at alkitran:

"...ngunit sa mga hindi nanampalataya, sila ay tatabasan ng mga damit na gawa sa apoy." (Quran 22:19)

"Ang kanilang kasuotan ay alkitran at ang kanilang mga mukha ay nababalutan ng Apoy." (Quran 14:50)

Ang kanilang mga sandalyas,[4] higaan, at ang mga tabing ay gagawin ding mga gawa sa apoy;[5] isang parusa na bumabalot sa buong katawan, mula sa hindi nag-iingat na ulo hanggang sa makasalanang paa:

"Kaya't ibuhos sa kanyang ulo ang kaparusahan ng kumukulong tubig." (Quran 44:48)

"Sa Araw na ang kaparusahan ay lulukob sa ibabaw nila at sa ilalim ng kanilang mga paa at sa kanila ay sasabihin : ‘Lasapin ninyo ang inyong mga gawa.’" (Quran 29:55)

Ang kanilang parusa sa Impiyerno ay magkakaiba ayon sa hindi nila pagsampalataya at iba pang mga kasalanan.

"Hindi! Katotohanang siya ay ihahagis sa Dumudurog na Apoy. At paano mo malalaman kung ano ang Dumudurog na Apoy? Ito ang Apoy ng Diyos, [walang hanggan] na pinaglalagablab ang ningas, na ang init nito ay sasadlak sa puso. Katotohanan, ito [Impiyernong Apoy] ay lulukob sa kanila, (na sila ay nakatali) sa mga mahabang haligi ng Impiyerno." (Quran 104:5-9)

Sa tuwing masusunog ang buong balat, ay papalitan ito ng panibagong balat:

"Katotohanan, ang mga hindi sumampalataya sa Aming mga ayat – Sila ay Aming isasadlak sa Apoy. At sa bawat sandali na ang kanilang balat ay nalilitson nang ganap, ito ay Aming papalitan ng bago upang malasap nila ang kaparusahan. Katotohanang, ang Diyos ay sukdol sa Kapangyarihan at Tigib ng Karunungan." (Quran 4:56)

Ang napakasaklap pa nito sa lahat ay, patuloy na nadaragdagan ang pagpaparusa:

"Kaya't lasapin ninyo [ang bunga ng kasamaan], at kayo ay hindi Namin bibigyan ng anuman maliban sa kaparusahan." (Quran 78:30)

Ang sikolohikal na epekto ng parusang ito ay napakatindi. Kaparusahang napakasakit kaya ang mga nagdurusa ay magsusumamo para ito ay maparami sa mga nagligaw sa kanila:

"Kanilang sasabihin: ‘Aming Panginoon, kung sinuman ang nagdala sa amin sa katayuang ito, idagdag Ninyo sa kaniya ang dalawang ulit na kaparusahan sa Apoy.’" (Quran 38:61)

Ang mapangahas ay gagawa ng kanilang unang pagtatangka na tumakas, ngunit:

"At sa kanila ay ipangpaparusa ang mga piraso ng tuwid na bakal na may sima. Sa bawat oras na naisin nilang makawala rito dahil sa pagkahapis, sila ay muling ibabalik dito, at [ito ay sasabihin]: ‘Lasapin ninyo ang kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy!’" (Quran 22:21-22)

Matapos mabigo ng maraming beses, hihingi sila ng tulong kay Iblees, ang Dakilang Satanas mismo.

"At si Satanas ay mangungusap kapag ang kahatulan ay napagpasyahan na: ‘Tunay ngang nangako ang Diyos sa inyo ng pangako ng katotohanan. At ako rin ay nangako sa inyo, ngunit aking ipinagkanulo kayo. At ako ay walang kapangyarihan sa inyo maliban na kayo ay aking inakit, at kayo ay sumunod sa akin. Kaya't ako ay huwag ninyong sisihin; bagkus ay sisihin ninyo ang inyong sarili. Kayo ay hindi ko matutulungan, gayundin ako ay hindi ninyo matutulungan. Katotohanan, na itinatanggi ko ang inyong ginawang pagtatambal sa akin [sa Diyos]. Katotohanan, sa mga mapaggawa ng kasamaan ay may kasakit-sakit na kaparusahan.’" (Quran 14:22)

Sa paglubay nila kay Satanas, lalapit sila sa mga anghel na nagbabantay sa Impiyerno upang mabawasan ang kanilang pagdurusa, kahit na sa isang araw lamang:

"Sila na nasa Apoy ay magsasabi sa mga tagapagbantay ng Impiyerno: ‘Manalangin kayo sa inyong Panginon na pagaangin sa amin ang kaparusahan ng Apoy kahit na sa isang araw (lamang).’" (Quran 40:49)

Habang naghihintay ng tugon sa kapahintulutan ng Diyos, ang mga bantay ay babalik at magtatanong:

"‘Hindi baga nakarating sa inyo ang inyong mga Sugo na may dalang maliwanag na katibayan?’ Kanilang sasabihin, ‘Oo.’ Sila (mga Tagapagbantay ng Impiyerno) ay sasagot: ‘Kung gayon ay manalangin kayo, datapuwa't ang panalangin ng di-mananampalataya ay walang kabuluhan maliban sa (pagsagawa ng) kamalian.’" (Quran 40:50)

Sa kawalan ng pag-asa na mabawasan ang kaparusahan, hahanapin nila ang kamatayan. Sa pagkakataong ito, sila naman ay tutungo sa Punong Tagabantay ng Impiyerno, ang anghel na si Malik, na humihiling sa kanya sa loob ng apatnapung taon:

"At sila ay magsisitaghoy: ‘O Malik, Hayaan na ang iyong Panginoon ay magbigay-wakas sa amin!...’" (Quran 43:77)

Ang kanyang maigsing di-pagsang-ayon na sagot pagkalipas ng isang libong taon ay:

"…Katotohanan, kayo ay mananatili magpakailanman." (Quran 43:77)

Sa kalaunan, babalik sila sa Kanya na kanilang tinanggihang pagtuonan sa mundong ito, na hihiling ng isang huling pagkakataon:

"Sila ay magsasabi, ‘Aming Panginoon, ang aming kabuktutan ay nakapanaig sa amin, at kami ay mga taong naligaw. Aming Panginoon, kami ay hanguin mula rito, at kung kami ay sakaling magbalik [sa kasamaan], kami nga ay tunay na mga suwail.’" (Quran 23:106-107)

Ganito ang tugon ng Diyos:

"Manatili kayo riyan na kinamumuhian at huwag kayong mangusap sa Akin." (Quran 23:108)

Ang sakit mula sa tugon na ito ay mas masahol pa kaysa sa kanilang nagniningas na pagdurusa. Sapagkat malalaman ng hindi mananampalataya na ang kanyang pananatili sa Impiyerno ay magpasa walang-hanggan, ang pagtanggi sa kanya mula sa Paraiso ay ganap at huli na:

"Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya at nagsisigawa ng kabuktutan – hindi sila patatawarin ng Diyos, gayundin naman na sila ay hindi Niya papatnubayan sa landas maliban sa landas ng Impiyerno; sila ay maninirahan dito magpakailanman. At ito ay napakadali sa Diyos." (Quran 4:168-169)

Ang pinakamatinding pangungulila at kalungkutan para sa isang hindi mananampalataya ay magiging espirituwal: siya ay tatalukbungan mula sa Diyos at pipigilan na makita Siya:

"Hindi! Katotohanan, mula sa Panginoon, sa Araw na iyon, sila ay tatalukbungan." (Quran 83:15)

Tulad ng kanilang pagtanggi na "makita" Siya sa buhay na ito, sila naman ay ihihiwalay sa Diyos sa susunod na buhay. Ang matatapat ay manunuya sa kanila.

"Kaya sa Araw na ito, ang mga sumampalataya ay hahalakhak sa mga hindi mananampalataya, sa mga napapalamutihang luklukan, ay namamasdan nila. Hindi ba ginantihan [sa Araw na ito] ang mga hindi mananampalataya dahil sa kanilang mga ginagawa?" (Quran 83:34-36)

Ang buong kawalan ng kanilang pag-asa at kalungkutan ay magtatapos kapag ang kamatayan ay dinala na sa anyo ng isang tupa at pinatay sa harap nila, kaya alam nila na wala ng kanlungan ang mahahanap sa huling pagtataboy sa kanila.

"At sila ay iyong bigyan ng babala, (O Muhammad), ng Araw ng Dalamhati at Pagsisisi, kung ang pangyayari ay napagpasyahan na; at gayunpaman, sila ay nagsasa-walang bahala, at sila ay hindi sumasampalataya!" (Quran19:39)



Mga talababa:

[1]Quran 72:13.

[2]Quran 88:6-7.

[3] Quran 78:24-25.

[4] Saheeh Muslim.

[5] Quran 7:41.

Mahina Pinakamagaling

Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 8 ng 8): Konklusyon

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ilang mga kadahilanan sa pag-iral ng Paraiso at Impiyerno.

  • Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 21
  • Tumingin: 10,392
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Journey_into_the_Hereafter_(part_8_of_8)_001.jpgSi Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang Propeta ng Islam na pumanaw noong 632, ay nagsalaysay:

"Ang mundong ito ay bilangguan para sa mananampalataya, ngunit sa di-mananampalataya, ito ay isang Paraiso. Habang sa di-mananampalataya, ang Kabilang-buhay ay magiging bilangguan, ngunit sa mananampalataya, ito ay ang kanyang magiging Paraiso."

Minsan, noong mga panahon na bago pa lamang ang Islam, isang Kristiyanong mahirap ang hindi inaasahang makatagpo ang isang tanyag na pantas ng Islam, na sa mga panahon na iyon ay nakasakay sa isang magarang kabayo na nabibihisan ng magarang mga kasuotan. Ang Kristiyano ay binigkas sa Muslim ang hadeeth na nabanggit sa itaas , bago siya nagkomento ng ganito: "Subalit ako ay nakatayo sa harapan mo, na isang hindi Muslim, mahirap at salat sa mundong ito, habang ikaw ay isang Muslim, mayaman at sagana sa buhay." Ang pantas ng Islam ay sumagot: "Tunay nga. Ngunit kung alam mo ang katotohanan ng kung ano ang maaaring naghihintay sa iyo (na walang hanggang kaparusahan) sa Kabilang-buhay, ituturing mo ang iyong sarili na nasa Paraiso ngayon sa pamamagitan ng paghahambing. At kung alam mo ang katotohanan ng kung ano ang maaaring naghihintay sa akin (na walang hanggang kaligayahan) sa Kabilang-buhay, ituturing mo ako ngayon na nasa bilangguan kung iyong paghahambingin."

Kaya nga, ito ay nagmula sa dakilang awa at hustisya ng Diyos na nilikha niya ang Langit at Impiyerno. Ang kaalaman sa Impiyernong-apoy ay nagsisilbi upang pigilan ang tao mula sa maling gawain habang ang pagsulyap sa mga kayamanan ng Paraiso ay naghihimok sa kanya patungo sa mabubuting gawa at katuwiran. Ang mga tumatanggi sa kanilang Panginoon, gumagawa ng kasamaan at hindi nagsisisi ay papasok sa Impiyerno: isang lugar na tunay na puno ng pasakit at pagdurusa. Habang ang gantimpala para sa kabutihan ay isang lugar na hindi maisalarawan na kagandahang pisikal at pagiging perpekto at ito ang Kanyang Paraiso.

Kadalasan, ang mga tao ay nagpapatotoo sa kabutihan ng kanilang sariling mga kaluluwa sa pamamagitan ng pag-aangkin sa anumang kabutihan na kanilang ginagawa ay puro at tanging para lamang sa isang tunay na pag-ibig sa Diyos o mamuhay sa pangkalahatang moral at alituntunin ng kabutihan, at dahil diyan, hindi na nila kailangan ng anumang mga patpat o riles na magiging gabay. Ngunit kapag ang Diyos ay nakikipag-usap sa tao sa Quran, ginagawa Niya ito na batid ang pagiging salawahan ng kaluluwa ng tao. Ang mga kasiyahan sa Paraiso ay totoo, pisikal, na nalalasap na kasiyahan. Ang tao ay maaaring magsimulang pahalagahan kung gaano kanai-nais ang perpekto, sagana at walang hanggang pagkain, damit at mga tirahan ng Paraiso na maaaring tugma sapagkat alam niya kung gaano kasiya-siya at kasarap ang mga bagay na iyon sa kasalukuyang umiiral na buhay.

"Ginawang kahali-halina sa mga tao ang pagmamahal sa mga bagay na kanilang hinahangad: mga babae, mga anak, higit na maraming mga ginto at pilak, mga magagarang kabayo, mga bakahan at mga sakahing lupa. Ito ang kaligayahan ng pangkasalukuyang buhay; datapuwa't si Allah ay may mahusay na Sukli (sa Paraiso)." (Quran 3:14)

Gayundin, ang tao ay maaaring magsimulang pahalagahan kung gaano kahirap at nakakatakot ang Impiyernong-apoy at ang mga matatagpuan dito marahil ay maaaring tugma sapagkat alam niya kung gaano kakila-kilabot ang isang nagliliyab na apoy sa mundong ito. Kaya ang paglalakbay ng kaluluwa pagkatapos ng kamatayan, tulad ng inilarawan sa atin sa malinaw na detalye ng Diyos at ng Kanyang Propeta, na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay dapat at kailangang magsilbi na isa lamang pangganyak para sa anumang tunay at totoong kinikilala ng sangkatauhan na siyang marangal na layunin: ang pagsamba at paglilingkod sa kanyang Tagapaglikha sa isang di makasariling pagmamahal, paggalang at pasasalamat. Pagkatapos ng lahat.

"…sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na kanilang sambahin si Allah (na nag-iisa), na may katapatan sa matuwid na relihiyon (na Islam)." (Quran 98:5)

Ngunit, para doon sa karamihan na kabilang sa sangkatauhan na, sa buong panahon, ay nagpabaya sa kanilang moral na tungkulin sa kanilang Panginoong Diyos at sa kanilang kapwa tao, huwag hayaang kalimutan na:

"Ang bawat kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan, at kayo ay mabibigyan lamang ng ganap na kabayaran sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Kaya't ang sinumang inilayo mula sa Apoy at tinanggap sa Paraiso, katotohanang siya ay matagumpay. At ano ang buhay sa mundong ito maliban lamang sa maling akalang pagsasaya." (Quran 3:185)

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat