Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 8 ng 8): Konklusyon
Paglalarawanˇ: Ilang mga kadahilanan sa pag-iral ng Paraiso at Impiyerno.
- Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 21
- Tumingin: 9,312 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang Propeta ng Islam na pumanaw noong 632, ay nagsalaysay:
"Ang mundong ito ay bilangguan para sa mananampalataya, ngunit sa di-mananampalataya, ito ay isang Paraiso. Habang sa di-mananampalataya, ang Kabilang-buhay ay magiging bilangguan, ngunit sa mananampalataya, ito ay ang kanyang magiging Paraiso."
Minsan, noong mga panahon na bago pa lamang ang Islam, isang Kristiyanong mahirap ang hindi inaasahang makatagpo ang isang tanyag na pantas ng Islam, na sa mga panahon na iyon ay nakasakay sa isang magarang kabayo na nabibihisan ng magarang mga kasuotan. Ang Kristiyano ay binigkas sa Muslim ang hadeeth na nabanggit sa itaas , bago siya nagkomento ng ganito: "Subalit ako ay nakatayo sa harapan mo, na isang hindi Muslim, mahirap at salat sa mundong ito, habang ikaw ay isang Muslim, mayaman at sagana sa buhay." Ang pantas ng Islam ay sumagot: "Tunay nga. Ngunit kung alam mo ang katotohanan ng kung ano ang maaaring naghihintay sa iyo (na walang hanggang kaparusahan) sa Kabilang-buhay, ituturing mo ang iyong sarili na nasa Paraiso ngayon sa pamamagitan ng paghahambing. At kung alam mo ang katotohanan ng kung ano ang maaaring naghihintay sa akin (na walang hanggang kaligayahan) sa Kabilang-buhay, ituturing mo ako ngayon na nasa bilangguan kung iyong paghahambingin."
Kaya nga, ito ay nagmula sa dakilang awa at hustisya ng Diyos na nilikha niya ang Langit at Impiyerno. Ang kaalaman sa Impiyernong-apoy ay nagsisilbi upang pigilan ang tao mula sa maling gawain habang ang pagsulyap sa mga kayamanan ng Paraiso ay naghihimok sa kanya patungo sa mabubuting gawa at katuwiran. Ang mga tumatanggi sa kanilang Panginoon, gumagawa ng kasamaan at hindi nagsisisi ay papasok sa Impiyerno: isang lugar na tunay na puno ng pasakit at pagdurusa. Habang ang gantimpala para sa kabutihan ay isang lugar na hindi maisalarawan na kagandahang pisikal at pagiging perpekto at ito ang Kanyang Paraiso.
Kadalasan, ang mga tao ay nagpapatotoo sa kabutihan ng kanilang sariling mga kaluluwa sa pamamagitan ng pag-aangkin sa anumang kabutihan na kanilang ginagawa ay puro at tanging para lamang sa isang tunay na pag-ibig sa Diyos o mamuhay sa pangkalahatang moral at alituntunin ng kabutihan, at dahil diyan, hindi na nila kailangan ng anumang mga patpat o riles na magiging gabay. Ngunit kapag ang Diyos ay nakikipag-usap sa tao sa Quran, ginagawa Niya ito na batid ang pagiging salawahan ng kaluluwa ng tao. Ang mga kasiyahan sa Paraiso ay totoo, pisikal, na nalalasap na kasiyahan. Ang tao ay maaaring magsimulang pahalagahan kung gaano kanai-nais ang perpekto, sagana at walang hanggang pagkain, damit at mga tirahan ng Paraiso na maaaring tugma sapagkat alam niya kung gaano kasiya-siya at kasarap ang mga bagay na iyon sa kasalukuyang umiiral na buhay.
"Ginawang kahali-halina sa mga tao ang pagmamahal sa mga bagay na kanilang hinahangad: mga babae, mga anak, higit na maraming mga ginto at pilak, mga magagarang kabayo, mga bakahan at mga sakahing lupa. Ito ang kaligayahan ng pangkasalukuyang buhay; datapuwa't si Allah ay may mahusay na Sukli (sa Paraiso)." (Quran 3:14)
Gayundin, ang tao ay maaaring magsimulang pahalagahan kung gaano kahirap at nakakatakot ang Impiyernong-apoy at ang mga matatagpuan dito marahil ay maaaring tugma sapagkat alam niya kung gaano kakila-kilabot ang isang nagliliyab na apoy sa mundong ito. Kaya ang paglalakbay ng kaluluwa pagkatapos ng kamatayan, tulad ng inilarawan sa atin sa malinaw na detalye ng Diyos at ng Kanyang Propeta, na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay dapat at kailangang magsilbi na isa lamang pangganyak para sa anumang tunay at totoong kinikilala ng sangkatauhan na siyang marangal na layunin: ang pagsamba at paglilingkod sa kanyang Tagapaglikha sa isang di makasariling pagmamahal, paggalang at pasasalamat. Pagkatapos ng lahat.
"…sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na kanilang sambahin si Allah (na nag-iisa), na may katapatan sa matuwid na relihiyon (na Islam)." (Quran 98:5)
Ngunit, para doon sa karamihan na kabilang sa sangkatauhan na, sa buong panahon, ay nagpabaya sa kanilang moral na tungkulin sa kanilang Panginoong Diyos at sa kanilang kapwa tao, huwag hayaang kalimutan na:
"Ang bawat kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan, at kayo ay mabibigyan lamang ng ganap na kabayaran sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Kaya't ang sinumang inilayo mula sa Apoy at tinanggap sa Paraiso, katotohanang siya ay matagumpay. At ano ang buhay sa mundong ito maliban lamang sa maling akalang pagsasaya." (Quran 3:185)
Magdagdag ng komento