Si Propeta Muhammad ba (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang may akda ng Quran?
Paglalarawanˇ: Ilang patunay na si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi maaaring siyang may akda ng Quran.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 30 Oct 2022
- Nag-print: 2
- Tumingin: 4,698 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sino ang may akda ng Quran? Siguradong mayroong gumawa nito! Sa kabilang ng lahat, iilan tao ba na mula sa disyerto ang tumayo at lumaban sa kasaysayan ng sangkatauhan upang mabigyan ang mundo ng isang libro na tulad ng Quran? Ang libro na ito ay naglalaman ng mga kamangha-manghang mga detalye tungkol sa mga sinaunang mga nasyon, mga propeta, at relihiyon at gayundin ng mga eksaktong kaalaman sa siyensiya na hindi maipaliwanag noong panahon. Ano ang pinagmulan ng lahat ng ito? Kung ating itatanggi ang banal na pinagmulan ng Quran, tayo ay makakaisip ng mangilan-ngilang posibilidad lamang:
- Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang siyang may akda ng Quran.
- Kinuha niya ito mula sa iba. Sa senaryong ito, maaaring kinuha niya ito mula sa isang Hudyo o sa isang Kristiyano o sa isa sa mga banyaga ng Arabya. Ang mga taga Mecca ay hindi siya inakusahan na kinuha niya ito mula sa isa sa mga ito.
Maikling tugon mula sa Panginoon:
"At kanilang sinasabi, ‘Ang mga kuwento ng mga naunang mga tao, at ang mga ito ay idinidikta sa kanya umaga hanggang hapon.’ Sabihin mo, [O Muhammad], ‘Ito ay ipinahayag Niya na Siyang nakakaalam [ng lahat] ng lihim sa loob ng kalangitan at kalupaan. Katunayan, Siya kailanman ang Pinaka Mapagpatawad at Maawain.’" (Quran 25:5-6)
Ito ay alam ng mga naninirang-puri sa kanya na si Muhammad, na lumaki kasama nila, kailanman ay hindi natutong magbasa o magsulat mula nang siya ay ipanganak. Alam nila kung sino ang kanyang mga kaibigan at kung saan siya naglakbay; kinikilala nila ang kanyang karangalan at katapatan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng ‘Al-Ameen,’ ang Maaasahan, ang Mapagkakatiwalaan, ang Tapat.[1] Sa kanilang pagtanggi lamang laban sa kanyang mga pangangaral na siya ay kanilang inakusahan – ng mga kung ano-anong bagay na kanilang maisipan: Siya ay pinagbintangan na isang salamangkero, isang makata at pati na rin na siya ay isang mapagpanggap! Hindi nga rin nila mapagpasiyahan. Sinabi ng Diyos:
"Tunghayan kung ano ang mga halimbawa (paghahambing) na kanilang itinatambad sa iyong harapan; kaya't sila ay mga nangaligaw, kaya hindi nila [mahanap] ang landas." (Quran 17:48)
Simple lang, ang Panginoon ay may kamalayan sa kung ano ang nasa kalangitan at kalupaan, Kanyang nalalaman ang nakalipas at ang kasalukuyan, at Kanya ring ipinapahayag ang katotohanan sa Kanyang propeta.
Maaari Kayang Si Muhammad Ang May Akda Nito?
Hindi maaari na si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang may akda ng Quran dahil sa mga sumusunod na mga kadahilanan:
Una, lumilitaw na sa maraming pagkakataon na kung saan maaari niya sanang kathain ang ipinahayag ng Panginoon. Halimbawa, pagkatapos bumaba ng unang kapahayagan, naghintay ang mga tao upang marinig ang karugtong nito, ngunit ang propeta ay hindi nakatanggap ng bagong kapahayagan sa loob ng maraming buwan. Ang mga taga Mecca ay nagsimulang pagtawanan siya, ‘Siya ay inabandona ng kanyang Panginoon!’ Ito ay nagpatuloy hanggang sa ang ika-93 na kabanata, ng ang Ad-Doha, ay naipahayag. Ang Propeta ay maaaring magtipon ng kung ano-ano at ihayag sa kanila bilang bagong kapahayagan upang wakasan ang panunuya, ngunit hindi niya ito ginawa. At saka, sa isang punto ng kanyang pagiging propeta, ang mangilan-ngilan sa mga ipokrito ay pinagbintangan ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Aisha na mahalay. Ang Propeta ay maaaring kumatha ng pahayag upang palayain siya sa bintang, subalit siya ay naghintay ng maraming napakalungkot na mga araw, lahat ay masakit, mapanuya, at puno ng dalamhati, hanggang sa dumating ang pahayag mula sa Diyos upang palayain siya (si Aisha AS ang kanyang asawa) mula sa pambibintang.
Pangalawa, mayroong ebidensiya sa Quran na hindi si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang may akda nito. Ang ilan sa mga talata nito ay bumabatikus sa kanya, at paminsan-minsan siya ay pinagsasabihan. Paano magagawa ng isang mapagpanggap na propeta na sisihin ang sarili kung ito ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa pagkawala ng respeto, o ang pagsunod ng mga tagasunod? Narito ang ilan sa mga halimbawa:
"O Propeta! Bakit mo ipinagbabawal [sa iyong sarili] kung ano ang ginawa ng Diyos na makatarungan para sa iyo, paghingi ng pagsang-ayon ng iyong mga asawa? At ang Diyos ay Mapagpatawad at Maawain." (Quran 66:1)
"…habang tinatago mo sa iyong sarili kung alinman ang ibubunyag ng Diyos at kinatatakutan mo ang mga tao, habang ang Diyos ang mas may karapatan na Siya ay iyong katakutan..." (Quran 33:37)
"Hindi para sa Propeta at sa mga mananampalataya ang humingi ng kapatawaran para sa mga nagtatambal, kahit na sila ay mag kadugo, pagkatapos na maging malinaw sa kanila na sila ay maninirahan sa Impiyerno." (Quran 9:113)
"At sa mga taong dumating sayo na nagsusumikap [para sa kaalaman] habang siya ay natatakot [sa Diyos], mula sa kanya ika'y naguluhan. Wag! Katotohanan, sila [ang mga talata na ito] ay paalala." (Quran 80:8-11)
Kung siya ay may itatago, itinago na niya ang mga taludtod na ito, ngunit isinalaysay niya ang mga ito ng matapat.
"At siya [Muhammad] ay hindi mapagkait ng [kaalaman ng] hindi nakikita. At ito [ang Quran] ay hindi salita ng diyablo, na pinaalis [mula sa Paraiso]. Kaya saan ka pupunta? ito ay walang iba kundi isang paalala sa sanlibutan." (Quran 81:24-27)
Ang Propeta ay pinag-iingat, marahil binalaan, sa mga susunod na talata:
"Katunayan, ipinahayag Namin sa iyo, [O Muhammad] ang aklat sa katotohanan upang hatulan mo ang pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng ipinakita ng Diyos sa iyo. At huwag maging tagapagtaguyod ng mga mapanlinlang. At hingin ang kapatawaran ng Diyos. Katunayan, ang Diyos ay kailanman ay Mapagpatawad at Maawain. At huwag makipagtalo para sa mga manloloko na niloloko ang kanilang mga sarili. Katunayan, Hindi minamahal ng Diyos ang isang tao na nakagawian ang kasalanan at pandaraya. Itinatago nila [ang kanilang masamang layunin at gawain] mula sa mga tao, ngunit hindi nila kayang itago [kanilang sarili] mula sa Diyos, at Siya ay kasama nila [sa Kanyang kaalaman] habang pinapalipas nila ang gabi sa paraan ng pananalita na hindi katanggap-tanggap sa Kanya. At ang Diyos ay palaging sumasaklaw sa kanilang mga ginagawa,. Nandito ka – na nakikipagtalo para sa kanila [para dito] sa makamundong buhay – ngunit sino ang makikipag argumento sa Diyos para sa kanila sa araw ng pagkabuhay na muli, o kung sino [sa araw na iyon] ang magiging kinatawan nila? At kung sino ang gumawa ng mali o mali sa kanyang sarili ngunit pagkatapos ay naghahanap ng kapatawaran mula sa Diyos ay matutuklasan niya ang Diyos na Mapagpatawad at Maawain. At kung sino man ang maglikom [i.e., gumawa] ng kasalanan ay ginawa niya lamang ito laban sa kanyang sarili. At ang Diyos ay kailanman ang nakakaalam at Matalino. Ngunit kung sino man ang gumawa ng paglabag o kasalanan at ito ay ibinintang niya sa isang walang sala [tao] siya ay nakagawa ng kasinungalingan at kasalanan. At kung hindi dahil sa pabor ng Diyos sa iyo, [O Muhammad], at Kanyang awa, may isang pangkat sa kanila na nagnais na linlangin ka. Ngunit wala silang nalinlang kundi ang mga sarili nila, at hindi ka nila masasaktan. At ipinahayag sa iyo ng Diyos ang aklat at kaalaman at itinuro sa iyo ang mga bagay na hindi mo nalalaman at kailanman ang biyaya ng Diyos sa iyo ay napakalaki." (Quran 4:105-113)
Ang mga talata na ito ay nagpapaliwanag sa pangyayari kung saan may isang lalaking Muslim na naninirahan sa Medina na nagnakaw ng kapirasong baluti at itinago itosa ari-arian ng kanyang Hudyo na kapit-bahay. Nang mahuli siya ng may ari ng balutiitinanggi niya ang kanyang kasalanan, at natagpuan ang baluti sa Hudyo. Subalit, kanyang itinuro ang kanyang kapit-bahay na Muslim, at itinatanggi ang kanyang pagkakasangkot sa krimen. Ang mga tao mula sa tribo ng Muslim ay pumunta sa Propeta upang makiusap para taong ito, at ang Propeta ay nagsimulang kampihan sila hanggang sa ang mga taludtod na ito ay naipahayag na naglilinis sa pangalan ng Hudyo mula sa kasalanan. Ito ay sa kabila ng pagtanggi ng mga hudyo sa pagiging propeta ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala)! Itinuro ng mga talatang ito kay propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na huwag kumampi sa mapanlinlang! Ang mga talata:
"… At huwag maging tagapagtaguyod sa mga mapanlinlang at hingin ang kapatawaran ng Diyos... At kung hindi dahil sa pabor ng Diyos sa iyo, [O Muhammad], at Kanyang awa, ang isang pangkat sa kanila ay ninais na linlangin ka."
Kung si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang awa at kapayapaan) mismo ang may akda ng Quran, na sinungaling na mapagpanggap, titiyakin niya na walang anumang maaaring magbigay panganib na maaring magpawala ng pagdami ng mga tagasunod. Ang katunayan na ang Quran, sa iba't-ibang okasyon, ay pinagsasabihan ang Propeta sa ilang mga isyu kung saan siya ay nakagawa ng hindi tamang paghuhusga ay malinaw na patunay na hindi siya ang may akda nito.
Mga talababa:
[1] ‘Si Muhammad: Ang kanyang buhay batay sa mga sinaunang mga mapagkukunan' ni Martin Lings, p. 34.
Magdagdag ng komento