Ano ang Sinasabi nila Tungkol sa Quran (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang mga pahayag ng mga iskolar sa kanluran na nag-aral ng Islam tungkol sa Quran. Bahagi 2: Mga karagdagang pahayag.
- Ni iiie.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 23 Mar 2010
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,373 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Dr. Stiengass, sinipi sa T.P. Hughes’ Diksyunaryo ng Islam (Dictionary of Islam), pp. 526-527:
"Isang gawain, kung gayon, na tumatawag ng napakalakas at tila hindi magkakatugma na mga emosyon kahit na sa malayong mambabasa - malayo ukol sa panahon, at higit pa sa isang pag-unlad ng kaisipan - isang gawain na hindi lamang tatalo sa pagkasuklam na maaaring magpasimula ng pagsusuri, na papalit sa masamang pakiramdam ng pagkamangha at paghanga, ang gayong gawain ay maaring isang kamangha-manghang produkto ng kaisipan ng tao sa katunayan at problema na pagtutuunan ng pansin ng bawat maalalahaning tagapagmasid ng mga patutunguhan ng sangkatauhan."
Maurice Bucaille, The Bible, the Quran and Science, 1978, p. 125:
"Ang nasabing pagmamasid ay nagawang mapawalang-saysay ang mga haka-haka na isinusulong ng mga tumitingin at nagsasabing si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang siyang may-akda ng Quran. Paano na ang isang tao, mula sa pagiging hindi marunong magbasa o magsulat, ay maging pinakamahalagang may-akda, kung pag-uusapan ang meritong pampanitikan, sa kabuuan ng panitikan ng Arabe? Paano niya naipahayag ang mga katotohanan ng isang kalikasang pang-agham na walang ibang tao na maaaring makabuo ng panahon na iyon, at ang lahat ng ito nang walang kahit isang maliit ng pagkakamali sa kanyang pahayag ukol sa paksa?"
Dr. Steingass, sinipi sa Hughes’ Dictionary of Islam, p. 528:
"Dito, samakatuwid, ang mga merito nito bilang isang produktong pampanitikan marahil ay hindi maaaring masukat o ikumpara sa ilang naunang mga salawikain na pansarili at kaaya-aya sa pandinig, ngunit sa pamamagitan ng mga epekto na nagawa nito sa kapanahunan at mga kababayan ni Mohammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Kung saan ito ay nagsalita nang napakalakas at kapani-paniwala sa mga puso ng kanyang mga tagapakinig tungkol sa pagkakaisa ng dating watak-watak at magkakatunggaling mga elemento na maging isang solido at napaka organisadong kalipunan, binuhay ng mga ideyang iyon na hanggang ngayon ay pinamumunuan pa ang mga kaisipang Arabo, kung gayon ang kahusayan nito ay lubos, dahil ito ay nakabuo ng isang sibilisadong bansa na walang malulupit na tribo, at nagsimulang mag-ingay o kumontra sa lumang baluktot na kasaysayan."
Arthur J. Arberry, Pagpapakahulugan sa Quran, London: Oxford University Press, 1964, p. x:
"Sa kasalukuyang pagtatangka na malampasan ang mga ginawa ng aking mga hinalinhan, at upang makagawa ng isang bagay na maaaring tanggapin nang kasing lakas gaano man kabanayad ang kahanga-hangang retorika ng Arabe na Koran, nahirapan akong pag-aralan ang masalimuot at maraming iba't ibang mga ritmo na - bukod sa mensahe mismo - siyang bumubuo ng di maikaka-ilang pag-aangkin ng Koran ng ranggo sa gitna ng mga pinakadakilang obra sa panitikan ng sangkatauhan. Ang pinaka-natatanging tampok nito - 'ang hindi matutularang simponya', tulad ng inilarawan ng naniniwalang si Pickthall sa kanyang Banal na Aklat, 'ang mismong mga tunog na nagpapaluha sa mga tao at nagpapasaya' - ay halos hindi na pinansin ng mga nakaraang tagasalin; samakatuwid ito ay hindi nakakagulat na ang kanilang nais na idagdag ay nagtunog pulpol at patag kung ihahambing sa magagandang pinalamutian na orihinal."
Ang Quran sa Quran
“At katotohanan, Aming ginawa ang Quran na madaling maunawaan ng isip: Mayroon bang, sinuman ang makaka-alaala." (Quran 54:17, 22, 32, 40 [inulit-ulit])
“Hindi ba sila magmumuni-muni tungkol sa Quran (nilalaman nito), o may mga kandado ang kanilang mga puso?” (Quran 47:24)
“Katiyakan na itong Quran ay gumagabay sa kung saan ang pinaka matuwid at nagbibigay ng mabuting balita sa mga naniniwala na gumagawa ng mabubuting gawa na magkakaroon sila ng malaking gantimpala.” (Quran 17:9)
“Walang pag-aalinlangan na Inihayag Namin ang Paalala (Quran) at tiyak na pangangalagaan Namin ito (mula sa katiwalian).” (Quran 15:9)
“Purihin ang Diyos na nagpahayag ng Aklat (Quran) sa Kanyang alipin (Muhammad) at hindi Niya nilagyan ng anumang kabuktutan.” (Quran 18:1)
“At katotohanang ipinaliwanag Namin sa Quran ang bawat uri ng halimbawa; At ang tao higit sa lahat ay palaaway. At walang pumipigil sa mga tao na maniwala sa pagdating ng patnubay sa kanya, at paghingi ng kapatawaran sa kanilang Panginoon, malibang mangyari ulit ang nangyari noong sinaunang mga tao, o ang kapinsalaan at pagkawasak na nakatakda, o ang kapaurasahan ay itambad sa kanila ng harapan." (Quran 18:54-55)
“At ipinahayag Namin (yugto sa yugto) sa Quran ang mga bagay na nakapagpapagaling at isang awa para sa mga mananampalataya at sa mga hindi makatarungan ito ay nagdudulot ng kawalan pagkatapos ng kawalan.” (Quran 17:82)
“At kung nag-aalinlangan ka tungkol sa kung ano ang Ipinahayag Namin sa Aming alipin (Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay gumawa ka ng isang Surah (kabanata) ng mga katulad nito, at tumawag ka ng iyong mga saksi bukod sa Diyos kung ikaw ay nagsasabi ng totoo.” (Quran 2:23)
“At ang Quran ay hindi maaring maipahayag ng sinuman bukod sa Diyos, bagkus ito ay isang pagpapatunay (ng mga kapahayagan) na nauna rito at isang ganap na paliwanag sa Aklat - walang alinlangan - na mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang sa Mundo.” (Quran 10:37)
“Kaya kapag binigkas mo ang Quran, humingi ka ng kalinga mula sa Diyos laban sa Satanas ang isinumpa.” (Quran 16:98)
Magdagdag ng komento