Ano ang Sinasabi nila Tungkol kay Muhammad (bahagi 1 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang mga pahayag ng mga di-Muslim na iskolar na nag-aral ng Islam at tungkol sa Propeta. Bahagi 1: Panimula.
- Ni iiie.net (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 15 Mar 2021
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,719 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa mga siglo ng Krusada, ang lahat ng uri ng mga paninirang-puri ay nilikha laban kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayaan at pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, sa pagsilang ng modernong panahon, minarkahan ng may relihiyosong pagpapaubaya at kalayaan ng pag-iisip, ang mga may-akda sa Kanluran ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamamaraan ng pagbabalangkas ng kanyang buhay at pagkatao. Ang pananaw ng ilang mga di-Muslim na iskolar tungkol kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na makikita sa dulo, ay nagbibigay-katwiran sa opinyon na ito.
Ang Kanluran ay dapat pa ring humakbang o sumulong upang matuklasan ang pinakadakilang katotohanan tungkol kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, at iyon ay ang kanyang pagiging totoo at huling Propeta ng Diyos para sa lahat ng sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng makatuwiran at kaliwanagan nito ang Kanluran ay walang sinsero at makatuwirang pagtatangka upang maunawaan ang pagka-Propeta ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Kataka-taka na ang mga napaka makinang na mga parangal ay ibinigay sa kanya para sa kanyang integridad at mga nakamit, ngunit ang kanyang pag-angkin na siya ay Propeta ng Diyos ay tinanggihan nang tahasan at walang pasubali. Sa puntong ito kung saan ang isang paghahanap ng puso ay kinakailangan, at isang pagsusuri kung ang tinatawag na walang kinikilingang pagsusuri ay kinakailangan. Ang mga sumusunod na malinaw na katotohanan mula sa buhay ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay ipinakita upang makatulong para sa isang walang pinapanigan, makatwiran at may basihang desisyon tungkol sa kanyang pagka-Propeta.
Hanggang sa edad na apatnapu, si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay hindi kilala bilang isang politiko, isang mangangaral o isang mananalumpati. Hindi siya nakita na tinatalakay ang mga prinsipyo ng metapisika, etika, batas, politika, ekonomiya o sosyolohiya. Walang alinlangan na siya ay may isang mahusay na pagkatao, kaakit-akit na kaugalian at sibilisado. Gayunpaman, walang kapansin-pansin at labis na katangi-tangi sa kanya na magbibigay sa mga tao ng akala na may malaki at ganap na pagbabago na magmumula sa kanya sa hinaharap. Ngunit nang siya ay lumabas mula sa Kuweba ng Hira na may isang bagong mensahe, siya ay ganap na nagbago. Maari ba para sa gayong tao na may mga katangiang nasa itaas na biglang maging 'isang impostor' at mag-angkin na siya ang Propeta ng Diyos at sa gayon ay anyayahan ang galit ng kanyang mga tao? Maaaring itanong ng tao, kung para sa anong dahilan ang kanyang pagdurusa sa mga paghihirap na ipinataw sa kanya? Inalok ng kanyang mga tao na tatanggapin siya bilang kanilang hari at ibibigay ang lahat ng kayamanan ng lupain sa paanan niya kung iiwan niya lamang ang pangangaral ng kanyang relihiyon. Ngunit pinili niyang tanggihan ang kanilang mga mapanuksong alok at nag-iisang nagpatuloy sa pangangaral ng kanyang relihiyon sa harap ng lahat ng uri ng mga pang-iinsulto, boykot ng lipunan at kahit na pisikal na pag-atake ng kanyang sariling mga tao. Kung hindi dahil sa suporta ng Diyos at sa kanyang matatag na kalooban na maipakalat ang mensahe ng Diyos at ang kanyang malalim na paniniwala na sa huli ang Islam ay mangingibabaw bilang isang tanging paraan ng buhay para sa sangkatauhan, na siya ay tumayo tulad ng isang bundok sa harap ng lahat ng oposisyon at pagsasabwatan upang mawala siya? Bukod dito, naparito ba siya na may layuning kalabanin o makipagtunggali sa mga Kristiyano at mga Hudyo, bakit ginawa niya na ang paniniwala kay Jesus at Moises at iba pang mga Propeta ng Diyos, sumakanila nawa ang kapayapaan, ay isang pangunahing kailangan ng pananampalataya na kung wala ito ay di maaaring maging isang Muslim?
Hindi ba ito isang hindi mapag-aalinlangang patunay ng kanyang pagka-Propeta na sa kabila ng walang pinag-aralan at pagkakaroon ng isang pangkaraniwan at tahimik na pamumuhay sa loob ng apatnapung taon, nang sinimulan niyang ipangaral ang kanyang mensahe, ang lahat ng Arabya ay tumindig sa pagkamangha at nagtaka sa kanyang kamangha-manghang pagsasalita at pagtatalumpati? Wala itong kapantay sa hukbo ng pinakamataas na kalibre ng mga makatang Arabo, tagapangaral at tagapagtalumpati na nabigong tapatan ang katumbas nito. At higit sa lahat, paano niya naipahayag ang mga katotohanan ng isang siyentipikong kalikasan na nilalaman sa Quran na walang sinumang posibleng makabuo ng panahong iyon?
Ang panghuli ngunit di dapat balewalain, ay bakit siya namuhay na isang mahirap, matapos ang pagkakaroon ng kapangyarihan at awtoridad? Pag-isipan lamang ang mga salitang binitawan niya habang siya ay nag-aagaw-buhay:
“Kami, ang komunidad ng mga Propeta, ay hindi nagpapamana. Anuman ang iniiwan namin ay para sa kawanggawa.”
Sa katunayan, si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ang huling kaugnayan ng mga Propeta na ipinadala sa iba't ibang mga lupain at panahon mula nang nagsimula ang buhay ng tao sa mundong ito. Saklaw ng mga sumusunod na bahagi ang mga akda ng ilang mga di-Muslim na may-akda patungkol kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala.
Magdagdag ng komento