Ano ang Sinasabi nila Tungkol sa Quran (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang mga pahayag ng mga iskolar sa kanluran na nag-aral ng Islam tungkol sa Quran. Bahagi 1: Panimula at ang kanilang mga pahayag.
- Ni iiie.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 5
- Tumingin: 4,383 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Nakatanggap ang sangkatauhan ng Banal na patnubay sa pamamagitan lamang ng dalawang mga paraan: una ang salita ng Diyos, pangalawa ang mga Propeta na pinili ng Diyos upang iparating ang Kanyang kalooban sa mga tao. Ang dalawang bagay na ito ay palaging magkasama at kung susubukang alamin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapabaya sa alinman sa dalawang ito ay palaging hahantong sa pagkaligaw. Ang mga Hindu ay pinabayaan ang kanilang mga propeta at binigyan ng pansin ang kanilang mga libro na nagtataglay lamang ng mga palaisipan na salita kung saan tuluyang nakapagligaw sa kanila. Katulad din, na ang mga Kristiyano, sa kabuuang pagwawalang-bahala sa Aklat ng Diyos, ay ikinabit ang lahat ng importansiya kay Kristo kaya naman hindi lamang siya itinaas sa pagiging Banal, kundi nawala din ang mismong halaga ng Tawheed (isang Diyos o monotiesmo) na nilalaman ng Bibliya.
Sa katunayan, ang pangunahing mga banal na kasulatan na ipinahayag bago ang Quran, i.e., ang Lumang Tipan at ang Ebanghelyo, ay naging libro nang matagal pagkatapos ng mga araw ng mga Propeta at sa pagsasalin din. Ito ay dahil ang mga tagasunod nina Moises at Hesus ay hindi gumawa ng malaking pagsisikap na mapanatili ang mga Pahayag na ito sa panahon na nabubuhay ang kanilang mga Propeta. Sa halip, isinulat ang mga ito matagal na panahon pagkatapos ng kanilang kamatayan. Kaya, kung ano ang mayroon tayo ngayon sa anyo ng Bibliya (ang Luma pati na rin ang Bagong Tipan) ay isang pagsasalin ng mga indibidwal na tala ng mga orihinal na paghahayag na naglalaman ng mga pagdaragdag at pagtanggal na ginawa ng mga tagasunod ng nasabing Propeta. Sa kabaligtaran, ang huling ipinahayag na Aklat, ang Quran, ay nananatili pa rin sa malinis nitong anyo. Ginarantiyahan ng Diyos mismo ang pangangalaga nito at ang buong Quran ay isinulat sa panahon na buhay pa si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos, sa magkakahiwalay na piraso ng mga dahon ng palma, mga pergamino, mga buto atbp... Bukod dito, mayroong higit sa 100,000 na mga Kasamahan ang nakasaulo alinman sa buong Quran o mga bahagi nito. Mismong ang Propeta ang nagbibigkas nito kay Angel Gabriel isang beses sa isang taon at dalawang beses sa taon kung saan siya ay namatay. Ipinagkatiwala ng unang Kalifa na si Abu Bakr ang pag kolekta ng buong Quran sa isang aklat sa tagasulat ng Propeta, na si Zaid Ibn Thabit. Ang aklat na ito ay na kay Abu Bakr hanggang sa kanyang kamatayan. Pagkatapos ito ay napunta sa pangalawang Kalifa na si Umar at pagkatapos niya ay nakarating ito kay Hafsa, ang isa sa mga asawa ng Propeta. Mula sa orihinal na kopya na inihanda ng ikatlong Kalifa na si Uthman ang maraming iba pang mga kopya ay ipinadala sa iba't ibang teritoryo ng mga Muslim.
Ang Quran ay maingat na pinangalagaan sapagkat ito ay ang Aklat ng Patnubay para sa sangkatauhan hanggang sa katapusan ng panahon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi lang ang mga Arabo ang pinatutukuyan nito kahit na ito ay sa lengwahe nila ipinahayag o wikang ginamit. Nakikipag-usap ito sa tao bilang isang tao:
"O sangkatauhan, ano ang luminlang sa iyo tungkol sa iyong Panginoon, ang Mapagbigay."
Ang pagiging praktikal ng mga turo ng Quran ay pinatatag ng mga halimbawa ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, at ng mabubuting mga Muslim sa buong panahon. Ang natatanging pamamaraan ng Quran ay ang mga tagubilin nito na naglalayon sa pangkalahatang kapakanan ng tao at batay sa mga posibilidad na maaabot niya. Sa lahat ng bahagi nito ang karunungan sa Quran ay di maipagkakaila. Hindi nito pinaparusahan o pinapahirapan ang katawan o pinapabayaan ang kaluluwa. Hindi nito ginagawang tao ang Diyos at hindi nito sinasamba ang tao. Ang lahat ay maingat na inilalagay kung saan ito nabibilang.
Sa katunayan ang mga iskolar na nagpahayag na si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ang may-akda ng Quran ay nagsasabi ng isang bagay na imposible para sa isang tao. Maaari bang ipahayag ng sinumang tao noong ikaanim na siglo C.E. ang mga katotohanang pang-agham tulad ng nilalaman ng Quran? Maaari ba niyang ilarawan ang ebolusyon ng similya (embryo) sa loob ng matris nang eksakto na tulad ng matatagpuan natin sa modernong agham?
Pangalawa, makatuwiran bang paniwalaan na si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na hanggang sa edad na apatnapu ay nakilala lamang para sa kanyang katapatan at integridad, ay bigla na lang simulan ang pagsusulat ng isang libro na walang kapantay sa meritong pampanitikan na ang katumbas nito ay di kayang buuin ng buong lehiyon ng mga makatang Arabo at mga mananalumpati na may pinakamataas na kakayahan? Panghuli, makatuwiran ba na si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na kilala bilang Al-Ameen (mapagkakatiwalaan) sa kanyang lipunan at hinahangaan din ng mga di-Muslim na iskolar dahil sa kanyang katapatan at integridad, ay lumantad na may maling pahayag at nagawang sanayin ang libu-libong mga tao, na may integridad upang maitaguyod ang pinakamahusay na lipunan ng tao sa mundo?
Tiyak, ang sinumang taos-puso at walang kinikilingan na naghahanap ng katotohanan ay maniniwala na ang Quran ay ang ipinahayag na Aklat ng Diyos.
Nang walang kinakailangang pagsang-ayon sa lahat ng sinabi nila, magbibigay kami dito ng ilang mga opinyon ng mga mahahalagang iskolar na hindi Muslim tungkol sa Quran. Ang mga mambabasa ay madaling mapapansin kung gaano kalapit ang modernong mundo sa katotohanan pagdating sa Quran. Humihiling kami sa lahat ng mga iskolar na may bukas na pag-iisip na pag-aralan ang Quran alang-alang sa mga nabanggit na dahilan. Tiyak namin na ang alinmang pagsubok ay makakahikayat sa mambabasa nito na ang Quran ay hindi maaring ini-akda ng isang tao.
Goethe, sinipi sa T.P. Hughes’ Diksyunaryo ng Islam, p. 526:
"Gayunpaman kadalasan bumabaling tayo dito [ang Quran] nakakainis sa simula, kalaunan ay nakakaakit, nakakamangha, at sa dulo ay mapipilitan tayong humanga at igalang ito...Ang paraan nito, alinsunod sa mga nilalaman at layunin nito ay mahigpit, dakila, kakila-kilabot - muli at palaging tunay na dakila - Sa ganito ang aklat na ito ay magpapatuloy sa pagsasanay sa lahat ng panahon na isang pinaka-mabisang impluwensya."
Maurice Bucaille, Ang Quran at ang Modernong Siyensya (The Quran and Modern Science), 19812, p. 18:
"Ang isang ganap na may layuning pagsusuri tungkol dito [ang Quran] alang-alang sa modernong kaalaman, ay humantong sa amin na kilalanin ang kasunduan sa pagitan ng dalawa, na nabanggit sa paulit-ulit na okasyon, pinapalagay natin na tila mahirap isipin na ang isang tao sa panahon ni Mohammed , sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na maging may-akda ng naturang mga pahayag dahilan sa estado ng kaalaman sa kanyang panahon. Ang ganitong mga pagsasaalang-alang ay bahagi ng kung ano ang nagbibigay sa Pagpapahayag ng Quran ng natatanging lugar nito, at pinipilit ang walang kinikilingan na siyentipiko na aminin ang kanyang kawalan ng kakayahan na magbigay ng isang paliwanag na nagmumula lang sa materyalistikong pangangatwiran."
Magdagdag ng komento