Ang Layunin ng Buhay (bahagi 2 ng 3): Ang Islamikong Pananaw
Paglalarawanˇ: Ang paliwanag ng Islam hinggil sa kahulugan ng buhay, at maikling pagtalakay sa ibig sabihin ng pananampalataya.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 6
- Tumingin: 6,464 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Masasagot ba ng Kristiyanismo ang Katanungan?
Sa Kristiyanismo, ang kahulugan ng buhay ay nanggagaling sa pananampalataya sa ebanghelyo ni Hesukristo, na siyang tagapagligtas. "Sapagkat minamahal ng Diyos ang sanlibutan kaya't ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak, upang ang sinumang naniniwala sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan." Gayunman, ang panukalang ito ay may mga malubhang suliranin. Una, kung ito ang layunin ng paglikha at kondisyon na dapat masunod para sa buhay na walang hanggan, bakit hindi ito itinuro ng mga propeta sa lahat ng nasyon sa mundo? Pangalawa, kung ang Diyos ay naging tao malapit sa kapanahunan ni Adan, ang sangkatauhan ay dapat na may pantay-pantay na pagkakataon sa buhay na walang hanggan, maliban na lamang kung yaong bago sa panahon ni Hesus ay nagkaroon ng ibang layunin para sa kanilang pagkabuhay! Pangatlo, paanong nagagampanan ng mga tao ngayon ang layunin ng Kristyanong paglikha kung di naman nila nakilala o narining ang tungkol kay Hesus! Likas na ang mga layuning ito ay napakakitid at sumasalungat sa banal na hustisya.
Ang Kasagutan
Ang Islam ang tugon sa paghahanap ng sangkatauhan sa kahulugan. Ang layunin sa paglikha sa lahat ng kalalakihan at kababaihan sa lahat ng oras ay iisa: alamin at sambahin ang Diyos.
Itinuturo sa atin ng Quran na ang bawat tao ay ipinanganak na may kamalayan sa Diyos,
"At (alalahanin) nang nagpalabas ang iyong Panginoon mula sa gulugod o balakang ni Adan ng kanyang mga anak at mga inapo at sila ay Kanyang ginawang mga saksi (na nagsasabing) "Hindi ba ako ang inyong Panginoon?' At sila ay nagsabi: "Opo, (at) kami ay sumasaksi", na kung sakali sa araw ng Paghuhukom: ay inyong sasabihin na di ninyo alam ang ukol dito.' O di kaya ay inyong sasabihin: "Ang aming mga ninuno ang sumamba sa iba maliban sa Nag-iisang Diyos (Allah) at kami ay kanilang mga inapo lamang. (Kaya) kami ba kung gayon ay Iyong wawasakin nang dahil sa ginawa ng mga mapaggawa ng kabulaanan?'' (Quran 7:172-173)
Itinuturo sa atin ng Propeta ng Islam na nilikha ng Diyos ang pangunahing pangangailangan sa kalikasan ng tao sa oras na ginawa si Adan. Kumuha ang Diyos ng tipan mula kay Adan nang siya ay nilikha.Kinuha ng Diyos ang lahat ng mga inapo ni Adan na di pa naipapanganak, sa salinlahi't salinlahi, ikinalat sila, at kumuha ng tipan mula sa kanila. Ipinaabot Niya nang direkta sa kanilang mga kaluluwa, anupa't pinatototohanan nila na Siya ang kanilang Panginoon.Yamang ginawa ng Diyos ang lahat ng tao na manumpa sa Kanyang Pagkapanginoon nang nilikha Niya si Adan, ang panunumpa na ito ay nakaimprinta sa kaluluwa ng tao bago paman ito naging sanggol, at sa gayon ang isang bata ay ipinanganak na may likas na paniniwala sa Kaisahan ng Diyos. Ang likas na paniniwala na ito ay tinatawag na fitra sa Arabic. Dahil dito, ang bawat tao ay nagdadala ng binhi ng paniniwala sa Kaisahan ng Diyos na malalim na nakabaon sa ilalim ng mga patong-patong na kapabayaan at naisasantabi dahil sa mga pagkokondisyon ng lipunan.Kung ang bata ay naiwang nag iisa, ito ay lalaking may kamalayan sa Diyos - sa nag-iisang Lumikha - ngunit ang lahat ng mga bata ay apektado ng kanilang kapaligiran. Sinabi ng Propeta ng Diyos,
Ang bawat bata ay ipinanganak sa isang estado ng 'fitra', ngunit ang kanyang mga magulang ay ginawa siyang isang Hudyo o isang Kristiyano. Ito ay tulad ng paraan ng isang hayop na manganganak ng isang normal na supling. Napansin mo ba ang sinumang batang ipinanganak na baldado na bago mo pa man sila baldahin."[1]
Kaya, kung paanong ang katawan ng bata ay sumasailalim sa mga batas ng katawan, na itinakda ng Diyos sa kalikasan, ang kaluluwa nito ay sumusuko sa katotohanan na ang Diyos ay kanyang Panginoon at Tagapaglikha. Gayunpaman, kinukundisyon ng mga magulang na sundin ang kanilang mga pamamaraan, at ang bata ay walang kakayahang suwayin ito.Ang relihiyon na sinusunod ng bata sa yugtong ito ay sa nakaugalian at nakalakihan niya, at hindi siya pananagutin ng Diyos para sa relihiyong ito. Kapag ang isang bata ay tumanda na at nasa tamang gulang, dapat niyang sundin ang relihiyon ng kaalaman at pangangatwiran. Bilang nasa tamang edad na, ang mga tao ay dapat na magsumikap sa pagitan ng kanilang mga likas na disposisyon at sa kanilang mga hangarin upang mahanap ang tamang landas patungo sa Diyos.Ang panawagan ng Islam ay nakadirekta mula sa simula, ang likas na disposisyon, ang imprinta ng Diyos sa kaluluwa, ang fitra, na nagdulot sa mga kaluluwa ng bawat buhay na nilalang na sumang-ayon na Siya na gumawa sa kanila ay kanilang Panginoon, bago pa man likhain ang kalangitan at kalupaan,
"Katotohanan, hindi Ko nilikha ang mga jinn at mga tao maliban na sila ay sumamba sa Akin (tanging sa Akin lamang)" (Quran 51:56)
Ayon sa Islam, mayroong isang pangunahing mensahe na ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng mga propeta, simula sa panahon ni Adan hanggang sa huling propeta, na si Muhammad, nawa'y ang kapayapaan ay sumakanila. Ang lahat ng mga propeta na ipinadala ng Diyos ay may pare-parehong mahahalagang mensahe:
"At katiyakan, Aming ipinadala sa bawat pamayanan ang isang sugo (na nag-aanyayang): "Sambahin ang Allah (tanging Siya), at iwasan ang (pagsamba sa) mga huwad na diyos.’" (Quran 16:36)
Ang mga propeta ay nagdala ng pare-parehong kasagutan sa higit na nakakabagabag na katanungan ng sangkatauhan, ang sagot na tumutukoy sa pagnanais ng kaluluwa ng Diyos.
Ano ang Pagsamba?
Ang ibig sabihin ng 'Islam' ay 'pagsuko', at pagsamba, sa Islam, ito ay nangangahulugan ng 'pagsunod at pagsuko sa kalooban ng Diyos.'
Ang bawat nilikha ay nararapat 'sumuko' sa Lumikha sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pisikal na batas na nilikha ng Diyos,
"At sa Kanya ang pagmamay-ari ng sinumang nasa kalangitan at kalupaan; ang lahat ay susunod sa Kanyang kalooban." (Quran 30:26)
Sila, gayunpaman, ay di gagantimpalaan ni parurusahan para sa kanilang 'pagsuko', dahil ito ay di kusa. Ang gantimpala at kaparusahan ay para sa mga nananampalataya sa Diyos, yaong mga sumuko sa moral at relihiyosong batas ng Diyos sa sariling kagustuhan. Ang pagsamba na ito ay ang diwa ng mensahe ng lahat ng mga propeta na ipinadala ng Diyos sa sangkatauhan. Halimbawa, ang pag-unawa sa pagsamba ay mariing ipinahayag ni Hesukristo,
"Walang sinuman sa tumawag sa aking ng Panginoon ang makakapasok sa kaharian ng Diyos, ngunit tanging mga yaong tumupad sa kalooban ng aking Ama na nasa langit."
Ang ibig sabihin ng 'kalooban’ ay kung 'ano ang nais ng Diyos na gawin ng mga tao.’ Ang ‘Kalooban ng Diyos’ ay nakapaloob sa banal na ipinahayag na mga batas na itinuro ng mga propeta sa kanilang mga tagasunod.Dahil dito, ang pagsunod sa batas ng Diyos ang pundasyon ng pagsamba. Kapag ang mga tao ay sumasamba sa kanilang Diyos sa pamamagitan ng pagsuko sa Kanyang batas sa relihiyon ay maaari silang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa kanilang buhay at pag-asa sa langit, tulad ng sanlibutan na tumatakbo sa pagkakaisa sa pamamagitan ng pagsuko sa mga pisikal na batas na itinakda ng Panginoon. Kapag iyong isinuko ang pag-asa sa kalangitan o Paraiso, iyo na ring tinanggal ang tunay na halaga at layunin ng buhay. Kung hindi man, anong pagkakaiba ang talagang magagawa kung mamumuhay na may kabutihan o ang kabaligtaran nito? Kung ang kapalaran ng bawat isa ay pare-pareho din lamang.
Mga Talababa:
[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim. Pinuputulan ng mga Arabo ang tainga ng mga kamelyo at mga kapareho nito bilang pagsisilbi sa Diyos bago dumating ang Islam.
Magdagdag ng komento