Ang mga Kababaihan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang panlipunan, ligal at pampulitikong aspeto ng kababaihan sa Islam.
- Ni Mostafa Malaekah
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 8
- Tumingin: 12,104 (araw-araw na pamantayan: 8)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 1
Ang Panlipunang Aspeto ng mga Kababaihan sa Islam
A) Bilang isang Anak na Babae:
(1) Ang Quran ay winakasan ang malupit na kasanayan ng pagpatay sa mga babaeng sanggol, bago ang Islam. Ang Diyos ay nagsabi:
“At kapag ang babae (na sanggol) na inilibing nang buhay ay tanungin, sa anong pagkakasala at siya ay pinatay?” (Quran 81:8-9)
(2) Ang Quran ay nagpatuloy pa upang sawayin ang hindi kasiya-siyang pag-uugali ng ilang mga magulang kapag naririnig ang balita ng kapanganakan ng isang batang babae, sa halip na isang batang lalaki. Ang Diyos ay nagsabi:
“At kapag ang isa sa kanila ay binalitaan ng (pagsilang ng) isang babae, ang kanyang mukha ay nagiging madilim, at kanyang kinikimkim ang dalamhati. Kanyang ikinukubli ang sarili mula sa mga tao nang dahil sa kasamaang ibinalita sa kanya. Pananatilihin ba niya ito sa kahihiyan o ililibing sa lupa? Walang alinlangan, kasamaan ang anumang kanilang napagpasiyahan.” (Quran 16:58-59)
(3) Ang mga magulang ay may tungkulin na itaguyod at pakitaan ng kabaitan at katarungan ang kanilang mga anak na babae. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi: “Sinumang itaguyod ang dalawang anak na babae hanggang sa sila ay dumating na sa tamang edad, siya at ako ay darating sa Araw ng Paghuhukom na ganito (at itinuro niya ang kanyang daliri na magkadikit).”
(4) Ang isang mahalagang aspeto sa pagpapalaki ng mga anak na babae na lubos na nakakaimpluwensya sa kanilang kinabukasan ay ang edukasyon. Ang edukasyon ay hindi lamang isang karapatan ngunit isang responsibilidad para sa lahat ng mga kalalakihan at kababaihan. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi: “Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim.” Ang salitang “Muslim” dito ay parehong ang mga kalalakihan at kababaihan.
(5) Ang Islam ay hindi rin nangangailangan ni hinihikayat ang pagtutuli ng babae. At habang ito ay maaaring ginagawa ng ilang mga Muslim sa ilang mga bahagi ng Aprika, ito rin ay isinasagawa ng ibang mga tao, kabilang ang mga Kristiyano, sa mga lugar na iyon, sumasalamin lamang sa mga lokal na kaugalian at kasanayan doon.
B) Bilang isang Maybahay:
(1) Ang pag-aasawa sa Islam ay batay sa parehong kapayapaan, pag-ibig, at pagdamay, at hindi lamang basta kasiyahan sa sekswal na hangarin. Kabilang sa mga pinaka-kahanga-hangang mga talata sa Quran tungkol sa pag-aasawa ay ang mga sumusunod:
“At kabilang sa Kanyang mga palatandaan ay: Kanyang nilikha para sa inyo mula sa inyong mga sarili ang mga asawa upang inyong matagpuan ang kapanatagan sa kanila at Kanyang inilagay sa inyong pagitan ang pagmamahal at awa. Katotohanan, naririto ang mga palatandaan para sa mga taong nag-iisip.” (Quran 30:21, see also 42:11 and 2:228)
(2) Ang babae ay may karapatang tanggapin o tanggihan ang mga alok sa kasal. Ayon sa Islamikong Batas, ang mga kababaihan ay hindi maaaring pilitin pakasalan ang sinuman nang wala ang kanilang pagsang-ayon.
(3) Ang asawang lalaki ay may pananagutan sa pagpapanatili, pangangalaga, at pangkalahatang pamumuno ng pamilya, sa loob ng balangkas ng konsultasyon (tingnan ang Quran 2: 233) at kabaitan (tingnan ang Quran 4:19). Ang pagtutulungan at pagpuno sa bawat isa na katangiang papel ng mag-asawa ay hindi nangangahulugan ng pagiging sunod-sunuran ng alinmang partido ng bawat isa. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay inutusan ang mga Muslim tungkol sa mga kababaihan: “Inihahabilin ko sa inyo na maging mabuti sa kababaihan.” At “Ang pinakamabuti sa inyo ay silang pinakamabuti sa kanilang mga maybahay.” Ang Quran ay hinihikayat ang mga asawang lalaki na maging mabait at maunawain sa kanilang mga maybahay, kahit na ang isang maybahay ay nawala ang pag pabor ng kanyang asawa sa kanya o mangibabaw ang pagkawala ng pagkagusto niya sa kanya:
“...At kayo ay mamuhay sa kanila nang may kabaitan. Sapagkat kung sila ay inyong kinamumuhian marahil ay inyong kinamumuhian ang isang bagay na ginawan ng Diyos dito ng maraming kabutihan.” (Quran 4:19)
Ipinagbawal din nito ang Arabyanong kasanayan bago ang Islam kung saan ang anak-anakan ng namatay na ama ay pinapayagan na ariin ang mga pag-aari ng balo nitong asawa na para bang ang mga ito ay bahagi ng ari-arian ng namatay (tingnan ang Quran 4:19) .
(4) Kapag nagkaroon ng mga pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa, ang Quran ay hinihikayat ang mag-asawa na lutasin ang mga ito nang pribado sa diwa ng pagkakapantay at kabutihan. Tunay na, ang Quran ay binabalangkas ang isang maliwanag na hakbang at matalinong pamamaraan para sa mag-asawa upang malutas ang patuloy na salungatan sa kanilang buhay mag-asawa. Sa pagkakataong ang pagsasalungatan ay hindi malutas nang makatarungan sa pagitan ng mag-asawa, ang Quran ay nagpayo ng pamamagitan ng mga pamilya ng magkabilang parte (tingnan ang Quran 4:35).
(5) Ang diborsyo ay ang huling paraan, pinahihintulutan ngunit hindi hinihikayat, sapagkat ang Quran ay itinuturing ang pangangalaga sa pananampalataya at ang karapatan ng indibidwal - ng parehong lalaki at babae - sa kaligayahan. Ang mga anyo ng pagpapawalang bisa ng pagsasama ay kinabibilangan ng pagpapatupad na batay sa kasunduan ng bawat isa, pagkukusa ng asawa, pagkukusa ng maybahay (kung bahagi ng kanyang kasunduan sa pag-aasawa), ang pagpapasya ng hukuman para sa pagkukusa ng maybahay (para sa isang lehitimong dahilan), at ang pagkukusa ng maybahay nang walang dahilan, sa kondisyon na ibabalik niya ang natanggap na handog sa pag-aasawa mula sa kanyang lalaking asawa. Kapag ang pagpapatuloy ng relasyon ng pagiging mag-asawa ay imposible na para sa anumang kadahilanan, ang mga kalalakihan ay tinuturuan pa ring isagawa ang isang matiwasay na pagtatapos para dito. Ang Quran ay nagsasabi tungkol sa ganitong mga kaso:
"At kapag inyong hiniwalayan ang mga kababaihan at tinupad ang kanilang panahon (ito ay ang takdang paghihintay), maaaring panatilihin sila sa paraang matwid o bigyang-laya sila sa paraang matwid at sila ay huwag ninyong panatilihin, upang sila ay pasakitan, ang sinumang gumawa nito ay nagbigay kamalian lamang sa kanyang sarili." (Quran 2:231, tingnan din sa 2:229 at 33:49)
(6) Ang pag-uugnay ng poliginiya sa Islam, na para bang dito ito nakilala o ang pamantayan o karaniwan ayon sa mga turo nito, ay isa sa nagpapatuloy na mga haka-haka na nananatili sa Kanluraning panitikan at midya. Ang Poliginiya ay umiiral sa halos lahat ng mga bansa at pinahintulutan pa ng Hudaismo at Kristiyanismo hanggang nitong mga nakalipas na mga siglo lamang, Ang Islam ay hindi ipinagbawal ang poliginiya, tulad ng ginawa ng maraming mga tao at mga relihiyosong pamayanan; sa halip, ito ay pinangasiwaan at hinigpitan. Ito ay hindi kinakailangan (na obligado sa lahat ng kalalakihan) ngunit pinahihintulutan lamang na may kaakibat na mga kondisyon (tingnan ang Quran 4:3). Ang diwa ng batas, ay kinabibilangan ng pagdating ng kapahayagan, upang pakitunguhan ang mga indibidwal at pinagsamang alternatibo na maaring sumulpot paminsan-minsan (hal. kawalang balanse sa pagitan ng bilang ng mga kalalakihan at kababaihan na dulot ng mga digmaan) at magbigay ng isang moral, praktikal, at makataong solusyon para sa ang mga problema ng mga balo at ulila.
C) Bilang isang Ina:
(1) Ang Quran ay itinaas ang kabaitan para sa mga magulang (lalo na ang mga ina) sa isang antas na pumapangalawa sa pagsamba sa Diyos:
“Ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kang sasambahin maliban sa Kanya, at maging mabuti sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay kapwa umabot na sa katandaang gulang na nasa iyong piling, huwag kang mangusap sa kanila ng salitang kawalang-galang o hiyawan sila, bagkus mangusap sa kanila ng salitang kapita-pitagan. At maging mapagpakumbaba sa kanila sa awa, at magsabi, 'Aking Panginoon, kaawaan Mo sila, dahil sila ay nag-aruga sa akin nang ako ay musmos pa’” (Quran 17:23-24, tingnan din sa 31:14, 46:15, at 29:8)
(2) Likas lamang, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tinukoy ang pag-uugaling ito para sa kanyang mga tagasunod, na nagbibigay sa mga ina ng isang hindi mapapantayang katayuan sa mga kaugnayan ng tao. Isang lalaki ang dumating sa Propeta Muhammad (pbuh) at sinabi, "O Sugo ng Diyos! Sino sa mga tao ang pinaka karapat-dapat sa aking mabuting pakikisama?” Ang Propeta ay nagsabi: "Ang iyong ina." Ang lalaki ay nagsabi, "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Pagkatapos ay ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong pa, "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Pagkatapos ay ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong muli, "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Pagkatapos ay ang iyong ama."
D) Bilang isang Kapatid na Babae sa Pananampalataya (Sa Pangkalahatan):
(1) Ayon sa mga sinabi ng Propeta Muhammad (pbuh): "ang mga kababaihan ay walang iba kundi shaqa'iq (kakambal o kapatid na babae) ng mga kalalakihan." Ang kasabihang ito ay isang malalim na pahayag na tuwirang nauugnay sa usapin ng pagkakapantay-pantay ng tao sa pagitan ng mga kasarian. Kung ang unang kahulugan ng Arabeng salitang shaqa'iq, "kakambal," ay gagamitin, ito ay nangangahulugang ang lalaki ay nagkakahalaga ng kalahati (ng lipunan), habang ang kababaihan ay nagkakahalaga ng isa pang kalahati. Kung ang pangalawang kahulugan, "mga kapatid na babae," ay gagamitin, ipinapahiwatig nito ang pareho.
(2) Ang Propetang si Muhammad (pbuh) ay itinuro ang kabaitan, pag-aalaga, at paggalang sa mga kababaihan sa pangkalahatan: "Hinahabilin ko sa inyong maging mabuti sa mga kababaihan." Mahalaga na ang ganitong tagubilin ng Propeta ay kabilang sa kanyang pangwakas na mga tagubilin at paalala sa pamamaalam na paglalakbay na talumpati na sinabi ilang sandali bago ang kanyang pagpanaw.
(3) Ang kahinhinan at pakikipag-ugnayang panlipunan: Ang mga sukatan ng wastong kahinhinan para sa mga kalalakihan at kababaihan (pananamit at pag-uugali) ay batay sa isiniwalat sa mapagkukunan (ang Quran at propetikong kasabihan) at, tulad nito, ay itinuturing ng mananampalatayang mga kalalakihan at kababaihan bilang mga alituntuning batay sa banal na patnubay na may lehitimong layunin at banal na karunungan sa likod nito. Ang mga ito ay hindi pagpapataw ng kalalakihan o pagpapataw ng panlipunang mga pagbabawal. Kawili-wiling malaman na kahit na ang Bibliya ay hinihikayat ang mga kababaihan na takpan ang kanilang ulo: “Kung ang isang babae ay hindi nagtatakip ng kanyang ulo, dapat niyang putulin ang kanyang buhok; at kung isang kahiya-hiya para sa isang babae na maputol ang kanyang buhok o ahitin, dapat niyang takpan ang kanyang ulo." (1 Corinto 11: 6).
Ang Ligal at Politikong Aspeto ng Kababaihan sa Islam
(1) Ang pagkakapantay-pantay sa harap ng Batas: Ang parehong mga kasarian ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng Batas at mga hukuman ng Batas. Ang katarungan ay walang kasarian (tingnan ang Quran 5:38, 24: 2, at 5:45). Ang mga kababaihan ay nagtataglay ng isang bukod na ligal na entidad sa pananalapi at iba pang mga bagay.
(2) Ang paglahok sa Panlipunan at Pampulitikong Pamumuhay: Ang pangkalahatang tuntunin sa panlipunan at pampulitikong pamumuhay ay ang pakikilahok at pakikipagtulungan ng mga kalalakihan at kababaihan sa mga pampublikong gawain (tingnan ang Quran 9:71). May sapat na katibayan sa kasaysayan sa pakikilahok ng kababaihang mga Muslim sa pagpili ng mga pinuno, sa mga usaping pampubliko, sa paggawa ng Batas, sa mga posisyong administratibo, sa karunungan at pagtuturo, at maging sa larangan ng digmaan. Ang ganitong pakikilahok sa panlipunan at pampulitikong pakikipag-ugnayan ay isinagawa nang hindi nawawala ang pagtuon sa magkatugmang mga prayoridad ng parehong mga kasarian at nang walang paglabag sa mga Islamikong alituntunin ng kahinhinan at kabutihan.
Konklusyon
Ang katayuang nakamit ng mga babaeng di-Muslim sa kasalukuyang panahon ay hindi nakamit dahil sa kabaitan ng mga kalalakihan o dahil sa likas na pag-unlad. Sa halip ito ay nakamit sa pamamagitan ng isang mahabang pakikibaka at sakripisyo sa bahagi ng kababaihan at kapag ang lipunan ay nangangailangan lamang ng kanyang ambag at gawa, lalo na nang panahon ng dalawang digmaang pandaigdig, at dahil sa pagtaas ng pagbabago sa teknolohiya. Habang sa Islam ang ganitong mahabagin at marangal na katayuan ay itinakda, hindi dahil sumasalamin ito sa kapaligiran ng ikapitong siglo, ni sa ilalim ng banta o panggigipit ng kababaihan at ng kanilang mga samahan, kundi dahil sa tunay na pagkatotoo nito.
Kung ito ay nagpapahiwatig ng anuman, ito ay nagpapakita ng Banal na pinagmulan ng Quran at ng pagkatotoo ng mensahe ng Islam, na, hindi katulad ng mga pilosopiya at ideolohiya ng tao, na malayo sa pagpapatuloy mula sa kapaligiran ng tao; isang mensahe na nagtatag ng ganitong mga prinsipyong makatao na hindi naluma o nawala sa hinaharap. Sa kabila ng lahat, ito ang mensahe ng Diyos na Matalino at Nakakaalam ng lahat na ang karunungan at kaalaman ay lampas pa sa sukdulang pag-iisip at pag-unlad ng tao.