Ang mga Kababaihan sa Islam (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang katayuan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa Islam.

  • Ni Mostafa Malaekah
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 15 Aug 2023
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 9,087 (araw-araw na pamantayan: 6)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Pambungad

Women_in_Islam_(part_1_of_2)_001.jpgAng usapin ng pagkakapantay-pantay sa kasarian ay mahalaga, makabuluhan, at napapanahon. Ang mga debate at pagsusulat sa paksa ay tumataas at nagkakaiba-iba sa mga pananaw nito. Ang Islamikong pananaw sa usapin ay ang pinaka-hindi nauunawaan at pinaka-hindi nailalarawan ng mga di-Muslim at ilang mga Muslim din. Ang artikulong ito ay inilaan upang magbigay ng isang maikli at mapananaligang paglalantad ng kung ano ang paninindigan ng Islam sa bagay na ito.

Ang mga Kababaihan sa Sinaunang mga Sibilisasyon

Upang tunay na maunawaan ang katayuan ng kababaihan na ibinigay sa pamamagitan ng Islam, dapat niyang ihambing ito sa iba pang mga sistema ng batas na umiiral ngayon at umiral sa nakaraan.

(1) Ang Sistemang Indiyano: Nakasaad sa Ensiklopedyang Britannica, 1911: "Sa Indiya, ang pagpapasakop ay ang kardinal na prinsipyo. Sa araw at gabi dapat ang mga kababaihan ay hinahawakan ng kanilang mga tagapangalaga sa isang katayuang umaasa sabi ni Manu. Ang panuntunan ng pagpapamana ay makalalaki, na matutunton pababa sa mga kalalakihan sa pagbubukod sa mga babae." Sa mga banal na kasulatan ng Hindu, ang paglalarawan sa isang mabuting maybahay ay ang mga sumusunod: "ang isang babae na ang isip, pagsasalita at katawan ay pinananatili sa pagpapasakop, ay makakakuha ng mataas na pagkilala sa mundong ito, at, sa susunod, sa parehong tahanan kasama ng kanyang asawa." (ni Mace, Marriage East and West).

(2) Ang Sistemang Griyego: Sa Atenas, ang mga kababaihan ay hindi mainam nang kaysa sa alinman sa mga kababaihan ng Indiyano o Romano: "Ang mga babaeng Atenas ay palaging mga menor, na napapailalim sa ilang lalaki - sa kanilang ama, sa kanilang kapatid na lalaki, o sa ilan sa kanilang mga lalaking kamag-anak.” (ni Allen, E. A., History of Civilization). Ang kanyang pahintulot sa pag-aasawa ay hindi karaniwang iniisip na kinakailangan at "siya ay obligadong sumunod sa mga kagustuhan ng kanyang mga magulang, at tanggapin mula sa kanila ang kanyang asawa at kanyang panginoon, kahit na siya ay estranghero sa kanya." (Nakaraang Pinagkuhanan)

(3) Ang Sistemang Romano: Ang isang Romanong maybahay ay inilarawan ng isang mananalaysay bilang: "isang bata, menor de-edad, isang silid, isang taong walang kakayahang gumawa o kumilos ng anumang naaayon sa kanyang sariling indibidwal na kagusutuhan, isang taong patuloy na nasa ilalim ng pagtuturo at pangangalaga ng kanyang asawa.” (Nakaraang Pinagkunan). Sa Ensiklopedyang Britannica, 1911, matatagpuan natin ang isang buod ng ligal na katayuan ng kababaihan sa Romanong sibilisasyon: "Sa Batas ng Romano ang isang babae kahit na sa historikong panahon ay ganap na umaasa. Kung may asawa siya ang kanyang pag-aari ay ipapasa sa kapangyarihan ng kanyang asawa . . . ang maybahay ay ang biniling pag-aari ng kanyang asawa, at tulad ng isang alipin na kinuha lamang para sa kanyang kapakinabangan. Ang isang babae ay hindi maaaring magsanay ng anumang tanggapang sibil o pampubliko . . . hindi maaaring maging isang saksi, tagapanagot, tagapagturo, o tagapangasiwa; siya ay hindi maaaring magpatibay o pagtibayin, o gumawa ng kahilingan o kasunduan."

(4) Ang Sistemang Iskandinabyano: Mula sa mga lahi ng Iskandinabyano ang mga kababaihan ay: "nasa ilalim ng walang hanggan na pangangalaga, may asawa man o walang asawa. Kasing tanda ng Kodigo ni Christian V, sa pagtatapos ng ika-17 Siglo, ipinatupad na kung ang isang babae ay nag-asawa nang walang pahintulot ng kanyang tagapagturo ay maaari, o mayroon siya, kung nais niya, na pamahalaan at gastusin o gamitin ang kanyang mga kalakal habang siya ay nabubuhay." (Ang Ensiklopedyang Britannica, 1911).

(5) Ang Sistermang Britaniko: Sa Britanya, ang karapatan ng mga babaeng may-asawa na magmay-ari ng ari-arian ay hindi kinikilala hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na Siglo, "Sa pamamagitan ng isang serye ng mga pagkilos na nagsisimula sa Married Women's Property Act noong 1870, na sinusugan noong 1882 at 1887, ang mga kababaihang may asawa ay nakamit ang karapatang magmay-ari ng ari-arian at pumasok sa mga kasunduan na kapantay ng mga matatandang dalaga, balo, at hiwalay." (Ensiklopedyang Britannica, 1968). Sa Pransya, noon lamang 1938 na ang Batas ng Pransya ay sinusugan upang makilala ang pagiging karapat-dapat ng mga kababaihan na makipagkasundo. Ang isang may-asawang babae, gayunpaman, ay kinakailangan pa ring kunin ang pahintulot ng kanyang asawa bago niya ipamigay ang kanyang sariling pag-aari.

(6) Sa Mosaik (Hudyong) Batas: Ang maybahay ay kinakatipan o ipinakikipagkasundo. Sa pagpapaliwanag ng konseptong ito, ang Ensiklopedyang Biblika, 1902, ay nagsasaad: “Ang makipagtipan sa isang maybahay para sa kanyang sarili ay nangangahulugan lamang ng pag-angkin niya sa kanya sa pamamagitan ng pagbabayad ng ibiniling pera; ang ipinagkasundo o katipan ay ang babae na para sa kanya ang perang ibinayad." Mula sa ligal na punto ng pananaw, ang pahintulot ng babae ay hindi kinakailangan para sa pagpapatibay ng kanyang pag-aasawa. "Ang pahintulot ng babae ay hindi kinakailangan at ang pangangailangan para dito ay hindi iminumungkahi sa Batas." (Nakaraang Pinagkunan). Tungkol naman sa karapatan ng diborsyo, mababasa natin sa Ensiklopedyang Biblika: "Ang babae bilang pag-aari ng lalaki, ang kanyang karapatang hiwalayan siya ay isang bagay na inaasahan." Ang karapatan sa diborsyo ay hinahawakan lamang ng lalaki, Ang Ensiklopedyang Britannica, 1911, ay nagsabi: "Sa Mosaik na Batas ang pakikipaghiwalay ay isang pribilehiyo ng lalaki lamang ..."

(7) Ang Simbahang Kristiyano: ang katayuan ng Simbahang Kristiyano hanggang nitong nakalipas na mga siglo ay tila naimpluwensyahan ng parehong Mosaik na Batas sa pamamagitan ng mga takbo ng pag-iisip na nangingibabaw sa mga magkakasabay na kultura. Sa kanilang aklat, ang Marriage East and West, sina David at Vera Mace ay sumulat: "Huwag hayaang mag-akala ang sinuman, alinman, na ang ating Kristiyanong pamana ay malaya sa ganitong mga mapangutyang paghahatol. Mahirap makahanap saanman ng isang koleksyon ng higit pang nakapagpapababang mga sanggunian sa babaeng kasarian kaysa sa ibinibigay ng mga naunang Mga Ama ng Simbahan. Si Lecky, ang tanyag na mananalaysay, ay nagsalita ng 'ang mga mabangis na insentibong ito na bumubuo sa isang masalimuot at napakatinding bahagi ng pagsulat ng mga Ama . . . ang babae ay kumakatawan bilang pintuan ng impyerno, bilang ina ng lahat ng mga karamdaman ng tao. Siya ay dapat mahiya sa pinakakaisipang siya ay isang babae. Siya ay dapat mabuhay sa patuloy na pagsisisi dahil sa mga sumpa na dinala niya sa mundo. Siya ay dapat mahiya sa kanyang kasuotan, sapagkat ito ang alaala ng kanyang pagkahulog. Siya ay dapat mahiya lalo na sa kanyang kagandahan, sapagkat ito ang pinaka-makapangyarihang instrumento ng diyablo.' Ang isa sa pinakanakakasakit sa mga pag-atake na ito sa babae ay ang kay Tertullian: 'Alam mo ba na ikaw ay isang Eba? Ang sumpa ng Diyos sa kasarian mong ito ay nabubuhay sa panahong ito; ang pagkakasala ay kinakailangang mabuhay din. Ikaw ang landas papunta sa diyablo; ikaw ang nagbukas sa ipinagbabawal ng punong yaon; ikaw ang unang sumuway ng banal na batas; ikaw ang siyang humikayat sa kanya kung kanino ang diyablo ay hindi ganoon katapang upang sumalakay. 'Hindi lamang iginiit ng simbahan ang mas mababang katayuan ng babae, inalis din nito sa kanya ang mga ligal na karapatan na dati niyang tinatamasa."

Mga Pundasyon ng Espirituwal at Makataong Pagkakapantay-pantay sa Islam

Sa gitna ng kadiliman na bumalot sa mundo, ang banal na kapahayagan ay umalingawngaw sa malawak na disyerto ng Arabya noong ikapitong Siglo na may isang sariwa, marangal, at unibersal na mensahe sa sangkatauhan, na inilarawan sa ibaba.

(1) Ayon sa Banal na Quran, ang mga kalalakihan at kababaihan ay may parehong makataong espirituwal na kalikasan:

"O sangkatauhan, matakot kayo sa inyong Panginoon, na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang kaluluwa at mula sa kanya ay nilikha ang kanyang asawa at mula sa kanilang dalawa ay naglitawan ang maraming mga kalalakihan at kababaihan..." (Quran 4:1,tingnan din 7:189, 42:11, 16:72, 32:9, at 15:29)

(2) Ang Diyos ay nilikha ang parehong kasarian na may likas na dangal at ginawa ang mga kalalakihan at kababaihan, na magkasamang mga katiwala ng Diyos sa mundo (tingnan ang Quran 17:70 at 2:30).

(3) Ang Quran ay hindi sinisisi ang babae sa "pagkahulog ng lalaki," ni hindi rin itinuturing ang pagbubuntis at panganganak bilang parusa sa "pagkain mula sa ipinagbabawal na puno." Sa kabaligtaran, ang Quran ay naglalarawan kina Adan at Eba bilang pantay na responsable para sa kanilang kasalanan sa Hardin, hindi kailanman itinangi kay Eba ang sisi. Parehong nagsisi, at pareho silang pinatawad (tingnan ang Quran 2: 36-37 at 7: 19-27). Sa katunayan, sa isang talata (Quran 20: 121) si Adan ay tukoy na sinisi. Ang Quran ay tinukoy din ang pagbubuntis at panganganak bilang sapat na mga dahilan para sa pagmamahal at paggalang para sa mga ina mula sa kanilang mga anak (Quran 31:14 at 46:15).

(4) Ang mga kalalakihan at kababaihan ay may parehong relihiyoso at moral na mga tungkulin at responsibilidad. Ang bawat tao ay dapat harapin ang mga kahihinatnan ng kanilang mga gawa:

“At ang kanilang Panginoon ay tumugon sa kanila (at nagsabing): Kailanman ay hindi Ko hahayaang mawalan ng kabuluhan ang gawa ng (sinuman) na gumagawa sa inyo - lalaki man o babae. Kayo ay para sa isa’t isa....” (Quran 3:195, tingnan din 74:38, 16:97, 4:124, 33:35, at 57:12)

(5) Ang Quran ay naging malinaw tungkol sa usapin ng inaangking kataasan o kababaan ng sinumang tao, lalaki o babae. Ang nag-iisang batayan para sa kataasan ng sinumang tao kaysa sa iba pa ay ang kabanalan at katuwiran at hindi kasarian, kulay, o nasyonalidad (tingnan ang Quran 49:13).

Ang Pang-ekonomiyang Aspeto ng mga Kababaihan sa Islam

(1) Ang Karapatang Magkaroon ng Sariling Pag-aari: Ang Islam ay nagtakda ng isang karapatan kung saan ang babae ay pinagkaitan noong bago ang Islam at pagkatapos nito (kahit na ngayong huling siglo), ang karapatan ng sariling pagmamay-ari. Ang Islamikong Batas ay kinikilala ang buong karapatang pag-aari ng mga kababaihan bago at pagkatapos ng pag-aasawa. Sila ay maaaring bumili, magbenta, o umupa ng anuman o lahat ng kanilang mga pag-aari sa kanilang kagustuhan. Sa kadahilanang ito, na ang mga Muslim na kababaihan ay maaaring panatilihin (at sa katunayan ay tradisyunal na pinapanatili nila) ang kanilang mga pangalan sa pagkadalaga pagkatapos ng kasal, isang pagpapahiwatig ng kanilang mga sariling karapatan sa pag-aari bilang mga ligal na entidad.

(2) Mga Batas sa Pinansiyal na Seguridad at Pagmamana: Ang pinansiyal na seguridad ay tinitiyak para sa mga kababaihan. Nararapat silang makatanggap ng mga regalo sa kasal nang walang pagtatakda at mapanatili ang kasalukuyan at hinaharap na mga pag-aari at kita para sa kanilang sariling seguridad, kahit na pagkatapos ng kasal. Walang babaeng may asawa ang kinakailangan na gumastos ng anumang halaga mula sa kanyang pag-aari at kita para sa sambahayan. Ang babae ay may karapatan din sa buong pinansiyal na pagtustos sa panahon ng pag-aasawa at sa panahon ng "paghihintay" (iddah) sa kaso ng diborsyo o pagkabalo. Ang ilang mga hukom ay nagtakda din, bilang karagdagan, ng isang taong pagtustos para sa kaso ng diborsyo at pagkabalo (o hanggang sila ay muling mag-asawa, kung maganap ang pag-aasawa bago matapos ang isang taon). Ang isang babae na nagka-anak sa pag-aasawa ay may karapatan sa sustento ng bata mula sa ama nito. Sa pangkalahatan, ang isang babaeng Muslim ay tinitiyak ang pagtutustos sa lahat ng mga yugto ng kanyang buhay, bilang isang anak na babae, asawa, ina, o kapatid na babae. Ang pinansiyal na mga kalamangan na ibinigay sa mga kababaihan at hindi sa mga kalalakihan sa pag-aasawa at sa pamilya ay mayroong isang panlipunang katapat sa mga pagkakaloob na inilatag ng Quran sa mga batas ng pagmamana, na nagkakaloob sa lalaki, kadalasan, ng dalawang parteng mana kumpara sa babae. Ang mga kalalakihan ay hindi laging nagmamana ng higit; kung minsan ang isang babae ay nagmamana ng higit sa isang lalaki. Sa mga pagkakataon kung saan ang mga lalaki ay nagmamana nang higit ay dahil sa huli sila ay responsable sa pananalapi para sa kanilang mga babaeng kamag-anak: kanilang mga asawa, anak na babae, ina, at mga kapatid na babae. Ang mga babae ay nagmamana ng mas mababa ngunit pinapanatili ang kanilang bahagi para sa pamumuhunan at pinansiyal na seguridad, nang walang anumang ligal na obligasyong gumastos ng anumang bahagi nito, kahit na para sa kanilang sariling pangangailangan (pagkain, pananamit, pabahay, panggamot, atbp). Dapat pansinin na bago ang Islam, ang mga kababaihan mismo ay paminsan-minsang tumututol sa pagmamana (tingnan ang Quran 4:19). Sa ilang mga bansa sa kanluran, kahit na matapos ang pagdating ng Islam, ang buong ari-arian ng namatay ay ibinibigay sa kanyang panganay na anak na lalaki. Ang Quran, gayunpaman, ay nilinaw na ang parehong mga kalalakihan at kababaihan ay may karapatan sa isang tukoy na bahagi ng pag-aari ng kanilang namatay na magulang o malapit na kamag-anak. Sinabi ng Diyos:

“Para sa mga lalaki ay isang kaukulang bahagi mula sa anumang iniwan ng mga magulang at malalapit na kamag-anakan at para sa mga babae ay isang kaukulang bahagi mula sa anumang iniwan ng mga magulang at malalapit na kamag-anakan, maliit man o malaki – isang marapat na bahagi.” (Quran 4:7)

(3) Trabaho: Patungkol sa karapatan ng babae na maghanap ng trabaho, dapat na sabihin na ang Islam ay kinikilala ang kanyang tungkulin sa lipunan na isang ina at asawa bilang kanyang sagrado at mahalagang ginagampanan. Maging ang mga kasambahay o yaya ay hindi maaaring mapunuan ang katayuan ng ina bilang tagapagturo ng isang matuwid, maayos, at maingat na pinalaking bata. Ang ganitong marangal at mahalagang ginagampanan, na ganap na humuhubog sa hinaharap ng mga bansa, ay hindi maaaring ituring na katamaran. Gayunpaman, walang itinakda sa Islam na nagbabawal sa mga kababaihan na maghanap ng trabaho sa tuwing may pangangailangan para dito, lalo na sa mga posisyon na naaangkop sa kanyang likas na katangian at kung saan siya mas kinakailangan ng lipunan. Ang mga halimbawa ng mga propesyong ito ay pag-aalaga, pagtuturo (lalo na ng mga bata), panggagamot, at gawaing panlipunan at kawanggawa.


Puna

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat