Paniniwala sa Diyos (bahagi 2ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang unang dalawang aspeto patungkol sa paniniwala sa Diyos, paniniwala sa Kanyang pag-iral at paniniwala sa Kanyang kataas-taasang Pagka Panginoon.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 6
- Tumingin: 17,585 (araw-araw na pamantayan: 11)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang paniniwala sa Diyos sa Islam ay binubuo ng apat na mga bagay:
(I) Paniniwala sa pag-iral ng Diyos.
(II) Ang Diyos ay ang Kataas-taasang Panginoon.
(III) Ang Diyos ay nag-iisa at Siya lamang ang nararapat sambahin.
(IV) Ang Diyos ay kilala sa Kanyang mga Pinaka magagandang mga Pangalan at mga Katangian.
(I) Ang Paniniwala sa Pag-iral ng Diyos
Ang pag-iral ng Diyos ay hindi na kinakailangan ng mga siyentipikong pruweba, matematikal, o mga pilosopikong pagtatalo. Ang Kanyang pag-iral ay hindi isang ‘pagtuklas’ na gagawin sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan o hunaing o teoremang matematikal upang ito’y mapatunayan. Sa madaling salita, ang karaniwang kahulugan lamang ay may kinalaman sa pagsaksi sa pag-iral ng Diyos. Mula sa isang barko mayroong isa na matututo sa taga-gawa ng barko, mula sa sanlibutan mayroong isa na magtutuklas sa kaniyang Tagapaglikha. Ang pag-iral ng Diyos ay kinikilala din sa pamamagitan ng pagtugon sa mga panalangin, himala ng mga propeta at katuruan sa lahat ng mga hayag na banal na kasulatan.
Sa Islam, ang isang nilalang ay hindi tinitingnan bilang makasalanang nilikha na kung saan ang mensahe ay ipinadala mula sa Kalangitan upang gamutin ang mga sugat ng orihinal na kasalanan, nguni’t bilang isang nilalang na kung saan ay nagdadala pa rin ng kanyang mga likas na kairalan (al-fitrah), ito’y nakatatak sa kanyang kaluluwa na nakapaloob ng malalim at nakalibing sa ilalim ng suson nang kapabayaan. Ang mga tao ay hindi isinilang na makasalanan, bagkus ay makakalimutin tulad ng sinabi ng Diyos:
"…Hindi ba Ako ang inyong Panginoon? Sila ay nagsabi: “Opo, at kami ay sumasaksi...’" (Quran 7:172)
Sa talatang ito, ang “Sila” ay tumutukoy sa mga tao, lalaki at babae. Ang “Opo” ay ang pagpapatotoo sa paninindigan sa kaisahan ng Diyos sa pamamagitan natin sa ating prekosmikong estado. Pinanghahawakan ng doktrina ng Islam na ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagdadala pa rin ng alingawngaw ng ‘Opo’ na ito sa kailaliman ng kanilang mga kaluluwa. Ang panawagan ng Islam ay direkta sa likas nitong kairalan, kung saan binigkas ang ‘Opo’ kahit na bago pa sila manirahan sa mundo. Ang kaalaman na ang sanlibutan ay may TagaPaglikha ay isang likas na bagay sa Islam at kung gayon ito’y hindi na kinakailangan pa ng pruweba. Ang mga dalub-agham, katulad nina Andrew Newberg at Eugene D’Aquili, silang dalawa kaakibat ng Unibersidad ng Pennsylvania at mga bihasa sa neurolohikal na pagsasaliksik sa relihiyon, ay nagsabi “Kami ay pinagkawad para sa Diyos."[1]
Itinatanong ng Banal na Quran sa retorikal na paraan:
"…Mayroon pa ba kayong agam-agam patungkol kay Allah, ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan?..." (Quran 14:10)
May nagtanong, ‘kung ang paniniwala sa Diyos ay isang likas na bagay, bakit may mga tao na kulang ang paniniwala dito?’ Ang sagot ay simple lamang. Ang bawat tao ay may likas na paniniwala sa TagaPaglikha, ngunit ang paniniwala na ito ay hindi resulta ng pag-aaral o personal na kahinaan ng pag-iisip. Sa paglaon ng panahon, ang mga impluwensya sa kapaligiran ay nakakaapekto sa likas na paniniwalang ito at nililito nito ang isang tao. Kaya, ito ay nasa paligid ng isang tao at ito ay nasa pagbubunyag ng lihim nitong natural na nakagisnan mula sa katotohanan. Ang Propeta ng Islam, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Diyos, ay nagsabi:
“Bawat sanggol ay ipinanganak ng nasa estado ng fitrah (natural na paniniwala sa Diyos), subalit ang kanyang mga magulang ay ginawa siyang isang Hudyo, isang Kristiyano, o isang Magian.” (Saheeh Muslim)
Kadalasan ang mga takip na ito ay natatanggal kapag ang isang tao ay humaharap sa pang espiritwal na peligro at siya ay naiiwang kaawa-awa at mahina.
(II) Ang Diyos Ay ang Kataas-taasang Panginoon
Ang Diyos ang nag-iisang Panginoon ng langit at lupa. Siya ay Panginoon ng sanlibutan at Taga-Gawad ng Batas para sa mga nilalang na nabubuhay. Siya ang Panginoon ng mundo at Tagapamahala sa lahat ng gawa ng mga tao. Ang Diyos ang Panginoon ng bawat kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan. Sa kasaysayan, iilan lamang ang tumatanggi sa pag-iral ng Diyos, na kung saan ay nangangahulugan na sa lahat ng parte ng edad na mayroon ang tao, karamihan dito, ay may paniniwala sa Iisang Diyos, ang Pinaka Kataas-taasan, ang TagaPaglikha. Itong Diyos ay Panginoon na nagtataglay ng partikular na mga sumusunod na kahulugan:
Una, Ang Diyos ang tanging Panginoon at Tagapamahala sa buong mundo. Ang Panginoon ay nangangahulugan na Siya ang Tagapaglikha, Tagasupil, at Nagmamay-ari ng Kaharian ng langit at lupa; itong mga ito ay pag-aari lamang Niya. Siya ang mag-isang nagbigay ng kairalan mula sa wala, at lahat ng umiiral ay dumedepende sa Kanya para sa pangangalaga at pananatili. Hindi Niya nilikha ang sansinukob at iniwan ito upang tugisin ang sarili nitong landas alinsunod sa naitakdang mga batas, pagkatapos ay ihihinto upang kumuha ng anumang karagdagang interes sa mga ito. Ang kapangyarihan ng Diyos ay kinakailangan sa bawat sandali upang matugunan ang lahat ng nilikha. Ang mga nilikha ay walang ibang Panginoon bukod sa Kanya.
"Sabihin (O Muhammad): ‘Sino ang nagbigay-panustos sa inyo mula sa kalangitan at kalupaan? O sino ang nagmamay-ari ng (inyong) pandinig at paningin? At sino ang bumubuhay sa mga patay at sino ang nagdudulot ng kamatayan sa mga nabubuhay? At sino ang tagapangasiwa ng mga pangyayari?’ Sila ay magsasabi: ‘Ang Allah’. Kaya sabihin: ‘Kung gayon, hindi ba kayo natatakot sa parusa ng Diyos (para sa pagtatambal sa Kanya)?’" (Quran 10:31)
Siya ang tanging-makapangyarihang Hari at ang Tagapagligtas, ang Mapagmahal na Diyos, na puno ng karunungan. Walang sinuman ang makapagbabago ng Kanyang desisyon. Ang mga Anghel, mga Propeta, mga nilalang, at ang mga hayop at lahat ng uri ng halaman ay nasa ilalim ng Kanyang pangangalaga.
Pangalawa, ang Diyos ang tanging Tagapamahala ng mga gawain ng tao. Ang Diyos ay Kataas-taasang Tagapagbigay ng Batas,[2] ang Ganap na Hukom, Mambabatas, at Siya ang tumutukoy ng tama sa mali. Tulad na lamang ng mundo na nagpapakupkop sa Panginoon, ang mga tao ay nararapat na magpakupkop sa mataimtim at banal na katuruan ng kanilang Panginoon, ang Panginoon na nagtatakda ng katotohanan sa pagitan ng kamalian mula sa kanila. Sa madaling salita, ang Nag-Iisang Diyos lamang ang may kapangyarihang gumawa ng mga batas, tumukoy sa mga gawa ng pagsamba, magpasiya ng kabutihan, at magtakda ng mga pamantayan ng tao sa pakikipag-ugnayan at pag-uugali. Siya ang Tagapag-Atas:
"…Katotohanan, sa Kanya ang Paglikha at Pag-Atas; purihin ang Diyos, ang Panginoon ng mundo." (Quran 7:54)
Magdagdag ng komento