Islamikong Monoteyismo
Paglalarawanˇ: Ang paliwanag ng pagkakaunawa sa Islamikong monoteyismo, na kinasasangkutan ng paniniwala sa natatanging Diyos sa Kanyang Pagka Panginoon, karapat-dapat na sambahin at nang Kanyang mga Pangalan at mga Katangian.
- Ni islamtoday.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 30 Apr 2014
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,457 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang monoteyismo ay ang mensahe na ipinarating ng lahat nang mga Propeta. Ang mga tao noon ay lumihis sa katotohanan. Pagkatapos ang Propeta Muhammad, nawa’y ang awa at pagpapala ng Diyos ay mapasakanya, ay dumating bilang ang huling Sugo at muling ibalik ang tunay na monoteyismo sa sangkatauhan. Ang mga sumusunod sa ibaba ay ang detalyadong paliwanag ng monoteyismo sa Islam.
Ang Monoteyismo sa Islam
Ang konsepto ng monoteyismo (tinatawag na tawhid sa Arabe) ay ang kaisa-isang pinaka importanteng konsepto sa Islam. Ang lahat ng bagay sa Islam ay binubuo nito. Ang Islam ay nananawagan sa ganap na kaisahan ng Diyos. Walang gawa ng pagsamba o kabanalan ang magkakaroon ng kahulugan o halaga kung ang konsepto na ito sa anumang paraan ay makukumpromiso.
Ang monoteyismo ay maaaring makita mula sa mga sumusunod na tatlong anggulo:
1. Ang Kaisahan ng Diyos sa Kanyang Pagkapanginoon
2. Ang Dedikasyon sa Lahat ng Pagsamba sa Nag-Iisang Diyos
3. Ang Kaisahan ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan at mga Katangian
Itong tatlong anggulo na ito ay maaaring liwanaging mabuti sa mga sumusunod:
Ang Kaisahan ng Diyos sa Kanyang Pagka Panginoon
Ang kaisahan ng Diyos sa Kanyang pagka Panginoon ay nangangahulugan na ang Diyos ay may ganap na karunungan higit sa sanlibutan sa lahat ng dako. Siya (nag-Iisa) ang lumikha ng lahat ng mga bagay. Siya (nag-Iisa) ang nagsanhi sa lahat ng bagay na mangyari. Siya ang Pinaka-Makapangyarihan. Walang sinuman ang may bahagi ng Kanyang kapangyarihan. Walang sinuman ang makakapigil sa Kanyang mga kautusan.
Ang konseptong ito ay isa na karamihan sa mga tao sa mundo ay sumasang-ayon. Karamihan sa mga tao ay kinikilala ang Tagapaglikha ng sanlibutan bilang nag-Iisa at Siya ay walang katambal.
Ang Debusyon sa Lahat ng Pagsamba sa Nag-Iisang Diyos Lamang
Walang sinuman ang karapat-dapat na sambahin maliban sa Diyos (Allah). Itong konseptong ito ay ang pangunahing ideya na ipinahayag sa pamamagitan nang lahat ng mga Propeta sa lahat ng panahon. Ito ang pinaka importanteng doktrina ng paniniwala sa Islam. Ang layunin ng Islam ay upang anyayahan ang mga tao na lumayo sa pagsamba sa mga nilikha at anyayahan ang mga ito tungo sa pagsamba sa TagaPaglikha.
Dito sa bagay na ito mayroong malaking pagkakaiba ang Islam mula sa ibang mga relihiyon. Kahit na ang karamihan ng mga relihiyon ay nagtuturo na mayroong Kataas-taasang Diyos na siyang lumikha sa lahat ng mga nabubuhay, sila pa rin ay hindi malimit na malaya sa ilang uri ng politeismo na may kinalaman sa pagsamba. Ang mga relihiyong ito ay nag-aanyaya sa kanilang mga tagasunod na sumamba sa ibang nilikha bilang diyos bukod sa Diyos (Allah) – kahit na karaniwan nilang nilalagay ang iba pang mga diyos sa isang mas mababang antas kaysa sa Kataas-taasang Diyos – o kanilang inuutos sa kanilang mga tagasunod na manawagan sa iba pang mga nilikha bilang mga tagapamagitan sa kanila at sa Diyos.
Ang lahat ng mga Propeta at mga Sugo, mula kay Adan hanggang kay Muhammad (sumakanila nawa ang pagpapala at kapayapaan) ay inanyayahan ang mga tao upang sumamba sa nag-Iisang Diyos. Ito ang pinaka dalisay, pinakasimple, pinaka-natural na pananampalataya. Ang Islam ay tumatanggi sa mga paniniwala ng mga kulturang antropologo na ang mga naunang bahagi ng relihiyon ng tao ay politeismo, at pagkatapos ay dahan-dahang umusbong ang ideya ng monoteyismo mula dito.
Ang katotohanan ay ang likas na paniniwala ng sangkatauhan ay ang sumamba sa nag-Iisang Diyos. Kalaunan ang mga tao ay sinira ang relihiyong ito, unti-unti siningitan ng pagsamba sa ibang mga nilikha. Ang mga tao ay tila nagkaroon ng pag-uugali na nagnanais magtuon ng kanilang seremonyang panrelihiyon sa isang bagay na kanilang nasasalat, isang bagay na mailalarawan sa isip, kahit na kanilang nalalaman na ang Tagapaglikha ng sanlibutan ay lampas sa kanilang mga imahenasyon. Sa buong kasaysayan ng tao, ang Diyos ay nagpadala ng mga Propeta at mga Sugo upang anyayahan ang mga tao na bumalik sa pagsamba sa nag-Iisang Tunay na Diyos, at paulit-ulit, ang mga tao ay bumabalik sa pagsamba sa mga nilikha.
Nilikha ng Diyos ang mga tao upang sambahin Siya nang nag-iisa. At ang posibleng napakalaking kasalanan ay ang sumamba sa anumang Diyos liban pa kay Allah. Hindi ito mas mababang kasalanan kung ang sumasamba ay nagnanais na mapalapit lang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuon ng pagsamba sa ibang nilikha. Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng mga tagapagtanggol at tagapamagitan. Kanyang dinirinig ang lalaht ng ating mga panalangin at mayroong lubos na kaalaman sa lahat ng nangyayari.
At gayundin, ang Diyos ay hindi nangangailangan ng ating pagsamba. Siya ay lubusang malaya sa lahat ng bagay. Kapag ang bawat tao sa mundo ay magsasama-sama upang sambahin ang Diyos ng nag-iisa, hindi nila mabibigyang benepisyo ang Diyos kahit kailan. Hindi makakadagdag kahit isang bigat ng mulapik sa Kanyang Kapangyarihan. Kasalungat naman, kung ang lahat ng nilikha ay pinabayaan ang pagsamba sa Diyos, ito’y hindi makababawas sa Kanyang kapangyarihan kahit na kailan. Sa pamamagitan ng pagsamba sa Diyos, nakikinabang dito ang sarili nating mga kaluluwa at natutupad ang layunin na kung saan iyon ang dahilan ng pagkakalikha sa atin. Hindi natin ginaganap ang anumang kailangan ng Diyos. Siya ay walang pangangailangan.
Ang Kaisahan ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan at mga Katangian
Ang kaisahan ng Diyos (Allah) sa Kanyang mga pangalan at mga katangian ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay walang kabahagi sa mga katangian sa mga nilalang, at ni wala silang bahagi sa Kanya. Ang Diyos ay natatangi sa bawat aspeto. Ang mga Muslim ay naniniwala sa lahat ng katangian na inihahayag ng Diyos sa Kanyang sarili at yaong Kanyang propeta ay iniuukol sa Kanya kasama ng may pagpapaliwanag kung saan yaong mga katangian ay hindi kahalintulad ng mga katangian ng mga nilalang. Gayundin, itinatanggi namin ang anumang pangalan o katangian para sa Diyos na ang Diyos mismo at ang Kanyang Propeta ay nagtatanggi para sa Kanya.
Ang katangian ng Diyos ay lahat na katangiang perpekto at kumpleto. Ang kakulangan ng tao ay hindi maiuugnay sa Diyos. Ang Diyos ay walang kakulangan o kahinaan o anupaman.
Isang uri ng poletiesmo ang pag-uugnay sa Diyos sa mga katangian ng mga nilalang. Gayundin, isang uri ng poletiesmo ang iugnay ang mga nilalang sa mga katangiang tinataglay lamang ng Diyos. Sinoman ang naniniwala na ang ibang nilalang ay, halimbawa, Ang Ganap na may Karunungan o Ganap na Makapangyarihan ay nakagawa ng kasalanang poletiesmo, kung saan tinuturing na pinakamabigat na kasalanan sa lahat ng kasalanan sa Islam.
Magdagdag ng komento