Si Maria, ang Ina ni Hesus (bahagi 1 ng 2): Sino si Maria?

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Kilala siya ng mga Kristiyano bilang si Maria, ang ina ni Hesus. Tinutukoy din siya ng mga Muslim bilang ina ni Hesus, o sa Arabe, Umm Eisa. Sa Islam si Maria ay madalas na tinatawag na Maryam bint Imran; Si Maria, ang anak na babae ni Imran. Ang artikulong ito ay nagbibigay ng ilang kaalaman tungkol sa pag-ampon ni Zacarias sa kanya upang makapaglingkod siya sa templo.

  • Ni Aisha Stacey (© 2008 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 03 Feb 2019
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 8,183 (araw-araw na pamantayan: 5)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Maaaring mabigla ang maraming tao na malaman na si Maria ay isa sa pinaka pinapahalagahan at iginagalang na babae sa Islam at ang Quran ay nagbibigay ng malaking kahalagahan sa kanya. Si Maryam (Maria) ang pangalan ng kabanata 19 ng Quran, at ang Kabanata 3 ay si Al Imran, na ipinangalan sa kanyang pamilya. Pinapahalagahan ng Islam ang buong pamilya ni Imran. Sinasabi sa atin ng Quran na:

“Si Allah ang humirang kay Adan at Noah, sa pamilya ni Abraham, at sa pamilya ni Imran nang higit sa lahat ng sangkatauhan at mga jinn.” (Quran 3:33)

Pinili ng Diyos sina Adan at Noah nang paisa-isa, ngunit pinili Niya ang pamilya ni Abraham at ni Imran.

“Mga supling, isa mula sa iba.” (Quran 3:34)

Ang pamilya ni Imran ay mula sa mga inapo ni Abraham, ang pamilya ni Abraham ay nagmula sa mga inapo ni Noah at si Noah ay nagmula sa mga inapo ni Adan. Kasama rin sa pamilya ni Imran ang maraming tao na kilala at iginagalang sa mga tradisyong Kristiyano - Propeta Zacarias at John (kilala bilang Baptist), Propeta at Sugo na si Hesus at ang kanyang ina, si Maria.

Pinili ng Diyos si Maria higit sa lahat ng mga kababaihan sa mundo. Sinabi niya:

“At (gunitain) nang ang mga anghel ay magbadya: 'O Maria! Katotohanang si Allah ay humirang sa iyo, nagpadalisay sa iyo, at ikaw ay hinirang nang higit sa lahat ng mga babae ng Alamin (lahat ng mga nilalang).’” (Quran 3:42)

Sinabi ni Ali ibn Abu Talib:

“Narinig ko ang Propeta ng Diyos na nagsasabi tungkol kay Maria, ang anak na babae ni Imran ang pinakamainam sa lahat ng mga kababaihan.” (Saheeh Al-Bukhari)

Sa wikang Arabe ang pangalang Maryam ay nangangahulugang lingkod ng Diyos, at tulad ng makikita natin, si Maria, ang ina ni Hesus, ay inilaan sa Diyos bago pa siya ipanganak.

Ang Kapanganakan ni Maria

Ang Bibliya ay hindi maaaring magbigay sa atin ng anumang detalye ng pagsilang ni Maria; gayunpaman, ipinapabatid sa atin ng Quran na ang asawa ni Imran ay inialay ang kanyang hindi pa isinisilang na anak sa paglilingkod sa Diyos. Ang ina ni Maria, ang asawa ni Imran, ay si Hannah[1]. Siya ay kapatid ng asawa ni Propeta Zacarias. Naniniwala si Hannah at ang kanyang asawang si Imran na hindi sila magkakaroon ng mga anak, ngunit isang araw si Hannah ay gumawa ng isang taimtim at taos-pusong pagsusumamo sa Diyos at humiling ng isang bata, at nanumpa na ang kanyang mga anak ay maglilingkod sa Bahay ng Diyos sa Jerusalem. Narinig ng Diyos ang pagsusumamo ni Hannah at nabuntis siya. Nang mapagtanto ni Hannah ang maluwalhating balita ay bumaling siya sa Diyos at sinabi:

“(Gunitain) nang ang asawa ni Imran ay nagsabi: 'O aking Panginoon! Ako ay nangako sa Inyo, na ang aking nasa sinapupunan ay iaalay ko tungo sa paglilingkod sa Inyo (malaya sa lahat ng makamundong gawa; upang maglingkod sa Inyong Lugar ng Pagsamba), kaya’t tanggapin Ninyo (siya) mula sa akin. Katotohanan, Kayo ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam.'” (Quran 3:35)

May mga aralin na matututunan mula sa panata ni Hannah sa Diyos, isa na rito ay ang pag-aalaga sa edukasyon sa relihiyon ng ating mga anak. Si Hannah ay hindi iniisip ang mga tuntunin ng mundong ito, sinisikap niyang matiyak na ang kanyang anak ay malapit sa Diyos at sa Kanyang paglilingkod. Ang napiling mga kaibigan ng Diyos, tulad ng pamilya ni Imran, ay ang mga magulang na dapat nating gawin bilang mga modelo natin. Maraming beses na sinasabi ng Diyos sa Quran na Siya ang Isa na nagbibigay ng biyaya sa atin, at binabalaan Niya tayo na iligtas ang ating sarili at ang ating pamilya mula sa mga apoy ng Impiyerno.

Sa kanyang panalangin, hiniling ni Hannah na gawin ang kanyang anak na malaya sa lahat ng makamundong gawain. Sa pamamagitan ng pangako na ang kanyang anak ay magiging alipin ng Diyos, sinisigurado ni Hannah ang kalayaan ng kanyang anak. Ang kalayaan ay isang kalidad ng buhay na sinisikap na makamit ng bawat tao, ngunit naintindihan ni Hannah na ang totoong kalayaan ay nagmumula sa kumpletong pagpapasakop sa Diyos. Ito ang nais niya para sa kanyang hindi pa ipinapanganak na bata. Nais ni Hannah na ang kanyang anak ay isang malayang tao, hindi alipin ng sino mang tao at pagnanasa, ngunit isang alipin lamang ng Diyos. Sa takdang oras, ipinanganak ni Hannah ang isang batang babae, muli siyang bumaling sa Diyos sa panalangin at sinabi:

“‘At nang kanyang maipanganak siya (ang batang si Maria), siya ay nagsabi: “O aking Panginoon! Ako ay nagsilang ng isang sanggol na babae, - at si Allah ang higit na nakakaalam kung ano ang kanyang ipinanganak, - at ang lalaki ay hindi katulad ng babae, at aking pinangalanan siya ng Maria (sa tuwirang kahulugan ay ‘babaeng tagapaglingkod ni Allah’), at ako ay humihingi ng pagkalinga (mula) sa Inyo para sa kanya at sa kanyang magiging anak (laban sa kasamaan) ni Satanas, ang itinakwil.” (Quran 3:36)

Pinangalanan ni Hannah ang kanyang anak na Maria. Kaugnay sa kanyang panata sa Diyos, nahaharap ngayon si Hannah sa isang problema. Ang paglilingkod sa Bahay ng Panalangin ay hindi katanggap-tanggap para sa mga kababaihan. Ang ama ni Maria, si Imran ay namatay bago siya isinilang, kaya lumapit si Hannah sa kanyang bayaw na lalaki, si Zacarias. Pinagaan niya ang kalooban ni Hannah at tinulungan siyang maunawaan na alam ng Diyos na naghatid siya ng isang batang babae. Ang batang anak na ito, si Maria, ay mula sa pinakamainam na paglikha. Nabanggit ni Propeta Mohammad[2] na sa tuwing ipinapanganak ang isang bata ay tinutusok (gamit ang daliri) siya ni Satanas at dahil dito ang bata ay umiiyak ng malakas. Ito ay tanda ng malaking pagkapoot sa pagitan ng sangkatauhan at ni Satanas; gayunpaman mayroong dalawang pagbubukod sa panuntunang ito. Hindi tinusok ni Satanas si Maria o ang kanyang anak na si Hesus[3], dahil sa panalangin ng ina ni Maria.

Nang dumating ang oras na si Maria ay papasok na sa Bahay ng Panalangin, lahat ay nagnanais na alagaan ang maka-diyos na anak na ito ni Imran. Tulad ng kagawian noon, nagpalabunutan ang kalalakihan para sa pribelihiyong ito, at siniguro ng Diyos na ang kanyang tagapag-alaga ay si Propeta Zacarias.

“Kaya’t ang kanyang Panginoon (Allah) ay tumanggap sa kanya (Maria) ng may mabuting pagtanggap. Hinayaan Niya na siya ay lumaki sa kagandahang asal at siya ay itinagubilin sa ilalim ng pangangalaga ni Zakarias.” (Quran 3:37)

Si Propeta Zacarias ay naglingkod sa Bahay ng Diyos at isang matalino at may kaalaman na nakatuon sa pagtuturo. Mayroon siyang isang pribadong silid na itinayo para kay Maria upang siya ay makapagsamba sa Diyos at magsagawa ng pribadong tungkulin sa kanyang pang-araw-araw. Bilang kanyang tagapag-alaga, binibisita ni Propeta Zacarias si Maria araw-araw, at isang araw ay nagulat siya nang makita ang sariwang prutas sa kanyang silid. Sinasabing sa taglamig ay nagkakaroon siya ng mga sariwang prutas ng tag-init at sa tag-init ay nagkakaroon siya ng mga sariwang prutas ng taglamig.[4] Nagtanong si Propeta Zacarias tungkol sa kung paano nakarating doon ang prutas, kung saan sumagot si Maria, ito ay katunayan galing sa Diyos ang nagbibigay ng panustos kanya. Sabi niya:

“Mula sa Diyos.” Katotohanang ang Diyos ay nagkakaloob ng ikabubuhay sa sinumang Kanyang maibigan ng walang pagbibilang (pasubali)” (Quran 3:37)

Ang debosyon ni Maria sa Diyos sa mga panahon na iyon ay walang kaparis, ngunit ang kanyang pananampalataya ay susubukin.



Mga talababa:

[1] Mula sa Tafseer of Ibn Katheer.

[2] Saheeh Al-Bukhari.

[3] Saheeh Muslim.

[4] Base sa mga gawa ni Al Imam ibn Katheer. The Stories of the Prophets.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat