Ang Kuwento ni Adan (bahagi 3 ng 5): Ang Pagbaba
Paglalarawanˇ: Ang panlilinlang ni Satanas kina Adan at Eba sa Langit at ilang mga aral na matututunan natin mula dito.
- Ni Aisha Stacey (© 2008 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 6
- Tumingin: 8,585 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Itinatanggi ng Islam ang konsepto ng Kristiyano sa orihinal na kasalanan at paniniwala na ang lahat ng tao ay ipinanganak na mga makasalanan dahil sa mga ginawa ni Adan. Sinasabi ng Diyos sa Quran:
“At walang nagdadala ng mga pasanin ang magdadala ng pasanin ng iba.” (Quran 35:18)
Ang bawat tao ay may pananagutan sa kanyang mga kilos at ipinanganak na dalisay at malaya sa kasalanan. Nagkamali sina Adan at Eba, taimtim silang nagsisi at ang Diyos sa Kanyang walang hanggang karunungan ay pinatawad sila.
“Sa kalaunan, sila ay kapwa kumain (ng bunga) ng puno; at sa gayon, ang kanilang maselang bahagi (ng katawan) ay nalantad sa kanila; at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon sa Halamanan bilang kanilang pantakip. Sa ganito sinuway ni Adan ang kanyang Panginoon, kaya’t siya ay napaligaw sa kamalian. Datapuwa’t ang kanyang Panginoon ay humirang sa kanya. Siya ay bumaling sa kanya sa pagpapatawad at pinagkalooban siya ng patnubay.” (Quran 20:121-122)
Ang sangkatauhan ay may mahabang kasaysayan ng paggawa ng mga pagkakamali at pagkalimot. Gayunpaman, paano nagawa ni Adan ang ganoong kamalian? Ang katotohanan ay walang karanasan si Adan sa mga bulong at pakana ni Satanas. Nakita ni Adan ang kayabangan ni Satanas nang tumanggi siyang sundin ang mga utos ng Diyos; alam niya na si Satanas ang kanyang kaaway ngunit hindi pamilyar sa kung paano mapaglabanan ang mga panlilinlang at pakana ni Satanas. Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad:
“Ang pag-kakaalam sa isang bagay ay hindi katulad sa pagkakakita nito.” (Saheeh Muslim)
Sinabi ng Diyos:
“Kaya't siya (Satanas) ay niligaw sila ng may panlilinlang.” (Quran 7:22)
Sinubukan ng Diyos si Adan upang siya ay matuto at makakuha ng karanasan. Sa ganitong paraan inihanda ng Diyos si Adan para sa kanyang papel sa mundo bilang isang tagapag-alaga at isang Propeta ng Diyos. Mula sa karanasang ito, natutunan ni Adan ang dakilang aral na si Satanas ay tuso, walang utang na loob at mortal na kaaway ng sangkatauhan. Nalaman nina Adan, Eba at kanilang mga inapo na si Satanas ay sanhi ng kanilang pagkakatalsik mula sa langit. Ang pagsunod sa Diyos at pagkapoot kay Satanas ay ang tanging landas pabalik sa Langit.
Sinabi ng Diyos kay Adan:
“Siya (Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo kapwa (sa lupa) mula sa Halamanan nang magkasama, ang ilan sa inyo ay kaaway ng iba. At kung mayroong patnubay na manggagaling sa Akin, kung gayon, sinuman ang sumunod sa Aking patnubay ay hindi mapapaligaw, at gayundin naman, sila ay hindi mahuhulog sa kalumbayan at kapighatian.” (Quran 20:123)
Sinasabi sa atin ng Quran na si Adan ay agarang nakatanggap mula sa kanyang Panginoon ng ilang mga salita; isang panalanging magdasal, na humihingi ng kapatawaran sa Diyos. Ang panalangin na ito ay napakaganda at maaaring magamit kapag humihiling ng kapatawaran ng Diyos sa iyong mga kasalanan.
“Sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Aming ipinariwara ang aming sarili. Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga nalugi.” (Quran 7:23)
Ang tao ay patuloy na gumagawa ng mga pagkakamali at maling gawain, at sa pamamagitan nito pinapahamak lamang natin ang ating mga sarili. Ang ating mga kasalanan at pagkakamali ay hindi nakakapinsala, at hindi rin makakasama sa Diyos. Kung hindi tayo pinatawad ng Diyos at maawa sa atin, tayo ay tiyak na mapapabilang sa mga talunan. Kailangan natin ang Diyos!
“‘Ang kalupaan ang inyong pananahanan at bilang isang kasiyahan, - sa natatakdaang panahon.” Siya (Allah) ay nagwika: “doon kayo ay maninirahan, at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalaong baga, ang muling pagkabuhay).’” (Quran 7:24–25)
Iniwan nina Adan at Eba ang langit at bumaba sa lupa. Ang kanilang pagbaba ay hindi bilang pamamahiya sa kanila; sa halip ito ay marangal. Sa wikang Ingles pamilyar tayo sa mga bagay maging singular (isahan) o plural (pangmaramihan); hindi ito ang kaso para sa Arabe. Sa wikang Arabe ay mayroong isahan, at meron din isang dagdag na kategorya ng bilang ng gramatika na nagsasaad sa dalawa. Ang materyal ay ginagamit para sa tatlo at higit pa.
Nang sabihin ng Diyos: "Bumaba kayo, kayong lahat" Ginamit Niya ang salitang pangmaramihan na nagpapahiwatig na hindi lamang Siya nagsasalita kina Adan at Eba ngunit tinukoy Niya si Adan, ang kanyang asawa at ang kanyang mga inapo - sangkatauhan. Tayo, ang mga inapo ni Adan, ay hindi para sa mundong ito; narito tayo para sa isang panandaliang panahon, tulad ng ipinapahiwatig ng mga salitang: "para sa isang panahon." Ang ating tirahan ay sa kabilang buhay at nakatadhana na mapunta sa Paraiso o Impiyerno.
Ang Kalayaang Mamili
Ang karanasan na ito ay isang mahalagang aralin at ipinakita ang malayang kalooban. Kung si Adan at Eba ay mamumuhay sa mundo, kailangan nilang magkaroon ng kamalayan sa mga panlilinlang at pakana ni Satanas, kailangan din nilang maunawaan ang mga kahihinatnan na bunga ng kasalanan, at ang walang hanggan na Awa at Pagpapatawad ng Diyos. Alam ng Diyos na kakain sina Adan at Eba mula sa puno. Alam niya na aalisin ni Satanas ang kanilang pagiging inosente.
Mahalagang maunawaan na, bagaman alam ng Diyos ang kalalabasan ng mga pangyayari bago mangyari at pinahintulutan ang mga ito, hindi niya pinipilit ang mga bagay na mangyari. Si Adan ay may malayang kalooban at nagbunga ng kahihinatnan ang kanyang mga gawa. Ang sangkatauhan ay may malayang kalooban at sa gayon ay malayang sumuway sa Diyos; ngunit may mga kahihinatnan. Pinupuri ng Diyos ang mga sumusunod sa kanyang mga utos at pinangakuan sila ng malalaking gantimpala, at pinaparusahan ang mga sumusuway sa kanya at binabalaan sila laban sa paggawa nito.[1]
Saan Bumaba sina Adan at Eba
Maraming mga ulat tungkol sa paksa kung saan bumaba sina Adan at Eba, bagaman wala sa kanila ang nagmula sa Quran o Sunnah. Sa gayon ay nauunawaan natin na ang lokasyon ng kanilang mga pinagmulan ay isang bagay na walang kahalagahan, at walang pakinabang sa kaalamang ito kung mayroon tayo.
Ngunit alam natin na bumaba sa mundo si Adan at Eba sa araw ng Biyernes. Sa isang tradisyon na iniulat upang ipaalam sa atin ang kahalagahan ng Biyernes, si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi :
“Ang pinakamainam na mga araw kung saan ang araw ay sumisikat ay ang Biyernes. Sa araw na ito ay nilikha si Adan, at sa araw na ito siya ay pinababa patungo sa mundo.” (Saheeh Al-Bukhari)
Magdagdag ng komento