Ang mga Kagandahan ng Islam (bahagi 3 ng 3): Mahal ng Diyos ang Kagandahan
Paglalarawanˇ: Ang pangatlo at pangwakas na bahagi ng Mga Kagandahan ng Islam. Pumili kami ng sampung mga kagandahan mula sa daan-daang dami nito, ano pa ang ibang natuklasan mo?
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 4
- Tumingin: 7,517 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
8.Ang Pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan
Sinasabi ng Quran na ang lahat ng mananampalataya ay pantay-pantay at ang mga matutuwid na gawain lamang ang nagpapalamang sa isang tao sa iba. Kaya't ang mga mananampalataya ay may malaking paggalang sa mga relihiyosong kalalakihan at kababaihan at ang kasaysayan ng Islam ay nagsasabi din sa atin na ang kapwa lalaki at babae ay naglilingkod at nagpapakita ng kabutihan sa lahat ng mga larangan. Ang isang babae, tulad ng isang lalaki, ay obligadong sumamba sa Diyos at tuparin ang Kanyang mga karapatan at mga karapatan ng Kanyang nilikha. Kaya't nararapat lamang na ang bawat babae ay magpatotoo na walang nararapat na sambahin maliban sa Diyos, at si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang Kanyang Sugo; magdasal; magbigay ng kawanggawa; ang mag-ayuno; at gawin ang paglalakbay sa Bahay ng Diyos kung mayroon siyang paraan at kakayahan na gawin ito. Kinakailangan din na ang bawat babae ay maniwala sa Diyos, sa Kanyang mga anghel, Kanyang mga banal na kasulatan, Kanyang mga Sugo, Huling Araw, at maniwala sa tadhana ng Diyos. Kinakailangan din na ang bawat babae ay sumamba sa Diyos na tila nakikita Siya.
“At sinuman ang gumawa ng mabuting gawa, maging siya ay lalaki o babae, at isang tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah (Muslim), sila ay papasok sa Paraiso at walang isa mang katiting na kawalang katarungan, maging ito ay kasinglaki ng mantsa (batik) sa likod ng buto ng palmera, ang igagawad sa kanila.” (Quran 4:124)
Gayunman kinikilala ng Islam na ang pagkakapantay-pantay ay hindi nangangahulugang pareho ang mga kalalakihan at kababaihan. Isinasaalang-alang ang kanilang mga pagkakaiba-iba sa pisikal, kalikasan at pag-uugali. Hindi ito isang katanungan ng mas nakakahigit o mas mahina, sa halip isang katanungan ng likas na kakayahan at pagkakaroon ng iba't ibang mga tungkulin sa buhay. Ang mga batas ng Islam ay makatarungan at patas at isinasa-alang-alang ang mga aspeto na ito. Ang mga kalalakihan ay naatasan ng tungkulin na magtrabaho at magbigay para sa kanilang pamilya at ang kababaihan ay naatasan ng tungkulin ng pagiging ina at pagsasa-ayos ng bahay. Gayunpaman isinasaad ng Islam na ang mga tungkulin ay hindi eksklusibo o hindi nakaka-angkop o di pwedeng maiba. Ang mga kababaihan ay maaaring magtrabaho o maglingkod sa lipunan at ang mga kalalakihan ay may kakayahan na akuin ang responsibilidad para sa kanilang mga anak o sa kanilang sambahayan. Tandaan din na kapag ginusto ng kababaihan na magtrabaho ang pera na kanilang kinikita ay para lamang sa kanilang sarili subalit ang isang lalaki ay dapat magbigay ng pinansyal para sa buong pamilya.
9.Ang tao ay may kakayahan na pagsisihan ang mga nakaraang gawain at magbago
Naniniwala ang mga Muslim na ang lahat ng mga miyembro ng sangkatauhan ay may kakayahang makapagbago; bilang karagdagan naniniwala sila na ang posibilidad na magtagumpay sa pagbabago ay mas malaki kaysa sa posibilidad ng pagkabigo. Ang paniniwalang ito ay nagmula sa katotohanan na ibinigay ng Diyos sa tao na mga paraan upang magbago, hindi lang isang beses ngunit paulit-ulit hanggang sa lumapit na ang Araw ng Paghuhukom. Nagpadala ang Diyos ng mga Sugo at Propeta sa bawat bansa. Ang ilan ay kilala natin mula sa Quran at mga tradisyon ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang iba ay kilala lamang ng Diyos.
"At sa bawat Ummah (isang pamayanan o isang bansa) ay mayroong isang Sugo; kung ang kanilang Sugo ay dumating, ang mga bagay-bagay ay hahatulan sa pagitan nila ng may katarungan, at sila ay hindi gagawan ng mali.” (Quran 10:47)
Hindi pinananagot ng Diyos ang tao hanggang sa malinaw na ipinakita sa kanya ang tamang paraan.
“...At hindi Kami nagpaparusa hanggang sa makapag-padala Kami ng Sugo.” (Quran 17:15)
Kasabay nito ay responsable tayong hanapin ang katotohanan at sa paghanap nito ay dapat nating tanggapin ito at baguhin ang naaayon sa ating buhay. Ang mga nakaraang masamang gawain ay maaari nang iwanan. Walang kasalanan na hindi mapapatawad!
“Ipagbadya 'O Ibadi (Aking mga alipin) na nagkasala (sa pagsuway) laban sa kanilang kaluluwa (sa pamamagitan nang paggawa nang masasamang asal at kasalanan)! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah; sapagkat katotohanang si Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.'” (Quran 39:53)
Ang isang tao ay dapat samantalahin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng taimtim na pagsisisi sa nakaraan o kung dati siyang hindi mananampalataya, sa pamamagitan ng pagbalik-loob sa relihiyong Islam. Ang bawat tao ay dapat magsikap patungo sa kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsasama ng pananampalataya, paniniwala at kilos.
10. Mahal ng Diyos ang kagandahan sa lahat ng mga anyo nito
Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), "Walang makakapasok sa Paraiso na may katiting na pagmamataas sa kanyang puso." Sinabi ng isang lalaki, "Paano kung gusto ng isang tao na ang kanyang mga damit ay magmukhang maayos at ang kanyang sapatos ay magmukhang maganda?" Sinabi niya, "Ang Diyos ay maganda at nagmamahal sa kagandahan. Ang pagmamataas ay nangangahulugang pagtanggi sa katotohanan at pagiging matapobre." [1]
Ang kagandahan ay kabaligtaran ng pangit. Ang kagandahang umiiral sa pagkalikha ay nagpapatunay sa kagandahan ng Diyos pati na rin ang Kanyang kapangyarihan. Siya na lumikha ng kagandahan ang pinaka may karapatan sa kagandahan. At sa katunayan ang Paraiso ay pinalamutian ng kagandahang lampas sa pag-iisip ng tao. Ang Diyos ay maganda at ito ang dahilan kung bakit ang pinakadakila sa lahat ng kasiyahan sa Paraiso ay ang pagtingin sa Mukha ng Diyos. Sabi ng Diyos,
“Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan. Na nagmamalas sa kanilang Panginoon (Allah).” (Quran 75: 22-23)
Tinutukoy Niya ang Kanyang mga pangalan bilang pinakamagaganda:
“At (ang lahat) ng Pinakamagagandang Pangalan ay angkin ni Allah, kaya’t Siya ay tawagin ninyo sa mga Pangalang yaon...” (Quran 7:180)
Ang Isang tanyag na iskolar ng Islam na si Ibn al-Qayyim, kahabagan siya ni Allah, ay may sinasabi tungkol sa kagandahan sa Islam:
“Ang Diyos ay dapat kilalanin para sa kagandahan na walang katulad na anumang bagay, at Siya ay dapat sambahin sa pamamagitan ng kagandahan na Kanyang gusto sa mga salita, gawa at pag-uugali. Gusto Niya na ang Kanyang mga alipin na pagandahin ang kanilang mga dila ng katotohanan, pagandahin ang kanilang mga puso ng taimtim na debosyon, pag-ibig, pagsisisi at tiwala sa Kanya, at pagandahin ang kanilang mga kasanayan nang may pagsunod, at pagandahin ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang mga pagpapala sa kanila sa kanilang damit at pagpapanatili nito sa pagiging dalisay at walang anumang dumi o karumihan, sa pamamagitan ng pag-alis ng mga buhok na dapat alisin, sa pamamagitan ng pagtutuli, at sa pamamagitan ng pag-gupit ng mga kuko. Sa gayon kinikilala nila ang Diyos sa pamamagitan ng mga katangiang ito ng kagandahan at naghahangad na mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng magagandang salita, gawa at pag-uugali. Kinikilala nila Siya para sa kagandahan na Kanyang katangian at sinasamba nila Siya sa pamamagitan ng kagandahang itinakda niya at ng Kanyang relihiyon.”[2]
Magdagdag ng komento