Mga Propesiya ng Quran na Tumutukoy kay Muhammad
Paglalarawanˇ: Mayroong iba't ibang mga propesiyang binanggit sa Quran na natatanging tinukoy si Propeta Muhammad (pbuh). Ang katuparan ng mga propesiyang ito ay maayos na naitala sa mga aklat ng seerah, o ang talambuhay ng Propeta na naitala ng kanyang mga disipulo.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 1
- Tumingin: 3,423 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Pagpasok sa Dakilang Moske ng Makkah (ang Moske ng al-Haram)
Noong ika-anim na taon pagkatapos na ang Propeta ay sapilitang lumikas mula sa Makkah patungong Madinah, nakita niya ang kanyang sarili na dumalaw sa Makkah at nagsagawa ng paglalakbay sa isang pangitain na binanggit sa Quran:
"Katiyakan, ipinakita ng Diyos sa Kanyang Sugo ang pangitain [ito ay panaginip] sa katotohanan. Katiyakan, kayo ay makapapasok sa Moske ng al-Haram, kung pahihintulutan ng Diyos, nang may kaligtasan, na ahit ang inyong mga ulo at [buhok] na pinaikli[1], na hindi pinangangambahan [ang sinuman]. Kanyang nababatid ang anumang hindi ninyo nababatid at Kanyang isinaayos bago pa man iyan ang isang tagumpay na nalalapit [na]." (Quran 48:27)
Ang Diyos ay gumawa ng tatlong mga pangako:
(a) Si Muhammad (pbuh) ay makakapasok sa Dakilang Moske ng Makkah.
(b) Si Muhammad (pbuh) ay makakapasok sa kalagayang ligtas.
(c) Si Muhammad (pbuh) at ang kanyang mga kasamahan ay makakapagsagawa ng paglalakbay at maisasakatuparan ang mga ritwal nito.
Hindi alintana ang galit ng mga taga-Makkah, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tinipon ang kanyang mga kasamahan at nagsimula sa mapayapang paglalakbay patungong Makkah. Ngunit ang mga taga-Makkah ay patuloy ang panggugulo at napilitan siyang bumalik sa Madinah. Ang pangitain ay nanatiling hindi natupad; gayunpaman, isang mahalagang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Propeta (pbuh) at ng mga taga-Makkah, na magdudulot ng malaking kahalagahan. Nang dahil sa kasunduang ito si Muhammad (pbuh) ay nagsagawa ng isang mapayapang paglalakbay kasama ang kanyang mga kasamahan sa sumunod na taon. Ang pangitain ay natagpuan ang katuparan nito.[2]
Ang Quranikong Propesiya; ‘Ang mga Di-mananampalataya ay Magagapi’
Ang mga Muslim ay napasailalim sa matinding pag-uusig sa Makkah sa kamay ng mga pagano. Sa isang pagkakataon sila ay nai-boykot sa loob ng tatlong taon, at ang walang tigil na kakulangan sa pagkain kung minsan ay nauuwi sa gutom.[3] Ang anumang usapin ukol sa tagumpay ay hindi maiisip. Sa kabila ng lahat, ang Diyos ay nagpropesiya sa Makkah:
"[Ang mga paganong] lipon ay magagapi, at sila ay tatalikod at tatalilis [sa pagtakas]!." (Quran 54:45)
Ang Arabeng pandiwa na yuhzamu ay pinangungunahan ng sa (isang unlaping Arabe na nagsasaad ng panghinaharap), nagsisilbi itong isang natatanging propesiya na naghihintay ng katuparan sa hinaharap. Kaya noong banal na buwan ng Ramadan, dalawang taon pagkatapos ng paglikas ng Propeta (pbuh) mula sa Makkah papuntang Madinah nang ang mga taga-Makkah ay nagapi sa Labanan ng Badr at napilitang umatras.[4] Si Omar, ang pangalawang kalipa o pinuno ng mga Muslim na kasunod ng Propeta (pbuh), ay nagsabi na hindi nila alam kung paano matutupad ang Quranikong propesiya hanggang sa sila mismo ang nakasaksi na natupad ito sa kilalang labanan ng Badr! (Saheeh Al-Bukhari)
Ang Quranikong Propesiya; ‘Ang Mananampalataya ay Magkakaroon ng Pam Politikong Awtoridad’
Sa kabila ng matinding kaapihan sa mga kamay ng mga taga-Makkah, ang mga Muslim ay pinagkalooban ng magandang balita mula sa Diyos:
"Pinangakuan ng Diyos yaong mga naniwalang kabilang sa inyo at gumawa ng mga gawaing matuwid na katiyakang sila ay pagkakalooban Niya nito ng halinhan [sa awtoridad] sa kalupaan tulad ng pagkakaloob Niya nito sa mga nauna sa kanila at katiyakan na itatatag Niya [rito] ang kanilang relihiyon na Kanyang pinili para sa kanila at katiyakang pagkaraan ng kanilang pangamba, ay papalitan Niya ito ng katiwasayan para sa kanila [sapagkat] sila ay sumasamba sa Akin, na hindi nagtatambal sa Akin ng anupaman. Ngunit sinuman ang mga di-naniwala pagkaraan niyan - magkagayon sila ang mga suwail." (Quran 24:55)
Kung paano ang gayong pangako mula sa Makapangyarihang Diyos ay matutupad sa mga inaapi, pinagmalupitang mga Muslim sa Makkah ay napaka imposibleng isipin sa panahong ginawa ito. Natupad ito, gayunpaman. Tunay na, ang Diyos ay ginawa ang mga Muslim na ligtas at pinagkalooban sila ng pam politikong kapangyarihan sa loob lang ng ilang mga taon.
"Ang Aming salita [takda] ay pinauna na para sa Aming mga alipin, ang mga sugo, [na] katotohanan, sila ang pagkakalooban ng tagumpay." (Quran 37:171-172)
Sa una, ang mga Muslim ay nagtatag ng kanilang sariling estado, sa pamamagitan ng paanyaya ng mga tao sa Madinah, nang iniutos ng Diyos na lumikas sila roon mula sa Makkah. Pagkatapos, sa panahon na nabubuhay pa ang Propeta (pbuh), ang estado na iyon ay lumawak upang hawakan ang kapangyarihan sa buong Kapuluan ng Arabya, mula sa Gulpo ng Aqaba at Gulpo ng Arabya hanggang sa Dagat ng Arabya sa timog, kabilang ang lugar kung saan ang mga Muslim ay itinaboy (sa Makkah mismo). Ang kautusang ito ay nagpapatuloy, dahil ang pagpapalawak ng pulitiko at relihiyosong pamamahala ay hindi huminto sa Kapuluan ng Arabya. Ang kasaysayan ay nagbibigay ng isang buhay na patotoo na ang mga Muslim na tinutukoy ng mga talatang ito ay pinamunuan ang mga lupain ng dating mga emperyo ng Persia at Romano, isang pagpapalawak na ikinamangha at nakuha ang paghanga ng mga pandaigdigang mananalaysay. Sa mga salita ng Ensiklopedia na Britanika:
"Sa loob ng 12 taon pagkatapos ng pagkamatay ni Muhammad (pbuh), ang mga hukbo ng Islam ay nakuha ang Syria, Iraq, Persiya, Armenia, Ehipto at Cyrenaica (sa kasalukuyan ay Libya)."[5]
Ang Propesiya ng Quran Tungkol sa mga Mapagkunwari at Tribo ng Banu Nadhir
Ang Diyos ay nagsabi sa Quran:
"Katiyakan, kung sila ay palalayasin, hindi kailanman sila (mga mapagkunwari) magsisialis na kasama nila, at kung sila ay nilusob, sila ay hindi tutulong sa kanila, at kung sila ay tutulong sa kanila, sila (mga mapagkunwari) ay ibabaling ang kanilang mga likuran (tatalikod), kaya sila ay hindi magtatagumpay."(Quran 59:12)
Sa Pickthall
(Sapagkat) sa katunayan kung sila ay pinalayas ay hindi sila lalayas kasama nila, at sa katunayan kung nilusob sila ay hindi nila sila tutulungan, at sa katunayan kung sila ay tinulungan sila ay tatalikod at tatakas, at pagkatapos ay hindi sila magtatagumpay.
"Hindi mo ba napansin kung paano silang mga mapagkunwari, sinabihan ang kanilang mga kapatid (ito ay mga kasama) sa mga Angkan ng Kasulatan na hindi naniwala, 'Kung ikaw ay pinalayas, tiyak na sasama din kami sa inyo, at hindi kami kailanman naging laban sa inyo; at kung kayo ay nilusob (ito ay ng milisiyang Muslim), tiyak na tutulungan namin kayo.' Ngunit ang Diyos ay nagpapatotoo na sila ay mga sinungaling. Kung sila (ito ay ang mga Hudyo) ay pinalayas, sila (ito ay ang mga mapagkunwari) ay hindi lalayas kasama nila, at kung sila ay nilusob, hindi nila sila tutulungan. At [kahit] na tumulong sila, tiyak na tatalikod; pagkatapos ay hindi sila matutulungan. (Quran 59:11-12)
Ang propesiya ay natupad nang ang Banu Nadhir ay pinalayas noong August 625 CE mula Madinah; ang mga mapagkunwari ay hindi sumama o tumulong manlang sa kanila.[6]
Ang Quranikong mga Propesiya tungkol sa mga Pagtatagpo sa Hinaharap
"Sila ay walang magagawang pinsala sa inyo maliban sa [mga ilang] pangyayamot. At kung sila man ay makipaglaban sa inyo, tatalikod sila sa inyo (i.e., tatakas) at pagkaraan, sila ay hindi matutulungan." (Quran 3:111)
"At kung makipaglaban sa inyo yaong mga di-naniwalang [taga-Makkah], sila ay tatalikod sa inyo (i.e., tatakas); Kaya, sila ay walang matatagpuang tagapangalaga o ng isang makatutulong." (Quran 48:22)
Sa kasaysayan, matapos ipahayag ang mga talatang ito, ang mga di-mananampalataya sa Kapuluan ng Arabya ay hindi na muling nakipaglaban sa mga Muslim.[7]
Nakita natin mula sa mga propesiyang tinalakay sa mga artikulong ito na ang pag-aangkin ng maraming mga nagmamaliit sa Pagkapropeta ni Muhammad (pbuh) ay ganap na walang batayan. Ibinatay nila ang kanilang pagbatikos sa paghamon upang maipakita kung ano ang inihula ni Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, kung mayroon man, at kung ano ang naganap sa kanyang inihula.[8] Sa naipakita, siya ay nagpropesiya, kasama ang gabay ng Diyos, at sa naipakita, kung ano ang ipinag-utos na sabihin sa atin ay talagang nangyari. Samakatuwid, sa batayan ng mga nambabatikos, si Muhammad (pbuh) ay ang Sugo ng Diyos, at ang huli sa mga propetang ipinadala, sa pamamagitan ng kapwa kanyang mga pahayag sa Sunnah (mga salaysay mula sa kanyang buhay) at ang salita ng Quran.
Mga talababa:
[1] Ilan sa mga ritwal ng Hajj.
[2] Tingnan ang 'Mercy For the Worlds,’ ni Qazi Suliman Mansoorpuri, bol.1, p. 212 at ‘Madinan Society At The Time Of The Prophet,’ ni Dr. Akram Diya al Umari, bol. 2, p. 139.
[3] ‘Muhammad: His Life Based on the Earliest Sources’ ni Martin Lings, p. 89.
[4]‘Mercy For the Worlds,’ ni Qazi Suliman Mansoorpuri, bol. 3 p. 299 ‘Madinan Society At The Time Of The Prophet,’ ni Dr. Akram Diya al Umari, bol. 2, p. 37.
[5] "arts, Islamic." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-13813)
[6]‘Muhammad: His Life Based on the Earliest Sources’ ni Martin Lings, p. 204. ‘Mercy For the Worlds,’ ni Qazi Suliman Mansoorpuri, bol. 3 p. 302.
[7] ‘Risala Khatim al-Nabiyeen Muhammad,’ ni Dr. Thamir Ghisyan.
[8] Maaari mong sabihin sa iyong puso, 'Paano natin malalaman ang salita na hindi sinabi ng Panginoon?' Kapag ang isang propeta ay nagsasalita sa ngalan ng Panginoon, kung ang bagay ay hindi naganap o nagkatotoo, iyon ang bagay na hindi sinabi ng Panginoon. Ang propeta ay sinabi ito nang tahasan; hindi ka dapat matakot sa kanya. (Ang Biblia, New American Standard na Bersyon, Deuteronomio 18:21-22)
Magdagdag ng komento