Ang mga Kagandahan ng Islam (bahagi 1 ng 3): Di Matatakpan ng Kamangmangan ang Kagandahan at Katotohanan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang maikling paglalarawan ng ilan sa mga kagandahan ng Islam.

  • Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 28 Mar 2021
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 7,263
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Beauties_of_Islam_(part_1_of_3)._001.jpg Sa panahong ito sa kasaysayan ng Islam, kung saan ang kabuuan ng relihiyon ay hinuhusgahan sa mga kilos ng iilan, nararapat na tumalikod muna mula sa atensyon ng media at suriin ang mga kagandahan na nakapaloob sa pamamaraan ng pamumuhay na kilala bilang Islam. Mayroong kadakilaan at kaluwalhatian sa Islam na madalas ay natatakpan ng mga gawain na walang kinalaman sa Islam o ng mga taong nagsasalita tungkol sa mga paksang di naman nila lubos na naiintindihan. Ang Islam ay isang relihiyon, isang paraan ng pamumuhay na nagbibigay-inspirasyon sa mga Muslim na subukan at mag-sumikap, na abutin ang mas malayo at kumilos sa isang paraan na nakalulugod sa mga nakapaligid sa kanila at lalo na ang pagkalugod ng Lumikha sa kanila.

Ang mga nagpapaganda sa Islam ay ang mga bagay na bahagi ng relihiyon at nagbubukod- tangi sa Islam. Sinasagot ng Islam ang walang katapusang mga katanungan ng mga tao. Saan ako nanggaling? Bakit ako nandito? Ito lang ba talaga ang mayroon? Sinasagot nito ang mga tanong na ito nang may kaliwanagan at sa magandang paraan. Kung gayon, simulan natin ang ating pagsasaliksik at tuklasin at pag-isipan ang mga kagandahan ng Islam.

1.Ang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan tungkol sa buhay ay nasa Quran

Ang Quran ay isang aklat na nagdedetalye ng kaluwalhatian ng Diyos at ang nakamamangha Niyang mga nilikha; ito rin ay isang pagpapatotoo sa Kanyang Awa at Hustisya. Ito ay hindi aklat ng kasaysayan, aklat ng kwento, o isang aklat pang-agham, kahit na naglalaman ito ng lahat ng mga kategorya at marami pa. Ang Quran ay ang pinakadakilang regalo ng Diyos sa sangkatauhan - wala itong kahalintulad na aklat, sapagkat naglalaman ito ng mga sagot sa mga misteryo ng buhay. Sinasagot nito ang mga katanungan at hinihiling sa atin na tumingin sa kabila ng materyalismo at makita na ang buhay na ito ay isa lamang pansamantalang pahingahan sa daan patungo sa buhay na walang hanggan. Ang Islam ay nagbibigay ng isang malinaw na pakay at layunin sa buhay.

“At hindi Ko nilikha ang jinn (mga nilikhang nilalang mula sa apoy na walang usok) at tao maliban na lamang na Ako ay sambahin (na bukod tangi).” (Quran 51:56)

Sa gayon ito ang pinakamahalagang aklat at ang mga Muslim ay walang pag-aalinlangan na ito sa ngayon ay ang eksaktong kapareho sa kung kailan ito unang ipinahayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Kapag tinatanong natin ang mga pinakamahalagang tanong, nais nating tiyakin ang mga sagot na natanggap natin ay ang katotohanan. Ang pagkaka-alam na ang mga sagot na iyon ay nagmumula sa isang aklat na kung saan ay hindi binago na Salita ng Diyos, ay nagbibigay ng ginhawa at aliw. Nang ipahayag ng Diyos ang Quran, ipinangako Niyang mapapanatili ito. Ang mga salitang nababasa natin ngayon ay kapareho sa mga naisaulo at isinulat ng mga kasama ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ay pagpapala ng Diyos).

“Katotohanang Kami, ang nagpapanaog ng pagpapa-alala (alalaong baga, ang Qur’an) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa pagbabago (at katiwalian).” (Quran 15:9)

2.Ang tunay na Kaligayahan ay matatagpuan sa Islam

Magalak at maging masaya, manatiling positibo at maging mapayapa.[1] Ito ang itinuturo sa atin ng Islam, na ang lahat ng mga kautusan ng Diyos ay naglalayong magdala ng kaligayahan sa isang tao. Ang susi sa kaligayahan ay ang pag-unawa at pagsamba sa Diyos. Ang pagsamba na ito ay nagsisilbing isang paalala sa Kanya at pinapanatili tayong laging may kamalayan sa Kanya at sa gayon ay lumayo tayo sa kasamaan, di gumawa ng mga kawalang-katarungan at pang-aapi. Inaangat tayo nito na maging matuwid at magtaglay ng mabuting katangian. Sa pagsunod sa Kanyang mga utos, tatahakin natin ang buhay ng may gabay tungo sa pinakamabuti sa lahat ng ating mga gawain. Kapag namuhay tayo ng isang makabuluhang buhay, pagkatapos lamang nito natin ito mapapagtanto o makikita ang kasiyahan sa ating paligid, sa anumang sandali at maging sa madidilim na sandali. Mararamdaman mo rin ito sa isang haplos ng kamay, sa amoy ng ulan o bagong tabas na damo, ito ay nasa isang mainit na apoy sa isang malamig na gabi o isang malamig na simoy ng hangin sa isang mainit na araw. Ang mga simpleng kasiyahan ay makapagpapasaya sa ating puso sapagkat ang mga ito ay pagpapakita ng Awa ng Diyos at Pag-ibig.

Ang likas na kalagayan ng tao ay nangangahulugang sa gitna ng matinding kalungkutan ay maaaring maging sandali ng kagalakan at kung minsan sa mga sandali ng kawalan ng pag-asa ay makakahanap tayo ng angkla sa mga bagay na nagdudulot sa atin ng kaligayahan. Sinabi ni Propeta Muhammad, Tunay na kamangha-mangha ang mga bagay ng isang mananampalataya! Lahat ito ay para sa kanyang kapakinabangan. Kung bibigyan siya ng kaginhawaan, nagpapasalamat siya, at magiging mabuti ito para sa kanya. At kung siya ay nagdurusa sa isang paghihirap, nagtitiyaga siya, at ito ay magiging mabuti para sa kanya.[2]

3.Sa Islam madali tayong makipag-ugnayan sa Diyos sa anumang oras ng araw o gabi

Ang bawat miyembro ng sangkatauhan ay ipinanganak na alam sa kalooban o natural na kumikilala sa nag-iisang Diyos. Gayunpaman, ang mga hindi alam kung paano makipag-ugnayan sa Diyos o magtatag ng isang relasyon sa Kanya ay may posibilidad na malito sa kanilang pag-iral at ito ay nakakabahala. Ang pag-aaral upang makipag-ugnayan sa Diyos at sumamba sa Kanya ay nagbibigay ng buhay na may bagong kahulugan.

Ayon sa Islam, ang Diyos ay malalapitan sa anumang oras at sa anumang lugar. Kailangan lang natin Siyang tawagin at sasagutin Niya ang iyong pagtawag. Pinayuhan tayo ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapapaan at pagpapala) na tumawag nang madalas sa Diyos. Sinabi niya sa atin na sinabi ng Diyos,

"Ako ay tulad ng iniisip ng Aking alipin, (i.e. magagawa Ko para sa kanya ang inaakala niyang magagawa Ko para sa kanya) at kasama Ko siya pag naaalala Niya ako. Kapag naaalala niya Ako sa kanyang sarili, Ako rin, ay inaalala siya sa Aking Sarili; at kapag naaalala niya Ako sa isang pangkat ng mga tao, naalala Ko siya sa isang pangkat na mas mainam kaysa sa kanila; at kung siya ay lumapit ng isang dipa papalapit sa Akin, lalapit Ako ng isang kubit(cubit) papalapit sa kanya; at kung siya ay lalapit ng isang kubit(cubit) na mas malapit sa Akin, pupunta Ako sa kanya na may dalawang naka-unat na bisig na malapit sa kanya; at kung lalapit siya sa Akin na naglalakad, pupuntahan Ko siya na tumatakbo."[3]

Sa Quran ang Diyos ay nagwika, “Samakatuwid, Ako ay inyong alalahanin (sa pagdarasal at pagluwalhati). At aalalahanin Ko (rin) kayo.…” (Quran2:152)

Ang mga mananampalataya sa Diyos ay tumatawag sa Kanya sa anumang wika, sa anumang oras at sa anumang lugar. Humihiling sila sa Kanya, at nagpapasalamat. Ang mga Muslim ay nananalangin din ngunit mas may ritwal na pamamaraan limang beses bawat araw at nakakatuwa na ang salitang Arabik sa salitang panalangin ay 'salah', na nangangahulugang isang koneksyon. Ang mga Muslim ay konektado sa Diyos at madaling makipag-ugnayan sa Kanya. Hindi tayo nag-iisa o malayo sa habag, Pagpapatawad at Pag-ibig ng Diyos.



Mga talababa:

[1] Al Qarni, Aaidh Ibn Abdullah, (2003), Don’t be sad. International Islamic Publishing House, Saudi Arabia.

[2] Saheeh Muslim

[3]Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mahina Pinakamagaling

Ang mga Kagandahan ng Islam (bahagi 2 ng 3): Ang Islam ay Pinagaganda ng Kapayapaan, Pagmamahal at Paggalang

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Mga maikling paglalarawan ng iilang higit pang mga likas na kagandahan sa relihiyong Islam.

  • Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 26 Apr 2013
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 7,310
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

4.Ang Islam ay nagbibigay sa atin ng tunay na kapayapaan

The_Beauties_of_Islam2docx._001.jpgAng mga salitang Islam, Muslim at salaam (kapayapaan) ay lahat nagmula sa salitang ugat na “Sa - la – ma”. Ito ay nangangahulugan ng kapayapaan, seguridad, at kaligtasan. Kapag ang isang tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos nakakaranas siya ng isang likas na pakiramdam ng katiwasayan at kapayapaan. Ang Salaam ay isang naglalarawang salita na sumasaklaw sa higit sa katahimikan at kapanatagan; nasasaklaw din nito ang mga konsepto ng kaligtasan, seguridad at pagtalima. Sa katunayan, ang Islam sa kumpletong kahulugan nito ay nangangahulugang ang pagtalima sa nag-iisang Diyos na nagbibigay sa atin ng kaligtasan, seguridad, kapayapaan at pagkakaisa. Ito ang totoong kapayapaan. Ang mga Muslim ay nagbabatian ng bawat isa sa mga salitang 'Assalam Alaikum'. Ang mga salitang Arabik na ito ay nangangahulugang 'Nawa'y bigyan ka ng Diyos ng proteksyon at seguridad (tunay at magpakailanman na kapayapaan)'. Sa pamagitan ng mga maikling salitang Arabik na ito ay napagkikilanlan ng mga Muslim na sila ay kabilang sa mga kaibigan, at hindi mga estranghero. Ang pagbati na ito ay naghihikayat sa mga mananampalataya na maging isang pandaigdigang pamayanan na hindi pinamumunuan ng mga angkan o mga bansa at pinagkaisa lamang dahil sa kapayapaan at pagkakaisa. Ang Islam mismo ay likas na nauugnay sa panloob na kapayapaan at kapanatagan.

“At sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita at sa kanilang mga dinalang pahayag) at nagsigawa ng kabutihan ay hahayaan na magsipasok sa mga Halamanan na sa ilalim nito ay may mga batis na nagsisidaloy, - upang manahan dito magpakailanman (alalaong baga, sa Paraiso), ng may kapahintulutan ng kanilang Panginoon. Ang kanilang pagbati rito ay salaam (Kapayapaan!).” (Quran 14:23)

5.Pinapayagan tayo ng Islam na makilala ang Diyos

Ang unang prinsipyo at pangunahing punto ng Islam ay ang paniniwala sa isang Diyos, at ang kabuuan ng Quran ay nakatuon para rito. Nagsasalita ito nang direkta tungkol sa Diyos at sa Kanyang Diwa, Pangalan, Mga Katangian at Mga Gawain. Ang pagdarasal ay nag-uugnay sa atin sa Diyos, gayunpaman ang tunay na pag-alam at pag-unawa sa mga Pangalan at Katangian ng Diyos ay isang mahalaga at natatanging pagkakataon, na sa Islam lamang matatagpuan. Ang mga hindi nagsisikap na kilalanin talaga ang Diyos ay malilito sa kanilang likas na pag-iral o di kaya mababalisa. Ang isang Muslim ay hinihikayat na alalahanin ang Diyos at magpasalamat sa Kanya at magagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng pagninilay at pag-unawa sa magagandang Pangalan at Katangian ng Diyos. Sa pamamagitan nito ay nakikilala natin ang ating Manlilikha.

“Allah! La ilaha illa Huwa! (Ang Diyos! Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)! Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng Magagandang Pangalan.” (Quran 20:8)

“At (ang lahat) ng Pinakamagagandang Pangalan ay angkin ni Allah, kaya’t Siya ay tawagin ninyo sa mga Pangalang yaon, at iwan ninyo ang mga pangkat ng nagpapabulaan o nagkakaila (o umuusal ng walang galang na salita) sa Kanyang Pangalan.…” (Quran 7:180)

6.Itinuturo sa atin ng Islam kung paano pangalagaan ang kapaligiran

Kinikilala ng Islam na ang tao ay ang mga tagapag-alaga ng mundo at lahat ng nilalaman nito, kabilang ang mga halaman, hayop, karagatan, ilog, disyerto, at mayabong na lupain. Binigyan tayo ng Diyos ng mga bagay na kailangan natin upang mabuhay ng matagumpay at umunlad, ngunit obligado tayong pangalagaan ang mga ito at mapanatili ito para sa mga susunod na henerasyon.

Noong 1986, inanyayahan ni Prinsipe Phillip; ang Presidente ng World Wildlife Fund; ang mga pinuno ng limang pinaka malalaking relihiyon sa mundo upang magpulong sa Italyanong syudad ng Assisi. Nagpulong sila upang talakayin kung paano makakatulong ang pananampalataya na mailigtas ang likas na mundo, ang kapaligiran. Ang sumusunod ay mula sa pahayag ng Muslim sa Assisi Declarations on Nature:

Sinasabi ng mga Muslim na ang Islam ay ang gitnang landas at mananagot tayo sa kung papaano natin ginampanan ang landas na ito, kung paano natin pinananatili ang balanse at pagkakaisa sa pangkalahatan ng nilikha sa ating paligid.

Ang mga kaasalang ito ang naging dahilan ni Muhammad, ang Propeta ng Islam, upang sabihin: 'Sinumang magtanim ng isang puno at naging masigasig sa pag-aalaga nito hanggang sa ito ay yumabong at magbunga ay gagantimpalaan.

At dahil sa mga kadahilanang ito kaya't nakikita ng mga Muslim ang kanilang mga sarili bilang may pananagutan sa mundo at sa kapaligiran, kung saan lahat ay mga nilikha ng Allah.

Hindi tulad ng maraming iba pang mga relihiyon, ang mga Muslim ay walang anumang tukoy na kapistahan kung saan sila ay nagpapasalamat sa pag-aani o sa mundo. Sa halip ay karaniwan silang nagpapasalamat kay Allah para sa Kanyang nilikha.[1]

7.Ang Islam ay paggalang

Ang isa pang magandang aspeto ng Islam ay ang paggalang sa sangkatauhan at sansinukob na ating tinitirhan. Malinaw na ipinahayag ng Islam na pananagutan ng bawat miyembro ng sangkatauhan na pakitunguhan ang mga nilikha ng may paggalang, karangalan at dangal. Ang pinaka nararapat sa paggalang ay ang Lumikha Mismo at syempre ang paggalang ay nagsisimula sa pagmamahal at pagsunod sa Kanyang mga utos. Ang kabuuang paggalang sa Diyos ay nagbibigay-daan sa lahat ng mga kaugalian at mataas na pamantayan ng moralidad na likas sa Islam na dumadaloy sa ating buhay at buhay ng mga nakapaligid sa atin. Sapagkat ang Islam ay inuugnay ang paggalang sa kapayapaan, pag-ibig at habag at kasama na rin dito ang paggalang ng dangal, reputasyon at kasarinlan ng iba. Ang paggalang ay nagsasangkot sa pananatiling malayo sa mga pangunahing kasalanan ng panlilibak, pagsisinungaling, paninirang-puri, at tsismis. Nangangahulugan ito ng pag-iwas sa mga kasalanan na magtatanim o magdudulot ng alitan sa mga tao o maghahantong sa pagkawasak.

Kasama rin sa paggalang ang pagmamahal sa ating mga kapatid kung ano ang mahal natin para sa ating sarili. Ito ay may kinalaman sa pagtrato sa iba sa paraan na inaasahan nating pagtrato sa atin at ang paraan na inaasahan nating itatrato tayo ng Diyos - nang may habag, pag-ibig at awa. Ang mga pangunahing kasalanan ay nagbibigay hadlang sa pagitan ng sangkatauhan at sa Awa ng Diyos at nagiging sanhi ng lahat ng pagdurusa, paghihirap at kasamaan sa mundong ito at sa kabilang buhay. Iniuutos sa atin ng Diyos na lumayo sa kasalanan at magsikap na labanan ang ating sariling mapanirang kapintasan. Nabubuhay tayo sa isang panahon na kung saan madalas nating hinihingi ang paggalang mula sa iba ngunit maaaring hindi iginagalang ang mga nasa paligid natin. Ang isang kagandahan ng Islam ay binibigyan tayong muli ng pagkakataon na magkaroon ng paggalang sa pamamagitan ng pagtalima ng buong puso sa kalooban ng Diyos. Gayunpaman, kung hindi natin maintindihan kung paano at kung bakit sumusuko tayo sa Diyos ay hindi natin makukuha ang paggalang na nais at kailangan natin. Itinuturo sa atin ng Islam at ipinapaalala sa atin ng Diyos sa Quran na ang tanging layunin natin sa buhay ay ang pagsamba sa Kanya.

“At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako(ng nag-iisa).” (Quran 51:56)



Talababa:

[1] http://www.bbc.co.uk/schools/gcsebitesize/rs/environment/isstewardshiprev2.shtml

Mahina Pinakamagaling

Ang mga Kagandahan ng Islam (bahagi 3 ng 3): Mahal ng Diyos ang Kagandahan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang pangatlo at pangwakas na bahagi ng Mga Kagandahan ng Islam. Pumili kami ng sampung mga kagandahan mula sa daan-daang dami nito, ano pa ang ibang natuklasan mo?

  • Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 10 Nov 2013
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 7,211
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

8.Ang Pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan

BeautiesOfIslam3.jpgSinasabi ng Quran na ang lahat ng mananampalataya ay pantay-pantay at ang mga matutuwid na gawain lamang ang nagpapalamang sa isang tao sa iba. Kaya't ang mga mananampalataya ay may malaking paggalang sa mga relihiyosong kalalakihan at kababaihan at ang kasaysayan ng Islam ay nagsasabi din sa atin na ang kapwa lalaki at babae ay naglilingkod at nagpapakita ng kabutihan sa lahat ng mga larangan. Ang isang babae, tulad ng isang lalaki, ay obligadong sumamba sa Diyos at tuparin ang Kanyang mga karapatan at mga karapatan ng Kanyang nilikha. Kaya't nararapat lamang na ang bawat babae ay magpatotoo na walang nararapat na sambahin maliban sa Diyos, at si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang Kanyang Sugo; magdasal; magbigay ng kawanggawa; ang mag-ayuno; at gawin ang paglalakbay sa Bahay ng Diyos kung mayroon siyang paraan at kakayahan na gawin ito. Kinakailangan din na ang bawat babae ay maniwala sa Diyos, sa Kanyang mga anghel, Kanyang mga banal na kasulatan, Kanyang mga Sugo, Huling Araw, at maniwala sa tadhana ng Diyos. Kinakailangan din na ang bawat babae ay sumamba sa Diyos na tila nakikita Siya.

“At sinuman ang gumawa ng mabuting gawa, maging siya ay lalaki o babae, at isang tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah (Muslim), sila ay papasok sa Paraiso at walang isa mang katiting na kawalang katarungan, maging ito ay kasinglaki ng mantsa (batik) sa likod ng buto ng palmera, ang igagawad sa kanila.” (Quran 4:124)

Gayunman kinikilala ng Islam na ang pagkakapantay-pantay ay hindi nangangahulugang pareho ang mga kalalakihan at kababaihan. Isinasaalang-alang ang kanilang mga pagkakaiba-iba sa pisikal, kalikasan at pag-uugali. Hindi ito isang katanungan ng mas nakakahigit o mas mahina, sa halip isang katanungan ng likas na kakayahan at pagkakaroon ng iba't ibang mga tungkulin sa buhay. Ang mga batas ng Islam ay makatarungan at patas at isinasa-alang-alang ang mga aspeto na ito. Ang mga kalalakihan ay naatasan ng tungkulin na magtrabaho at magbigay para sa kanilang pamilya at ang kababaihan ay naatasan ng tungkulin ng pagiging ina at pagsasa-ayos ng bahay. Gayunpaman isinasaad ng Islam na ang mga tungkulin ay hindi eksklusibo o hindi nakaka-angkop o di pwedeng maiba. Ang mga kababaihan ay maaaring magtrabaho o maglingkod sa lipunan at ang mga kalalakihan ay may kakayahan na akuin ang responsibilidad para sa kanilang mga anak o sa kanilang sambahayan. Tandaan din na kapag ginusto ng kababaihan na magtrabaho ang pera na kanilang kinikita ay para lamang sa kanilang sarili subalit ang isang lalaki ay dapat magbigay ng pinansyal para sa buong pamilya.

9.Ang tao ay may kakayahan na pagsisihan ang mga nakaraang gawain at magbago

Naniniwala ang mga Muslim na ang lahat ng mga miyembro ng sangkatauhan ay may kakayahang makapagbago; bilang karagdagan naniniwala sila na ang posibilidad na magtagumpay sa pagbabago ay mas malaki kaysa sa posibilidad ng pagkabigo. Ang paniniwalang ito ay nagmula sa katotohanan na ibinigay ng Diyos sa tao na mga paraan upang magbago, hindi lang isang beses ngunit paulit-ulit hanggang sa lumapit na ang Araw ng Paghuhukom. Nagpadala ang Diyos ng mga Sugo at Propeta sa bawat bansa. Ang ilan ay kilala natin mula sa Quran at mga tradisyon ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang iba ay kilala lamang ng Diyos.

"At sa bawat Ummah (isang pamayanan o isang bansa) ay mayroong isang Sugo; kung ang kanilang Sugo ay dumating, ang mga bagay-bagay ay hahatulan sa pagitan nila ng may katarungan, at sila ay hindi gagawan ng mali.” (Quran 10:47)

Hindi pinananagot ng Diyos ang tao hanggang sa malinaw na ipinakita sa kanya ang tamang paraan.

“...At hindi Kami nagpaparusa hanggang sa makapag-padala Kami ng Sugo.” (Quran 17:15)

Kasabay nito ay responsable tayong hanapin ang katotohanan at sa paghanap nito ay dapat nating tanggapin ito at baguhin ang naaayon sa ating buhay. Ang mga nakaraang masamang gawain ay maaari nang iwanan. Walang kasalanan na hindi mapapatawad!

“Ipagbadya 'O Ibadi (Aking mga alipin) na nagkasala (sa pagsuway) laban sa kanilang kaluluwa (sa pamamagitan nang paggawa nang masasamang asal at kasalanan)! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah; sapagkat katotohanang si Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.'” (Quran 39:53)

Ang isang tao ay dapat samantalahin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng taimtim na pagsisisi sa nakaraan o kung dati siyang hindi mananampalataya, sa pamamagitan ng pagbalik-loob sa relihiyong Islam. Ang bawat tao ay dapat magsikap patungo sa kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsasama ng pananampalataya, paniniwala at kilos.

10. Mahal ng Diyos ang kagandahan sa lahat ng mga anyo nito

Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), "Walang makakapasok sa Paraiso na may katiting na pagmamataas sa kanyang puso." Sinabi ng isang lalaki, "Paano kung gusto ng isang tao na ang kanyang mga damit ay magmukhang maayos at ang kanyang sapatos ay magmukhang maganda?" Sinabi niya, "Ang Diyos ay maganda at nagmamahal sa kagandahan. Ang pagmamataas ay nangangahulugang pagtanggi sa katotohanan at pagiging matapobre." [1]

Ang kagandahan ay kabaligtaran ng pangit. Ang kagandahang umiiral sa pagkalikha ay nagpapatunay sa kagandahan ng Diyos pati na rin ang Kanyang kapangyarihan. Siya na lumikha ng kagandahan ang pinaka may karapatan sa kagandahan. At sa katunayan ang Paraiso ay pinalamutian ng kagandahang lampas sa pag-iisip ng tao. Ang Diyos ay maganda at ito ang dahilan kung bakit ang pinakadakila sa lahat ng kasiyahan sa Paraiso ay ang pagtingin sa Mukha ng Diyos. Sabi ng Diyos,

“Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan. Na nagmamalas sa kanilang Panginoon (Allah).” (Quran 75: 22-23)

Tinutukoy Niya ang Kanyang mga pangalan bilang pinakamagaganda:

“At (ang lahat) ng Pinakamagagandang Pangalan ay angkin ni Allah, kaya’t Siya ay tawagin ninyo sa mga Pangalang yaon...” (Quran 7:180)

Ang Isang tanyag na iskolar ng Islam na si Ibn al-Qayyim, kahabagan siya ni Allah, ay may sinasabi tungkol sa kagandahan sa Islam:

“Ang Diyos ay dapat kilalanin para sa kagandahan na walang katulad na anumang bagay, at Siya ay dapat sambahin sa pamamagitan ng kagandahan na Kanyang gusto sa mga salita, gawa at pag-uugali. Gusto Niya na ang Kanyang mga alipin na pagandahin ang kanilang mga dila ng katotohanan, pagandahin ang kanilang mga puso ng taimtim na debosyon, pag-ibig, pagsisisi at tiwala sa Kanya, at pagandahin ang kanilang mga kasanayan nang may pagsunod, at pagandahin ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang mga pagpapala sa kanila sa kanilang damit at pagpapanatili nito sa pagiging dalisay at walang anumang dumi o karumihan, sa pamamagitan ng pag-alis ng mga buhok na dapat alisin, sa pamamagitan ng pagtutuli, at sa pamamagitan ng pag-gupit ng mga kuko. Sa gayon kinikilala nila ang Diyos sa pamamagitan ng mga katangiang ito ng kagandahan at naghahangad na mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng magagandang salita, gawa at pag-uugali. Kinikilala nila Siya para sa kagandahan na Kanyang katangian at sinasamba nila Siya sa pamamagitan ng kagandahang itinakda niya at ng Kanyang relihiyon.”[2]



Mga talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] al-Fawaa’id (1/185)

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat