Sino ang mga Saksi ni Jehova? (bahagi 2 ng 3): Ang Katapusan ng mga Araw
Paglalarawanˇ: Hinuhulaan ng mga Saksi ni Jehova ang isang pangyayaring ipinahayag lamang ng Diyos sa Kaniyang Sarili.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 11 Sep 2012
- Nag-print: 5
- Tumingin: 7,142 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mga Saksi ni Jehova (JW) ay isang pandaigdigang relihiyon na may mga miyembro sa higit sa 200 na mga bansa. Ito ay isang denominasyong Kristiyano, ngunit maraming mga pangunahing Kristiyano ang mariing tumututol sa paniniwala ng JW. Ayon sa Orthodox Presbyterian Church, "Ang mga Saksi ni Jehova ay may isang huwad na relihiyong Kristiyano. Nangangahulugan na nagpapanggap itong Kristiyanismo, ngunit sa katotohanan ay hindi. Ang kanilang mga turo at kasanayan ay hindi naaayon sa Banal na Kasulatan”.[1]
Sa unang bahagi natutunan natin nang kaunti ang tungkol sa kasaysayan ng relihiyong JW at natuklasan na sila ay medyo bagong relihiyon, na nabuo noong 1870. Nabanggit natin ng konti ang kanilang mga paniniwala at ang kanilang pagkahumaling sa mga teorya ng Katapusan ng mga Araw at ngayon sa pangalawang bahagi ay higit pa nating sasaliksikin ng mas malalim ang maraming mga hula sa pagtatapos ng mga araw na hindi naganap.
Ang pag-aaral ng Katapusan ng mga Araw, na mas tamang tawagin na eschatology, ay ang sentro ng paniniwala ng JW. Ang pinagmulan nito ay tila nagmula sa mga paniniwala na itinaguyod ni Nelson Horatio Barbour, isang maimpluwensyang Adbentistang manunulat at tagapaglathala, na mas kilala sa kanyang kauganayan kay Charles Taze Russel, na sa kalaunan ay naging kasalungat. Ang sumusunod ay isang pinaikling paliwanag tungkol sa mga orihinal na eskatolohikal na paniniwala ng JW tulad ng ipinaliwanag sa kanilang website.
“Ang Ikalawang Adbentista na nauugnay kay Nelson H. Barbour ay umaasa sa isang nakikita at dramatikong pagbabalik ni Kristo noong 1873, at kalaunan noong 1874. Sumang-ayon sila sa iba pang mga grupo ng Adbentista na ang "oras ng katapusan" (tinatawag din na "mga huling araw") ay nagsimula na noong 1799. Hindi nagtagal matapos ang pagkabigo noong 1874, tinanggap ni Barbour ang ideya na si Kristo ay talagang bumalik sa lupa noong 1874, ngunit hindi nakikita. Ang 1874 ay itinuturing na pagtatapos ng 6,000 taon ng kasaysayan ng tao at ang simula ng paghatol ni Kristo. Si Charles Taze Russell at ang pangkat na kalaunan ay nakilala bilang mga Estudyante ng Bibliya ay tinanggap ang mga pananaw na ito mula kay Barbour."[2]
“Ang Armageddon ay magaganap noong 1914. Mula 1925–1933, lubhang binago ng Watchtower Society ang kanilang mga paniniwala matapos ang kabiguan ng mga inaasahan para sa Armageddon noong 1914, 1915, 1918, 1920, at 1925. Noong 1925, ipinaliwanag ng Watchtower ang isang malaking pagbabago na si Kristo ngayon ay iniluklok bilang Hari sa langit noong taong 1914 sa halip na 1878. Noong 1933, ito ay malinaw na itinuro na si Kristo ay bumalik nang hindi nakikita noong 1914 at ang "mga huling araw" ay nagsimula din noon.”[3]
Ang mga pananaw na ito ay lubhang naiiba mula sa kung ano ang itinataguyod ng JW ngayon at talagang nakapagtataka na tila wala silang problema sa mga pangunahin at makabuluhang pagbabago sa kanilang sistema ng paniniwala. Ang 1914 na marahil ang pinakamahalagang petsa sa eschatology ng JW. Ito ang unang petsa ng Armageddon na hula ni Russell[4], ngunit ng hindi ito naganap ito ay binago "na ang mga taong nabuhay noong 1914 ay buhay pa rin sa oras ng Armageddon"; subalit noong 1975 ang mga taong ito ay mga mamamayang may-edad na.
“Sa panahon ng 1960 at unang bahagi ng 1970, maraming mga Saksi ang pinasigla ng mga artikulo sa kanilang panitikan at higit pang hinikayat ng mga tagapagsalita sa kanilang mga pagtitipon bago ang 1975, upang maniwala na ang Armageddon at milenyong paghahari ni Kristo ay magsisimula ng 1975. Bagaman ang pananaw ng Armageddon at ang milenyong simula ni Kristo noong 1975 ay hindi ganap o malinaw na suportado ng Watch Tower Society, marami sa departamento ng pagsusulat ng mga organisasyon, pati na rin ang ilang nangungunang mga Saksi, mga Nakatatanda, at mga punong tagapangasiwa sa samahan, ay mabigat na iminungkahi na ang milenyong paghahari ni Kristo sa buong mundo ay magsisimula sa taong 1975.”
Humantong noong 1975 na ipinagbili ng JW ang kanilang mga tahanan, umalis sa kanilang mga trabaho, padalus-dalos na ginastos ang kanilang mga ipon, o naipon ang libu-libong dolyar na utang. Gayunpaman lumipas ang 1975 nang walang mahalagang pangyayari. Matapos na walang kaganapang ganito maraming tao ang umalis sa JW, ayon sa ilang mga JW mismo umabot hanggang 1979 bago nagsimulang makabawi at dumami muli ang kanilang mga bilang. Opisyal na pinananatili ng mga Saksi na darating ang Armageddon habang ang henerasyon na nakakita noong 1914 ay nananatiling buhay. Pagsapit ng 1995, dahil sa mabilis na pagbaba ng populasyon ng mga miyembro na buhay noong 1914, napilitang opisyal na alisin ng JW ang isa sa kanilang pinakakilalang katangian.
Ngayon ipinaglalaban ng mga Saksi na ang 1914 ay isang mahalagang taon, na minamarkahan ang pagsisimula ng "mga huling araw." Ngunit hindi na nila itinalaga ang anumang palatakdaan ng oras sa pagtatapos ng "mga huling araw," mas pinipiling sabihin ngayon na ang anumang henerasyon na nabuhay mula noong 1914 ay maaaring makita ang Armageddon. Ang Armagedon ay naiintindihan na ang pagkawasak ng lahat ng mga gobyernong nasa lupa sa pamamagitan ng Diyos, at pagkatapos ng Armageddon, palalawakin ng Diyos ang kanyang makalangit na kaharian at isasama ang lupa.[5]
Naniniwala ang JW na ang mga patay ay unti-unting mabubuhay sa "araw ng paghuhukom" na tatagal ng isang libong taon at ang paghatol na ito ay batay sa kanilang mga gawa pagkatapos ng muling pagkabuhay, hindi sa mga nakaraang gawa. Sa pagtatapos ng libong taon isang huling pagsubok ang magaganap kapag ibinalik na si Satanas upang mailigaw ang perpektong sangkatauhan at ang magiging resulta ay isang ganap na sinubok, niluwalhating sangkatauhan.[6]
Paano maihahambing sa Islam ang kahulugang ito ng "mga huling araw"? Ang pinakamahalaga at malinaw na pagkakaiba ay hindi hinuhulaan ng Islam ang petsa kung saan magsisimula ang mga huling araw o hindi rin nito hinuhulaan ang petsa para sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung kailan ito magaganap.
Tatanungin ka ng mga tao tungkol sa oras, sabihin mo, 'ang kaalamanng ito ay sa Diyos lamang’. (Quran 33:63)
Katotohanan, ang Oras ay paparating na, at ito ay aking sinadyang ilingid upang bawat tao ay makatanggap ng kanyang gantimpala ayon sa kanyang pinagsumikapan. (Quran 20:15)
"Wala sa langit at lupa ang nakakaalam sa mga nakalingid maliban sa Diyos, at hindi nila malalaman kung kailan sila bubuhaying muli."(Quran 27:65)
Ang isa pang malinaw na pagkakaiba ay ang konsepto ng Huling Araw, habang ang mga Kristiyano at huwad na mga Kristiyano ay naniniwala sa isang pangwakas na labanan sa pagitan ng mabuti at masama, na kilala bilang Armageddon, walang ganoong bagay sa Islam. Itinuturo ng Islam na ang kasalukuyang daigdig na ito ay nilikha na may isang tiyak na pagsisimula at magkakaroon ng isang tiyak na pagtatapos na mamarkahan ng mga kaganapan sa eskatolohiko. Kasama sa mga kaganapang ito ang pagbabalik ni Hesus. Ang oras ng kasaysayan ay magwawakas at susundan ng isang muling pagkabuhay ng lahat ng mga tao at isang panghuling paghuhukom.
Sa pangatlong bahagi ay tatalakayin natin ang iba pang mga paniniwala na waring katulad ng sa Islam ngunit walang pangunahing konsepto na katanggap-tanggap sa mga Muslim. Susubukan din nating tingnan kung bakit ang ilan sa mga paniniwalang ito ay humantong sa pagtanggi ng maraming mga denominasyong Kristiyano sa mga Saksi ni Jehova na nag-aangking isang Kristiyanong pangkat.
Mga talababa:
[1] (http://www.opc.org/qa.html?question_id=176)
[2] (http://www.watchtowerinformationservice.org/doctrine-changes/jehovahs-witnesses/#8p1)
[3] Ibid.
[4] Ang pangwakas na labanan sa pagitan ng mabuti at kasamaan ay itinataguyod ng karamihan sa mga denominasyong Kristiyano.
[5]Ang Watchtower, iba't ibang mga edisyon, kabilang ang Mayo 2005, Mayo 2006 at Agosto 2006.
[6] Ibid.
Magdagdag ng komento