Sino ang mga Saksi ni Jehova? (bahagi 1 ng 3): Mga Kristiyano o mga miyembro ng kulto?
Paglalarawanˇ: Ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 11 Sep 2012
- Nag-print: 5
- Tumingin: 8,350 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Noong 2011 tinatayang mayroong higit sa 7.6 milyong mga Saksi ni Jehova sa higit sa 109 libong mga kongregasyon, sa higit sa 200 na mga bansa.[1] Tulad ng iminumungkahi ng pangalan, ito ay isang ebanghelikal na relihiyon. Ang mga miyembro, ng parehong kasarian at ng lahat ng edad, ay aktibong pumupunta sa bahay-bahay, sinusubukan na ibahagi ang kanilang salin ng Bibliya sa publiko sa kanilang mga komunidad. Maaaring napansin mo ang mga ito sa iyong sariling pamayanan; karaniwang mga maliliit na grupo ng pamilya, lahat ay bihis na bihis. Kumakatok sila sa mga pintuan at tumitimbre na nag-aabot ng panitikan at nag-aanyaya sa iyo na pag-isipan ang mga malalaking katanungan sa buhay, tulad ng, Paano mo nais na mabuhay sa isang mundo na walang sakit at kahirapan? Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi dapat mapagkamalang mga Mormon, pares ng mga binata na karaniwang nakasuot ng itim na amirekano (kasuutan). Noong 2012, ang mga Saksi ni Jehova ay gumugol ng 1.7 bilyong oras sa gayong mga gawaing pang-ebanghelista at namahagi ng 700 milyong mga pamplet at mga libro.[2]
Itinuturo ng mga Saksi ni Jehova ang hindi pakikipagtulungan sa tinuturing nilang kapangyarihan ni Satanas sa lupa, at ito, ay ipinapakita sa pagtanggi sa pagsaludo sa anumang watawat, o tumulong sa anumang pagsisikap sa digmaan na nagdulot ng hidwaan sa mga kapitbahay at gobyerno at naging dahilan upang sila ay hindi sumikat sa maraming mga bansa, lalo na sa Hilagang Amerika at sa buong Europa. Noong 1936 sa buong Estados Unidos ang mga batang Saksi ni Jehova ay pinalayas mula sa mga paaralan at madalas na inilalagay sa mga bahay ampunan. Noong pangalawang Digmaang Pandaigdig ang mga Saksi ni Jehova ay labis na inusig. Ang pag trato ng Nazi Germany ay partikular na malupit at libu-libo ang namatay sa mga kampo. Ang relihiyon ay ipinagbawal sa Canada noong 1940 at Australia noong 1941. Ang ilang mga miyembro ay nabilanggo at ang iba ay ipinadala sa mga kampo para sa sapilitang pagtatrabaho. Sinasabi ng mga katunggali ng relihiyon na pinili ng mga Saksi ang isang sadyang landas ng pagkamartir upang mapatunayan ang isang doktrina na nagsasabing ang mga nahihirapan para sa kaluguran ng Diyos ay inuusig.[3]
Bagaman sila ay hindi isang sarado o mapaglihim na relihiyon marami sa atin ang kaunti ang kaalaman tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Sa katunayan ang kanilang mga pinagmulan ay matutunton pabalik sa 1870 Pennsylvania USA, nang si Charles Taze Russell (1852-1916) ay nagtatag ng isang grupo ng pag-aaral sa Bibliya. Ang matinding mga aralin ng grupo ay humantong sa mga miyembro na tanggihan ang maraming tradisyunal na paniniwala ng Kristiyano. Pagsapit ng 1880, 30 mga kongregasyon ang nabuo sa pitong estado ng Amerika. Ang mga pangkat na ito ay nakilala bilang Watch Tower, at kalaunan ang Watchtower Bible at Tract Society. Noong 1908, inilipat ni Russell ang punong tanggapan nito sa Brooklyn, New York kung saan nananatili hanggang ngayon. Kinuha ng pangkat ang pangalang "Mga Saksi ni Jehova" noong 1931 habang sa pamumuno ni Joseph Franklin Rutherford.
Ang Jehova ay isang Ingles na salin ng pangalan para sa Diyos sa Mga Banal na Kasulatan at kinuha ni Rutherford ang pangalang ito mula sa isang sipi sa Bibliya, sa Isaiah 43:10. Ang Bibliya ng Saksi ni Jehova, na kilala bilang New World Translation ay isinalin ang talatang ito bilang, "'Kayo ang aking mga saksi,' ang sabi ni Jehova, 'maging ang aking lingkod na aking pinili. . . , '". Ang mga Saksi ni Jehova ay lumago mula sa mapagpakumbabang simulain noong ika-19 na siglo sa Pennsylvania hanggang sa ika-21 na siglo na pandaigdigang samahan na suportado ng multinasyonal na operasyon ng Watch Tower Society. Ang pagbibigay-diin ng Samahan sa paglalathala at pamamahagi ng mga magasin, libro, at pamplet na nauugnay sa kilusan ay pinakinabangan ng mga makabagong teknolohiya.[4]Sa kabila nito ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo ay patuloy na sinisirang puri at inuusig.
Ang mga hindi Kristiyano ay may posibilidad na maniwala na ang mga saksi ni Jehova ay isang relihiyon na Kristiyano at tinawag ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang sarili bilang isang denominasyong Kristiyano, gayunpaman maraming mga Kristiyano sa buong mundo ang hindi sumasang-ayon. Ang ilan ay mariing tumututol, na sa ilang mga bansa ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova ay pinasimulan ng patakaran ng gobyerno. Ang samahan ng Canada na "Religious Tolerance" ay nakatanggap ng maraming elektronikong liham na tumututol sa paggamit ng terminong Kristiyano kapag tinutukoy ang isang Saksi ni Jehova, na ang kanilang website ay nagbigay ng babala. "Mangyaring huwag magpadala sa amin ng mga mapang-abusong elektonikong liham... Hindi ito opisyal na website ng Saksi ni Jehova." Ano ang tungkol sa pangkat na ito, denominasyon, sekta o kulto na ikinagagalit ng mga tao?
Sa kanilang sariling mga salita, nakikita ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga sarili bilang isang buong kapatiran sa buong mundo na lumampas sa mga pambansang hangganan at nasyonal at etnikong katapatan. Naniniwala sila na mula nang ipinahayag ni Kristo na ang kanyang kaharian ay hindi bahagi ng mundo at tumanggi na tanggapin ang isang makamundong korona, dapat din silang manatiling hiwalay sa mundo at umiwas sa pagkakasangkot sa politika.[5]
Ang isang napaka-ikling pagmamasid sa pananampalataya ng mga Saksi ni Jehova ay waring nagpapakita ng isang larawan ng isang pangkat na may hawak ng paniniwala na tulad ng sa Islam. Naniniwala sila sa Isang Diyos at sa kategoryang tutol sa ideya ng isang Trinidad. Ang homoseksuwalidad ay isang malubhang kasalanan, ang mga tungkulin ng kasarian ay malinaw na tinukoy, iniiwasan nila ang mga pagdiriwang na nagmula sa paganong paniniwala, at sinasalungat nila ang katapatan sa anumang uri ng gobyerno na hindi batay sa mga batas ng Diyos. Iyon ba ang Islam? Sapagkat mula sa pananaw na ito ay tiyak na hindi Kristiyanismo gaya ng karaniwang naiintindihan.
Kung titingnan natin ng mas malalim ang sistema ng paniniwala ng JW ay mapag-aalaman natin na sa kabila ng mga unang pagpapakita ay napakakaunti ng pagkakapareho nito sa Islam maliban marahil na pareho silang mga relihiyon na umaasa ng isang malaking pangako mula sa kanilang mga miyembro. Ang isang pagsusuri sa mga pangangatuwiran sa likod ng kanilang mga paniniwala ay nagpapakita ng isang kamalian sa pag-unawa sa mga konsepto na kilala sa mga Muslim. Ang kanilang mga paniniwala ay nagsasama rin ng maraming impormasyon tungkol sa Pagtatapos ng mga Oras o Pagtatapos ng mga Araw. Sinabi nila sa ilang mga okasyon na ang katapusan ng mundo na alam natin ay malapit na, gayunpaman ang mga petsa na ito ay dumating at lumipas ng halos hindi napansin.
Sa pangalawang bahagi titingnan natin ng mas malalim ang mga teorya at petsa ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa huling mga oras, ihahambing natin ito sa sinasabi ng Bibliya at Islam tungkol sa Araw ng pagtatapos. Atin ding susuriin ng may matalinong pag-unawa sa yaong mga paniniwala na pakiwaring sumasang-ayon sa Islam at tutuklasin ang mga konsepto na hindi katanggap-tanggap sa parehong pangunahing mga Kristiyano at mga at Muslim.
Mga talababa:
[1] (http://www.watchtower.org/e/statistics/worldwide_report.htm)
[2] (http://www.religioustolerance.org/witness.htm)
[3] Barbara Grizzuti Harrison, Visions of Glory, 1978, kabanata 6.
[4]http://www.patheos.com/Library/Jehovahs-Witnesses/Historical-Development.html
[5] Gene Owens; Nieman Reports, Fall 1997. (http://www.bbc.co.uk/religion/religions/witnesses/beliefs/beliefs.shtml)
Magdagdag ng komento