Jesus Freaks: Sino Sila?

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang paghahambing sa pagitan ng mga hippies, Kristiyano, Jesus at Muslim! Mga alaala ng isang nagbalik-Islam.

  • Ni Laurence B. Brown, MD
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 21 May 2023
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 4,209 (araw-araw na pamantayan: 3)
  • Marka: 3.7 mula sa 5
  • Nag-marka: 102
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 1
Mahina Pinakamagaling

Jesus_Freaks_001.jpgNoong ako ay bata pa, habang lumalaki sa ikaanimnapu at ikapitumpung dekada ilang bloke lamang mula sa kilalang distrito ng Haight-Ashbury sa San Francisco, napapalibutan ako ng kilusang hippie. Ito ay panahon ng “turn on, tune in, drop out” ng kalayaang sekswal, rebolusyong pangkultura at kapabayaan ng lipunan.

Buti nalang, hindi ako napasali sa kilusan ng hippie, ngunit dahil sa sobrang lapit lamang nito sa akin, hindi ko maiwasang obserbahan ang pagsulong nito. Isang bagay na malinaw kong naalala ay kung paanong marami sa mga hippie ang binansagang “Jesus freaks.” Sa aking pagbabaliktanaw sa mga alaala ng aking kabataan, na pagkaraan ng mga halos apat na dekada , ang pangutyang bansag na ito ay tumatak sa akin bilang sadyang kakaiba. Ang mga hippies ay itinuring na “Jesus freaks” dahil sila'y nagdadamit katulad ng ginawa ni Hesus, nagpahaba ng kanilang buhok katulad ng ginawa niya, tinalikdan ang materyalismo katulad ng kanyang ginawa, at nagpalaganap ng debosyon sa Diyos, kapayapaan, kawang-gawa at pangkomunidad na pagmamahal.

Ngayon, marami sa mga pumasok sa landas na ito'y nahulog sa paggamit ng mga nakalalangong gamot at pagkahilig sa walang pakundangang pakikipagtalik—mga gawi na malayo sa halimbawa ni Hesus—ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit itong mga hippie ay tinawag na Jesus Freaks. Sa halip, sila ay tinawag na Jesus Freaks dahil sa kanilang mahabang buhok, maluwag na kasuotan, disiplina sa sarili, pangkomunidad na pagkakaisa, at pagiging maluwag, lahat ay bunga ng kanilang pagsisikap na mamuhay katulad ni Hesus. Ang 'The House of Love and Prayer', na malapit sa mga abenida, ay lugar kung saan nagtitipon ang marami sa mga 'mabubuting kaluluwang' ito, ang titulo ng institusyon ay sumasalamin sa kanilang pinagtutuunan sa buhay.

Sa pagbabalik-tanaw, ang tila kakaiba ngayon para sa aki'y hindi ang pagnanais ng mga tao na bigyang katauhan ang kaugalian ni Hesus, ngunit dahil sa sila'y tinutuligsa ng iba dahil dito. Ang tila mas kakaiba ay ang kakaunti lamang sa mga Kristiyano, sa modernong panahon, ang tumutugma sa anyong ito. Katotohanan, ang pinaka kakaiba para sa akin, bago pa man ang aking pagyakap sa Islam, ay tila ang mga Muslim ang nagbibigay katauhan sa mga pag-uugali ni Hesus higit pa sa mga Kristiyano.

Ngayon, ang pagpapahayag na ito ay nangangailangan ng kapaliwanagan, at ito ay ganito: Bilang panimula, ang Kristiyanismo at Islam ay parehong itinuturing si Hesus bilang propeta ng kanilang relihiyon. Gayunpaman, samantalang ang mga katuruan ni Hesus ay nawala na sa doktrina at gawi ng marami sa mga Kristiyano (tingnan ang aking artikulong 'Where is the ''Christ'' in ''Christianity'''?), ang mga katuruan na ito ay nirerespeto at nakikita sa Islam.

Tingnan natin ang ilan sa mga halimbawa.

Hitsura

1.Si Jesus ay may balbas, ganoon din ang karamihan sa mga Muslim, ngunit bihira lamang sa mga Kristiyano.

2.Si Hesus ay disenteng nanamit. Kung ipipikit natin ang ating mga mata at bubuo ng larawan sa ating isipan, maluwag na roba ang ating makikita, mula sa galing-gingan hanggang bukong-bukong—tulad sa maluwag na thobe ng mga Arabo at shalwar kameez ng mga Indo-Pakistano, na tipikal sa mga Muslim na nasa mga lugar na ito. Ang hindi natin maiisip ay ang lantad at kaakit-akit na kasuotang normal sa kulturang Kristiyano.

3.Ang ina ni Hesus ay nagtalukbong ng kanyang buhok, at ang gawi na ito ay pinanatili ng mga kababaihang Kristiyano sa Banal na Lupain hanggang sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo. Muli, ito ay gawi na nananatili pa rin sa mga Muslim gayundin sa mga tradisyonal na Hudyo (kung saan si Hesus ay nagmula), ngunit hindi sa mga modernong Kristiyano ngayon.

Mga Kaugalian

1.Si Hesus ay nakatuon sa kaligtasan at tinalikdan ang pagiging magara. Gaano karami sa “matutuwid” na mga Kristiyano ang akma sa deskripsyong “Hindi lamang ito para sa linggo”? Ngayon, gaano naman karami ang “limang beses na pagdarasal sa isang araw, at bawat araw sa buong taon” sa mga Muslim?

2.Si Hesus ay nagsalita ng may pagpapakumbaba at may taglay na kabutihan. Hindi siya “nagmalaki”. Kung iisipin natin ang kanyang mga pananalita, hindi natin maiisip na madrama. Siya ay simpleng tao na kilala sa mabuting katangian at pagging tapat. Ilan sa mga mangangaral at ilang mga ebanghelista ang sumusunod sa halimbawang ito?

3.Tinuruan ni Hesus ang kanyang mga disipulo na magbigay ng pagbati ng “Kapayapaan” (Lucas 10:5), at nagbigay ng halimbawa: “Ang kapayapaan ay mapasaiyo” (Lucas 24:36, Juan 20:19, Juan 20:21, Juan 20:26). Sino ang nagpapatuloy sa pagsagawa nito hanggang ngayon, mga Kristiyano ba o mga Muslim? “Ang kapayapaan ay mapasaiyo” ay ang kahulugan ng pagbati ng mga muslim na, “Assalamu alaikum”. Kagiliw-giliw, matatagpuan rin natin ang pagbati na ito sa Judaismo (Genesis 43:23, Bilang 6:26, Aklat ng Mga Hukom 6:23, I Samuel 1:17 at 1 Samuel 25:6).

Mga Kagawiang Pang-relihiyon

1.Si Hesus ay tinuli (Lucas 2:21). Tinuro ni Pablo na hindi ito kinakailangan (Roma 4:11 at Galacia 5:2). Ang mga Muslim ay naniniwalang ito'y kinakailangan.

2.Si Hesus ay hindi kumain ng baboy, sa pagsunod sa batas ng Lumang Tipan (Leviticus 11:7 at Deuteronomio 14:8) Ang mga Muslim ay naniniwala rin na ang baboy ay ipinagbabawal. Ang mga Kristiyano ... bweno, alam mo na.

3.Si Hesus ay hindi nagbigay o nakinabang mula sa utang na pinapatubuan, sa pagsunod sa pagbabawal nito sa Lumang Tipan (Exodu 22:25). Ang pagpapatubo sa utang ay ipinagbabawal sa Lumang Tipan at sa Quran, tulad sa ito'y ipinagbabawal sa relihiyon ni Hesus. Ang ekonomiya ng marami sa mga bansang Kristiyano, ay nakadisenyo base sa pagpapatubo.

4.Si Hesus ay hindi naki-apid, at umiwas sa pakikisalamuha sa mga kababaihan na labas sa kasal. Ngayon, ang usapin na ito ay sumasaklaw sa pinaka-maliit na pakikisalamuha sa ibang kasarian. Liban sa pagsasagawa ng mga gawaing relihiyon at pagtulong sa nangangailangan, hindi kailanman humawak si Hesus ng babae maliban sa kanyang ina. Ang mga striktong tradisyonal na Hudyo ay napanatili ang gawi na ito hanggang sa mga araw na ito bilang pagsunod sa katuruan ng Lumang Tipan. Gayundin, ang mga Muslim na nagsasabuhay ng katuruan na hindi nakikipaghawak kamay sa ibang kasarian. Ang pagtitipon ba ng Kristiyano na may “yakapin ang iyong kapitbahay” o “humalik sa babaeng ikakasal” ay maari bang magpahayag ng pagkakapareho?

Pamamaraan ng Pagsamba

1.Nilinis ni Hesus ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghuhugas bago magdasal, katulad sa pamamaraan ng matutuwid na mga Propetang nauna sa kanya (tingnan sa Exodo 40:31-32 ang patungkol kay Moses at Haron), at gayundin ang pamamaraan ng mga Muslim.

2.Si Hesus ay nanalangin na nagpapatirapa (Mateo 26:39), katulad sa ibang mga propeta (tingnan sa Nehemiah 8:6 ang patungkol kay Ezra at sa mga tao, sa Joshua 5:15, Genesis 17:3 at 24:52 ang kay Abraham, Exodo 34:8 at Bilang 206 para kay Moses at Haron). Sino ang nagdarasal na katulad noon, mga Kristiyano ba o mga Muslim?

3.Si Hesus ay nag-ayuno ng higit sa isang buwan (tingnan sa Mateo 4:2 at Lucas 4:2), katulad sa ibang matutuwid na nauna sa kanya (Exodo 34:28, 1 Mga Hari 19:8), at katulad sa ginagawa ng mga Muslim na taunang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

4.Si Hesus ay nagsagawa ng paglalakbay sa layuning pagsamba, tulad sa hinahangad na magawa ng mga tradisyonal na Hudyo. Ang paglalakbay ng mga Muslim patungong Mecca ay kilala, at ito ay nabanggit sa Bibliya (tingnan sa una at huling kautusan).

Usapin Hinggil sa Doktrina

1.Ipinangaral ni Hesus ang kaisahan ng Diyos (Marcos 12:29-30, Mateo 22:37 at Lucas 10:27), katulad ng ipinarating sa unang kautusan (Exodo 20:3). Saan man ay hindi niya inihayag ang Trinidad.

2.Inihayag ni Hesus ang kanyang sarili bilang isang tao at isang propeta ng Diyos (tingnan sa taas), at saanman ay hindi siya nagpahayag ng pagka-diyos o pagiging banal na anak. Aling dokrina ang mas naaayon sa mga puntong nabanggit sa taas—ang konsepto ng Trinidad o ang ganap na pagtatangi sa kaisahan ng Diyos ng Islam?

Sa madaling salita, ang mga Muslim ang lumalabas na mga “Jesus freaks” ng modernong panahon, yan ay kung ang ibig nating sabihin sa katawagang ito ay 'mga taong namumuhay alinsunod sa batas ng Diyos at halimbawa ni Hesus.

Itinala ni Carmichael, “… sa buong henerasyon matapos ang kamatayan ni Hesus, ang kanyang naging tagasunod ay matutuwid na mga Hudyo at ikinarangal nila ito, nakaakit na maging kabilang sa kanila ang mga kasapi ng relihiyosong klase na mga propesyonal, at hindi lumihis kahit pa sa mga mahirap isagawang mga gawain sa pagsamba.”[1]

May magtataka kung ano ang nangyari sa pagitan ng mga pamamaraan ng unang henerasyon ng mga tagasunod ni Hesus at sa mga Kristiyano ng modernong panahon. Kasabay dito, dapat nating irespeto ang katotohanan na ang mga Muslim ay halimbawa ng mga katuruan ni Hesus kumpara sa ginagawa ng mga Kristiyano. Bukod pa rito, dapat nating tandaan na ang Lumang Tipan ay nagbigay ng propesiya sa tatlo pang darating na propeta. Si Juan Bautista at Hesus ang una at ikalawa, at si Hesu-Kristo mismo ay nagbigay propesiya para sa ikatlo at ikahuli. Kaya naman, pareho ang Lumang Tipan at Bagong Tipan na nagsasalita patungkol sa huling propeta, at tayo ay magiging mali kung hindi natin isasaalang-alang na ang huling propeta na ito ay si Muhammad, at na ang huling rebelasyon ay ang nasa Islam.

Copyright © 2007 Laurence B. Brown.

Patungkol sa may-akda:
Si Laurence B. Brown, MD ay maaring makausap sa pamamagitan ng email BrownL38@yahoo.com. Siya ang may-akda ng The First and Final Commandment ( ng Amana Publications) at Bearing True Witness (ng Dar-us-Salam). Ang mga parating na mga aklat ay mga kapanapanabik na makasaysayan, The Eighth Scroll, at ang ikalawang edisyon ng The First and Final Commandment, muling isinulat at hinati bilang MisGod'ed at ang karugtong nitong, God’ed.



Talababa

[1] Carmichael, Joel. p. 223.

Mahina Pinakamagaling
Mga komento ng gumagamit Tingnan ang mga komento

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat