Si Maria Luisa “Maryam” Bernabe, Dating Katoliko, mula sa Pilipinas (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Tayong lahat ay isinilang na may likas na kagustuhan na sumamba sa Diyos at ang aking paghahanap sa Kanya ay nagsimula sa napakamurang edad.
- Ni Maria Luisa “Maryam” Bernabe
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 11 Sep 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,221 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ika-11 ng Marso taong 2011 ang mitsa ng aking kompletong pagsubmita sa Diyos. Isinagawa ko ang aking shahadah (pagsaksi) matapos ang ilang buwan na pag-unawa sa katuruan ng Islam. Ang mga pangyayari na nagdala sa akin patungo sa Islam ay hindi naging madali. Ngunit Alhamdulillah (Ang Papuri at Pasasalamat ay mapasa Dakilang Tagapaglikha), ako ngayon, sa wakas ay isa ng Muslimah (isang babaeng Muslim).
Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang aking pagtahak tungo sa landas ng Islam.
Ako ay isang Romano Katoliko mula sa pagkapanganak. Ang aking ina ay isang madre sa loob ng ilang taon bago niya iwanan ang kumbento at pinalaki niya kami sa buhay na puno ng pagdarasal. Sa murang edad na pito, ipinaunawa na nya sa akin ang kabutihan ng pagsuko sa Diyos at pagtingin sa lahat ng mga nangyayari na itong mga ito ay paraan ng Diyos na paghahanda sa akin para sa mas mainam na bagay na paparating.
Sa pagkakahubog sa aking sarili ng personal na relasyon sa Diyos, lubos akong nakibahagi sa mga apostolikong gawain. Nagturo rin ako ng katekismo at pinarangalan ng Catechist of the Year Award noong ako ay nagtapos sa sekondarya. Kung saan pagkatapos, ang buhay ay naging walang tigil na paglalakbay sa pananampalataya.
Sa isang mahalagang punto ng aking buhay, ako ay nakapagtrabaho para sa isang pundasyong pang makatao na nakatuon tungo sa mga proyektong naglalayon na mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagdarasal kahit ano pa man ang kanilang relihiyon. Pinanghahawakan ng pundasyong ito ang paninindigan na 'tayong lahat ay magkakapatid, babae man o lalaki sa ilalaim ng pagiging ama ng Diyos'. Bago pa man ako mapasama sa pundasyong ito, ang aking buhay sa pananalangin ay nakasentro sa Pinaka Dakila at Makapangyarihang Diyos. Gayunpaman, syempre, bilang dumaan sa Katolikong kapamamaraanan ng pagpapalaki sa tahanan at paaralan, nabuo sa akin ang partikular na debosyon sa ilang mga santo ng simbahan, pagkilala sa kanila hindi bilang mas nakakababang diyos, kundi bilang kasama sa pananalangin sa aking mga layunin. May pagkakataon na tatanungin ko ang aking sarili kung sino sa mga santo ang mas mabisa na magdala ng paparating na mga biyaya. Kaya, sa huli ang mangyayari'y direkta na lamang akong magdarasal sa Diyos – ang Pinaka-Kataas taasan, ang Pinaka-Makapangyarihan, dahil alam ko na Siya naman talaga ang Pinaka-Pinagmumulan ng lahat na mga biyaya.
Noong natuklasan na mayroong Leukemia ang aking ina at sa huling bahagi ng kanyang karamdaman, ito’y punto ng purong paghihirap. Sa isang punto, gigising ako at magdarasal sa Diyos na pagpalitin na lamang kami ng posisyon ng aking ina nang sa gayon, ako na lang ang magdala ng kanyang karamdaman. ‘Yon ay walang katapusang paghahanap ng mapagkukunan sa pag-asa na magagamot ang aking ina ng makabagong medisina. Hanggang sa ang pari ng aming parokya at malapit na kaibigan ay nagsabi – ISUKO MO...ISUKO MO SA DIYOS. Matapos noon, naalala kong muli na isuko ang aking sarili, lalo na sa mga panahon na hindi na tinatanggap at tumutugon ang katawan ng aking ina sa chemotherapy.
Ang kamatayan ng aking ina ay isang mahalagang yugto sa aking buhay. Mula ng panahon na ‘yon, ang buhay ko ay naging patuloy na pakikibaka sa kompletong pagsuko at pagsubmita sa Diyos. Ang pagkamaka-ako ay nagtutulak sa akin na mas umasa ako sa aking mga plano – magsumikap para sa mga katuparan nito at matigas na ipagpatuloy kung ano ang aking kagustuhan sa kabila ng mga palatandaan at pahiwatig ng Diyos. Sa mga sandaling ‘yon natatagpuan ko lamang ang kapayapaan sa tuwing ako’y sumusuko. Ngunit bilang ako ay tao, palagi akong nahuhulog pabalik sa mga patibong ng pagnanais ng mga bagay sa aking sariling paraan.
Matapos ang pagkamatay ng aking ina, nakatanggap ako ng alok para sa isang trabaho sa bansang Qatar. Ito ay noong 2003. Marahil, hindi pa ako handa ng mga panahon na ‘yon. Kumuha ako ng ibang trabaho sa Pilipinas yamang wala namang saysay ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa dahil patay na ang aking ina. Ano pa ang maging silbi sa pagkamit ng kita na aking ninanais noong panahong siya ay buhay pa upang matustusan ko ang kanyang mga pangangailangang medical at dalhin siya sa iba’t-ibang lugar? Wala na.
Noong 2006, isang hindi inaasahang tawag ang dumating para sa isang interbyu mula sa isang Germanong amo na may malaking proyekto sa Qatar. Ang Qatar ay muling nagpa-anyaya at may pag-aalinlangan man, ako'y pumunta sa interbyu dahil na rin sa payo ng aking ama na sumubok. Hindi ako umaasa na matatanggap sa trabahong 'yon ngunit ang mga senyales habang nagaganap ang interbyu ay pinaniwala ako na ang naturang trabaho nga ay para sa akin. Sa loob ng isang buwan, pagkalipas ng araw na ‘yon, dumating ako sa Qatar. Inakala ko na tanging ang oportunidad na kumita ng mas malaki ang maibibigay ng Qatar. Nakakagulat, ito ay nagbigay sa akin ng isang bagay na mas malalim pa roon.
Sa aking pagkakahubog bilang Katoliko, nakatatak na sa aming mga isipan na ang layunin ng buhay ay para KUMILALA, MAHALIN, at MAGLINGKOD SA DIYOS. Katotohanan, likas na sa tao ang magpatuloy sa paghahanap ng kabuluhan ng buhay. Ang walang hanggang paghahanap sa bantog na 'bukal ng buhay' ay nag-ugat sa pag-asam ng tao sa kabuluhan at layunin ng buhay. Liban na lamang kung matagpuan na ng tao ang kanyang hinahanap, siya ay hindi titigil kailanman. Kaya naman, siya ay hindi kailanman titigil sa anuman at bibili ng oras at kalusugan para maipagpatuloy ang kanyang pakikibaka. Ang milyong mangbabasa na nagdala sa aklat na “The Purpose Driven Life” sa kalagayan nito bilang isa sa pinakamabiling aklat, ay ang mismong patotoo kung gaano karaming tao ang tunay na nasa paghahanap ng patutunguhan at layunin sa buhay.
Sa edad na 8 o 9, tinanong ko ang aking ina - “Nasaan ang Diyos bago ang pagkakalikha?”. Sinabi ko sa kanya na ako'y naglalaan ng oras habang ang mata'y nakapikit at basang-basa sa pawis dahil sa lubos na konsentrasyon para lamang mailarawan sa aking isipan ang mga sumusunod ng nasa ayos - ang aking posisyon at kinalalagyan, ang mga ulap, ang bughaw na langit, ang buwan, ang siyam na mga planeta, sa labas ng Milky Way para lamang matagpuan ang malawak na kalawakan. Sa luwag at lapad ng kalawakang ito, ang Diyos ay nakahihigit pa rito at nasa ibabaw nito...”Noong wala pa ang kahit anuman, saan Siya naroroon?” udyok ko pa. At napabulalas ang aking ina nang may ngiti sa labi at ako'y niyakap – “Nag-iisip ka na nang ganyan?” tanong niya. At sinabi niya pagkatapos, “Ganyan anak, ganyan kadakila at kawalang hanggan ang ating Diyos. Siya ay lagpas sa kapasidad ng ating isipan ngunit maniwala ka sakin, Siya ay naroon sa Kanyang Kinaroroonan”.
Ang paghahangad at pag-asam ng tao - mapa bata man o matanda, ay hindi para sa mga materyal na bagay, o emosyonal at pisikal na kasiyahan...kundi ito'y para sa lahat ng mga ito at higit pa rito. Lahat tayo simula pa sa pagkasilang ay nasa paghahanap sa Diyos. Tayo ay ginawa upang kumilala, mahalin, at maglingkod at ngayon, bilang isang Muslimah, hayaan niyong idagdag ko ang isa pa – upang sumamba sa Diyos na may pagtatangi sa Kanya.
Sa aking paghahanap sa Diyos sa buong buhay ng aking paglalakbay, ako ay nagpupuri sa Kanya para sa Kanyang paggabay sa akin tungo sa landas ng Islam.
Magdagdag ng komento