Tayo ba ay Nag-iisa? (bahagi 1 ng 3): Ang Mundo ng Jinn (Espiritu)
Paglalarawanˇ: Ano ang mga Jinn?
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 5
- Tumingin: 6,543 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa buong kasaysayan ang sangkatauhan ay dati ng nahuhumaling sa mga kababalaghan. Ang mga espiritu, mga multo at iba pang mga kakaibang nilalang ay umukupa sa ating mga kaisipan at kinuha ang ating mga imahinasyon. Ang mga kakaiba at mapanlinlang na mga di nakikitang nilalang ay minsang umaakay sa mga tao upang makagawa ng mga malalaking kasalanan – gaya ng Shirk.[1] Ang mga espiritu ba ay totoo? Sila ba ay higit pa sa mga guni-guning imahinasyon, o mga hinulmang anino mula sa usok at ilusyon? Buweno, ayon sa Islam sila ay talagang totoo. Mga espiritu, multo, banshees (babaeng espiritu na sumisigaw na nagbabadya ng kamatayan), multo, at guniguni ay maaaring maipaliwanag ng sinumang nakakaunawa sa konpeto ng Islam patungkol sa mga espiritu – ang mundo ng mga Jinn.
Ang Jinn, ay isang salita na hindi gaanong bago sa pandinig ng mga nagsasalita ng Ingles. Pansinin ang pagkakahalintulad sa pagitan ng Jinn at Geni. Sa telebisyon at mga pelikula naitanghal nila ang kanilang parte na naglalarawan ng mga genie bilang mapaglarong mga nilalang na may kakayahang tuparin ang lahat ng kahilingan nang sangkatauhan. Ang geni sa palabas na seryeng “I Dream of Jeanie” ay isang dalagitang babae na palaging gumagawa ng kapilyahan, at sa Disney ang animadong palabas na “Aladdin”, ang genie ay inilarawan bilang isang rouge (pilyong puno ng kolorete) na mapagmahal. Sa kabila nito, lumalabas na ang jinn ay hindi kabahagi sa di mapanganib na mala engkatandang kwento; sila ay talagang tunay at kayang magdulot ng bantang panganib sa sangkatuhan.
Gayunpaman ang Diyos, ang Ganap na Marunong, ay hindi tayo pinabayaang walang kalaban-laban. Kanyang ipinaliwanag ng malinaw ang likas na katangian ng jinn. Alam natin ang kanilang pamamamaraan at ang kanilang mga layunin sapagka’t ang Diyos ay inihayag sa atin ang mga bagay na ito sa Quran at mga nakagawian ng Propeta Muhammad, sumakaniya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos. Kanya tayong binigyan ng “mga sandata” upang protektahan ang ating mga sarili at malabanan ang kanyang mga panghihimok. Gayunpaman ang una, ay nararapat na maging malinaw sa atin nang husto ang patungkol sa kung ano nga ba ang mga jinn.
Ang salitang Arabe na Jinn ay mula sa pandiwa na ‘Janna’ at ito’y nangangahulugan ng pagtago o pagkubli. Tinawag itong Jinn sapagka’t itinatago nila ang kanilang mga sarili mula sa paningin ng mga tao. Ang mga salitang janeen (bilig o foetus) at mijann (kalasag) ay nagmula din sa parehas na salitang-ugat.[2] Ang Jinn, gaya ng iminumungkahi ng kanilang pangalan, ay karaniwang nakatago sa mga tao. Ang Jinn ay bahagi ng nilalang ng Diyos. Sila ay nilikha mula sa apoy bago ang pagkalikha kay Adan at sa sangkatauhan.
"At katiyakan, Aming nilikha ang tao mula sa tuyong (tumutunog) na luwad ng nagbabagong anyo ng putik. At ang Jinn, sila ay Aming nilikha noong una bago likhain si Adan mula sa walang usok na Apoy." (Quran 15:26-27)
Ayon sa kagawian ng Propeta Muhammad ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag, ang jinn ay mula sa apoy at ang sangkatauhan ay mula sa “kung ano ang inilarawan sa inyo”. (ibig sabihin ay luwad).[3] Ang Diyos ay naglikha ng mga anghel, jinn at mga tao nang walang ibang layunin kundi ang sambahin Siya.
“Hindi ko nilikha ang Jinn at mga tao liban na lamang na Ako’y sambahin.” (Quran 51:56)
Ang jinn ay umiiral sa ating mundo nguni’t ang mga ito ay namumuhay sa kanilang sarili. Ang jinn ay mayroong kakaibang katangian at anyo at sila ay nananatiling nakatago sa sangkatauhan. Ang jinn at ang mga tao ay may ilang karaniwang kaugalian, at ang pinakamahalaga na kung saan ay may laya at may kakayahang pumili sa pagitan ng mabuti at masama, tama at mali. Ang jinn ay kumakain at umiinom, sila ay nag-aasawa, nagkakaroon ng mga anak at namamatay.
“At katiyakan, Aming nilikha para sa Impyerno ang karamihan mula sa mga jinn at mga tao. Sila ay mayroong mga puso na hindi marunong makaunawa, at sila ay mayroong mga mata nguni’t hindi nakakikita, at sila ay mayroong mga tainga nguni’t hindi nakaririnig [ng katotohanan]. Sila yaong katulad ng kawan ng mga hayupan subali’t sila ang higit na naliligaw. Sila yaong mga hindi nagbibigay-pahalaga sa mga mensahe ni Allah at ng Kaniyang Sugo.” (Quran 7:179)
Ang pantas ng Islam na si Ibn Abd al Barr ay nagsabi na ang jinn ay mayroong maraming pangalan at iba’t ibang uri. Sa pangkalahatan, sila ay tinatawag na jinn; ang jinn na naninirahang kasama ng mga tao (namamalagi o naninirahan) ay tinatawag na Aamir, at kung ito naman ay ang uri ng jinn na kumakapit sa isang bata ito ay tinatawag na Arwaah. Ang masamang jinn ay madalas tawagin na Shaytaan (demonyo), kung mas matindi pa ang kasaaman nila, malademonyo, sila ay tinatawag na Maarid, at ang pinaka masama at malakas na jinn ay tinatawag na Ifreet (ang pangmaramihan nito ay afareet).[4] Sa mga kagawian ng Propeta Muhammad ang jinn ay nahahati sa tatlong klase; yaong mayroong mga pakpak at nakalilipad sa hangin, yaong nagiging kawangis ang mga ahas at aso, at yaong mga naglalakbay ng walang katapusan.[5]
Kabilang sa jinn ay yaong naniniwala sa Diyos at sa mensahe ng lahat nang mga Propeta ng Diyos at mayroon ding yaong mga hindi naniniwala. Mayroon ding yaong mga iniwan ang kanilang masasamang gawain at naging tunay na mananampalataya, matapat at mapagtiis.
“Sabihin [O’ Muhammad]: “ Ipinahayag sa akin na ang isang pangkat mula sa mga jinn ay nakinig, pagkaraan ay nagsabing; “Katotohanan, kami ay nakarinig ng isang kahanga-hangang pagbigkas [ng Quran]”. "Ito ay nagpapatnubay [tungo] sa matuwid, kaya kami ay naniwala rito at kailanman kami ay hindi magtatambal sa Aming Panginoon nang isa man [o ng anupaman].” (Quran 72: 1-2)
Ang jinn ay may pananagutan sa Diyos at sakop sila ng Kanyang mga kautusan at mga ipinagbabawal. Sila ay tatawagin upang papanagutin at maaaring makapasok sa alinman sa Paraiso o Impyerno. Ang mga jinn ay magiging lahad sa sangkatauhan sa Araw ng muling Pagkabuhay at ang Diyos ay kakausapin silang dalawa.
“O kayong mga lipon ng jinn at sangkatauhan, wala bang dumating sa inyong mga sugo mula sa inyong [sariling lahi] na binibigkas sa inyo ang Aking mga aayat [kapahayagan] at binabalaan kayo [tungkol] sa inyong pakikipagharap sa Araw na ito?” Sila ay magsasabi: “Kami ay sumasaksi laban sa aming mga sarili.” Ang buhay sa mundo ay luminlang sa kanila. At sila ay sasaksi laban sa kanilang mga sarili, na sila ay mga di-naniniwala.” (Quran 6:130)
Wari ay ating napag-alaman na ang mga kahima-himalang mga nilalang ay umiiral. Tayo ay hindi nag-iisa. Sila ay mga nilikha na namummuhay kasama natin, subali’t hiwalay sa atin. Ang kanilang pag-iral ay nagbigay kapaliwanagan sa maraming kataka-taka at nakababalisang mga pangyayari. Alam na natin na sa mga jinn ay mayroong mabuti at masama, kahit na ang mga gumagawa ng karalitaan at kasamaan ay mas higit ang bilang kaysa sa mga sumasampalataya.
Ang konsepto ng Shaytaan bilang isang nagkasalang anghel ay mula sa doktrina ng mga Kristyano, nguni’t ayon sa Islam ang Shaytaan ay isang jinn, hindi anghel. Ang Diyos ay nagsalita patungkol sa Shaytaan ng maraming beses na nakapaloob sa Quran. Sa ikalawang bahagi ating tatalakayin pa nang mas marami ang patungkol mismo kay Satanas at ano ang naging dahilan upang siya ay mawala sa habag ng Diyos.
Mga talababa:
[1] Shirk – ay ang kasalanang pagsamba sa diyus-diyosan o politiesmo. Itinuturo sa Islam na mayroon lamang nag-iisang Diyos, Mag-isa lamang, walang kasamahan, mga anak o mga tagapamagitan.
[2] Ibn Aqeel Aakaam al Mirjaan fi Ahkaam al Jaan. P7.
[3] Saheeh Muslim
[4] Aakaam al Jaan. 8.
[5] At Tabarani, Al Hakim & Al Bayhaqi.
Magdagdag ng komento