Ang Pamilya sa Islam (bahagi 3 ng 3): Pagiging Magulang.

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang maikling paglalakbay sa pamamagitan ng komprehensibong gabay sa pagiging mabuting magulang na itinuro ng Diyos at Kanyang Propeta, na pahapyaw na tinalakay dito, na may mga kadahilanan kung bakit ang mga Muslim ay sinusunod ang ganitong patnubay.

  • Ni AbdurRahman Mahdi (© 2006 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 22 Jun 2010
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 9,522 (araw-araw na pamantayan: 6)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Pagiging magulang

The_Family_in_Islam_(part_3_of_3)_001.jpgAng isa sa mga kadahilanan na gumagana ang Islamikong pamilya ay dahil sa malinaw na tukoy nitong istraktura, kung saan ang bawat miyembro ng sambahayan ay nalalaman ang kanilang tungkulin. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi:

"Bawat isa sa inyo ay pastol, at lahat kayo ay may pananagutan sa inyong mga kawan."(Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Ang ama ay ang pastol ng kanyang pamilya, nangangalaga sa kanila, nagtutustos para sa kanila, at nagsisikap na maging ulirang huwaran at gabay sa kanyang kakayahan bilang pinuno ng sambahayan. Ang ina ay ang pastol ng tahanan, nagbabantay nito at nagdudulot dito ng mabuti, mapagmahal na kapaligiran na kinakailangan para sa isang maligaya at malusog na buhay pamilya. Siya rin ang pangunahing responsable para sa gabay at edukasyon ng mga anak. Kung hindi dahil sa katotohanan na ang isa sa mga magulang ay tumanggap ng papel sa pamumuno, kung magkagayon hindi maiiwasang magkaroon ng walang tigil na pagtatalo at pag-aaway, na hahantong sa pagkasira ng pamilya - tulad ng pagkakaroon ng anumang samahan na kulang sa iisang hirarkiyang awtoridad.


"
Ang Diyos ay naglahad ng isang paghahalintulad: isang (alipin) taong pag-aari ng maraming magkasosyo, na nagtatalo sa bawat isa at ang isa namang tao na pag-aari lamang ng isang tao. Sila bang dalawa ay magkatulad sa paghahambing? Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay ukol sa Diyos! Ngunit karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam." (Quran 39:29)

Makatarungan lamang na ang likas na pisikal at emosyonal na mas malakas sa dalawang magulang ang siyang ginawang pinuno ng sambahayan: ang lalaki.

"...At sila (mga babae) ay may mga karapatan (sa kanilang mga asawa) katulad (sa mga karapatan ng kanilang asawa) sa kanila - ayon sa paraang matwid. Ngunit ang mga kalalakihan ay nakahihigit (sa tungkulin, atbp.) sa kanila..." (Quran 2:228)

Para naman sa mga anak, ang mga bunga ng pagmamahalan ng kanilang mga magulang, ang Islam ay nagbigay ng komprehensibong mga moral na nag-uutos sa responsibilidad ng magulang at ang pagganting tungkulin ng anak sa mga magulang nito.

"At pakitunguhan ang inyong mga magulang ng may kabaitan. Kapag ang isa o silang dalawa ay umabot na sa katandaang gulang sa iyong piling, huwag mangusap sa kanila ng salitang (nagsasabi ng) kawalang-galang, ni hiyawan sila, bagkus mangusap sa kanila ng salitang kapita-pitagan. At ibaba ang iyong sarili sa awa para sa kanilang dalawa at manalangin ng 'Aking Panginoon! Maging maawain sa kanila tulad ng pag-aaruga nila sa akin nang ako ay maliit pa.'" (Quran 17:23-4)

Malinaw na, kung ang mga magulang ay nabigong itanim ang pagkatakot sa Diyos sa kalooban ng kanilang mga anak mula sa murang edad dahil sila mismo ay nagpabaya, kung gayon hindi nila maaaring asahan na makita ang matuwid na pasasalamat na bumalik sa kanila. Kung kaya, ang matinding babala ng Diyos sa Kanyang Aklat:

"O kayong mga mananampalataya! Pangalagaan ang inyong mga sarili at ang inyong mga mag-anak laban sa Apoy (Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato." (Quran 66:6)

Kung ang mga magulang ay talagang nagsikap na palakihin ang kanilang mga anak sa katuwiran, kung gayon, tulad ng sinabi ng Propeta:

"Kapag ang anak ni Adan ay namatay, ang lahat ng kanyang mga gawa ay natatapos maliban sa [tatlo, isang patuloy na kawanggawa, kapaki-pakinabang na kaalaman at] isang matuwid na anak na nananalangin para sa kanyang mga magulang." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Kahit ano ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak, at maging anuman ang kanilang sariling relihiyon (o kakulangan nito), ang pagsunod at paggalang ng isang anak na lalaki o babaeng Muslim na kailangang ipakita sa kanila ay pangalawa lamang sa pagsunod na ukol sa Tagapaglikha mismo. Kaya ang Kanyang paalala:

"At (alalahanin) nang Aming tanggapin ang kasunduan mula sa mga Anak ni Israel, (na nagtatagubiling): 'Huwag kayong sumamba maliban sa Diyos at maging masunurin at mabuti sa inyong mga magulang, at sa mga kamag-anakan, at sa mga ulila at sa mga dukha, at mangusap ng mabuti sa mga tao, at magsagawa ng pagdarasal, at magbigay ng kawanggawa.'" (Quran 2:83)

Sa katunayan, ito ay pangkaraniwang maririnig sa mga matatandang di-Muslim na nagbabalik sa Islam na ito ay bunga ng ibayo pang pangangalaga at pagsunod na ibinibigay ng kanilang mga anak sa kanila kasunod ng kanilang (ito ay ang mga anak) pagiging mga Muslim.

"Sabihin (O Muhammad): 'Halina, aking bibigkasin sa inyo kung ano ang ipinagbabawal ng inyong Panginoon sa inyo: Huwag kayong magbigay-katambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya; kayo ay maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang; huwag ninyong patayin ang inyong mga anak sanhi ng kahirapan - Aming ipagkakaloob ang panustos para sa inyo at para sa kanila..." (Quran 6:151)

Habang ang anak ay obligadong ipakita ang pagsunod sa dalawang magulang, ang Islam ay itinatangi ang ina bilang siyang karapat-dapat sa dakilang bahagi ng pagmamahal na pasasalamat at kabaitan. Nang ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tinanong, "O Sugo ng Diyos! Sino ang mula sa sangkatauhan ang karapat-dapat ng pinakamahusay na pakikisama mula sa akin?" Siya ay sumagot: "Ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong: "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong: "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay inulit: "Ang iyong ina." Muli, ang lalaki ay nagtanong: 'Pagkatapos ay sino?' Ang Propeta sa huli ay sinabi: "(Pagkatapos) ang iyong ama."[1]

At Aming itinagubilin sa tao na maging masunurin at mabait sa kanilang mga magulang. Ang kanyang ina ay pinasan siya ng may pagdurusa at siya ay isinilang ng may pagdurusa, at ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pagpapasuso sa kanya ay (30) buwan, hanggang nang matamo ang buong lakas at umabot sa apatnapung taon, kanyang sinabi: “O aking Panginoon! Bigyan Mo po ako ng lakas at kakayahang maging mapagpasalamat sa pagpapala na Iyong ibinigay akin at sa aking mga magulang, upang ako ay makagawa ng mga gawaing matwid na Iyong ikalulugod at gawin Mong matwid ang aking mga anak. Katotohanan, ako ay nagbabalik-loob sa Iyo sa pagsisisi at katotohanan, ako ay kabilang sa mga Muslim ( tumatalima sa Iyong Kalooban)." (Quran 46:15)

Konklusyon

Mayroong isang umiiral sa Islam na pangkalahatang prinsipyo na nagsasabing ang mabuti para sa isa ay mabuti para sa iba. O, sa mga salita ng Propeta:

“Wala sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga't kanyang mahalin para sa kanyang (mananampalatayang) kapatid ang anumang minamahal para sa kanyang sarili." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Tulad ng maaaring asahan, ang prinsipyong ito ay natagpuan ang pinakadakilang pagpapahayag nito sa isang pamilyang Muslim, ang diwa ng Islamikong lipunan. Gayunpaman, ang pagka-masunurin ng anak sa kanyang mga magulang ay, sa katotohanan, umaabot hanggang sa lahat ng mga matatanda ng pamayanan. Ang awa at pagmamalasakit na mayroon ang mga magulang para sa kanilang mga anak ay katulad din na para sa lahat ng mga kabataan. Sa katotohanan, ito ay hindi tulad na ang Muslim ay may pagpipilian sa ganitong mga bagay. Pagkatapos ng lahat, ang Propeta ay nagsabi:

"Siyang hindi nagpakita ng awa sa ating mga nakababata, ni paggalang sa ating mga nakakatanda, ay hindi kabilang sa atin." (Abu Dawood, Al-Tirmidhi)

Nakapagtataka ba, kung gayon, na napakaraming tao, na pinalaki bilang mga di-Muslim, ay natagpuan ang kanilang hinahanap, kung ano ang lagi nilang pinaniniwalaan na mabuti at totoo, sa relihiyon ng Islam? Isang relihiyon kung saan sila ay kaagad at maligayang tinatanggap bilang mga miyembro ng isang mapagmahal na pamilya.

"Ang pagiging matuwid ay hindi ang ibaling ang inyong mga mukha sa dakong silangan at kanluran. Bagkus, ang pagkamatwid ay ang siyang naniniwala sa Diyos, sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa Aklat, at sa mga propeta; na namamahagi ng yaman, sa kabila ng pagmamahal dito, sa mga kamag-anakan, sa mga ulila, sa mga dukha, sa mga manlalakbay, sa mga humihingi at ang nagpapalaya ng mga alipin. At (ang pagkamatwid ay) silang nagdarasal, nagbibigay ng kawanggawa, tinutupad ang kanilang mga kasunduan at ang nagtitiis (sa oras) ng pagdarahop, karamdaman at sa panahon ng pakikipaglaban. Sila yaong mga tao sa katotohanan at sila yaong mga may Takot sa Diyos.'' (Quran 2:177)



Talababa:

[1] Isinalaysay sa Saheeh al-Bukhari at Saheeh Muslim.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat