Ang mga Propesiya ng Quran
Paglalarawanˇ: Ang katuparan ng mga ibat-ibang mga propesiya sa banal na Quran ay malinaw na ebidensya na ito ay nagmula sa Banal na pinagmulan o mapagkukunan.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Mar 2024
- Nag-print: 1
- Tumingin: 4,062 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Quran ay nagpapaloob ng maraming propesiya na naisakatuparan na, subalit sa usaping ito tatalakayin lang natin ang lima sa kanila. [1] Ang unang dalawang propesiya ay nararapat na mabanggit at mapag usapan. Hindi katulad ng ibang mga banal na kasulatan sa mundo, ang Quran ay nagpropesiya ng pagkaka preserba nito mula sa banal na pangangalaga, at aming ipapaliwanag kung paano ito naisagawa.
Ang Pangangalaga ng Qur'an mula sa mga Pagbabago o Katiwalian.
Ang Quran ay may tinataglay na wala sa ibang mga banal na kasulatan, na ang Panginoon mismo ang mangangalaga nito mula sa mga pagbabago at kurapsyon. Ang Panginoon ay nagsabi:
"Katotohanang Kami ang nagpapanaog ng Dhkir o mga paalala at boung katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan (at katiwalian)." (Qur'an 15:9)
Ang Pagiging Madali ng Pagsasaulo ng Quran
Ang Panginoon ay ginawang madali ang pagsasaulo ng Quran:
"At katotohanang Aming ginawa ang Quran na madaling maunawaan at maala-ala, sino, pagkatapos, ang nais na seryusuhin ito?" (Quran 54:17)
Ang pagiging madali sa pagsasaulo ng Quran ay walang katulad. Wala ni alinmang banal na kasulatang pang relihiyon sa buong mundo na kasing dali na isaulo; kahit na di mga Arabo at kabataan ay nagagawa ito ng madali. Ang buong Quran ay kabisado ng bawat iskolar sa Islam at daan-daang at libu-libong mga ordinaryong mga Muslim, sa bawat henerasyon. Bawat isang Muslim ay nakakakabisado ng bahagi ng Quran na binabasa sa kanyang pagdadasal.
Dalawang Bahagi ng Propesiya
Bago ang pamamayagpag ng Islam, ang mga Romano at Persyano ang dalawang malalakas na pwersa sa boung mundo. Ang mga Romano ay pinamumunuan ni Heraclius (610-641 CE), isang Kristyanong Emperor, samantalang ang mga Persyano ay Zoroastriano na pinamumunuan ni Khosrow Parviz (namuno mula 590-628 CE), kung saan ang Emperyo ay nagtamo ng pinakamalaking pagpapalawak.
Nong 614, sinakop ng Persya ang Syria at Palestine, pagkakuha ng Jerusalem, ay sinira nila ang banal na Libingan at ang 'Tunay na Krus' ay dinala sa Ctesiphon. At noong 619, sinakop nila ang Ehipto at Libya. Nakipagkita si Heraclius sa kanila sa Thracian Heraclea (617 o 619), subalit ninais nilang hulihin siya, at hinabol siya ng mga ito hanggang sa Constantinopole at siya ay sobrang nagalit. [2]
Ang mga Muslim ay nagluksa ng matalo ang mga Romano sapagkat sila ay mas malapit sa mga Romanong Kristyano kaysa sa mga Zoroastriano na mga Persyano, subalit ang mga taga Mecca ay nagbunyi sa tagumpay na ito ng mga Persyano, para sa kanila ang pagkatalo ng mga Romano ay nagbabadya ng masamang pangitain ng pagkatalo ng mga Muslim sa kamay ng mga pagano. At sa mga sandaling iyon ang propesiya ng Diyos ang nagpalubag ng loob ng mga mananampalataya:
"Ang mga Romano ay nalupig - sa magkakalapit na lupain; datapuwa't sila, matapos ang pagkatalo ay makakabawi - sa loob ng sampung taon. Kay Allah ang pagpapasya bago at matapos: At sa araw na yaon, ang mga sumasampalataya ay magagalak sa tagumpay na igagawad ng Diyos. Tinutulungan Niya ang sinumang Kanyang naisin na tulungan, Siya ang Pinakamakapangyarihan at Pinakamahabagin." (Quran 30:2-4)
Ang Quran ay nagpropesiya ng dalawang tagumpay:
(i) Ang sinasabing magiging tagumpay ng mga Romano sa loob ng sampung taon laban sa mga Persyano, ay isang bagay na imposible kung iisipin sa mga panahon na iyon
(ii) Ang kasiyahan ng mga mananampalataya dahil sa pagkapanalo laban sa mga pagano
Ang dalawang propesiyang ito ay naganap.
Noong 622, ay iniwan ni Heraclius ang Constantinopole nang ang mga panalangin ay dumami mula sa mga sanktuwaryo dahil sa pagkapanalo laban sa mga Persyano na Zoroastriano at ang pagkasakop na muli ng Jerusalem. Ginugol niya ang buong dalawang taon sa pangangampanya sa Armenia. Noong 627, kanyang nakasagupa ang mga Persyano malapit sa Nineveh. Doon, ay napatay niya ang tatlong Persyanong Heneral sa sulong pakikipaglaban, napatay niya rin ang Komander ng mga Persyano, at ipinakalat sa mga Persyano. Pagkatapos ng isang buwan, Si Heraclius ay pinasok ang Dastagird sa gitna ng napakapaloob nitong nag-uumapaw na kayamanan. Si Khosrow ay napatalsik ng kanyang sariling anak, na nakipagkasundo naman kay Heraclius. Bumalik si Heraclius ng Constantinolpole na matagumpay at siya ay ipinagbunyi bilang isang bayani. [3]
At, noong taon 624 AH, natalo ng mga Muslim ang mga taga Mecca na di Muslim sa unang maparaan at mabilis na labanan sa Badr.
Sa pagkakadetalye ng isang Indyanong skolar:
"... isang linya ng propesiya na nagtutukoy at nauugnay sa apat na mga bansa at ang kapalaran ng dalawang pinakamalalaking emperyo. Lahat ito ay nagpapatunay lamang na ang banal na Quran ay Aklat ng Diyos."[4]
Ang Propesiya ng Pagkatalo ng mga Pagano
Ang Quran ay hinulaan ang pagkatalo ng mga di mananampalataya sa Mecca samantalang si Propeta Muhammad (pbuh) ng mga panahon na iyon at ang kanyang mga tagasunod ay pinahihirapan pa nila:
" O sila ba ay nagsasabi (mga taga Mecca na di mananampalataya): 'Kami ay nakararami sa bilang, at kami ay mananalo?' Karamihan sa kanila ay matatalo, ang karamihan sa kanila ay tatalikod at tatalilis (sa labanan)!" (Qur'an 54:44-45)
Ang propesiya ay ipinahayag sa Mecca, subalit naisakatuparan sa labanan ng Badr, dalawang taon pagkatapos na mangibang bayan papunta sa syudad ng Medina.
Ang Kapalaran ng mga Natatanging mga Nilalang
Si Waleed ibn Mugheera ay isang malupit na kalaban na hayagang iniinsulto ang Quran:
"At siya ay nagturing: Ito ay wala ng iba kundi salamangka, mula pa noong unang panahon; Ito ay walang iba kundi salita lamang ng tao!" (Quran 74:24-25)
Ang Quran ay nagpropesiya na hindi niya tatanggapin ang Islam kahit na kailan:
"Hindi magtatagal, Aking ihahagis siya sa apoy ng Impiyerno! At ano nga ba ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano Impiyerno? Ito ay di nagpapaubaya (sa sinumang makasalanan) Ito ay hindi nag-iiwan ng anumang bagay na di sunog."(Quran 74:26-28)
Si Waleed ay namatay sa katayuang di mananampalataya kagaya ng nasa hula o propesiya sa Quran.
At isa pa, ang tungkol kay Abu Lahab, isang masigasig na kalaban ng Islam, nahulaan na siya ay mamamatay na komokontra sa relihiyon ng Diyos.
"Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab, at (katotohanang) siya ay naglaho. Ang kanyang mga kayamanan at kanyang mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa kanya. Tiyak na siya ay itatapon at sisilaban sa naglalagablab na apoy." (Quran 111:1-3)
May tatlong partikular na propesiya na tumutukoy kay Abu Lahab:
(i) Ang pakikipagsabwatan ni Abu Lahab laban sa Propeta ay di magtatagumpay.
(ii) Ang kanyang kayamanan at mga anak ay di magiging kapakipakinabang sa kanya.
(iii) Siya ay mamamatay na kumukontra sa relihiyon ng Diyos at mapupunta sa impyernong apoy.
Si Abu lahab ay namatay din sa katayuang di mananampalataya gaya ng hula sa Quran. Kung si Waleed o Abu Lahab ay tinanggap ang Islam kahit na pakitang tao lamang, kokontrahin nito ang hula at ang mga banal na pinagkukunan!
At karagdagan pa, si Abu Lahab ay may apat na mga lalaking mga anak, dalawa sa kanila ay namatay sa murang edad sa kanyang kapanahunan. Ang iba niya namang mga anak na lalaki at babae ay yumakap sa Islam at siya ay nadismaya sa kanila. Sa huli siya ay namatay mula sa isang malubha at nakahahawang sakit; at ayaw ng mga tao na hawakan ang kanyang katawan sa takot na mahawa at siya ay tinambakan na lamang ng putik at mga bato para magsilbing kanyang libingan.
Ang pangunahing pundasyon para maniwala na ang aklat ay nagmula at rebelasyon mula Diyos ay panloob na katotohanan, anupaman ito, maging ito ay nagtutukoy sa mga nangyari sa nakaraan, sa mangyayari sa hinaharap o sa kasalukuyan. Gaya ng makikita, na napakaraming mga propesiya na nabanggit na mangyayari pa lamang, ang ilan ay naganap sa panahon na buhay pa ang propeta (pbuh), o naganap matapos siyang mawala. at ang iba naman ay di pa nangyayari.
Mga talababa:
[1] Para sa mas marami pang mga propesiya na matatagpuan sa Quran ay tingnan ang ‘Mercy For the Worlds,’ by Qazi Suliman Mansoorpuri, vol.3, p. 248 - 313.
[2] "Heraclius." Encyclopædia Britannica from Encyclopædia Britannica Premium Service.
(http://www.britannica.com/eb/article?tocId=9040092)
[3] "Heraclius." Encyclopædia Britannica from Encyclopædia Britannica Premium Service.
(http://www.britannica.com/eb/article?tocId=9040092)
[4]‘Mercy For the Worlds,’ by Qazi Suliman Mansoorpuri, vol.3, p. 312.
Magdagdag ng komento