Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 1 ng 7): Panimula

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang pagpapakilala sa pagkatao ni Abraham at ang mataas na posisyon na hawak niya sa Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam na magkakatulad.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 30 Jul 2023
  • Nag-print: 9
  • Tumingin: 17,009 (araw-araw na pamantayan: 11)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Story_of_Abraham_(part_1_of_7)_001.jpgAng isa sa mga propeta na binigyan ng pansin sa Quran ay ang propetang si Abraham. Ang Quran ay nagsasabi sa kanyang hindi matinag na paniniwala sa Diyos, una ay ang pagtawag sa kanya upang tanggihan ang kanyang mga tao at ang kanilang idolatriya (pagsamba sa mga diyus-diyosan), at kalaunan upang patunayan ang pagiging totoo sa iba't ibang mga pagsubok na inilalagay ng Diyos sa harap niya.

Sa Islam, si Abraham ay nakikita bilang isang mahigpit na monoteyistiko (Isang Diyos na sinasamba) na nag-anyaya sa kanyang mga tao sa pagsamba sa Diyos lamang. Dahil sa paniniwalang ito, nakaranas siya ng maraming paghihirap, at kahit paglayo rin sa kanyang pamilya at bayan sa pamamagitan ng paglipat sa iba't ibang lupain. Siya ay isang taong tumutupad ng iba't ibang mga utos ng Diyos kung saan, siya ay sinubukan, at nagpapatunay na totoo sa bawat isa rito.

Dahil sa lakas ng pananampalataya na ito, ang Quran ay nag-uugnay na ang nag-iisa at tanging tunay na relihiyon ay ang "Landas ni Abraham", kahit na ang mga propeta na nauna sa kanya, tulad ni Noah, ay tinawag sa parehong pananampalataya. Dahil sa kanyang walang pagod na pagkilos sa pagsunod sa Diyos, binigyan Niya siya ng tanging katawagan na "Khaleel", o minamahal na lingkod, na hindi ibinigay sa iba pang Propeta dati. Dahil sa kadakilaan ni Abraham, ginawa ng Diyos na ang mga propeta ay magmula sa kanyang lahi, mula sa kanila sina Ismael, Isaac, Jacob (Israel) at Moises, na gumagabay sa mga tao sa katotohanan.

Ang mataas na katayuan ni Abraham ay pare-pareho para sa mga Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Nakita siya ng mga Hudyo na halimbawa ng kabutihan habang tinutupad niya ang lahat ng mga utos bagaman bago pa man ipinahayag, at ang unang nakaintindi sa pagkakaroon ng Isang Tunay na Diyos. Siya ay tinuturing bilang ama ng napiling lahi, ang ama ng mga propeta na kung saan sinimulan ng Diyos ang kanyang sunod-sunod na mga kapahayagan. Sa Kristiyanismo, siya ay nakikita bilang ama ng lahat ng mga mananampalataya (Roma 4:11) at ang kanyang tiwala sa Diyos at sakripisyo ay kinuha bilang isang modelo para sa mga sumunod na mga santo (Hebreo 11).

Tulad ng pagbibigay ng kahalagahan kay Abraham, karapat-dapat na pag-aralan ng isang tao ang kanyang buhay at suriin ang mga aspeto na naglagay sa kanya sa antas na ibinigay sa kanya ng Diyos.

Bagaman hindi ibinigay ng Quran at Sunnah ang mga detalye ng buong buhay ni Abraham, binabanggit nila ang ilang mga katotohanang karapat-dapat tandaan. Tulad ng iba pang mga Quraniko at biblikal na mga pigura, ang Quran at Sunnah ay dinidetalye ang mga aspeto ng kanilang buhay bilang isang paglilinaw ng ilang mga maling paniniwala ng mga naunang isiniwalat na mga relihiyon, o ang mga aspeto na naglalaman ng ilang mga kasabihan at moral na karapat-dapat tandaan at pahalagahan.

Ang Kanyang Pangalan

Sa Quran, ang tanging pangalan na ibinigay kay Abraham ay "Ibraheem" ​​at "Ibrahaam", lahat ay tugma sa orihinal na ugat, b-r-h-m. Bagaman sa Bibliya si Abraham ay kilala bilang Abram sa una, at pagkatapos ay sinabi ng Diyos na baguhin ang kanyang pangalan bilang Abraham, ang Quran ay tahimik sa paksang ito, hindi nagpapatunay at hindi rin tinatanggi. Ang mga modernong iskolar ng Hudyo-Kristyano ay nagdududa, gayunpaman, sa kwento ng pagbabago ng kanyang mga pangalan at kani-kanilang kahulugan, na tinatawag itong "tanyag na paglalaro ng mundo". Inirerekomenda ng mga Asyriologist (mga nag-aaral sa kasaysayan ng Mesopotamia) na ang letrang Hebreo na Hê (h) sa diyalekto ng Minnean ay ang isinulat sa halip na isang mahabang 'a' (ā), at na ang pagkakaiba sa pagitan ng Abraham at Abram ay sa dayalekto lamang.[1] Ang kapareho ay maaaring sabihin para sa mga pangalang Sarai at Sarah, dahil ang kanilang mga kahulugan ay magkapareho.[2]

Kanyang Kinalakhang-bayan

Tinatayang ipinanganak si Abraham ng 2,166 taon bago si Jesus sa loob o sa paligid ng Mesopotamia[3] lungsod ng Ur[4], 200 milya sa timog-silangan ng kasalukuyang Baghdad [5]. Ang kanyang ama ay si 'Aazar', 'Terah' o 'Terakh' sa Bibliya, isang sumasamba sa idolo, na nagmula sa mga inapo ni Shem, na anak ni Noah. Ang ilang mga iskolar ng exegesis ay nagmumungkahi na maaaring siya ay tinawag na Azar dahil sa isang idolo na kung saan siya ay deboto.[6] Malamang siya ay Akkadian, isang Semitiko na tao mula sa Arabian Peninsula na nanirahan sa Mesopotamia sa kapanahunan ng ikatlong milenyo BCE.

Tila si Azar ay lumipat kasama ang ilan sa kanyang mga kamag-anakan sa lungsod ng Haran noong kabataan ni Abraham bago ang komprontasyon sa kanyang mga tao, bagama't ang ilang mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano[7] ay sinasabing ito ay sa bandang hulihan ng kanyang buhay pagkatapos na siya ay tanggihan sa kanyang sariling lungsod. Sa Bibliya, si Haran, isa sa mga kapatid ni Abraham ay sinasabing namatay sa Ur, "sa lupain ng kanyang kapanganakan" (Genesis 11:28), ngunit mas matanda siya kaysa kay Abraham, habang ang isa naman na kapatid niya na si Nahor ay pinakasalan ang anak na babae ni Haran (Genesis 11:29). Hindi rin binanggit ng bibliya ang paglipat ni Abraham sa Haran, sa halip ang unang utos ay ang lumipat palabas ng Haran, na para bang sila ay naninirahan na doon (Genesis 12: 1-5). Kung kukunin natin ang unang utos at ipakahulugan nang paglipat mula sa Ur patungong Canaan, tila walang dahilan na si Abraham na tumira kasama ang kanyang pamilya sa Haran, iniwan ang kanyang ama at nagtungo sa Canaan pagkatapos, dagdag pa ang pagiging imposible nito sa heyograpiya [Tingnan ang mapa].

Ang Quran ay binabanggit ang paglipat ni Abraham, ngunit ginawa niya ito pagkatapos na ihiwalay ni Abraham ang kanyang sarili mula sa kanyang ama at mga tribo dahil sa kanilang pagtanggi sa paniniwala. Kung siya ay nasa Ur sa oras na iyon, tila malabong sasamahan siya ng kanyang ama sa Haran matapos na hindi maniwala at pahirapan siya kasama ang kanyang mga kababayan. Kung bakit pinili nilang lumipat, iminumungkahi ng arkeolohikal na katibayan na ang Ur ay isang mahusay na lungsod na nakita ang pag-angat at pagbagsak nito sa buhay o kapanahunan ni Abraham[8], kaya maaaring napilitan silang umalis dahil sa mga paghihirap sa kapaligiran. Maaaring pinili nila ang Haran dahil sa pagkakapareho nito ng relihiyon tulad ng Ur[9].

The_Story_of_Abraham_(part_1_of_7)_002.jpg

Ang Relihiyon ng Mesopotamia

Ang mga pagtuklas ng arkeolohiko mula sa panahon ni Abraham ay nagpinta ng isang matingkad na larawan ng relihiyosong buhay ng Mesopotamia. Ang mga naninirahan dito ay mga polytheist (maraming diyos na simasamba) na naniwala sa isang pantheon (simbahan ng romano), kung saan ang bawat diyos ay may isang kumpol ng impluwensya. Ang malaking templo na nakalaan para sa Akkadian[10]na diyos ng buwan, ang Sin, ang pangunahing sentro ng Ur. Ang Haran ay mayroon ding buwan bilang panguluhang diyos. Ang templo na ito ay pinaniniwalaang pisikal na tahanan ng Diyos. Ang punong diyos ng templo ay isang idolo na kahoy na may iba pang mga idolo, o 'mga diyos', upang maglingkod sa kanya.

The_Story_of_Abraham_(part_1_of_7)_003.jpg

Ang Dakilang Ziggurat ng Ur, ang templo ng diyos ng buwan na si Nanna, na kilala rin bilang Sin. Ang kuha ay noong 2004, ang litrato ay sa kagandahang-loob ni Lasse Jensen.

Kaalaman sa Diyos

Bagama't nagkakaiba-iba ang mga iskolar ng Hudyo-Kristyano sa kung kailan nakilala ni Abraham ang Diyos, sa edad na tatlo, sampu, o apatnapu't walo[11], ang Quran ay tahimik sa pagbanggit ng eksaktong edad kung saan natanggap ni Abraham ang kanyang unang kapahayagan. Gayunpaman, tila totoo nga, noong siya ay bata pa, tinawag siya ng Quran na isang binata nang sinubukan siyang patayin ng kanyang mga tao dahil sa pagtanggi sa kanilang mga idolo, at sinabi mismo ni Abraham na mayroon siyang kaalaman na wala sa kanyang ama nang tinawag niya ito upang sambahin ang Diyos lamang bago ang kanyang panawagan ay kumalat sa kanyang mga tao (19:43). Ang Quran ay malinaw, gayunpaman, sa pagsasabi na siya ay isa sa mga propeta kung kanino ipinahayag ang banal kasulatan :

"Katotohan! ito ay nasa mga Aklat ng unang kasulatan. Sa mga Kasulatan ni Abraham at Moises." (Quran 87:18-19)



Mga talababa:

[1] Abraham. The Catholic Encyclopedia, Volume I. Copyright © 1907 by Robert Appleton Company. Online Edition Copyright © 2003 by K. Knight Nihil Obstat, March 1, 1907. Remy Lafort, S.T.D., Censor. Imprimatur. +John Cardinal Farley, Archbishop of New York. (http://www.newadvent.org/cathen/01051a.htm)

[2] Sarah. The Catholic Encyclopedia, Volume I. Copyright © 1907 by Robert Appleton Company. Online Edition Copyright © 2003 by K. Knight Nihil Obstat, March 1, 1907. Remy Lafort, S.T.D., Censor. Imprimatur. +John Cardinal Farley, Archbishop of New York.) (Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia.

[3] Mesopotamia: "(Mes·o·po·ta·mi·a) Isang sinaunang rehiyon ng timog-kanlurang Asya sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates sa modernong-araw na Iraq. Marahil ay nagsimula bago ang 5000 B.C., ang lugar ay tahanan ng maraming maagang sibilisasyon, kabilang ang Sumer, Akkad, Babylonia, at Assyria." (The American Heritage® Dictionary of the English Language, Fourth Edition
Copyright © 2000 by Houghton Mifflin Company.
)

[4] Ang ninuno ng mga taong Hebreo, na si Abram, ay, tulad ng pagkakasabi sa atin, na ipinanganak sa "Ur ng mga Chaldees." Ang "Chaldees" ay isang maling pagkakasalin ng Hebreong Kasdim, ang Kasdim ay ang pangalan ng Lumang Tipan ng mga taga-Babelonia, samantalang ang mga Chaldees ay isang tribo na nanirahan sa baybayin ng Persian Gulf, at hindi naging isang bahagi ng populasyon ng Babilonya hanggang sa panahon ni Hezekiah. Ang Ur ay isa sa pinakaluma at pinaka sikat sa mga lungsod ng Babilonya. Ang lugar nito ay tinawag na Mugheir, o Mugayyar, sa kanluran ng Euphrates, sa Timog Babilonya. (Diksyunaryo ng 1897 ng Easton). Ang ilang mga iskolar ng Hudyo-Kristyano ay nagsasabi na ang "Ur-Kasdim" na binanggit sa Bibliya ay hindi rin Ur, ngunit talagang ang lungsod ng Ur-Kesh, na matatagpuan sa hilagang Mesopotamia at malapit sa Haran (From Abraham to Joseph - The historical reality of the Patriarchal age. Claus Fentz Krogh. (http://www.genesispatriarchs.dk/patriarchs/abraham/abraham_eng.htm).

[5] Si Ibn Asakir, isang sikat na iskolar na Muslim at mananalaysay, ay nagpatunay din sa opinyon na ito at sinabi na ipinanganak siya sa Babilonya. Tingnan "Qisas al-Anbiyaa" ibn Katheer.

[6] Stories of the Prophets, ibn Katheer. Darussalam Publications.

[7] Dahil kaunti ang detalye tungkol sa buhay ni Abraham sa bibliya, ang karamihan sa karaniwang pinaniniwalaan tungkol kay Abraham ay nabuo sa pamamagitan ng iba't ibang mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano, na nakolekta sa Talmud at iba pang mga akdang rabbinical. Karamihan sa kung ano ang nabanggit sa bibliya pati na rin ang iba pang mga tradisyon ay itinuturing ng karamihan sa mga iskolar ng Hudyo-Kristyano bilang mga alamat, na karamihan sa mga ito ay hindi mapapatunayan. (Abraham. The Catholic Encyclopedia, Volume I. Copyright © 1907 by Robert Appleton Company. Online Edition Copyright © 2003 by K. Knight Nihil Obstat, March 1, 1907. Remy Lafort, S.T.D., Censor. Imprimatur. +John Cardinal Farley, Archbishop of New York.) (Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=360&letter=A#881)

[8] (http://www.myfortress.org/archaeology.html)

[9] (http://www.myfortress.org/archaeology.html)

[10] Akkad: "(Ak·kad) Isang sinaunang rehiyon ng Mesopotamia na sumasakop sa hilagang bahagi ng Babilonia." (The American Heritage® Dictionary of the English Language, Fourth Edition
Copyright © 2000 by Houghton Mifflin Company.)

[11] Gen R. xxx. Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=360&letter=A#881).

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat