Ang Nagkakaisang Kulay ng Islam (bahagi 2 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang pagkakapantay-pantay ng lahi na itinataguyod ng Islam at mga aktwal na halimbawa mula sa kasaysayan. Ika-2 bahagi: Mga halimbawa mula sa panahon ng Propeta.

  • Ni AbdurRahman Mahdi, www.Quran.nu, (edited by IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 06 May 2014
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 6,372 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Persyanong si Salman

Tulad ng karamihan sa kanyang mga kababayan, si Salman ay pinalaki bilang isang debotong Zoroastriano. Gayunpaman, matapos makasalubong ang ilang mga Kristiyano sa pagsamba, tinanggap niya ang Kristiyanismo sa pag-aakalang ito ay mas mainam’. Si Salman ay nagsagawa ng malawakang paglalakbay sa pagsasaliksik ng kaalaman, mula sa paglilingkod sa isang maalam na kristiyanong monghe at tungo sa isa pang monghe rin, kung saan ang huli ay nagsabi: O anak! Wala akong kilala na tulad sa atin (ang paniniwala). Gayunpaman, ang oras ng pagdating ng isang Propeta ay nalalapit na. Ang Propetang ito ay nasa pagsunod sa relihiyon ni Abraham. At nagpatuloy ang kristiyanong monghe sa paglalarawan sa naturang Propeta, ang uri ng kanyang katangian at kung saan siya lilitaw. Si Salman ay nangibang-bayan patungo sa Arabya, ang lupain kung saan binanggit na magmumula ang Propeta. At nang kanyang marinig ang patungkol kay Muhammad at kanya siyang makita, kaagad niya itong nakilala base sa pagkakalarawan ng kanyang guro at kanyang niyakap ang Islam. Si Salman ay naging tanyag sa kanyang kaalaman at ang pinaka-unang tao na nagsalin ng Quran sa ibang lenggwahe, ang lenggwaheng kanyang nakagisnan, wikang Persiano. May isang pagkakataon, habang ang Propeta ay kasama ng kanyang mga kasamahan, ang mga sumusunod ay inihayag sa kanya ng Tagapaglikha:

“Siya (Allah) ang naghirang ng Sugo (Muhammad) mula sa mga taong 'di-nagbabasa't di-nagsusulat (mga Arabo), mula sa kanilang lahi... at gayundin para sa iba sa kanila (hindi mga Arabo) na hindi pa sumama (bilang mga Muslim)...” (salin ng kahulugan ng Quran 62:2-3)

Inilagay ng Sugo ng Tagapaglikha ang kanyang kamay kay Salman at nagsabi (na ang salin ng kahulugan):

“Kahit na ang Eeman (ganap na paniniwala) ay naroon sa kinalalagyan ng Thurayyah (grupo ng mga bituin sa langit na tinatawag nilang Pleiades), katiyakang makakamit pa rin ito ng mga taong mula sa mga ito (mga Persiano)” (Saheeh Muslim)

Ang Romanong si Suhayb

Si Suhayb ay isinilang na may pribilehiyo sa marangyang tahanan ng kanyang ama, na isang gobernador sa ilalim ng Emperador ng Persia. Noong siya ay bata pa, si Suhayb ay naging bihag ng mga mananalakay mula sa Byzantine at ipinagbili bilang isang alipin sa Constantinople.

Kalaunan, si Suhayb ay nakatakas mula sa pagiging isang alipin at nagtungo sa Makkah, na noon ay tanyag bilang lugar na kanlungan ng mga takas, kung saan kalaunan siya ay naging isang maunlad na mangangalakal sa palayaw na 'Ar-Rumi', ang Romano, dahil sa kanyang tono na katulad sa mga taga-Byzantine at sa kanyang nakalakihan. Nang narinig ni Suhayb ang Propeta Muhammad na nangaral, siya ay agad na nakumbinsi sa katotohanang hatid ng mensahe ng Propeta at siya ay yumakap sa Islam. Katulad sa mga naunang mga Muslim, si Suhayb ay inusig ng mga pagano sa Makkah. Kaya naman, ikinalakal niya ang lahat ng kanyang kayamanan kapalit ng ligtas na paglalakbay upang makasama ang Propeta sa Madina, kung saan ang Propeta ay nasiyahan nang siya ay makita at siya ay binati ng tatlong beses (na ang salin ng kahulugan): 'Ang iyong pangangalakal ay naging mabunga [O Suhayb]! Ang iyong pangangalakal ay naging mabunga!’ Ipinagbigay-alam ng Tagapaglikha sa Propeta ang patungkol sa magandang ginawa ni Suhayb bago pa man sila muling magtagpo sa paghahayag (na ang salin ng kahulugan):

“At meron sa mga tao na handa nilang ipagpalit ang kanilang mga sarili para sa mithiing kalugdan sila ng Panginoong Allah, at ang Tagapaglikha ay Puspos ng Kabaitan sa Kanyang mga tagapagsamba.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:207)

Malaki ang pagmamahal ng Propeta kay Suhayb at kanya siyang inilarawan bilang nanguna sa mga Romano sa pagyakap sa Islam. Mataas ang pagkamaka-Diyos at katayuan ni Suhayb sa mga naunang Muslim na nang ang Khalifa na si Umar ay malapit nang bawian ng buhay, kanyang pinili si Suhayb para mamuno sa kanila hangga't hindi pa napagkasunduan ang magiging kahalili.

Ang Hebreong si Abdullah

Ang mga Hudyo ay isang pamayanan na kinasusuklaman ng mga Arabo sa panahon bago pa man dumating ang Islam sa kanila, (dahil sa pagiging suwail sa kautusan). Marami sa mga Hudyo at Kristiyano ang naghihintay sa isang bagong Propeta na magmumula sa Arabya sa kapanahunan ng Propeta Muhammad. Ang mga Hudyo, partikular na ang mga mula sa tribo ni Levi, marami sa kanila ang nanahan sa loob at palibot ng syudad ng Medina. Gayunpaman, nang dumating ang pinakahihintay na Propeta, hindi bilang isang Hebreo na anak ng Israel, kundi isang Arabo na mula sa hanay ni Ismael, ang mga Hudyo ay tumanggi sa kanya. Liban lamang sa iilan tulad ni Hussein ibn Salam. Si Hussein ang pinaka-maalam na rabbi at pinuno ng mga Hudyo na nasa Medina, ngunit siya ay tinuligsa at siniraan nang kanyang yakapin ang Islam. Si Hussein ay muling binigyang pangalan ng Propeta bilang 'Abdullah', na nangangahulugan na 'Tagapaglingkod ng Allah', at ipinaalam sa kanya ang magandang balita na siya'y kabilang sa mga mananahan sa Paraiso. Si Abdullah ay humarap sa kanyang mga katribo at nagsabi:

‘O kapulungan ng mga Hudyo! Maging mulat sa pagkamaka-Diyos at tanggapin kung ano ang dinala ni Muhammad. Sa 'ngalan ng Diyos! Tiyak na nalalaman niyo na siya ay Sugo ng Dakilang Tagapaglikha at makakahanap kayo ng mga propesiya patungkol sa kanya at binanggit ang kanyang pangalan at mga katangian sa inyong Torah. Aking ihinahayag na siya ay Sugo ng Dakilang Tagapaglikha. Ako ay naniniwala sa kanya at ako ay sumasang-ayon na siya ay makatotohanan. Ako ay kumikilala sa kanya.' At inihayag ng Dakilang Tagapaglikha patungkol kay Abdullah ang sumusunod na mga salita (na ang salin ng kahulugan):

“...samantalang ang isang saksi mula sa mga Angkan ng Israel ay sumasaksi na ang Qur'an ay mula sa Dakilang Tagapaglikha katulad sa Torah. At siya ay naniwala habang kayo ay tumanggi bilang pagmamataas...” (Quran 46:10)

Kaya, sa hanay ng mga kasamahan ni Propeta Muhammad ay matatagpuan ang mga Aprikano, Persiano, Romano at Israelita; mga kinatawan ng bawat kilalang kontinente. Kaugnay ng sinabi ng Propeta (na ang salin ng kahulugan):

“Katotohanan, ang aking mga kaibigan at mga kapanalig mula sa inyo ay hindi mula sa lipi ng sinuman. Sa halip, ang aking mga kaibigan at mga kapanalig ay ang mga tunay na maka-Diyos, sinuman at saan man sila naroon.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat